You are on page 1of 8

By MissOrdinaryGirl

My Online Friend by MissOrdinaryGirl

Description: Based on true to life story.(Friendship Story) Websites do help others, ~ Me.

Ang dami na talagang nagagawa ng internet websites sa panahon ngayon. We might use it for communication, for fun, to ease our boredoms, to find new things, to find relationships and lastly to find a new friend.

Sa sobrang laki ng mundo limitado lang ang pwedeng maging kaibigan mo, swerte ka na kung makakahanap ka ng mga kaibigan, pero mas swerte ka kung makakahanap ka ng kaibigang mas matino pa sayo.

Meet me Im Nina isang 15 years old student, 3rd year highschool from Province of Rizal na laging bored sa summer vacation at naghahanap ng kawili-wiling bagay sa loob ng Facebook, ang social site na kahit sino, may facebook account na.

Pagkabukas ko ng Fb account ko.. inuna ko yung mga friend request tinignan ko muna isa-isa yung mga profile picture nila kung matatanda na ba o bagets.. eh di nung nakita ko lahat, inaccept ko lahat ng bagets maliban sa mga matatanda..

Ganiyan ako ka-conservative! Mahirap na noh.. Actually, simula makabili ako ng cellphone, nagagamit ko na yun for internet use. Ewan ko kung paano nangyari yun pero araw-araw akong may daily free internet access dito sa CP ko..

Kaya araw-araw rin akong naka-online sa facebook. At sa pagiging addicted ko sa Facebook, nakilala ko ang isang kaibigan na mas matino pa sakin. Can you imagine it? Bibihira na lang ang ganiyang tao sa panahon ngayon.

Meet Carl, isang 4th year highschool student from City of Quezon. Ang online new friend ko. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, sinadya talaga ata kaming magkakilala. Gulo noh?

Simula makilala ko si Carl, naging chatmate ko na siya sa facebook, nung una ko palang siya nakikilala, medyo hindi pa ako ganun kagaan ang loob sa kaniya pero lumipas ang mga araw, mas lalo ko siyang nakilala..

At kagaya ko, cellphone din ang hawak niya sa pagpe-facebook imbis na computer kaya araw-araw kaming nakakapag-chat.

Hanggang sa mas naging madalas ang pagcha-chat namin, naging routine na namin iyon. Natutuwa nga ako dahil sa kabila ng pagiging bored ko, nandiyan siya para libagin ako at napakamaalalahanin niyang kaibigan. Masasabi ko ngang, Im lucky to have this friend like him.

I treasure most of my friends, kahit konti lang ang kaibigan ko, atleast lahat ng mga yon, mapagkakatiwalaan ko kasama na si Carl. Kahit di pa kami nagkikita ng personal, masasabi kong naging malapit na siya sakin dahil sa bawat araw na lilipas, marami akong nalalaman about sa kaniya.

Isang araw, nagbukas ako ng facebook ko, sakto namang naka-online si Carl nag-message siya sakin.

Carl: Hi, ano pong gawa mo? Nina: Nagbabasa po.. Carl: ahh.. yung Wattpad.. Nina: oo! Alam mo din yung Wattpad? Nice naman! Carl: ou, nagbabasa rin ako dun eh.. Nina: talaga? Nice! Paborito ko talaga ang Wattpad. Author narin ako nun eh..

Marami pa kaming napagkwentuhan at tungkol lahat yun sa Wattpad, actually yung banggitin niya yung wattpad, di ko akalain na nagbabasa rin pala siya sa Wattpad. Bibihira lang kasi ang mga lalaki na nagbabasa dito hindi ba?

Minsan, buong araw kaming magka-chat, never pumasok sa isip ko na magsawa dahil infact, masaya siya kachat kasi nawawala yung pagkabagot ko. Naaalala ko pa nga nung medyo bago pa lang kami magkachat, sabi sakin ni Carl, masarap daw ako ka-chat.. nireplyan ko naman siya ng ows? Bola !, that time napangiti ako atleast may nagsabi sakin ng ganun.

