Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
40Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Buhay Bata - BAHAY at LANSANGAN Research Paper

Buhay Bata - BAHAY at LANSANGAN Research Paper

Ratings:

4.5

(2)
|Views: 29,029|Likes:
Published by sakusakusakura
A research paper written in Filipino about the street children of the Philippines.
A research paper written in Filipino about the street children of the Philippines.

More info:

categoriesTypes, Research
Published by: sakusakusakura on Mar 24, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, DOC, TXT or read online from Scribd
See More
See less

01/31/2014

pdf

text

original

 
“Buhay Bata sa BAHAY – LANSANGAN”
Isang pag-aaral sa buhay ng isang street childALMARIO, Caryl, AUSTRIA, Patrick, MATA, Louielyn, VILLERO, Ramsesmula sa 1-7, Kolehiyo ng Nursing sa patnubay ni Prof. Zendel Rosario Manaois-Taruc, M.Ed.
Introduksyon
Ang mga
 street children
, mga batang nasa edad na labing walo at pababa, ay ang mga batangnaninirahan sa lansangan. Hindi lahat sa mga ito ay kasama ang kanilang pamilya at walang permanentengtirahan. Wala silang proteksyon, gabay, at walang siguradong direksyon na kanilang tatahakin.Sa isang pag-aaral noong ika-17 ng Nobyembre taong 2006, nasa 220,000 ang bilang ng mga batanglansangan sa mga pangunahing lungsod sa bansa. Marami sa kanila ang nagmamakaawa para sa kaunting barya upang sila’y makabili ng pagkain. Marami din sa mga ito ang tumayong “
breadwinners”
ng kanilang pamilya.Sa research paper na ito malalaman ang buhay ng isang batang lansangan sa pamamagitan nginterbyu. Maipapakita rin dito ang kanilang mga naging trabaho at ang kanilang bagong buhay sa pangangalaga ng Virlanie Foundation, isang organisasyon na nangangalaga ng mga batang lansangan.Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa buhay ng mga street children. Nilalayon ng pananaliksik ang mga sumusunod:
Magbigay ng karapatang kaalaman tungkol sa mga batang lansangan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng depinisyon at kasalukuyang kalagayan ng mga ito.
Maglahad ng isang storya na naglalarawan ng mga naging karanasan sa buhay ng isang dating batanglansangan na kupkop na ng isang organisasyon at isang batang lansangan na kasalukuyangnaninirahan sa kalye.
Suriin at ipaliwanag ang mga nakuhang datos mula panayam sa mga bata. Kilatisin ang buhay,trabaho, pananaw sa buhay, kinakaharap na suliranin at epekto ng kahirapan sa mga batang lansangan.
Magmungkahi ng solusyon na maaring makatulong upang makatulong sa lumalalang kalagayan ngmga batang lansangan sa Pilipinas.Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraan na pakikipanayam upang makangalap ng datos sa pananaliksik. Ito ang pinakamagandang pamamaraan sapagkat malalaman ang mga detalye mula mismo samga pangunahing pinagbubuhatan o
 primary source
. Makikita rin natin ang iba’t ibang karanasan atkinalabasan ng mga ito sa mga musmos na batang lansangan.Ang isa pang kinalamangan nito sa ibang paraanay dahil maari rin na maobserbahan ang mga
non-verbal 
na galaw ng kinakapanayam.
 
May mga iba’t ibang kagamitan na ginamit upang mangalap ng datos. Kabilang dito ay ang liham nahumihingi ng pahintulot sa panayam at talaan ng mga tanong o
questionnaire
, kung saan nakasaad ang mgatanczong na kapakipakinabang sa pananaliksik.Ipinadala ang mga ito sa kakapanayamin isang linggo bago ang panayam upang magkaroon ng panahon angkakapanayamin na maghanda at tumugon. Gumamitdin ang mga mananaliksik ng isang kamera na maarikumuha ng bidyo at
 sound recorder 
ng isang telepono.Sa pamamagitan ng mga ito, nakakuha ang mgamananaliksik ng mga rekord ng pag-uusap, sa anyo na pabidyo at patunog, at mga litrato para sadokumentasyon.
I.Mga Kaugnay na Babasahin1. Ang Mga Street ChildrenA.Depinisyon
Ayon sa
Stairway Foundation
, ang mga batang lansangan ay may tatlong uri: ang mga bata sa lansangan, bata ng lansangan, at mga batang naulila ng tuluyan. (wikipedia.org/wiki/Street_children_angeles_philippines)Ang mga “bata sa lansangan” ay halos 75% ng batang lansangan sa Pilipinas. Sila ang mga bata nanagtatrabaho sa kalye ngunit hindi sila dito nakatira, sapagkat sila ay mayroong sariling mga bahay nainuuwian. Ang iba sa kanila ay patuloy na nag-aaral habang nagtatrabaho. Ang mga “bata ng lansangan”naman ay ang mga musmos na itinuturing ang lansangan na kanilang tirahan. Sila ay halos 25 hanggang 30%ng mga batang lansangan sa Pilipinas. Karamihan sakanila ay nakatatagpo ng pamilya sa mga katulad nilang batang lansangan. Ang iba rin ay mayroon pang mga pamilya ngunit halos hindi na ito magkapagkita. Ang huliay ang mga “batang naulila ng tuluyan.” Sila ang mga bata na wala ng kilalang kapamilya. Umaasa na lamangito sa sariling kakayahan upang mabuhay. Umaabot ng halos 5 hanggang 10% ang binubuo nila sa mga batanglansangan sa Pilipinas.(created 2008:http://www.stairwayfoundation.org)
B.Statistics
Ayon sa statistika ng National Statistics Coordination Board mula 2004-2008, ang mga batang lansangansa Pilipinas ay isang mahalagang problema. Pinatunayan itong report ng UNICEF sa isang “situation study” namay 7:3 na bilang ang mga batang lansangan sa Pilipinas. Kahulugan nito na mas nakararami ang bilang nglalaki sa babae nabatang lansangan. Ang mga edad ay mula 6-17 na gulang at karamihan dito ay mula 11-14 nagulang. Kaugnay sa report ng UNICEF, naitala na may ½ ng mga batang lansangan ay nakararanas ng 1
st
degree malnutrition, ¼ ay nakararanas ng
moderate
malnutrition at 4% ay nakararanas ng
 serious
malnourishment.
2.Buhay ng Isang Street ChildrenA.Batang Lansangan
Mula sa Civil Society Forum on Promoting and Protecting the Rights of the Streetchildren in SouthEastAsia, may tatlong pangunahing suliranin na nararanasan ang mga batang nakatira sa lansangan, ito ang drugs,
 
