You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Makabayan Ikalawang Baitang I. Layunin Pagkatapos ng apatnapung minutong talakayan, ang mga bata ay inaasahang: 1.

natutukoy ang mga likas na anyong lupa na nagpapaganda sa bansa. 2. nakakabuo ng larawan ng bundok, burol, bulkan gamit ang word puzzles 3. naipagmamalaki ang mga likas na anyong lupa ng bansa. II. Paksang Aralin A. Anyong Lupa (Bundok, Bulkan at Burol) B. Pagsasanib (Integration) ICT - Gamit ng teknolohiya (computer) sa loob ng silid-aralan GMRC - Pagmamalaki sa mga likas na anyong lupa ng bansa. SCIENCE - Uri ng Panahon FILIPINO - Wastong Pagbigkas ng mga Salita SINING - Pagbuo ng modelo ng bundok gamit ang picture puzzle PE - Pag-aaktong aakyat sa bundok (Laro) C. Sanggunian; BEC II B. 8.1 D. Kagamitan: Picture puzzles, modelo ng bundok, burol at bulkan, kahon, larawan, pagkain, laptop E. Saloobin: Pagmamalaki sa mga likas na anyong lupa ng bansa. III. Pamamaraan Gawaing Guro A. Balik-aral Ipakita ang larawan ng ilan sa mga makasaysayang pook sa Pilipinas tulad ng Luneta Park at dambana ni Rizal gamit ang laptop. Sabihin: Ang napag-aralan natin kahapon ay tungkol sa mga makasaysayang pook ng ating bansa. Ngayon, sino ang nakakita sa larawang ito? Tama! Kung ikaw ay nasa Luneta Park o tinatawag ngayong Rizal Park, paano mo maipapakita ang paggalang dito? (HOTS) Magaling! Kung ikaw naman ay makakita sa dambana ni Rizal, paano mo naman maipapakita ang paggalang dito? (HOTS) Kaya, dapat nating alagaan at pagandahin ang mga ito upang laging maalaala ng mga tao ang mga pook na ito. B. Bagong-Aralin 1. Pagganyak Ipakita sa mga bata ang larawan ng isang bundok gamit ang computer na may musika ng huni ng ibon at sariwang hangin. Sino sa inyo ang gustong sumama sa aking mamasyal sa bundok na iyan? Sige nga magkunwari tayong aakyat tayo sa bundok ngayon. Tumayo kayong lahat at sabay-sabay nating gawin ang aking sasabihin. Huminga ng malalim. Marahang ihakbang ang kanang paa, sundan ng kaliwang paa. Ipagpatuloy Gawaing Mag-aaral

- Luneta Park - Dambana ni Rizal - Huwag magtapon ng basura kahit saan. - Huwag pagtawanan ang dambana

- Kami po!

ang marahang paghakbang hanggang makabilang ng tig-sampu sa kaliwa at kanan. Punasan ang mga pawis. Langhapin ang sariwang hangin sa bundok. Huminga ulit ng malalim. Magsiupo! Palakpakan nga natin ang ating mga sarili. Masarap bang umakyat sa bundok? Bakit kaya sa tingin ninyo ay marami pa ring gustong pumunta sa bundok kahit nakakapagod?(HOTS) Paano ito nakakatulong sa ating kalusugan? (HOTS) 2. Paglalahad Mga bata, ano ang nakikita ninyo dito sa mesa? Magkatulad ba ang kanilang hugis? Ano sa tingin ninyo ang pagkakaiba ng mga ito? Tama, ano pa? Magaling! Sa tingin ninyo alin ba sa tatlo ang bundok? Paano nagkakaiba ang bundok sa bulkan? (HOTS)

( Ituturo na ngayon ng guro kung alin ang bundok, bulkan at burol.) Ulitin nga natin at bigkasing maayos ang mga salita sa pisara. Mahuhulaan kaya ninyo kung ano ang pag-aaralan natin sa umagang/hapong ito? Bago tayo magsimula sa ating aralin ngayon ay gusto ko munang damhin ninyo ang panahon ngayon. Kayo ba ay naiinitan o giniginaw? Bakit sa tingin ninyo ay naiinitan kayo (kapag tag-init)? Bakit sa tingin ninyo ay nilalamig kayo (kapag tag-ulan) ? (HOTS) Paano natin malulunasan ang init? o Paano natin malulunasan ang giniginaw nating katawan?(HOTS) Alam nyo ba mga bata na sa mga sagot ninyo ngayon ay parang ang sarap-sarap na talagang kumain. Sino ang gustong pumuta sa harapan at buksan ang kahon na ito para malaman ninyo kung ano ang nasa loob? O sige buksan mo na. Ano ang iyong nakikita? Kumuha ka ng isa at basahin kung ano ang nasa loob. Ngayon, gusto ko pa ng ibang bata naman ang kukuha at basahin ang nasa loob. Isa pang bata. O may isa pa, pakibasa! Sabay-sabay nga nating basahin ang kani-kanina lang ay binasa ng inyong mga kaklase.

