Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
2Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
ExpecialtyNiJuan

ExpecialtyNiJuan

Ratings:

4.67

(3)
|Views: 964|Likes:
Published by uploadie
Pamanahong Papel Ukol sa Exotic Foods
Pamanahong Papel Ukol sa Exotic Foods

More info:

Categories:Types, School Work
Published by: uploadie on Mar 20, 2009
Copyright:Traditional Copyright: All rights reserved

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC or read online from Scribd
See more
See less

01/30/2010

 
EXPECIALTY NI JUANIsang Pananaliksik Tungkol sa
 Exotic Foods
ng PilipinasDELA FUENTE, Ma. Edisa, DOMINGO, Jeselle Niña, INOFINADA, Niña Josefa,JEREZO, Jnyv, SANTIAGO, Kathrina Yvonne, SANTOS, Fatima Soraya mula sa INUR1ng Kolehiyo ng Narsing T.A 08-09 sa Patnubay Ni Gng. Zendel Manaois- Taruc, M.EdLayunin
Ang aming pamanahong papel ay may apat na layunin. Una, maipaalam ang nakagawianng mga Pilipino ukol sa pagkain. Kaugnay dito, isa sa mga ipinagmamalaki ng mga Pilipino ayang iba’t ibang potahe at pagkaing kanilang inihahanda. Pangalawa, makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng tao tungkol sa e
 xotic foods
dahil kaunti lamang ang mgamapagkukunan ng kumpletong impormasyon ukol dito. Pangatlo, makahanap ng mga iba’t ibang benepisyo ng pagkain ng e
 xotic foods
. Pang-apat, maitama o makumpirma ang mga maling akalaukol sa pagkain nito nang sa ganoon ay hindi tayo patuloy na naniniwala sa malingimpormasyon.
I. Kaugnay na Literatura
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na naglalaman ng mayamang kultura sa pagkain. Sinasabing kapag sinubukan mong tumikim ng mga nakaaakit na
delicacies
dito aymagugulat ka na lamang kung bakit nais mo ulit ito matikman. Kung sabagay, sa impluwensiyang mga dayuhan sa loob ng apat na siglo, masasabing ang
 Filipino Cuisine
ay may bahid na ngkultura ng Kanluran at Silangan. Marahil, ito na ang naging simula at dahilan ng kaniyangmayamang kulturang pampagkain (http://www.marimari.com/content/philippines/food/main. html,2004; Wikipedia, 2009).
Ano ang
 Exotic Foods
?
Ang mga
exotic foods
ay mga pagkaing hindi madalas hinahain sa hapag-kainan. Angmga pagkaing ito ay nagmumula sa mga hayop na hindi tipikal na ginagamit na sangkap sa pagluluto. Maaari ring karaniwang mga hayop silang kinakain ngunit dumadaan sa kakaibang paghahanda (http://www.marimari.com/content/philippines/food/ main.html, 2004; Cochranne,2009;http://www.mylot.com/w/discussions/1660307. aspx, 2009). Dahil sa hindi sila pangkaraniwan, madalas bansagan ang mga ito bilang nakadidiri o kundi naman, nakapang-uumay ng sikmura (Cochranne, 2009; http://www. mahalo.com/Disgusting_Food, 2009). Sakabila nito, ito ay isa sa nagpapayaman ng kultura ng Pilipinas sa pagkain (Bermosa, 2008;Guatlo, 2007; Sutherland, 2009).
Dahilan ng Pagkain ng
 Exotic Foods
Bakit kumakain ang mga Pilipino ng
exotic foods
? Una sa lahat, dahil sa matataas na bilihin ngayon, lumalabas ang pagiging mapamaraan ng mga Pilipino dahil ang iba sa mga ito aynagiging panawid gutom ng mga kapos, gutom at hirap sa buhay (Su, 2008). Makikita naman na
 
