You are on page 1of 112

Mga Pagdiriwang sa Pilipinas

www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/mga_pagdiriwang_s
a_pilipinas.htm - 25k -
Maraming pagdiriwang sa loob ng isang taon. Ang mga pagdiriwang
sa Pilipinas ay mga pambansang pagdiriwang, mga pansibikong pagdiriwang at
mga pagdiriwang na panrelihiyon.

Mga Pambansang Pagdiriwang


Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong
napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino
sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang.
Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at
paaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Enero
ipinagdiriwang ang Bagong Taon.
Masayang sinasalubong ito bago
maghating-gabi ng Disyembre 31.
Masayang sama-samang kumakain at
nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng
mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa
pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family
reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-
buklod ng pamilya.

Araw ng Rebolusyong EDSA


Makaysaysayan ang araw na ito.
Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang
araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino
sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at
Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong
Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power
Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero.

Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang
nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong
Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa
bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan
tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa
laban sa mga dayuhan.

Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw
ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga
manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa
lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa
ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang
tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan,
iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.

Timaura ni Antipas Delotavo, 1991

Araw ng Kalayaan
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at
ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa
España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayog
ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani.
Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com
Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park.
Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang
na ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.

Imaginary Patriot ni Benedicto Cabrera, 1975

Araw ng mga Bayani


Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang
tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mga
Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga
palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang
mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at
kapakanan ng bansa.

Balik sa simula

Mga Pansibikong Pagdiriwang


May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga
pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa
buong taon. Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga
Pilipino. Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista
opisyal, ang mga pangsibikong pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang may
pasok din sa opisina at paaralan sa buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na
nagdedeklarang walang pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng
pakakatatag nito tuwing Agosto 19.

Araw ng mga Puso


Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita
natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano natin
sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang kahalagahan nila.
Marami tayong ginagawang paraan upang ipakita ang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito.
Nagbibigayn tao ng kard o anumang alaala sa araw na ito.

Linggo ng Pag-iwas sa Sunog


Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo.
Binibigyang-diin ang mga paraan kung paano tayo mag-iingat sa sunog.
Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog. Natututuhan pa natin ang nararapat
na gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar, nagtutulungan
tayo upang mapatay ito. May mga programa pa ang mga barangay na
nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa sunog.

Araw ng mga
Ina/mga Ama
Mga
pagdiriwang na
pansibiko ang Araw
ng mga Ina at Araw
ng mga Ama.
Tuwing ikalawang Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga ina at tuwing
ikatlong Linggo ng Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita natin sa mga araw na ito
ang kabutihan ng ating ina at ama.

Linggo ng Wika
Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga
patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino.
Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni
Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang
nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal
sa ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga
Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.
Araw ng mga Nagkakaisang Bansa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga
Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang
pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong mundo. Pagkakabuklud-
buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa ang
nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa.
Pagtutulungan ang isa pang layon nito. May mga palatuntunan din inihahanda
rito. Hindi lamang sa paaralan kundi pati na sa telebisyon at radyo.

Linggo ng Mag-anak
Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino
ang kahalagahan ng mag-anak at ang pagmamahalan at
pagkakaisa ng bawat kasapi nito.

Araw ng mga Guro


Iba-iba ang buwan ng pagdiriwang nito. Dito naman pinahahalagahan
ang kabutihan ginagawa sa atin ng mga guro.
Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon
Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o bayan.
Nagkakaiba-iba ng lamang ito ng petsa ayon sa bayani o natatanging Pilipinong
ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang Araw ng Maynila. Ika -19 naman ng Agosto
ang Araw ng Lungsod Quezon.

Balik sa simula

Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon


Marami pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas. Isinasagawa rin ito
sa iba't ibang buwan sa buong taon. Makikita rito ang mga kaugalian at
katangiang Pilipino
Pasko
Mahalaga para sa mga kapatid nating
Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan
tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng
paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng
pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa
de gallo ang magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang
araw ng Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang
dumadalo sa misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.

Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing


sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay - mga kamag-
anak at mga kaibigan - at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang
bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi
pati na rin sa buong mundo. Kung kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng
Pasko ay pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga
mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng
mag-anak.

Isa pang napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng


makukulay at maiilaw na parol na yari sa San Fernando, Pampanga. Dinarayo ng
mga turista ang paradang ito.

Ati-atihan
Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw
ito ng pag-awit at pagsayaw sa mga daan. Nagpaphid ng
uling o anumang itim na pangkulay sa buong katawan ang
mga sumasali sa parada. Nagsusuot pa sila ng makukulay na
kasuotan habang nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng mga
tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo Niño ng
isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang
iba sa kanilang pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang viva.

Mahal na Araw
Isang napakahalaga at natatanging
tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino.
Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos nito.
Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo,
Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com
kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay ni Cristo.
Penitensiya naman ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o
namamanata tuwing Mahal na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan
ang sarili sa pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa
kanilang mga katawan. Isang prusisyon ng mga rebulto ni
Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga
pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing Biyernes
Santo. Maingay at masayang naririnig ang kampana ng
lahat ng simbahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay upang
ipabando o ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating
Panginoon.
May isa pang
gawaing isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang
Moriones ng Marinduque. Isang makulay na
kaugalian pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot ng
damit ng mga Romanong sundalo at makukulay na
maskara ang mga namamanata.

Pahiyas
Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito
ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de
Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-
Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong
pagkain sa pintuan at mga
bintana ng kanilang bahay.

Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang


pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng mga
magsasaka ang kani-kanilang mga kalabaw patungo sa
simbahan upang mabasbasan ng pari. Naniniwala sila na
malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa mga sakit
at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na
kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Santakrusan
Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay
isinasagawa kung Mayo. Isang prusisyon ito na nagpapakita
at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na
Krus. Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong
ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga
babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.

Pista ng Peñafrancia
Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa
Lungsod ng Naga, Camarines Sur sa
rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog
ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng
Peñafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang
na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa
Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang lumalahok.
Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng birhen na
nasa isang kasko.

Araw ng mga Patay o Todos los Santos


Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre. Ginugunita at
pinararangalan ang mga namatay na kamag-anak sa araw na ito. Karaniwang
nagtutungo ang mga Pilipino sa sementeryo upang magsindi ng mga kandila,
mag-alay ng mga bulaklak at pagkain, at magdasal para sa namatay na mga
mahal sa buhay. Nagkakaisa rin ang mga Pilipino sa pagsasagawa ng mga
kaugaliang ito.

Ramadan
Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa
Timog tuwing Marso hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin sila sa
Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com
pagdiriwang ng okasyong ito. Mahalagang pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos
ang kaugalian at tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa buong mundo.
Nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang mukha ang mga babaing Muslim
kapag nagtutungo sila sa kanilang mosque. Nangingilin or nag-aayuno ang lahat
ng mga Muslim sa mga pagdiriwang na tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na
kanilang Panginoon. Ginugunita nila ang pakakahayag o rebelasyon ng Koran
kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila ng Koran. Ang
Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.

Hari Raya Puasa


Pagkatapos ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga kapatid nating
Muslim ang Hari Raya Puasa. Isa itong pasasalamat nila. Nagsisimula at
ginigising sila ng malalakas na ingay ng mga tambol. Agad silang nagbibihis ng
kanilang magagarang kasuotan at nagtutungo sa mosque. Nagdarasal sila ng
isang oras. Imam ang tawag sa kanilang pari.

Balik sa simula

Mula sa Librong Bayanihan 2 ni Priscila B. Dizon

Maikling Pagsasanay:

A. Sabihin kung ano ang inilalarawang pagdiriwang:


1. Ito ang pinakamahalagang pagdiriwang ng mga Muslim.

2. Ipinaparada ng magbubukid ang kanilang mga kalabaw sa daan patungo sa


simbahan.

