You are on page 1of 3

Duke Briseo - Mapagkandiling Ama (Florante at Laura part 11/32)

Main Directory 83. Sa mawika ito luhay pinaagos, Pikay isinaksak saka naghimutok, Nagkataon namang parang isinagot Ang bunting-hininga niyong nagagapos. 84. Gereroy namangha nang itoy marinig Pinagbaling-baling sa gubat ang titig, Nang walang makitay hinintay umulit Di naman nalaot nagbagong humibik. Ang bayaning Moroy lalo nang namaang: sinong nananaghoy sa ganitong ilang? Lumapit sa dakong pinanggalingan Ng bunting-hiningat pinakimatyagan. Inabutan niya ang ganitong hibik: ay mapagkandiling amang iniibig! Bakit ang buhay moy naunang napatid, Akoy inulila sa gitna ng sakit? Kung sa gunita koy pagkuru-kuruin, Ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil, Parang nakikita ang iyong narrating, Parusang marahas na kalagimlagim.

85.

86.

87.

88. At alin ang hirap na di ikakapit iyo ng Konde Adolfong malupit? Ikaw ang salamin ng reyno ng bait, Pagbubuntuhan ka ng malaking galit. 89. Katawan mo amay parang namamalas Ngayon ng bunso mong lugami sa hirap, Pinipisang-pisang at iniwawalat Ng pawa ring lilot berdugo ng sukab 90. Ang nagkahiwalay na laman mot buto, Kamay at katawang nalayo sa ulo, Ipinaghagisan niyong mga lilo At walang maawang maglibing ng tao. 91. Sampu ng lingkod mot mga kaibigan, Kung kampi sa liloy iyo nang kaaway, Ang di nagsiayoy natatakot naming Bangkay moy ibaot mapaparusahan. 92. Hanggat ditto, amay aking naririnig Nang ang iyong uloy itapat sa kalis, Ang panambitan mot dalangin sa langit, Na akoy maligtas sa hukbong malupit. 93. Ninanasa mo pang akoy matabunan Ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan, Nang huwag mahulog sa panirang kamay Ng Konde Adolfong higit sa halimaw 94. Panalangin moy di pa nagaganap Sa liig moy biglang nahulog ang tabak, Nasnaw sa bibig mong huling pangungusap Ang adiyos, bunsot buhay moy lumipas! 95. Ay amang ama ko! Kung magunamgunam Madla mong pag-irog at pagpapalayaw, Ipinapalaso ng kapighatian, Luha niring pusong sa matay nunukal. 96. Walang ikalawang ama ka sa lupa, Sa anak na kandong ng pag-aaruga: Ang munting hapis kong sumungaw sa mukha Sa habag moy agad nanalong ang luha. 97. Ang lahat ng tuway natapos sa akin Sampu niring buhay ay nagging hilahil

Ama koy hindi na malaong hithitin Akot sa payapang bayay yayakapin. 98. Sandaling tumigil itong nananangis, Binigyang panahong luhay tumagistis Niyong naaawang Morong nakikinig Sa habag ay halos magputok ang dibdib.

Florante =>Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanyang namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano. Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa kanya mula sa mga leon nang siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo. Konde Adolfo =>Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing kontrabida nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante sa Atenas kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawang taon, kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa lamang ni Florante sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat na magaaral doon. Ito ay buhat ng kanyang angking talino at "kabaitan". Ngunit habang tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni Adolfo. At dahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang gurong si Antenor. Aladin =>Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Si Aladin at Florante ay nagkita nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang pinakamagaling na mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni Florante na ang kausap niya ay si Aladin, ang kanyang idolo. Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya na ang naging sultan. Laura =>Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang. Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-aakala na nililo Laura sa pagpapalit sa kanya kay Konde Adolfo. Menandro =>Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na lumigtas din ng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka. Flerida =>Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab. At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.

~ Mga iba pang tauhan ~

Duke Briseo =>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo. Prinsesa Floresca

=>Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at maaagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya. Antenor =>Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at Menandro. Menalipo =>Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa isang buwitreng dadagitin siya sana nang siyang isang sanggol pa lamang gamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na mas matanda kaysa kay Florante.

Konde Sileno =>Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay marangal.

Haring Linseo =>Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.

Sultan Ali-Adab =>Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman ay hindi niya mababalikan.

Osmalik =>Si Osmalic ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin.

Miramolin =>Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.

You might also like