Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
0Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Novela

Novela

Ratings: (0)|Views: 6 |Likes:
Published by Agcaoili Jericho

More info:

Published by: Agcaoili Jericho on Jul 09, 2013
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/09/2013

pdf

text

original

 
nobela o kathambuhay- ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibangkabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literarygenre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maramingtiyak na istilo
.
May apat na uri ang nobela:1. Nobela ng Tauhan2. Nobelang Makabanghay3. Nobela ng Romansa4. Nobelang Pasalaysay
1.Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan2.Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na3.Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mgapangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa4.Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ngpangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa5.Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao6.Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ngpangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, atpangangailangan7.Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng atingbuhay o sistema.
Narito ang isang listahan ng ilan sa mga uri ng nobela. Ang ilang mga nobela mahulog sailalim ng higit sa isang uri. Ito ay posible, halimbawa, upang magkaroon ng isang sulat, tiktik,sikolohikal, regional nobela. Ang ilang mga pamamaraan na ginamit sa pagsulat ng nobela(uyam, metafiction) ay maaari ring argued gaya ng kanilang sariling uri. listahan na ito ayhindi inilaan upang maging lubusan, ngunit sa halip na ipakita ang iba't ibang mga uri.adventurenobelaalegoriko nobelaanti-nobelaapologueautobiographicalnobelapinakamahusayna nagbebenta osapal fictionnobelabildungsroman opag-aaral nobelabata nobelaChristian nobelauri ng pagsambao katipunannobelatiktik, misteryo,Thriller nobelamagagamit nglahat nobeladystopian nobelasulat nobelaerotika nobelanobelangpantasyaGothic nobelagraphic nobelanobelangpangkasaysayanHypertextnobelainteractive nanobelaMulticulturalnobelanobela ng asalnovellapastoral nobelasanggano nobelapostmodernnobelaprequelproletaryongnobelasikolohikal nanobelapampook nobelaroman ng isangkleproman fleuve(ilog nobela)pagmamahalannobelascience fictionnobelasentimentalnobelasumunod napangyayariserye nobelaispya nobelautopyan nobelawestern nobela
 
LUHA NG BUWAYA ni Amado V Hernandez
Kagagaling ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ngSuperintendente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyangmanuparang pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon samantalangnagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong Putin. Dinalaw ni Bandongsi Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo napangulo ng PTA at sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may pabatares sapagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan, nagin masaya ang mgamanggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ngpinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama sidonya Leona.Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Junna nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mgakasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mgagawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito angkaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook natinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noongpanahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na maykamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si Andres at angkanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade oneang anak na sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ngcottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkataposlamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at angmga eskuwater sa mungkahi ni Bandong.Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayonito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni don Severo Grande,ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nangtanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggisi donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman attumangging gumawa sa kanilang mga saka.Samantal¢ï¿½ï¿½y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mgaeskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit silani Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mgakanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyangpantahanan.Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkataposkausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at angginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari.Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at anghepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng mag-asawang Grande.
 
Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mgamagsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong niBandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan niBandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang taosa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong.Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito aynapasalin sa mga magulang ni donya Leona ang mga aring lupa nito. Nagawang mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupanito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalamanniyang maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mgaGrande.Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. SiDislaw na karibal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya angnakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, siMr. Danyos, ang dumating sa Sampilong.Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina.Mabuti na lamang at dumalaw si Bandong na kung hindi naawat ng mga dumaloay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila siDislaw.Sa gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sakamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaganagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande.Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mgamagsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat nalamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit kayKosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sakamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely nakapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim atipinagtapa naman ni Sedes ka Badong.Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa n Andress angpaghabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sakahihiyang tinamo, hinakot ng mga Grande sa Maynila ang mga kasangkapan atdoon na nagpirmi. Sa Maynila, si Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon atnaging paralisado nang maataki. Si Don Severo naman ay nagkasakit ngmatinding insomya.Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kayBadong at tiniyak ng Superintende na siya ang ilalagay na prinsipal saSampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mgaguro at mga magulang ng mga bata.Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ayikakandidato pang alkalde ng kanyang mga kanayaon sa susunod na halalan.

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->