You are on page 1of 4

12 ALERTS

MGA DAPAT BANTAYAN SA 2013 AUTOMATED ELECTION SYSTEM


MGA DAPAT BANTAYAN PRESINTO (Clustered Precinct) MGA DAPAT GAWIN Clustered precinct (CP) ang ginagamt na sistema ng Comelec sa pagorganisa ng mga botante para bumoto sa automated election. Isang CP ay binubuo ng hanggang 5 presinto na gagamit ng isang makinang PCOS (precinct count optical scan) para sa mga botante (hanggang 1,000 ang bilang) Mahalagang bantayan ang mga presinto sa CP sa panahon ng pagboto, bilang at transmisyon. Ang haba ng pila nuong Mayo 2010 ay nagbunga ng malaking porsyento ng disenfranchisement o hindi pagboto ng mga botante. Simula May 2, magkakaroon ng Final Testing and Sealing (FTS) ang PCOS at mga kagamitan sa eleksyon sa mga CP. Magbuo ng mga volunteers upang bantayan PCOS, balota at iba pang gamit. Maaaring gumamit ng cellphone camera upang mai-rekord ang itsura ng mga kagamitan. Matapos ang FTS, sa May 13 na muli bubuksan ang mga CP. Bantayan upang hindi mapalitan ang mga kagamitan. BALOTA Ang pagbantay sa Sistema ng PCOS pagbilang ng makina?

Maaaring makita online ang mga CPs sa http://www.comelec.gov.ph/?r=Elections/2013natloc/Statistics/POP Pansinin ang anumang pre-shading, lukot, tupi, at ambigous marks. Huwag itong tanggapin.

Napakahaba ng balotang gagamitin na nagkompromiso na sa sekretong boto ng mamamayan. Pansinin din ang nakasulat na designation ng balota upang maseguro na ang balota ay para sa clustered precinct. Hindi tatanggapin ng PCOS ang balota para sa ibang clustered precinct.

Maaaring ma-reject ng PCOS ang balota kung mayroong ambigous marks, o kung ito ay invalid. BALLOT BOX Sa pagkakataon na ma-reject ang balota ng PCOS, magreklamo at ipatala ito sa minutes sa BEI. Imbakan ng lahat ng kagamitan ang ballot box pagkatapos ng bilangan. Kailangan ipasuri sa mga poll watchers na ito ay walang laman sa pagsisimula ng botohan. Dito rin ipinapatong ng PCOS.

LISTAHAN NG BOTANTE

Dapat manatili itong naka-selyo maliban na lamang sa pagsisimula ng Random Manual Audit (RMA). Sa RMA, bubuksan muli ang ballot box upang bilangin ng mano-mano ang mga balota at ihambing sa bilang ng PCOS. Ang listahan ng botante ay dapat nakapaskil sa mga barangay hall.

12 ALERTS
Puntahan at alamin kung ang inyong mga pangalan ay nabibilang pa rito. Maaari rin makita online sa http://www.comelec.gov.ph/index.php?r=precinct_finder Ireklamo kung wala o nalipat sa ibang lugar ang inyong pangalan at lahat ng iregularidad hinggil dito. May tatlong paghahanapan ng listahan ng mg apangalan ng bitante: CVL (certified voters list), CCVL (computerized certified voters list) at PVL (provincial voters list). Maraming pagkakatapon na hingi nagtugma ito nuong Mayo 2010. I-tsek din ang nakapaskin sa labas ng presinto para matiyak naroroon ang inyong pangalan. PCOS ang magbabasa ng balota, magbibilang ng boto at magta-transmit ng mga Election Returns (ER). Sa kawalan ng internal safeguards nito, maraming mga pandaraya na hindi na makikita ng mga poll watchers.

PCOS

Mga Tauhan: POLLING CENTER TECHNICIAN, BEI (Board of Inspectors) at BOC

Ang sumusunod na lamang ang magagawang pagbabantay sa PCOS: Paalalahanan ang BEI na mag-rezero ng vote counters matapos ang FTS. Suriin ang initialization report. Dapat zero ang boto ng lahat ng kandidato rito. Anumang pagpalya at pagkasira ng PCOS ay dapat ipatala sa minutes ng BEI. Siguruhin rin na magtutuloy-tuloy ang pagboto/shading kahit pa nasira ang PCOS. Sa ganitong pagkakataon, ipapabasa na lamang ang balota sa hiniram na PCOS mula ibang clustered precinct o sa back-up PCOS. Ang bawat polling center ay magkakaroon ng technician na tutulong sa BEI sa pag-aayos ng posibleng mga sira ng PCOS. Noong 2010, kulang din sila sa kaalaman. Bantayan ang bawat pagpasok ng polling center technician. Kailagan nagpaalam at tinawag sya ng BEI bago makalapit sa PCOS. Sila ang pangunahing nagpapatakbo ng buong halalan sa presinto.

Hikayatin ang mga BEI na mapabilis ang botohan. Dapat huwag silang payagan sa anumang pagtatangka na patagalin ang pagboto. Ang botohan ay 7AM hanggang 7PM. Maaari pa rin bomoto ang nasa 30 metrong layo sa clustered precinct. Kung tatawagin ng BEI ang technician, dapat malinaw na naipaliwanag at nakumbinsi ang mga poll watchers. CF Cards Nakaimbak sa CF cards ang lahat ng datos ng botohan.

Seguruhin na gumagana ang compact flash cards nito. Sa FTS, magkakaroon ng testing ng PCOS at CF cards. Sa FTS pa lamang ay malalaman na kung gumagana ang main CF at back-up CF cards.

