Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
11Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Tuberkulosis

Tuberkulosis

Ratings: (0)|Views: 7,832|Likes:
Published by Thuganamix
Tuberkulosis/Tuberculosis
Tuberkulosis/Tuberculosis

More info:

Published by: Thuganamix on May 08, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, DOC, TXT or read online from Scribd
See More
See less

11/08/2012

pdf

text

original

 
Tuberkulosis (TB)
Ang TB ay isang karamdamang dulot ng mga mikrobyo na tinatawag na bakterya na kadalasangumaapekto sa mga baga. Maaari kayong mahawaan ng TB kapag nalanghap ninyo ang mgamikrobyo. Mas manganganib kayong magkaroon ng TB kung mayroon kayong mahinang sistema ngkabal sa katawan (immune system). Ang sistemang ito ay maaaring manghina dahil sa di-masustansiyang pagkain, karamdaman, mga gamot, o ibang mga sanhi.
Mga Palatandaan
Ang mga taong may TB ay maaaring mayroong ilan o lahat ng mga palatandaang ito:
Ubo
Lagnat
Pagbaba ng timbang
Pag-ubo ng dugo
Pakiramdam na nanghihina at pagod
Sakit sa dibdib
Pagsusuri
Gagawin ang pagsusuri sa balat upang tingnan kung kayo ay nahawaan. Ang ibig sabihin ngpositibong pagsusuri ay nahawaan kayo ng mikrobyo. Gagawa ang inyong doktor ng x-ray ng dibdibat pagsusuri sa plema (sputum) upang tingnan kung mayroon kayong TB. Susuriin din ang balat ngmga miyembro ng inyong pamilya at iba pang kasamahan ninyo sa bahay.Ang ibig sabihin ng negatibong pagsusuri ay hindi kayo nahawaan. Maaaring walang reaksyon angpagsusuri sa balat kung mahina ang inyong sistema ng kabal sa katawan. Maaaring suriin kayo nginyong doktor para sa TB kung negatibo ang pagsusuri sa inyong balat, ngunit mayroon pa rinkayong mga palatandaan.
Ang Inyong Pangangalaga
Kung positibo ang pagsusuri sa inyong balat o mayroon kayong TB, maguumpisa kayong uminomng gamot.
Inumin ang inyong mga gamot ayon sa ibinilin. Inumin ang inyong mga gamot sa parehong orasbawat araw at huwag tigilan ang pag-inom sa mga ito. Maaaring kailanganin ninyong inumin anginyong mga gamot sa loob ng 6-24 na buwan. Kung hindi ninyo iinumin ang inyong mga gamot,maaaring bumalik ang inyong TB at mas mahirap itong gamutin. Maaari rin ninyong mahawaanang ibang tao kung hindi ninyo iinumin ang lahat ng inyong mga gamot.
Huwag iinom ng alak habang umiinom ng mga gamot na ito dahil ang alak ay maaaring magdulotng mga problema sa atay.
Maaaring maging kulay dalandan ang inyong ihi at ibang likido sa katawan dahil sa isa sa mgagamot na ginagamit upang gamutin ang TB.
Kung malala kayo at kailangang dalhin sa ospital:
Maaaring ihiwalay kayo sa ibang pasyente. Pipigilan nitong mahawaan ng TB ang ibang tao.
Ihihiwalay kayo hanggang nakainom na kayo ng mga gamot sa TB ng 2-3 linggo o hanggang walanang mikrobyo ang inyong plema (sputum).
Ang sinumang papasok sa inyong silid ay gagamit ng takip sa ilong at bibig (mask).
Isasara ang pintuan sa inyong silid.
 
Kakailanganin ninyong takpan ang inyong ilong at bibig kapag nasa labas kayo ng inyong silid.
Kung mayroon kayong positibong pagsusuri sa balat o may TB:
Takpan ang inyong bibig kapag umuubo kayo, bumabahin o tumatawa. Pagkatapos, hugasan anginyong mga kamay.
Hugasan ang inyong mga kamay bago kumain.
Kumain ng 3 beses at uminom ng 6-8 na basong likido bawat araw.
Pumunta sa lahat ng pakikipagtipan sa doktor.
Tawagan agad ang inyong doktor kung kayo ay:
May lumalalang ubo.
Umuubo ng dugo.
Nahihirapang huminga.
Nababawasan ang timbang kahit pa kumakain kayo ng masustansiyang pagkain.
May lagnat o nagpapawis sa gabi.
May kulay kayumangging ihi o kulay abo na dumi.
Naninilaw ang balat o mga mata.

Activity (11)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Uday Sankar liked this
Cris Aguas liked this
trynytylaurayap liked this
matthewchad liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->