ang Pilipinas ay lubog sa kahirapan at panlima pa sa pinakagutom na bansa sa Asya noongnakaraang taon (Amojelar, 2008). Kung hindi isasaalang-alang ang mga kainang nagbebenta ngmga mamahaling
exotic foods,
marahil, ito na ang nagtulak sa pagbubukas ng pinto sa mga pagkaing ito. Pangalawa, ito ay pinaniniwalaang mas mura at mas praktikal na pagkain sa pang-araw-araw (Bermosa, 2008). Natatagpuan kasi ang mga ito sa pali-paligid lalung-lalo na sa mgalugar na rural (Cochranne, 2007; Calsifer, 2007). Pangatlo, ang mga Pilipino ay nagkakaroon nginteres at
curiosity
sa ganitong mga pagkain. Impluwensya mula sa mga kaibigang nakatikim naat sa mga haka-haka ang karaniwang nagbubunsod sa kanila upang matikman ang mga ito
.
Pang-apat at panghuli, ang pagkain ng mga ito ay kakabit na ng kulturang Pilipino. Sa mga okasyon osalu-salo, partikular sa inuman, minsan
exotic foods
ang hinahain bilang pulutan (Sutherland,2009; Maricar, 2008).
Mga Kilalang Lugar sa Pilipinas at Mga
 Exotic Foods
na Matatagpuan Dito
Ang
exotic foods
ay masasabing parte na ng kultura at buhay ng mga Pilipino. Ito aykabilang na sa mga bagay na nagpapayaman sa kaniyang kultura. Natutulungan nito ang pag-angat ng turismo sa bansa na siyang mapag-uusapan naman ng mas malago sa pagdaloy ng papelna ito.Ang Maynila ay isang malaking siyudad ngunit sa likod ng kaniyangmatatarok na mga lansangan at tanyag na mga gusali ay naglalaman din siya ngmga pagkaing nakapansisindak ng sikmura. Ang kalye ng Ongpin sa Binondo,Maynila ay pinamumugaran ng malaking industriya ng mga Tsino ngunit kungikaw ay magmamasid-masid lamang sa iyong madadaanan ay may mga kainangnaghahanda rin ng mga
exotic foods
. Pagong, ahas at ari ng baka ang pangunahin nilang mgatinda. “MASARAP!” ito ang karaniwang sagot ng mga taong napadadayo roon (PhilippineCuisine, 2008).Dalawang oras na biyahe mula sa Maynila papuntang hilaga, angProbinsya ng Pampanga ay iyong mararating. Ayon sa isang manunulat ngSunstar na nasubukan nang tumikim ng
exotic foods
dito, siya ay nagkaroon ng pagkakataon upang mamulat sa kultura ng lugar. Ayon sa kaniya, ang mgaKapampangan, kapag nakakikita sila ng mga insekto tulad ng kamarong lumilipad-lipad aykanilang hinuhuli at linuluto (http://www.sunstar.com.ph/static/pam/ 2008/08/27/feat/exotica. anyone..html, 2009).Ayon naman kay DZTP, ang Suyo, Ilocos Sur ay ipinagmamalaki ang
tukak 
o palaka nila na hindi pangkaraniwan. Ang mga ito raw ay maituturingna pinakamalilinis na palaka sa buong bansa. Mapapatotohanan ito dahil anglugar ay isang
upland municipality
kaya malilinis ang mga bagay namatatagpuan dito (http://dztp.wordpress.com/2008/09/30/suyo-exotic-foods/,2008).Mayroong isang kainan sa Kalayaan, Laguna na nagtataglay ngkakaibang mga pagkain. Gaya nga sa kaniyang pangalang Exotik GardenRestaurant
 ,
makikita na naglalaman siya ng mga pagkaing kakaiba. Naging
 