3. Magagandang dalaga ang mga kasapi sa prusisyong ito.

4. Nakasuot ng sundalong Romano ang mga namamantang kalalakihan sa


pagdiriwang na ito sa Marinduque.

5. Isang makulay na pagdiriwang ito kung saan nagsasayaw at umaawit sa daan


ang mga kasapi.

B. Sabihin kung kailan ipinagdiriwang ang mga sumusunod na okasyon:


1. Linggo ng Wika

2. Araw ng Maynila

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


3. Araw ng Kagitingan

4. Araw ng mga Bayani

5. Pista ng Peñafrancia

Mga Kaugaliang Pilipino Tuwing Pasko


 Currently 5.00

6549 Rating: 5.0/5 (2 votes cast)


Sinasabing ang Kapaskuhan ang siyang pinakamahabang pagdiriwang sa
bansa, dala na rin marahil ng matinding impluwensiya ng relihiyong
Kristiyanismo. Unang araw pa lang ng Disyembre ay matamang naghahanda
na ang mga Filipino upang simulan ang kaugaliang ipagdiwang ang
kapanganakan ni Hesukristo. Mula sa dekorasyon, kasuotan, pagkain at
awitin, talaga namang makikita, maririnig at maaamoy na ang Kapaskuhan ay
papalapit na. Heto ang ilan sa mga kinagisnan nang kaugalian ng mga
Filipino bilang paggunita at paghahanda sa Pasko.

Parol

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


 Hindi pa man tumutuntong ang kalendaryo sa buwan ng Disyembre ay paisa-isa nang
naglilitwan ang mga naglalakihan at makukulay na parol sa mga tahanan. Ang parol ay hugis
bituin na lampara na sumisimbolo sa tala na nagtanglaw sa tatlong mago sa pagbaybay ng
kanilang daan patungo sa sabsaban ni Hesus. Tanyag sa Pampanga, ito ay ginagamit naman
ngayon upang ilawan ang mga daan para sa mga taong dadalo sa Misa de Gallo.

Belen

 Maliban sa pagsasabit ng Parol, tradisyon na rin ang paglalagay ng Belen sa mga tahanan.
Ang Belen ay tila isang tableau na nagpapakita ng eksena ng kapanganakan ni Hesus, katabi
ang amang si Santo Jose at inang Birheng Maria. Malimit ay ito'y isang pinaliit na replika ng
nasabing eksena, ngunit may ilan naman na gumagawa ng makatotohanang anyo nito at
inilalagak sa hardin.

Simbang Gabi

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


 Mas kilala bilang Misa de Gallo (o Misa ng Tandang), ito ay isang tradisyon ng pagsisimba sa
dakong alas-singko ng bukang liwayway, simula ika-16 ng Disyembre, hanggang sa bisperas
ng Pasko. Nagsimula ang tradisyong ito noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas. Dahil maagang nagtutungo sa kabukiran ang mga magsasaka ay napagpasyahan
ng mga kura-paroko na magdaos ng misa nang higit na mas maaga upang maging sila ay
makadalo. Ang tradisyong ito ay patuloy na isinasagawa marahil ay buhat sa paniniwala na
ang kahilingan o panata ng sinumang makabuo ng siyam na araw na simbang gabi ay
matutupad.

Mga Kakanin

 Kaakibat ng Simbang Gabi ay ang pagsasalu-salo ng pamilya sa pagkain ng mga kakaning


Filipino. Matatagpuan sa labas ng mga simbahan ang hanay ng mga munting tindahan na
nag-hahain ng mga malalagkit na pagkain gaya ng puto bumbong (malagkit na kanin na kulay
ube at hinuhulma sa isang bumbong o manipis na kawayan) at bibingka (hinurno sa uling na
malagkit na kanin na may kasamang itlog na maalat at niyog). Upang mapawi ang ginaw hatid
ng hanging amihan sa umaga ay mayroong mainit na tsokolate ring mabibili na masarap ding
panulak sa malagkit na kakanin.

Paghaharana

 Cumbanchero ang tawag sa grupo, na kalimita'y buhat sa Simabahan o paaralan, na


naghaharana at nagbabahay-bahay upang maghandog ng awiting pamasko. Kadalasan ay
may bitbit silang mga instrumento upang sabayan ang kanilang pag-awit. Maliban sa kanila,

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


talamak din sa mga kalsada ang mga paslit na nagsisipag-awit ng kanilang bersyon ng
kantang pamasko.

Awiting Pamasko

 Bilang senyales na malapit na ang pasko ay maririnig na pumapailanlang na sa hangin ang


mga himig o awiting pamasko. Maririnig sa mga paaralan, simbahan at maging sa istasyon ng
radyo ang mga napapanahong musika na kadalasa'y sinulat at inawit ng mga batikang
kompositor at mang-aawit sa Pilipinas.

Noche Buena

 Tradisyon din ng pamilyang Filipino ang pagsasalu-salo ng hapunan sa bisperas ng Pasko,


matapos ang huling Misa ng Simbang Gabi. Kadalasan ay isang munting pista ang idinaraos
sa tahanan, kasama ang ilang kamag-anak at malalapit na kaibigan, kasabay ng pagbibigay
ng mga regalo. Hindi kinakailangang masagana ang hapag-kainan. Higit na mahalaga ang
magkasama at magkabuklod ang buong mag-anak.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Panunuluyan

 Masasaksihan lalo na sa mga lalawigan ang pagsasadula ng masalimuot na paglalakbay ng


banal na mag-asawa para sa kapanganakan ng anak nilang si Hesus. Kadalasan ay
ginaganap ang dulang ito sa plaza o di kaya'y sa Simbahan bago simulan ang Misa sa
bisperas ng pasko.

Aguinaldo

 Pinakahihintay-hintay lalo na ng mga kabataang Filipino ang Pasko dahil sa paghingi ng


Aguinaldo (hango sa salitang Espanyol na nangangahulugang “regalo”). Ito ay ang
pagbabahay-bahay ng mga bata sa kanilang mga ninong at ninang, maging sa kanilang mga
kamag-anak upang sila'y mabiyayaan ng regalo na malimit ay nasa anyo ng salapi.
Masasaksihan rin dito ang ugaling Filipino na pagmamano o ang paglapat ng noo sa kamay
ng mas nakatatanda.

Sanggunian

 How to Celebrate a Filipino Christmas. (hinango noong Disyembre 1, 2008)


 Philippine Christmas. (hinango noong Disyembre 1, 2008)
 Christmas in the Philippines. (hinango noong Disyembre 2, 2008)

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


TALUMPATI SA KALAGAYAN NG EDUKASYON SA PILIPINAS

http://karwaskil.multiply.com/journal/item/34

(paumanhin at hindi ko nakuha ang pangalan ng may katha)

Una sa lahat, tunghayan natin ang kalagayan ng sistema ng


edukasyon kung saan hinuhubog ang mga susunod na mga propesyunal
sa masmidya, peryodismo, relasyong publiko at adbertaysing.

Sa kasalukuyan, milyun-milyong kabataang Pilipino ang nasasadlak sa


karukhaan at patuloy na ninanakawan ng kanilang kinabukasan.

Sa taun-taong pagtataas ng matrikula, sino pa'ng maniniwala na ang mga


kapitalistang edukador at may-ari ng paaralan ay hindi nagkakamal ng
supertubo?

Gayong itinakda ng Konstitusyon ng Pilipinas na ang edukasyon ay


karapatan ng mamamayan, para sa mga kapitalistang edukador ito'y
isang malaking negosyo. Mapatutunayan ito sa kalagayan ng UPHSL at iba
pang eskuwelahan dito sa lalawigan ng Laguna, kung saan dumarami ang
bilang ng mga drop-outs. Kabi-kabila rin ang mga kilos-protesta ng
estudyante at guro para ilantad ang pagsasamantala at kalunus-lunos
nilang kalagayan.

Iniulat ng Commission on Higher Education (CHED) na may 370 o 28% ng


kabuuang bilang ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad sa buong
bansa ang nagtaas ng matrikula nitong taon. Ang national average
percentage increase nito ay aabot sa 11.09%.