The next days, as usual magkachat na naman kami ni Carl almost 9am na at trip ng mom ko magpatugtog sa radio kaya naghanap ako ng songs na masarap pakinggan sa tenga habang tumatagal ang pakikinig ko sa radio, di ko alam pero naramdaman ko yung lungkot. May past kasi akog naaalala tuwing makikinig ako ng mga kanta na love song.

May isang tao sa past ko na naaalala ko na naman ngayon, ewan ko ba why love ever invented.. tss. Bitter ko tuloy. Hindi kasi ako yung babaeng nagpapaligaw. Hindi kasi pwede at ayaw rin ng parents ko.

Dahil nakaramdam ako ng mood swing, nag-online na lang ako, nagstatus kaagad ako sa fb ko dahil sa nararamdaman kong lungkot.. Mahirap talagang kalimutan ang past..

Even you played my heart after all, I cant just hate you.. I still love you even you keep me from pushing away!- iyan ang nilagay ko sa status update ko.

Ilang saglit lang nagchat ulit sakin si Carl at binasa ko naman ang message niya sakin sa fb..

Carl:Hi, parang ang lungkot mo ngayon ahh.. :( (siguro nabasa niya yung status ko kanina.. hayss.) Nina: hello:)) di naman ako masyadong nalulungkot.. (reply ko.. pero deep inside, ewan ko ba..) Carl: may problema ka ? Nina: wala yun.. bored lang siguro ako.. (palusot ko..) Carl: wehh di nga, may problema ka nandito lang ako :)) brokenhearted ka? (Napangiti na lang ako ng mabasa ko yan.. atleast nag-care siya na malungkot ako..) Nina: thanks..wala yun:)) may naalala lang ako.. pero di ako brokenhearted.. Wala nga akong lovelife di ba?? T.T

Pinilit pa niya ako sagutin kung ano daw ba yung naaalala ko, nahihiya naman akong sabihin.. nireply ko na lang sa kaniya.. basta tao! XD

Carl: nainlove ka din pala.. Nina: naman! Di naman ako pusong bato nuh? (reply ko sa kaniya.. Habang nalilibang ako sa pakikipag chat sa kaniya unti-unting nawala yung lungkot na sumasagi sa isip ko..)

Napalitan ang lungkot ko ng ngiti sa labi. Kinahapunan, nag-online ako sa loptop namin at dali-dali akong nag-upload ng pictures ko.. Kanina kasing tanghalian, dahil wala akong magawa, ginugol ko na lang ang oras ko sa pagpipicture at inupload ito sa facebook.

Carl: mukhang masaya ka ata ngayon ah.. Nina: medyo.. nabadtrip na naman ako XD bwisit kasi naco-copy ko yung mga picture na iu-upload ko kaya nagdo-double yung pic..

Carl: badtrip talaga yan..! okei lang yan, naguupload ka ng mga picture ??

Nina: hahaha.. oo mga picture ko. Bored ako eh XD (Tapos ay naupload complete na yung mga pictures at napost narin sa timeline ko. Natawa ko kasi nabasa ko sa notifications na ni-like niya yung picture ko na kaka-upload ko palang..)

Carl: ganda mo nga dun ehh.. ;) prramis. (yung mabasa ko yan bigla akong napangiti.. Sakyan ko na lang ba ang pambobola niya? XD hahaha)

Nina: hahaha!! Salamat? (yan na lang ang na-reply ko.. wala na kong masabi ehh..XD)

Carl: nainlove tuloy ako.. sayo.. hehehehe (ewan ko lang ha, pero nung nabasa ko yan napangiti ako.. normal lang naman kiligin pero magkaibigan lang talaga kami.. Ganiyan siya ka-joker! XD)

Carl: ano ba yan! Sapakin mo nga ako.. hehehehe.. (biro niya.. hala? Naalog na ata utak niya at kung anuano pinagsasasabi XD)

Mahaba rin ang napag-usapan namin, masasabi kong nag-enjoy na naman ako kasi napasaya niya ako kahit papaano.. Pero ito pa yung isang malupit na pinapahula niya sakin..

Carl: _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Pakihula .. :))

(Hala! Ang haba naman.. hindi ko naman maisip kung ano yung nasa blanks masyadong mahaba yung word.. nakakadugo ng utak XD..)

Nina: ano ba yan?? Hindi ko gets ehh.. pangalan ba yan?? Lugar? Bagay?