tanyag na ito kaya patuloy itong binibisita ng mga taong nakasubok nang tumikim ng kanilangmga handa (Backpacking Philippines, 2007).Tamilok naman ang pinagmamalaking yaman ng Palawan. Ito aynakukuha sa puno ng bakawan. Ito ay madalas hinahain ng hilaw atisinasawsaw sa sukang may kalamansi at sili. Nakadidiri kung tignan ngunitmalinamnam ang lasa ayon sa mga nakatikim na. Malaki ang tulong nito saPalawan sapagkat nagbubunga ito ng malakas na industriya at turismo(Ortiz, 2008; Enoch, 2008).Bago pa man tayo makarating sa dulo ng Pilipinas, ang Mindanao ayhindi magpapahuli. Mayaman sila sa
 silk worm
o iyong uod na nakukuha salupa na pinagtubuan ng niyog. Marami ang mga dayuhang patuloy nanaghahanap ng mga kainan sa Mindanao kung saan ito makikita sapagkattotoo nga raw na masarap ito at malinamnam (http://istambay.wordpress.com/2007/04/17/can-we-find-this-exotic-food-in-mindanao/, 2007).Kahit saan mang dako ka ng Pilipinas magpunta, mayroon talagang kani-kaniyangipagmamalaki ang bawat lugar. Sa kayamanan ng bansa sa
exotic foods
, tulad ng mga naitalakanina, ito ang isa sa tulong sa pag-angat ng kalidad ng kultura na mayroon ang Pilipinas. At itoay panghabang-buhay nang nakatatak (http://www.tourism.gov.ph/ discover/food.asp, 2009).
Epekto ng Patuloy na Pagkain ng Exotic Foods
Ayon sa mga kumakain ng
exotic foods
, nakatutulong ang mga ito sa pagpapalakas ngresistensya sa katawan ngunit wala pang masugid na pag-aaral ang nagsasabing totoo ang mganasabi. Kung minsan, nagiging sanhi pa ito ng masamang epekto sa katawan (Wikipedia, 2009).Gaya ng nasabi kanina, ang
exotic foods
ay mga hindi pangkaraniwang hayop na linuluto paramakain. Kalakip nito, nangangahulugang hindi siya karne ng baboy, baka, kalabaw, kambing,manok, mga isdang tipikal na handa sa kainan at iba pang madalas lutuing karne. Ibig sabihinnito, hindi sila mga hayop na napag-aralan na at maaaring kainin nang regular. Kumbaga, wala pang sapat na katibayan at pag-aaral na nagsasabing ligtas na itong kainin. Kapag nagkataon,maaaring magdulot ito ng mga sakit sa katawan ng tao. Kung hindi naman, kapag hindi maayosang pagkakahanda nito ay nagreresulta sa pamumugad ng mikrobyo sa ating katawan (Tan, 2008;Wikipedia, 2009). Subalit may ilang pag-aaral pa rin tulad nang kay Dr. Candida Adalla ng UPLos Baños na nagsasabing may ilan sa mga itinuturing na
exotic foods
ang naglalaman ngmayamang nutrisyong importante sa ating katawan. Binigyan diin niya ang mga kinakainginsekto. Sinabi niya na ang mga ito ay ligtas at nagbibigay pa ng 74% ng protina at 28% ngenerhiyang kailangan ng ating katawan sa isang araw. Sinabi pa niya na kung mapalalago pa angindustriya ng
 Insects as Livelihood Products
makatutulong ito sa paglago ng
 Agri-business
.Kumbaga ay may nutrisyon na, may tulong pa sa ekonomiya (SEARCA, http://www.malaya.com.ph/jun24/livi2.htm, 2009). Ngunit ayon sa iba’t ibang pag-aaral, ang malinis at maayos na pagluluto at paghahain ngmga ito ang pinakaimportante at pinakaligtas na gawin. Ito ay upang makaiwas sa mga mikrobyona maaaring magdulot ng sakit sa katawan ng tao (Tan, 2008; Science Daily, 2001; Agle, 2001).

Activity (2)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->