Ayon pa sa ulat, may 70 paaralan ang nagtaas ng matrikula sa rehiyong


Timog Katagalugan, kung saan tinatayang 14.26% o P39.39 kada yunit
ang halaga ng itinaas.

Kung pagbabatayan naman ang Report on Higher Education Institutions


with Tuition Fee Increase, Region IV-A and B, Office of Student Services,
Commission on Higher Education as of June 4, 2004, lumalabas na ang De
Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com
La Salle School of Health Science ang may pinakamataas na halaga
ngayon ng 21-unit load sa halagang P17,913 (14.04% of tuition hike). Sa
Siena College, nagkakahalaga ito ng P7,581-P17,682 (4.99-5.25%); De La
Salle University-Dasmarinas -- P13,839-P15,351 (8.01-8.14%); University
of Perpetual Help System in Laguna -- P11,907-P14,721 (14.81%); St.
John Colleges of Calamba -- P14,427 (9.92%); Laguna Northwestern
College -- P14,364 (14.96); Sacred Heart College of Lucena -- P10,731-
P12,831 (14.83-15.16%); San Pablo Colleges -- P11,109 (9.98%); at
Divine Word College of Theology in Tagaytay -- P10,584 (20%).

Mula noon hanggang ngayon, hindi natutupad ang gasgas nang pangako
na ang pagdaragdag sa matrikula ay mangagahulugan daw sa pagtaas ng
sahod ng guro't kawani, mahusay na pasilidad, libro at kagamitan sa pag-
aaral.

Bakit ba kayo pinadala dito ng UPHSL para mag-on-the-job training?


Bukod sa pagsasapraktika ng inyong kaalamang teoretikal, ito'y dahil na
rin sa kawalan ng Masscom Department ng mga teknolohiyang audio-
biswal para sa inyong aktwal na pagsasanay sa kabila ng pagbabayad
ninyo ng malaking halaga taun-taon.

Ano pa'ng maaasahan ninyo? Kung tutuusin, hindi naman interes ng ganid
at suwapang na mga kapitalistang edukador ang paunlarin ang kalidad ng
ating edukasyon.

Naging komersyalisado ang katangian ng edukasyon dahil sa kolonyal


nitong pinagmulan. Noong 1900s, naitatag ang isang malawakang
sistema ng pampublikong paaralan bilang instrumento ng panlilinlang sa
masa at para suportahan ang mga kampanyang pasipikasyon at
pananakop ng gubyernong militar ng US. Pinatotohanan ito ng dating
senador Claro Recto, nang sabihin niya na ang pagkatalong militar ng
rebolusyong Pilipino ay sinundan ng isang henerasyong inalipin ng
imperyalistang indoktrinasyon.

Ginamit ang Inggles bilang midyum ng pagtuturo sa mga eskuwelahan.


Ito'y upang makapagsanay ng sapat na bilang ng mga Pilipinong
propesyunal na siyang gagamitin para patakbuhin ang transportasyon,
komunikasyon, komersyo, at industriyang kontrolado ng mga dayuhan.
Ang talino ng mga abugado, doktor, siyentipiko, at inhinyero ay pawang
mga dayuhang interes din ang nakikinabang.

Samantala, ang mga nakatapos lamang ng elementarya, haksyul o 'yung


mga 'di nakatuntong sa eskuwela ay nagiging biktima ng siil, mura at
pleksibleng paggawa sa maraming pabrika gaya ng sa Laguna

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Technopark.

Ang bayan ay naging isang malawak na palengke ng labis na produkto at


kapital ng mga kapitalistang dayuhan na siyang tagatustos sa ating
burges na panlasa, paniniwala at estilo ng pamumuhay. Pinagpasasaan ng
mga monopolyo-kapitalistang US ang yamang likas at pantao ng ating
bansa, habang nagdurusa sa matinding kahirapan at krisis ang mga
mamamayan.

Upang mapanatiling umiiral ang dati nang komersyalisado at kolonyal na


sistema ng edukasyon, ipinatutupad ng gobyerno, mga kapitalistang
edukador at may-ari ng eskuwelahan ang panunupil sa kampus. Laganap
ngayon ang paglabag sa demokratiko at konstitusyunal na mga karapatan
ng estudyante tulad ng pagbabawal sa kalayaang magpahayag, mag-
organisa at sa sama-samang pagkilos. Naririyan din ang pagkontrol ng
mga administrador ng paaralan sa mga student councils at publications.

Kung sa eskuwelahan pa lang ay sinasanay na ang mga estudyante ng


Masscom ng pag-aasal-alipin at pagiging kimi sa gitna ng pagsasamantala
at kawalang hustisya, paano natin mabisang maihahatid sa madla ang
katotohanan ng tunay na nagaganap sa ating lipunan? Paano ninyo
aaliwin ang masa na palaging biktima ng karahasang militar, maliit na
sahod, kawalan ng serbisyo at pandarambong sa ating kabang-yaman?
Paano ipalilimot sa inyong awdyens ang kumakalam nilang sikmura dahil
sa gutom?

II. MASMIDYA

Konserbatibo vs. Progresibo

Sa proseso ng ating kasaysayan, lumitaw ang dalawang magkasalungat


na tradisyon sa masmidyang Pilipino: una, ang konserbatibong tradisyon
(mainstream) at pangalawa, ang progresibong tradisyon (alternative).

Sapagkat dominado ng maka-imperyalistang mga interes, itinataguyod ng


konserbatibong masmidya ang paghahari ng mapang-aping mga rehimen.
Mahigpit nitong tinutulan ang reporma sa sistema at demokratisasyon ng
mga istrukturang panlipunan. Bukod dito, ipinalalaganap nito ang mga
impormasyon o mensaheng dekadente, walang kabuluhan (trivial), 'di
lubos na makatotohanan (inaccurate) at naghihikayat ng pagtakas sa
reyalidad (escapism).

Bago pa ang monopolisasyon ng rehimeng Marcos sa buong masmidya sa


panahon ng Batas Militar, umiral na ang ganitong tradisyon sa mga

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


pahayagang Espanyol na walang ibang laman kundi mga papuri sa prayle
at mga kolonyal na opisyales, mahigit 'sandaang taon na ang nakakaraan.

Dahil na rin sa maimpluwensyang kapangyarihan nito, naging daluyan


ang konserbatibong masmidya ng kulturang popular (pop culture) kung
saan todo-todong pinasisikat ang mga imahe sa udyok na magkamal ng
supertubo.

Habang may emosyonal na kapit ang mga tumatangkilik na awdyens,


patuloy ang panatisismo at pangangalakal sa imahe. Halimbawa, kahit
hindi direkta o personal na kilala ng mga manonood ang grupong
Taiwanese na F4, kapansin-pansin ang lubusang pagkahumaling nila sa
imahe nito. Ipagpapalit ng fan ang klase para makapanood ng TV o
konsyerto, susuwayin ang kanyang pamilya at guro, at makikipag-away
sa sinumang may ibang iniidolo sa ngalan ng F4. Pero walang libreng tiket
sa konsyerto ng F4. Kailangang bumili ng panyo, notebook at bag na may
larawan ng F4 para matangkilik sila. Naiisip ba natin kung gaano ang
sakripisyo at halagang ginagasta ng mga fan?

Ang progresibong masmidya, sa kabilang banda, ay umusbong sa


sinapupunan ng masa, na noong huling bahagi ng ika-19 siglo ay
nanawagan ng reporma at nang lumaon ay naging instrumento para
kamtin ang hinahangad na panlipunang pagbabago. Ipinalalaganap nito
ang mga impormasyon o mensaheng nagpapalaya ng ating kamalayan sa
gapos ng kamangmangan, naglalantad ng sosyal-reyalidad at nagbibigay
ng gabay sa pagkilos.