Bantayan ang pagkakataon na tinatanggal ang main at back-up CF cards

12 ALERTS
sa PCOS. Gagawin lamang ito matapos ang bilangan bago isagawa ang pag-shutdown ng PCOS. Maaari rin na ilipat ito kung sira ang PCOS. Sa liit nito, dapat mabilis at lalong magmatyag sa anumang pagtatangka ng switching. Kulang sa internal safeguard ang CF cards. Dahil hindi write once, read many o WORM maaari talagang sulatan ng ibang datos ito.

TRANSMISSION

Ayon sa datos ng CenPEG, mahigit 13,000 mula sa 60,000 ERs ang hindi kumpletong nai-transmit noong 2010. Mauulit ito sa darating ng eleksyon. Sa mock election din noong Feb 2, 2013, inabot ng 1.5 oras upang makapag-transmit. Nuong Mayo 2010, gumamit ng Modem na, sa maraming lugar sa Pilipinas ay kailangang iikot sa labas ng polling center para makahanap lamang ng sapat na signal sa pagtransmit.

Alamin ang mga polling center na walang signal ng telco. Sa mga lugar na ito, kukunin ang mga CF card at ilalagay sa envelope at ihahatid sa canvassing sa munisipyo. Bantayan ang pag-transport PUBLIC ACCESS WEBSITE NG COMELEC Paghambingin ang bilang ng boto sa Election Returns at COMELEC transparency server sa araw ng halalan Ito ang isa sa mga servers na pinapadalhan ng resulta ng PCOS. Maaaring ihambing dito ang printed na ER upang masuri kung maaayos ang transmission ng PCOS. Nuong eleksyong May 2010, malimali at di kumpleto ang maraming bilang ng entries o resulta ng eleksyon na naka-post sa website ng Comelec. Matapos lamang ng ilang lingo, tinanggal at hindi na muling nakita pa ang website ng Comelec na dapat ay naka-post sa loob ng tatlong tapon matapos ang eleksyon, ayon sa batas ng automation, RA 9369.

Karaniwang dahilang ng hindi pag-post sa website ay ang hindi paggana ng transmission o dahil sa service unavailable ng internet. Dapat naka post ang resulta ng eleksyon sa website ng Comelec mula sa unang pasok ng mga boto sa araw ng eleksyon. Bantayan at i-reklamo agad ito kung hindi naka-post at/o kung mali mali o hindi kumpleto ang datos na dapat ay naka-post sa Comelec website. Alamin ang clustered precinct na magkakaroon ng manual audit ilang araw bago ang halalan. Ipapaskil ang listahan ng local COMELEC. Isang clustered precinct bawat distrito ang susuriin ng RMA team. Bantayan ang kanilang pagbasa ng balota at pagbilang ng boto.

RANDOM MANUAL AUDIT

12 ALERTS
Naglabas ng Resolusyon ang Comelec hinggil sa papili ng mga presinto tatlong araw bago ang araw ng eleksyon kung saan gagawin ang RMA. Isa itong butas sa pagsasagawa ng isang random na manual na awdit dahil naka-alerto na agad ang mga kandidato at medya, kasama na ang mga nagbabalak ng sistematikong pandaraya na matukoy kung saan ang gagawing random na awdit. Dapat kagyat na pinipili ang presintong gagawan ng RMA matapos ng eleksyon, HINDI bago ang eleksyon. SMARTMATIC Pag-aralan ang sistema at proseso ng RMA (nasa English na version ng 12 Alerts) Ito ang dayuhang kompanya na pinagkatiwalaan ng COMELEC upang patakbuhin ang ating eleksyon. Nilinlang nito ang gobyerno at mamamayang Pilipino sa tunay na kalayagan ng programming ng teknolohiyang PCOS. Iniatras na ng tunay na may-ari ng PCOS software, ang Dominion Voting Systems ang lisensya nito sa Smartmatic para gamitin sa eleksyong 2013. Walang ibang ginawa ang Smartmatic upang ayusin ang mga errors o failures ng PCOS at CCS (canvassing and consolidation server) sa kabila ng paulit ulit nitong pahayag sa media at sa Congress. Sa kaso na kasalukuyang nakahapag sa Delaware, USA sa pagitan ng Smartmatic at Dominion, isinisi ng huli sa Smartmatic ang mga program errors na natagpuan sa software dahil sa hindi pagsunod ng nito sa mga international standards ng IT. Dahil sa kawalan ng lisensya at nakabinbing kaso, nananatili ang mga program errors sa software na gagamitin sa 2013. Sa patuloy nitong pagtanggi sa mga internal safeguards ng Automated Election System (AES), lahat ng resulta sa May 2013 madaling pagdudahan.

COMELEC

Pangunahing may sala sa kawalang ng credibility, accuracy, transparency ng Automated Election.

Kailangan singilin ng mamamayan ang COMELEC sa paglustay ng mahigit Php 8B para sa hindi mapagkakatiwalaang AES at pananatiling dependent sa dayuhang kompanya ng Smartmatic na hindi kayang mapaunlad at ma-korek ang mga error sa programming dahil sa kawalan ng lisensya mula sa sa tunay na may-ari ng teknolohiyang PCOS.

* Ito ay mula sa 12 Alerts ng CenPEG mula sa pag-aaral nito sa automated election system na ginagamit ng Comelec mula 2010 hanggang sa susunod na 2013 na poll automation. (English version) Makikita sa www.cenpeg.org bilang gabay sa mga botante at pollwatchers.

You might also like