3. Talakayan ( Sa pagkakataong ito ang guro ay pumuntang muli sa mga modelo ng bundok, burol at bulkan.) Mga bata, anu-ano nga ang tawag sa mga ito?

- Tumulong ng mga gawain sa pangkat. (Babasahing muli ng mga bata ang mga pamantayan)

- Bundok, burol at bulkan - Masarap po! - Nakakapagod - Dahil nakakatulong kalusugan. (Larawan ng bundok) ito sa ating Ito ay bundok. Ang bundok ay mataas na bahagi ng lupa. Dito kadalasan nakikita ang mga kagubatan na mayaman sa mga punong-kahoy, mga hayop at mga ibon. (Larawan ng bulkan) Ito naman ay bulkan. Ang bulkan ay may bunganga sa tuktok na syang nagbubuga ng nagbabagang bato at kumukulong putik kapag ito ay aktibo. (Larawan ng burol) Ang burol ay isa ring anyong lupa na higit na mababa kaysa bundok. Isang halimbawa nito ay ang chocolate hills sa Bohol. Mga bata sa tingin nyo ba ay maipagmamalaki ninyo ang mga anyong lupa gaya ng bundok, burol at bulkan? Bakit sa tingin ninyo ay dapat nating ipagmalaki ang mga ito? (HOTS) 4. Paglalapat Ngayon ay bibigyan ko kayo ng picture puzzles na buuin ninyo sa loob ng limang minuto. Magkakaroon tayo ng tatlong pangkat. Bawat pangkat ay may lider. Kapag nakabuo na

- Sa pamamagitan ng pag-eehersisyo. Ang paglalakad ay isang paraan ng pag- eehersisyo. - Mga bundok - Hindi po! - Ang isa ay mas maliit kaysa sa isa - Ang isa ay may bunganga sa tuktok (ituturo ng bata ang bundok) - Ang bundok ay walang bunganga sa tuktok samantalang ang bulkan ay meron. - Bundok, burol at bulkan - Tungkol sa bundok, burol at bulkan - Naiinitan (kung tag-init) - Giniginaw (kung tag-ulan) - Dahil ngayon ay tag-init/tag-ulan. - Kakain kami ng malamig na pagkain gaya ng ice candy, ice juice, halu-halo at ice cream. - Kakain kami ng noodles, iinum ng gatas, milo - Ako po! - Pagkain - Makinig ng mabuti sa guro. - Umupo ng maayos. - Itaas ang kanang kamay kung gustong sumagot.

kayo ay ilagay ng lider sa illustration board at ipresenta sa klase. Kung tama ang pagkakabuo ninyo ay magkakaroon kayo ng karagdagang puntos. Huwag kayong magsimula hanggang hindi ko sinasabi. Handa na ba kayo? Sige, isa, dalawa, tatlo magsimula na. 5. Paglalagom Ngayon, sino ang makapagbibigay sa akin ng deskripsyon sa bundok? Tama! Paano naman ninyo mailalarawan ang bulkan? (HOTS) Ang burol, paano ninyo ito mailalarawan? (HOTS) Magaling! Palakpakan natin ang ating mga sarili.

- Siyempre po! - Dahil hindi lahat ng bansa ay biniyayaan ng Diyos na magkaroon ng ganitong mga tanawin.

- Handa na po kami!

- Ang bundok ay makikita sa kagubatan at may mga punongkahoy. - Ang bulkan ay may bunganga sa tuktok.. - Ito ay mas mababa kaysa sa bundok.

IV Pagtataya Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Mas maliit kaysa sa bundok

( a. bulkan b. bundok 2. c.burol a. bulkan b. bundok

c. burol )

a. bulkan burol

b. bundok

c.

3.

Makikita sa kagubatan a. bulkan b.

4. Anong anyong lupa ang chocolate hills? bundok c. burol

5. Anong anyong lupa ang umuusok dahil sa mainit na lahar sa ilalim? a. bulkan b. bundok c. burol V Gawaing Bahay Iguhit sa bond paper at kulayan ang mga sumusunod: 1. bundok 2. burol 3. bulkan

Prepared by; MELANIE JOAN A. PACON

Pangalan: ______________________________________________ Baitang: _________________________ Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.

Mas maliit kaysa sa bundok ( a. bulkan b. bundok c. burol )

2. c.burol

a. bulkan

b. bundok

a. bulkan burol 3. Makikita sa kagubatan

b. bundok

c.

4. Anong anyong lupa ang chocolate hills? bundok c. burol

a. bulkan

b.

5. Anong anyong lupa ang umuusok dahil sa mainit na lahar sa ilalim? a. bulkan b. bundok c. burol

Pangalan: ______________________________________________ Baitang: _________________________ Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Mas maliit kaysa sa bundok ( a. bulkan b. bundok 2. c.burol a. bulkan b. bundok c. burol )

a. bulkan burol 3. Makikita sa kagubatan

b. bundok

c.

4. Anong anyong lupa ang chocolate hills? bundok c. burol

a. bulkan

b.

5. Anong anyong lupa ang umuusok dahil sa mainit na lahar sa ilalim? a. bulkan b. bundok c. burol

You might also like