Kinabibilangan ito ng mga peryodista at propesyunal na nagsasaliklik ng


mga impormasyong makakatulong para higit na maintindihan ng madla
ang lipunan at mga problema nito, gaya ng awtoritaryan na pamamahala,
dayuhang dominasyon at krisis pangkabuhayan.

Mula sa mga makabayang dyaryo tulad ng La Solidaridad, Kalayaan at La


Independencia noong panahon ng unang kilusang propaganda hanggang
sa We Forum at iba pang alternatibong publikasyon noong Batas Militar,
patuloy na nagsisikap ang progresibong masmidya na makapanaig sa
gitna ng kakulangan ng rekurso at mapanupil na sitwasyon.

Suriin ninyo ang bawat dyaryo, magasin, aklat, billboard, poster,


programa sa telebisyon o radyo, sine at website sa internet na
tinatangkilik ng masang awdyens. Sadyang hindi maiiwasang ihanay ang
bawat isa sa mga ito, alin man sa konserbatibo o progresibong masmidya.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Kahit pa sabihing walang batas na nagreregulisa sa masmidya, ito'y
maaaring busalan sa pamamagitan ng mapaniil na instrumento ng
gobyerno, kapangyarihan ng mga nagmamay-ari ng midya, istakholder at
adbertayser, at ng ideolohiyang pagkagapos ng kalakhan sa mga
propesyunal. Nagaganap din ang iba't ibang tipo ng panunuhol ng mga
malalaking negosyante't pulitiko sa mga reporter at brodkaster.

Hangga't hindi nagaganap ang radikal na pagbabago sa lipunan, patuloy


na mamamayani ang dalawang magkasalungat na tradisyon.

Lumalalang Panggigipit at Pamamaslang

Tumitindi ngayon ang intimidasyon at karahasan na dinaranas ng mga


tagamidya, bagay na hindi gaano tinatalakay sa mga eskuwelahan.

Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), mula


nang bumagsak ang diktadurang Marcos noong Pebrero 1986, di bababa
sa 55 mamamahayag na ang pinapatay sa bansa. Samantala, sa hiwalay
na listahan ng Bulatlat.com, isang news-feature website, aabot na sa 78
mamamahayag ang napapatay mula noon. Kung isasama ang mga pinatay
noong panahon ng batas militar, 110 na lahat-lahat ang mamamahayag
na biktima ng pamamaslang. Dalawampu rito ay pinaslang sa ilalim ng
administrasyong Arroyo.

Sa ginanap na kilos-protesta noong Agosto 16 ng may di bababa sa 200


mamamahayag mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas sa pambansang
himpilan ng pulisya sa Camp Crame, binatikos ng iba't ibang organisasyon
ng midya, sa pangunguna ng NUJP, ang kainutilan ng Philippine National
Police (PNP) na lutasin ang maraming kaso ng pamamaslang sa mga
mamamahayag.

Inihayag sa rali na pumapangalawa na ngayon ang Pilipinas sa mundo


(nangunguna ang Iraq na patuloy na ginigyera ng Amerika) sa bilang ng
mga mamamahayag na pinaslang habang gumagampan ng kanilang
trabaho.

Hanggang sa mga oras na ito, mayroong anim na mamamahayag ang


pinatay kung saan apat sa kanila ay sa buwan lamang ng Agosto. Pitong
mamamahayag naman ang pinatay noong 2003.

Malinaw na kilala ang mga biktima sa pagbatikos sa korapsyon at krimen


na kinasasangkutan ng mga pulis, militar, matataas na upisyal ng
gubyerno at malalaking negosyante.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Hayaan ninyong isalaysay ko ang detalye ng mga kaso. Dito sa rehiyong
Timog Katagalugan, ang mga biktima ng pamamaslang ay sina: Sonny
Alcantara, news presenter ng City TV sa San Pablo, Laguna, na
pinagbabaril noong Agosto 2002 pagkatapos niyang batikusin ang isang
lokal na upisyal ng syudad; si Noel Villarante, kolumnista ng Laguna Score
at komentarista sa DZJV na pinaslang noong Agosto 19, 2003 dahil sa
kanyang paglalantad sa mga anomalya; si Arnnel Manalo, korespondent
ng dyaryong Bulgar at DZRH matapos niyang ihayag ang panig ng kaaway
ng isang makapangyarihang negosyante sa Bauan, Batangas; at si
Fernando Consignado, korespondent ng Radyo Veritas na pinaslang noong
Agosto 12 dahil sa paglalantad din ng mga anomalya sa Nagcarlan,
Laguna.

Bukod sa pamamaslang, maraming mamamahayag ay naging biktima ng


harasment, pananakot, pambubugbog at iba pang tipo ng panggigipit at
paglabag sa karapatang pantao.

Noong Mayo 31, pinagbubugbog, ininteroga at pinagbantaang papatayin


ng mga elemento ng 20th Special Forces si Melvin Mamis, cameraman ng
Southern Tagalog Exposure, matapos niyang kunan ng bidyo ang isang
human rights fact-finding mission sa Rosario, Batangas.

Samantala, noong Hunyo 23 ay puwersahang pinatatanggal sa ere ng mga


militar ang Radyo Anakpawis, lingguhang programa ng Katipunan ng
Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) sa DZRB sa
Batangas City. Pinaratangan ng mga militar at pulis na pinatatakbo
umano ng New People's Army (NPA) ang naturang programa. Nagbanta
sila rereydin ang istasyon kung hindi ititigil ang programa.

Matapos ihayag sa isang interbyu nitong Agosto na alam nila kung sino
ang nagpapatay kay Arnnel Manalo, nakatanggap ng pagbabanta sa buhay
at pagmamanman ng mga di-kilalalang lalaki ang isang katrabaho ni
Manalo. Samantala, napilitang magtago nang ilang araw ang isa pang
taga-midya.

Noong Oktubre hanggang Nobyembre 2002, anim na kaso ng pagdukot at


panghaharas ng pulis, militar at paramilitar sa mga tagamidya ang naitala
ng NUJP. Si Edu Paringit, isang cameraman ng TVnet, isang lokal na
istasyon ng telebisyon sa Calapan City, ay nakatanggap ng harasment
mula kay Gen. Jovito Palparan, dating pinuno ng 204th Brigade, dahil
lamang sa pagkober niya sa marahas na demolisyon sa lunsod.

Sa taon ding 'yon, isa si Ferdie Roldan, reporter ng dyaryong Newsflash sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


daan-daang naging biktima ng madugong pandarahas ng mga pulis at
goons laban sa mga manggagawa ng Nestle na mapayapang nagwewelga
d'yan sa Cabuyao, Laguna.

Sino ang hindi nakakakilala kay Isabela governor-elect Grace Padaca na


dating brodkaster? Paulit-ulit na ipinasara noon ni Mayor Caesar Dy ng
Cauayan City ang Bombo Radyo sa Isabela dahil sa pambabatikos nito sa
korupsyon at karahasan ng pamilyang Dy.

Sa maraming insidente, ang mga elemento ng pulisya ang nasasangkot sa


pagpatay o panggigipit sa mga tagamidya. Noong Mayo 2002, pinatay ng
isang pulis si Edgar Damalerio, reporter ng Zamboanga Scribe at
Mindanao Gold Star at komentarista sa DXKP sa Pagadian City. Kahit
natukoy at naaresto na si PO1 Guillermo Wapile, pinatakas pa rin siya ng
mga kapwa niya pulis. Sa loob ng dalawang taon, pakalat-kalat lamang si
Wapile sa Pagadian at iba pang lugar sa prubinsya. Sa katunayan, naging
badigard pa siya ng isang pulitiko noong nakaraang eleksyon. Samantala,
napilitang magtago ang pamilya ni Demalerio at iba pang testigo.

At ano ang tugon ng awtoridad sa mga panggigipit at pamamaslang?