Carl: ito clue ..

I___________A

(still, hindi ko parin mahulaan.. Meron na akong hinala pero kulang eh.. Ano kaya sagot.. Kayo, alam niyo ba sagot diyan ??)

Hanggang sa sinabi niyang wag ko na lang daw hulaan.. ayaw pa kasi diretsohin.. gusto ko pa naman malaman kung ano ba sagot dun.. Pero di ko na naman siya pinilit sagutin pa yun nakakahiya kaya noh..

I admit hanggang magdilim at gumabi, hindi parin mawala sa isip ko yung pinapahula ni Carl sakin. Ako kasi talaga yung taong hindi makuntento hanggat di ko nalalaman yung sagot.. Pero nang lumipas na ang mga araw.. Nakalimutan ko narin pansamantala ang tungkol sa bagay nayun.

------

Makalipas ang ilang araw, patuloy parin kami sa pagcha-chat.. Naging mas close ko pa si Carl hanggang sa dumating yung time na siya naman ang nagka-problema

Carl: Hi Jenina :( Nina: hello :)) oh bakit sad ka ? :( (pag-aalala ko.. ano kayang problema niya.?)

Carl: kase nagbreak kami ng Yhats ko.. (iyan ang reply niya, syempre as his friend, nalungkot ako para sa kaniya.. Mahirap kayang maheart break! Bakit ba kasi love ever invented hayys. Ako na nama bitter..)

Nina: awtss.. masakit nga yan.. bakit naman ??

Carl: ewan ko ba dun, nakahanap siguro ng mas higit sakin..:( Hayaan mo na lilipas din toh.. (reply niya sakin.. aaminin ko minsan ko narin naramdaman yung nararamdaman niya ngayon at oo, masakit nga yan.. Kung lahat lang ng tao marunong makuntento, eh di sana walang EX sa mundo.. =.= )

Nina: hayys.. ^^ yan ang mahirap sa pagmamahal ehh.. pero kaya mo yan! Ikaw pa..

Carl: ewa ko lang kung kaya ko.. siguro kakayanin..

Nina:kaya mo yan!! ^^ ganiyan talaga kapag nagmahal.. haha.. smile lang ng smile :)) Carl: :))))))))))))))

Ayan ;) Nina: hahaha!! Yan! Ngiti lang XD wag mo damdamin.. lilipas rin yan.. hahaha.. (sana lang kahit papaano nabawasan ko yung lungkot niya.. mahirap na maging depressed..)

Sa panahon talaga ngayon, mahirap na magmahal.. isipin mo na lang, sa ibang sulok ng facebook, nagagamit nila ang social sites sa paghahanap ng isang relasyon pero alam ko naman na hindi permanenteng relasyon ang makukuha mo kung sa Facebook ka lang kakapit at maghahanap ng RS.

Hindi pa natatapos diyan ang pagkakaibigan namin ni Carl, alam kong kahit magkaiba man ang lugar namin hindi hadlang ang layo namin sa isat-isa para maging magkaibigan.

Masasabi kong ang laki ng nagagawa ng internet, ng media, ng social sites at ng Facebook sa industriya.. ikaw, malay mo may mahanap karing kaibigan sa Facebook.. Hindi nagiging masama ang pakikipagkaibigan sila kasi yung mga taong hindi mo man kapamilya, bahagi naman sila ng buhay mo.

I am Nina, isang studyante sa kalagitnaan ng bakasyon at nakahanap ng aking online friend na si Carl..

Sa bilyun-bilyong taong dadaan sa buhay ko, limitadong tao lang ang maaalala ko.. iyon yung mga taong nakapag-pangiti sakin, nakipagkaibigan sakin at naging mabuti sakin.

Ill treasure that friendship.. promise., ~ Nina.

~END~

-------

A/N: I hope those who will read this will appreciate my piece.. True to life ang story na ito and this story is truly requested by Carl, ang aking online friend^^ Hi sayo :D

Sana nagustuhan niyo:> Voting, commenting, asking, fanning is Free so hope you guys like this.. You can try other stories of mine, thanks :))

Written by MissOrdinaryGirl ~ Jenina Rose

You might also like