kalusugan at batas. Ang drugs ang pinakakaraniwan na kaso sa mga streetchildren. Mga drugs tulad ng rugby,shabu at marijuana ang karaniwang ginagamit ng mga bata sa lansangan. Kabilana sa mga suliranin ay ang problema sa kalusugan. Ang mga bata sa lansangan ay payat (malnourished), marumi at walang sapat na lakasupang mapangalagaan ng husto ang sarili at mailayo sa anumang sakit o karamdaman. Ilan lamang sa mganararanasan ng mga batang ito ang mga sugat dahil sa aksidente sa paninirahan sa daan, “
 street fights
”, mga
harassments
mula sa extorsyonista o pulis at maaaring mga taong may sekswal na intensyon. At ang huli ayang laban sa batas. May mga batang lansangan na mayroong record ng isang kaso at paglabag sa batas - ito ang paglabag sa “Vagrancy Act.” Sa loob ng selda ay nararanasan rin nila ang hirap na naranasan sa lansangan.Ang mga karaniwang kaso ng mga batang lansangan ay pagnanakaw at paggamit ngdrugs.(www.childprotection.org.ph/factsfigures)
B. Organisasyon
Ayon sa UNICEF katuwang ang Child Hope Asia, adhikain ngkanilang proyekto ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mgastreet children upang matuto sila kung paano nila maiiwasan angkapahamakan. May inatasang mga “
mentors
” na siyang tumutulongsa mga batang lansangan. Dinasala nila ang mga bata sa UNICEFsupported centers kung saan sila nakakapag-aral.Sa tulong pa ngSoccer Aid ay lumawak ang proyektong ito. Isa sa mgaorganisasyong tumutulong sa mga batang lansangan ay ang Save theChildren in the Philippines na proyekto ng gobyerno na naglalayonna mabigyan ng edukasyon,”
emergency response
”, at magandang kalusugan.Maraming naitutulong ang mga organisasyon na kumakalinga sa mga batang lansangan. Mula sa artikulona Voices of the Filipino Children, sinabi ni Rhea Ocana – 15 taong gulang na isang street children: ‘’It isreally a big help that I got to meet the street educators. They are more of like brothers and sisters. They helpme as well as the other children….they helped my friend who was physically abused by the father; they filed acase of child abuse against him…..other than the sessions on CRC, I also learned how to respect elders….’’
C.Paningin sa Buhay
Ayon kay Joy Prudente isang 15 na taon – street child. “Nahihiya ako tuwing namamalimos ako sa daanngunit wala na akong ibang magagawa. Wala akong trabaho at hindi ako nakatapos . At kung hindi akomagtatrabaho ay baka mamatay na ako sa gutom. Kaya sa tingin ko mas maganda kung mamalimos na lamangako kaysa sa magnakaw.” Dagdag pa niya: “Gusto ko rin pumunta sa isang center, pagod na ako sa ganitong buhay.” (ChildHope.org.ph/situationer.doc)Sa hirap ng buhay, karamihan ng nga bata sa lansangan ay humahantong sa pagtatrabaho kahit sa murangedad. Ang iba ay namamalimos at ang iba nama’y ay nabubuhay sa illegal na paraan. Dahil na rin sa pagkagutom at problema ay mas natatakbuhan nila ang droga na humamhantong sa pagkalulongnito.(Wikipedia.com) ayon kay Rene Casino, karamihan sa mga batang lansangan ay naghihirap mula sa
emotional 
at
 psychological trauma
na kadalasan ay dahil sa pangaabuso at pagwalang bahala. (The Sunbeam,Publication of Virlanie Philippines)
II.Paglalahad ng Sariling Pag-aaral

Activity (40)

You've already reviewed this. Edit your review.
Steven Canicula liked this
1 thousand reads
1 hundred reads
wenzkoy liked this
Amber Asilom liked this
Elaijane Duran liked this
Johana Que liked this
Jane Jumamoy added this note|
like
Sharmaine Raras liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->