Nagbigay ng "payo" si PNP Dir. Gen. Hermogenes Ebdane sa mga
tagamidya na manahimik na lamang para hindi maging target ng
karahasan. May adelantadong mungkahi pa na mag-armas na lamang ang
mga mamamahayag para maipagtanggol ang sarili. Binalewala naman ni
Gen. Angelo Reyes, Secretary ng Department of Interior and Local
Government na nangangasiwa sa PNP, nang sabihin niyang walang pang
malalang tunguhin sa bilang ng mga pinapaslang na mga tagamidya.

Ang mga pahayag na ito ng mga nasa awtoridad at ang kawalan nila ng
aksyon sa lumalalang panggigipit at pamamaslang sa mga tagamidya, ay
patunay lang na ang demokrasya at kalayaan sa pamamahayag ay
mistulang ilusyon. Ang estado mismo ang sumusupil sa kalayaan sa
pamamahayag para protektahan ang interes ng mga naghaharing uri sa
ating bayan.

III. MGA ALTERNATIBONG HAMON

Kung papawiin ang takot at pag-aalinlangan sa ating mga puso't isipan,


malulutas natin ang mga problemang bumabagabag sa sistema ng
edukasyon at masmidya. Mababago lamang ang mundo kung tayo'y
magkakaisa at lalaban. "The people united can never be defeated." Ito
ang hamon sa atin.

Sa larangan ng edukasyon, may pangangailangang itaguyod ang isang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


pambansa, siyentipiko at demokratikong edukasyon.

Pambansa, dahil nais nating ibalik ang karangalan ng ating lahing


Pilipino. Dapat imulat ang mga estudyante upang kondenahin ang
imperyalistang agresyon at gyera. Gawin natin laboratoryo ang mga
eskuwelahan para sa pagpapatupad ng demokratikong pamahalaan,
pambansang industriyalisasyon, repormang agraryo, independyenteng
ugnayang panlabas, makabayang kultura at iba pang kagyat na tungkulin.

Siyentipiko, dahil nais nating ipalaganap ang pag-aaral ng mga


kaalamang nakabatay sa pagsisiyasat at pagsusuri sa reyalidad. Umaayon
ito sa mga batas ng aktwal na pag-iral, pagbabago at rela-relasyon ng
mga bagay at pangyayari.

Demokratiko, dahil hangad nating mangibabaw ang karapatan at interes


ng nakakarami sa ating lipunan. Dapat nating igiit ang pagpapatupad ng
libreng edukasyon para sa mamamayan sa lahat ng antas.

Kasama ng mga independyente at responsableng propesyunal sa midya,


dapat lumahok ang mga estudyante ng Masscom sa puspusang kampanya
para itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag. Nangangahulugan ito ng
pagtatayo ng mga pangmasang organisasyon na naglalayong lumikha ng
opinyong publiko na sasalungat sa panlilinlang ng mga nagsasamantala at
nang-aapi, Pilipinisasyon at pagpapabuti sa kabuhayan ng mga
manggagawa sa midya.

Sa aking pagtatapos, nais kong baunin ninyo ang mahalagang mensahe


ng International Federation of Journalists (IFJ): "walang kalayaan sa
pamamahayag hangga't nabubuhay ang mga mamamahayag sa
korupsyon, kahirapan at takot."

Komedya Dekada 90: Bob Ong, Jessica Zafra, Pol Medina

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


I planned on writing this entry in an objective manner, but as I started writing, pieces of me

resisted the cracking soil. It would be sacrilege on my part to do so. Besides, I read for

pleasure first, for curiosity second, and for necessity last. So I indulged my senses, I trusted

my gut, I laughed.

But what is funny to me? A better question would be: who could tell what makes a line funny

or not? Who could tell why to some, Shakespeare's Falstaff, Mark Twain's nomads, Jane

Austine's ironic heroine, Moliere's miser, or Cervantes's eccentric rider, is, to some, funny, and

to others not at all?

Perhaps I could apply the objective eyes of Hobbes (we laugh at the defects of others as well

as our past selves, providing we transcend it - we feel superior to those we laugh at), Kant

(we laugh because our expectation is frustrated - because unrelated objects are mixed), or

Freud (we laugh to vent our repressed feelings - to outwit the censors). But I didn't and

wouldn't - humor for me, is an art, and not science - prying and poking at the innards of the

hyena will halt its laughter.

Doubtless there are those who will cry "trash" to a topic such as this, these are the types who

label the likes of Oscar Wilde and Woody Allen as unimportant clowns, branding their comedic

wits as trivial pursuits. To dislike this list is the prerogative of the reader, and as such I would

respect the taste of each and every individual, but to state that writing comedy is insignificant,

is for me an invalid rhetoric. As F. Sionil Jose introducing his fellow National Artist (the short

story comic Alejandro Reyes) implied: making the tears fall is as hard in tragedy as it is in

laughter.

There is nothing trivial about writing comedy - the writers risk the most in channeling the

truth of emotions through mirth. As the reaction of the radical Muslim mob over Danish

embassies attest(incited by the infamous Jyllands-Posten cartoons), deflecting anger and

protest through laughter is a hit-or-miss affair. But such is the power of humor that a well-

delivered comedy has more impact than any litany and sermon that can emanate from long-

winded diatribes (e.g. a single comic strip of Dilbert or a single episode of The Office, has

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


more impact to me than any book I've read concerning the pains of living with clueless co-

workers).

During a family gathering, I told a story of a superstitious friend who has a habit of spewing

one-liner clichés. He is a tall person, and being that way, was prone to bumping his head on

low entrances. One such afternoon, witnessing the bump, I blurted to him: "Okay lang 'yan,

malayo naman sa bituka" ("It's okay, it's nowhere near the intestine").

As the laughters swirled around the dining table, my teenage sister, in an abrupt tone, cut the

revelry: "kuya hindi naman joke 'yan, kasi totoong nangyari" ("brother it's not a joke, 'cause it

truly happened"). Everyone's eyes glanced at mine, to which I, smiling at my sister, replied:

"Ang joke, kahit na gaano kabaliw at kababaw ay may bahid ng katotohanan." ("A Joke,

however crazy and shallow, has a tinge of truth").

BOBONG PINOY

1998. Dahil sa paghahanap ko sa Internet ng isang paksa, aksidente akong napunta sa

Bobong Pinoy. Dahil dito, sa kabutihang o kasamaang palad (depende na sa kung sino ang

tumitingin), gumugol ako ng pagkarami-raming oras sa opisina at kuryente sa bahay, para

lamang malaman kung ano na ang susunod na isusulat ng webmaster ng Bobong Pinoy.

Aksidente nga ba? O gaya ng sabi ni Einstein, walang aksidente? Sa paghahanap ko ba'y,

sinadya ko talagang makita ang Bobong Pinoy ng hindi ko namamalayan?

Halos mag-iisang dekada na rin ng una kong naisip na: 'sakto ang timing ng mga patawang

nakatapak sa lupa, at napakaitim ng background. Nang taon ding iyun, naging usap-usapan sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


mga webmaster na magkakaroon ng awarding - gaya ng Webby sa Amerika pero para nga

lang sa mga Pinoy. Umugong din ang mga bali-balitang maisasali ang mga kathang may

pagka-weird. Dalawang Pilipino ang kagyat na sumagi sa isip ko na maaring lumarawan ng

pagkabaliw: si Dino Ignacio at si Bob Ong.

Namangha ako sa abilidad ni Dino Ignacio sa paghahabi-habi ng madalas na'y di pinapansin.

Si Bert ng Sesame Street ay madalas ko ng mapanood bilang kontrabida kay Ernie. Palatawa

at masayahin si Ernie, si Bert nama'y seryoso, ayaw ng naiistorbo. Madalas nang kinukulit ni

Ernie si Bert, na kung saang kunot-noo namang nakukulitan si Bert.

Lumaki ako sa panood ng Sesame Street. Kung mapapanood ko ang mga lumang episode ng

Sesame Street ngayon, malamang hindi na ko tablan sa paulit-ulit na skit ni Bert at Ernie.

