You are on page 1of 3

FATS Depinisyon Ang FATS o TABA ay maaring tawaging oil o lipids.

Ang mga taba ay hindi sumama sa o natutunaw sa tubig Ang fats o taba ay binubuo ng triglycerides at glycerol

Roles Ang fats ay nagsisilbing transportasyon ng sa ating mga selula (cells) Ang mga tabang Free from fatty acids (FFA)ay nagsisilbing kuhanan ng ating enerhiya Ang mga bitaminang A, D, E, K ay natutunaw sa taba ibig sabihin ay naabsorb sila ng katawan sa tulong ngmga tab a Ang mga taba ay may matinding pagganap sa pag maintain n gating malusog na buhok at balat Pinoprotektahan nito ang mga parte sa loob ng atin katawan laban sa temperatura, pagkabugbog atpagkakaroon ng malusog na istraktura ng selula

Klasipikasyon May mga klase ng taba na kailangan n gating katawan at kailangan ding limitahan Hindi lahat ng taba ay nakakasama sa ating katawan.

Mga taba na kailangang limitahan o iwasan 1. SATURATED FATS Ang mga tabang ito ang nagdudulot ng pagtaas ng ating Low Density Cholesterol (LDL) o yung tinatawag na Bad Cholesterol. Ito ang nagdudulot ng pagbabara ng mga ugat na dinadaluyan n gating dugo at maaring magkaroon tayo ng sakit sa puso. Makukuha natin ang mga kjlase ng tabang ito sa mga mantikilya, gatas, keso, karne ng baboy o baka, gravy (sauce ng manok), coconut oil, balat ng manok.

2. TRANS FATS Ang trans fats ay katulad ng saturated fats Nakakapagtaas ito ng cholesterol level sa ating katawan Ang likidong oil ay nagiging trans fat kung ito ay magiging isang solid oil Makukuha natin ang mga trans fat sa mga pinoprosesong pagkain tulad ng mga chichirya, crackers, mga bake na tinapay na gumagamit ng margarina Maaari din natin makuha ito sa mga fast food tulad ng French fries

3. CHOLESTEROL Ang ating katawan ay may roong cholesterol, ang sobra nito ay nanggagaling sa mga pagkaing ating kinakain Kailangan nating limitahan ang pagkain ng may cholesterol Ang mga ito ay makukuha sa cream, ice cream, Egg yolks, atay at laman loob

Mga tabang nakakatulong sa kalusugan 4. MONOSATURATED FATS Ang klaseng tabang ito ay nakakabuti sa ating katawan dahil pinapababa nila ang antas ng LDL o bad cholesterol. Nakakatulong din ito upang madagdagan ang ating timbang. Ang mga ito ay makukuha sa avocado, mani, kasoy, peanut butter, sesame seeds o sesame oil, at olive oil Pero kailangan natin kumain ng mani sa gabay ng mga nutritionist dahil mataas ito sa calories.

5. POLUSATURATED FATS Ito ay kinokopnsidera na mainam sa atin katawan Tulad ng Corn oil, Soybean oil, Mayonnaise, Salad dressings

6. Omega-3 Fatty Acids Ang Omega-3 fatty acids ay nakakatulog upang maagapan ang pagbabara sa ating mga ugat

Ito ay matatagpuan sa Sardines, Salmon, tilapia, hito, tokwa iba pang soybean products

You might also like