Ginamit ni Dino ang isa sa mga haligi ng komedya, ang eksaheradong pagtukoy sa mga

normal, upang maipakita kung bakit at ano nga ba nakakatawa kay Bert. Gamit ang computer,

pinagdikit-dikit ni Dino ang mga kuha ni Bert at mga lumang larawang sumasalamin sa

masasamang nangyari sa kasaysayan ng tao.

Nariyan ang "ebidensiya" kung saan nakatayo si Bert sa gilid ng isang parada bago mabaril si

JFK; nariyan ang kamay ni Bert sa singit ng batang si Michael Jackson; meron ding

magkasama sila ni Hitler; at sino nga bang makakalimot kay Kevin Cosner at Bert na

magkasama sa pelikulang Postman. Isama mo pa ang mga caption na siguradong patok …

…This shot is taken on the set of "The Postman" when Costner was taking advise from bert on

how to act in a post-epocaliptic world.

Hinangaan at binigyan ng parangal ng mga hurado ng 1998 Webby ang ginawa ni Dino (Bert is

Evil). Noong taong ding iyun, na kung saan nabuo ang Philippine Web Awards (iba pa ang

pangalan noon), nakuha ni Dino ang pa-premyo para sa mga website na may nakakabaliw na

tema.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Nakakapanghinyang na pagkatapos manalo ng Webby at PWA ay itinigil na ni Dino ang Bert is

Evil. Marami-rami ang nagsulputang kopya, ginaya at dinagdagan ng mga panibagong litrato,

ngunit gaya nga ng kasabihang pinoy, "iba pa rin ang orig." At dahil sa isang may masamang

balak na Arabong naglabas ng napakalaking poster ni Bin Laden, na kung saan nakasingit si

Bert (nakuha daw niya sa Internet, pero sa aking pakiwari'y kakilala din ng Arabong iyun ang

gumawa ng collage), sa isang protesta sa Afghanistan pagkatapos na pagkatapos sumabog

ang Twin Towers, ay lalo pang sumidhi ang kagustuhan ni Dino na tuluyan ng alisin ang

kanyang Bert is Evil sa orihinal nitong kinalalagyan.

Bagama't gaya ni Dino, may pagka-graphic artist din ako, mas nagustuhan ko ang Bobong

Pinoy. Nangibabaw ang pagka-pinoy ko sa pagka-graphic artist. Kung tutuusin magkaibang

prutas naman talaga ang Bert is Evil sa Bobong Pinoy. Si Dino, gag ang style ng patawa

(naalala ko tuloy iyung ibang pelikula ni Woody Allen - ipinatong ang bagong film footage sa

luma), kay Bob Ong nama'y socio-political satire. Pareho pa rin silang panalo, si Dino sa mga

may-alam na hurado, si Bob Ong nama'y sa botohan ng mga tao (ang People's Choice).

Hindi ko alam kung mabagal lang talaga ang koneksiyon ko noon (kapanahuhan kasi ito na

pag binanggit mo ang "broadband" malamang matanong ka ng "may CB ka?") o nagsulputan

lang talaga ang mga bumibisita dahil sa People's Choice, pero parang Edsa pag oras ng uwian

'lagi ang usad ng Bobong Pinoy.

'Di kalauna'y lumipat na rin ang katha ni Bob Ong sa bobongpinoy.com. Pero 'di ko ba alam,

mabagal pa rin ang pasok. Nakaisip tuloy ako, tuwing lunch o uwian na lang sa opisina ako

sisilip (nakakabit kasi sa mismong ISP 'yung PC ko sa opisina). Ilang beses ding hindi na-

update ang bobongpinoy.com, hanggang isang araw hindi na ni-renew ni Bob Ong ang

naturang site(dahil siguro alam na ng lahat na maglalabas siya ng libro. Mahirap na nga

namang umatras sa bagay na naipangako mo na). At di nga 'rin nagtagal, bigla na lang

nawalang parang bula ang bobongpinoy.com (huwag mo ng balaking pasukin ngayon, pag-aari

na ito ng isang kumpanyang taga-Estonia). Lumitaw din ang Paboritong Website ni Hudas,

iyan ang alam kong kauna-unahang blog ni Bob Ong, pero mas maikli pa ang buhay nito sa

bobongpinoy.com.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Sino nga ba is Bob Ong? Karamihan ng mga nag-kalat na "sightings" na naglipana sa Internet

ay mga kuwentong barbero na nangaling malamang sa mga pinag-pasapasahang mga "sinabi

raw." Kung mamarapating niyo akong magdagdag ng opinyon: kung madulas pa sa ahas ang

pagtuklas sa tunay na katauhan ni Bob Ong, ito marahil ay dahil sa gumagamit siya ng nom

de plume (Ang Bob Ong na pangalan para sa akin, ay biniyak na salitang Bobong, na nagmula

sa pamagat ng dati niyang site, at sumasalamin sa ating pinagsamasamang kahinaan bilang

Pilipino).

Pero bakit pa kailangang gumamit ng Alias? Pag tinanong mo ang tanong na ito, malamang

hindi mo alam ang sagot - kabaliktaran kasi ng tanong ang balak gawin ng pseudonym: si

Jose Rizal ginamit ang pen name na Dimas Alang (Dimasalang na ngayon), sa kanyang satire

(ang sobrang kakatwang La Vision del Fray Rodriguez o The Vision of Fray Rodriguez o Ang

Pangitain ni Fray Rodriguez), bilang pasumbalit sa atake ni Rodriguez sa Noli Me Tangere

(Touch me Not o Huwag Mo Akong Salingin). Magkahalong gulat at halakhak ang bumalot sa

akin ng una kong mabasa ang La Vision - hindi ko kasi alam na meron palang ganito si Rizal -

ang kakarampot at paminsan-minsang pagsilip na kakenkoyan ni Rizal sa mga nobela niya'y

umusbong at lumitaw ng buong-buo sa liwanag. Si St. Augustine ay inatasan ng Diyos mismo

na ipagbigay alam kay Rodriguez na ang pari'y dapat magsulat ng kanyang ka-bobohan upang

merong mapagtawanan ang mga tao! At dahil pa sa nabasa ko na rin dati pa ang Confessions

ni Augustine ('kakatwa din ito, dahil nagawang isulat ni Augustine ang malambot at ayaw

makisama n'yang tite bilang pilosopiya), ay lalong nagpasidhi ang aking pagtawa. Napaisip

tuloy ako: may katotohan kaya ang sulat ni Ambeth Ocampo na naging parokyano ng prosti si

Rizal sa paglalakbay nito sa Europa? Dahil kung si Augustine na halos isabuhay ang
konsensiya niya sa pagbabate at pagkikipag-talik sa mga babae, si Rizal pa kaya na napaka-

romantiko?

Tulad ni Rizal, binanatan din ni Dolores Manapat (ang alias ni Marcelo H. del Pilar) si Rodriguez

sa satire na Dasalan at Tuksuhan. Parang Parokya ni Edgar ang dating (Chikinini na lyrics sa

orihinal na Banal na Aso ng Yano), pinalitan ni Dolores ang lyrics sa mga iba't ibang dasal

Katoliko. Nariyan ang Amain Namin ("Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan

mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa

langit…"), Aba Guinoong Baria ("Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia…") at Ang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Mga Utos Nang Fraile ("Ang mga utos nang Fraile ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo ang

Fraile na lalo sa lahat…")

Pop Quiz: Spot the similarity

Mark Twain, Moliere, Pablo Neruda, The Brontes, Pauline Reage, George Orwell, Dr. Seuss,

Voltaire, Tikbalang.

A. Pare-pareho silang manunulat.

B. Pseudonym.

C. All of the above.

D. Pangalan ba?

Kung A ang sagot mo puwede. Kung B, lalong puwede. At kung C nama'y SUPER-DUPER-

PUWEDE! Kung D, aba kailangan mo munang sagutin ang isa pang katanungan bago ka

maging semi-uber-puwede: kaninong pen name ang huling pangalan?

Habang kumakain ako sa isang restaurant, may narinig akong dalawang profesor daw, na

nagpapataasan ng ihi. Mahaba-haba rin ang mga paksang pinag-talunan, hanggang dumating

ang usapan kay Bob Ong:

Propesor Bangko: Did you know, na hindi talaga tao si Bob Ong?

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Para sa mga kabataan-estudyante:

Bilang susunod na henerasyon ng uring manggagawa, nanawagan kami sa inyo na basahin at


talakayin ninyo ang laman ng aming sulat para sa inyo. Walang mawawala sa inyo kung
gagawin ninyo ito. MARAMING SALAMAT.

Ang mundo ngayon ay nababalot ng kaguluhan, digmaan, kahirapan, gutom, epidemya at patuloy na
pagkasira ng kalikasan. Idagdag pa natin ang lumalalang kabulukan ng lahat ng mga gobyerno,
Kaliwa man o Kanan ang nasa pamunuan; ang drug addiction at gangsterimso laluna sa inyong hanay,
at ang halos walang katapusang kriminalidad, at iba pa.

Ang iba’t-ibang gobyerno, mula sa pinakaabante hanggang sa pinakaatrasadong mga bansa kasama
ang iba’t-ibang malalaking multilateral na mga institusyon gaya ng United Nations at iba’t-ibang Non-
Government Organizations (NGOs) habang nangangakong hanapan ng solusyon ang mga mabibigat
na problemang pinapasan ng sangkatauhan ay nagtuturuan kung sino ang may kasalanan sa
delubyong nangyayari ngayon.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Ang mga Kaliwa naman, mga umaangking sila ay ‘komunista’ — Maoista, Stalinista, Trotskyista at
‘Leninista’ — at mga anarkista ay sinisisi ang Globalisasyon (Liberalisasyon, Pribatisasyon at
Deregulasyon); sinisisi ang estado dahil pinabayaan diumano na pagsamantalahan ang mga
mamamayan ng mga korporasyong multinasyunal at transnasyunal. Para sa Kaliwa, ang solusyon ay
ang pagtatayo ng ‘estado ng manggagawa’ o ‘demokratikong gobyernong koalisyon’ na kokontrol sa
buhay panlipunan, na ang tunay na kahulugan ay KAPITALISMO NG ESTADO.

Subalit marami pa rin ang nagtatanong at nababahala: May magandang kinabukasan pa ba ang
mundo sa ilalim ng kasalukuyang panlipunang sistema o hindi na mapigilang mawasak ito?

Kung mayroon mang pinaka-interesado na sagutin ang tanong na ito ay dapat kayong mga kabataan-
estudyante dahil nasa inyong mga balikat ang kinabukasan ng mundo. Sa ilalim ng sistemang
kapitalismo, kayo ang susunod na henerasyon ng mga sahurang alipin ng kapital. Kayo ang
magkakaroon ng panibagong mga pamilya at siguradung kayo mismo ang bubuhay at magpalaki sa
inyong mga anak.

Kayo ay nag-aaral at nagsisikap makapagtapos ng pag-aaral dahil sa layuning magkaroon kayo ng


magandang kinabukasan hindi lamang para sa inyong mga sarili kundi higit sa lahat para sa inyong
mga pamilya sa hinaharap. Kaya napakahalaga ang tanong sa itaas na masagot ninyo bilang mga
manggagawa sa hinaharap (kahit marami na sa inyo ngayon ang naging manggagawa para
matustusan ang pag-aaral). Subalit hindi ninyo masagot ang tanong kung patuloy kayong matali sa
mga usapin sa loob lamang ng eskwelahan gaya ng pagtaas ng matrikula. Ang matrikula ay mahigpit
na nakaugnay sa pagiging ganid ng mga kapitalista sa tubo partikular sa larangan ng edukasyon.
Hangga’t kapitalismo ang maghari — pribado man o estado ang magkontrol — ang sistema ng
edukasyon ay laging magsisilbi sa batas ng pamilihan at sa pagsasamantala sa lakas-paggawa.

Sa Ilalim ng Dekadenteng Kapitalismo Barbarismo ang Kinabukasan ng Sangkatauhan

Ang ugat sa mga problemang dinaranas ng sangkatauhan ngayon ay ang sistema ng sahurang pang-
aalipin, ang sistema ng tubo at kalakal sa pamilihan, ang sistema ng kompetisyon. Ang tawag dito ay
KAPITALISMO.

Sa kasalukuyang panahon, ang pandaigdigang kapitalismo ay nasa kanyang permanenteng


pagbulusok-pababa na, nasa kanyang permanenteng krisis, nasa kanyang dekadenteng yugto. Dahil
pandaigdigan ang sistemang ito, walang bansa ngayon ang hindi nakaranas ng permanenteng krisis.
Kahit pa ilang datos ng ‘pag-unlad’ ng ekonomiya ang ilathala ng mga gobyerno sa buong mundo, ang
katotohanan ay patuloy na lumalala ang kahirapan sa daigdig. Ang walang hintong mga digmaan
ngayon sa iba’t-ibang dako ng mundo ang isa sa pinakamatingkad na patunay na lumalala ang
kapitalistang krisis.

Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo imposibleng ‘uunlad’ pa ang isang bansa na hindi nito
pagsamantalahan ang ibang mga bansa. Ang ‘pag-unlad’ ng isang bansa ay bunga ng matinding
pagsasamantala sa kanyang mga manggagawa at/o sa mga manggagawa sa ibang mga bansa. Ang
‘pagdami’ ng may trabaho sa isang bansa ay may katumbas ng pagdami ng mga walang trabaho sa
ibang mga bansa.

Maling-mali ang mga Kaliwa sa kanilang paniniwala na kung maputol ang kontrol ng imperyalismong
Amerikano sa Pilipinas ay uunlad na ang ekonomiya ng bansa. Ang katotohanan, sa panahon ng
imperyalismo ang bawat bansa ay may imperyalistang katangian dahil ‘uunlad’ lamang ito kung
pagsamantalahan nito ang ibang mga bansa sa ilalim ng islogang ‘pagkapantay-pantay’ at ‘malayang
kompetisyon.’ Pangalawa, kung maputol man ang kontrol ng Amerika sa bansa, hindi malayong
papasok ang iba pang ganid at makapangyarihang imperyalista kakutsaba ang mga paksyon ng
burgesyang Pilipino o maging ang ilang maka-Kaliwang grupo upang kontrolin ang Pilipinas gaya ng
Tsina o Japan sa ngalan ng pagpapalaya sa bansa mula sa kuko ng imperyalistang Amerikano.

Ang tunay na kaaway ng mga manggagawa kabilang na kayong mga kabataan-estudyante ay hindi
lang isa o dalawang imperyalistang kapangyarihan kundi ang buong imperyalistang sistema. Ang
kalaban ng mga manggagawang Pilipino ay hindi lang ang mga dayuhang kapitalista kundi mismong

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


mga Pilipinong kapitalista na halos magkatulad lamang ang pagkaganid sa tubo at pagsasamantala sa
mga manggagawa.

Ang ‘paglaya’ ng Pilipinas mula sa isang imperyalistang kapangyarihan ay pagpapatuloy pa rin ng


kapitalistang pagsasamantala sa manggagawang Pilipino. Ang pagtatayo ng isang ‘sosyalistang
gobyerno’ sa bansa ay pagpapatuloy pa rin ng sahurang pang-aalipin. Ang ‘kalayaan’ ng Pilipinas mula
sa isang imperyalistang kapangyarihan ay pagkaalipin naman nito sa iba pang kapangyarihan.

Internasyunalistang Pagkakaisa at Pakikibaka: Ang Susi sa Tagumpay Laban sa Kapitalismo

Ang uring manggagawa bilang internasyunal na uri ang tanging uri na may istorikal na misyon at
kapasidad na durugin ang kapitalismo sa buong daigdig. Siya lamang ang tanging rebolusyonaryong
uri sa ilalim ng kapitalistang kaayusan.

Kung hindi madurog ang dekadenteng kapitalistang sistema, asahan ninyo na ang inyong mga
pamilya sa hinaharap ay mas mahirap pa ang maranasan kaysa ngayon.

Subalit hindi madudurog ang kapitalismo at hindi maibagsak ang paghari ng mga kapitalista kung
patuloy tayong matali sa balangkas ng bansa, sa balangkas ng nasyunalismo at pagmamahal sa
bayan (ang mga ito ay matamis na salita lamang na ang ibig sabihin ay ipagtanggol ang pambansang
kapitalismo). Isang pandaigdigang sistema ang ating kalaban kaya kailangang pandaigdigan din ang
pagkakaisa. Kailangang magkaisa ang mga manggagawa sa buong mundo laban sa kapitalistang
panlipunang mga relasyon.

Dagdag pa, kailangang ganap na itakwil ang mga mistipikasyon at bitag na inihain ng burgesya para
ilihis ang pagkakaisa ng buong uring manggagawa — unyonismo, parlyamento at nasyunalismo. Ang
mga ito ay mga instrumento na ngayon ng kapital para gawing pambala ng kanyon ang uring
manggagawsa at kabataan sa nagtunggaliang mga paksyon ng burgesya sa bawat bansa.

Dalawa lamang ang sandata ng internasyunal na uring manggagawa para magapi ang kapitalismo :
PAGKAKAISA at KAMULATAN sa pandaigdigang saklaw. Pagkakaisa laban sa lahat ng paksyon ng
burgesya (administrasyon man o oposisyon). Pagkakaisa para palawakin ang mga pakikibaka at hindi
ikulong sa iilang pabrika o ilang linya ng industriya lamang. Kamulatan na walang maasahan sa
burges na estado, parlyamento at mga unyon; kamulatan na imposible na ang pakikibaka sa mga
reporma dahil wala ng kapasidad ang sistema na ibigay ang mga ito. Pagkakaisa at kamulatan para
ibagsak ang kapitalistang estado at lahat ng mga institusyon nito.

Walang saysay ang mga pagkilos ng ilampung katao o mga protestang tipong riot para lamang sa
media projection. Ang kailangang mabuo ay ang malawakang pagkakasia ng uri at pakikibaka laban
sa estadong kapitalista at hindi para sa mga reporma.

Mga susunod na henerasyon ng manggagawa, pag-isipan ninyong mabuti ang kinabukasan


ninyo at ng mundo. Dalawa lamang ang pagpipilian ninyo: SOSYALISMO o BARBARISMO;
INTERNASYUNALISMO o NASYUNALISMO; BAYAN o URI.

May pag-asa pa ang kinabukasan ninyo; may pag-asa pa ang mundo. Ang pag-asa at kinabukasan
ninyo ay nasa mga kamay ng inyong uri — ang uring manggagawa. “Ang emansipasyon ng uring
manggagawa ay nasa kamay ng mga manggagawa mismo.”

Ngunit ang pag-asa ay hindi kusang darating. Kailangan itong ipaglaban. Kailangan ninyo, kasama
ang inyong uri ng isang rebolusyonaryong teorya na pinanday ng istorikal na karanasan ng inyong uri;
istorikal na karanasan na binastardo at punong-puno na ng mga distorsyong kagagawan ng mga
ideolohiya ng Kaliwa ng burgesya — Maoismo, Stalinismo, Trotskyismo, ‘Leninismo’ at Anarkismo. Ang
teoryang ito ay walang iba kundi ang rebolusyonaryong Marxismo.

Tama si Lenin sa pagsasabing, “Kung walang rebolusyonaryong teorya ay walang rebolusyonaryong


kilusan.” Ibig sabihin, ang anumang kilusan gaano man ito kalakas at kalawak, mananalo o matalo
man ito, kung hindi rebolusyonaryo ang teoryang gumagabay dito ay tiyak na hindi pagpawi sa
pagsasamantala at pang-aapi ang kalalabasan nito.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Mga kabataan-estudyante, ang mga organisasyon o kilusan na sinasamahan ninyo ay para ba
talaga sa tunay na panlipunang pagbabago o para ipagtanggol ang kapitalismo sa porma ng
kapitalismo ng estado sa likod ng programang ‘estado ng manggagawa’ o ‘demokratikong
gobyernong koalisyon’? Pag-isipan ninyong mabuti, magtalakayan at mag-aral kayo sa buhay
na karanasan ng pakikibaka ng internasyunal na uring manggagawa sa loob ng mahigit 200
taon.

INTERNASYONALISMO
Email address: internasyonalista@yahoo.com
Blog: http://internasyonalismo.blogsome.com
Link website: www.internationalism.org

Kolonyal na Patakaran sa Edukasyon

October 24, 2007 at 1:35 am (Feature, Re-posted)

http://felixrivas.wordpress.com/2007/10/24/kolonyal-na-patakaran-sa-edukasyon/

Ipinatupad simula ngayong pasukan sa lahat ng paaralang elementarya at hayskul ang


Executive Order No. 210 ng Malacañang na nagtatakda ng paggamit ng Ingles bilang
medium of instruction o wika sa pagtuturo.

Alinsunod sa EO 210, simula Grade 1 ay ituturo ang Ingles bilang ikalawang lenggwahe.
Pero simula Grade 3 ay ito na ang siyang pangunahing wikang gagamitin sa pagtuturo ng
matematika at mga subject na may kinalaman sa agham at kalusugan, bukod sa pagtuturo
mismo ng English. Ito na rin ang gagamiting pangunahing wika sa pagtuturo sa lahat ng
hayskul, pribado man o pampubliko. Ibig sabihin, Ingles ang dapat umanong gamitin sa
di bababa sa 70% ng kabuuang panahon sa pagtuturo ng lahat ng aralin.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Isang petisyon laban sa EO 210 ang isinampa ng Coalition for a Correct Language Policy
(CCLP) sa Korte Suprema. Ang koalisyon ay kinakatawan nina Dr. Patricia Licuanan,
presidente ng Miriam College; mga National Artist for Literature na sina Bienvenido
Lumbera at Virgilio Almario; Randolf David, isang propesor sa University of the
Philippines; Isagani R. Cruz, kritiko at presidente ng WIKA Inc.; at Efren Abueg, isang
premyadong manunulat. Pumirma rin sa petisyon ang iba pang batikang manunulat at
guro.

Sinasalamin ng CCLP ang patriyotikong pagtutol sa EO 210. Ayon sa CCLP, sasagka ito
sa kakayahang matuto ng mga mag-aaral. Tinukoy nito ang resulta ng mga pananaliksik
na ginawa ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization
(UNESCO) na nagpapakitang mas mabilis matutong magbasa, magkwenta at umunlad sa
pag-iisip ang mga bata kapag ang ginagamit sa pagtuturo ay ang kanilang wikang
kinagisnan.

Kinukumpirma ito ng karanasan ng Summer Institute of Linguistics sa Bukidnon. Ang


mas matataas na gradong nakukuha ng mga batang katutubo rito sa mga pagsusulit sa
literasiya at numerasiya ay patunay na mas madali silang natututo gamit ang lokal na
wika sa pagtuturo.

Sa kalagayang hindi ginagamit ang Ingles sa kanilang pang-araw-araw na buhay,


mahihirapang matuto ang mga mag-aaral sa elementarya at hayskul kung ito ang
pangunahing gagamitin sa pagtuturo. Kadalasan ay mabilis na nawawala ang anumang
kaalaman sa pagbabasa at pagsusulat kapag itinuro ito sa wikang Ingles. Palalalain ng EO
210 ang dati nang suliranin sa mapurol na gagap sa syensya at matematika ng mga
Pilipinong mag-aaral. Ayon sa sarbey ng Trends in International Mathematics and
Science Study (TIMSS) nitong 2003, sa 45 bansa ay pang-41 ang mga mag-aaral ng
hayskul sa Pilipinas sa kaalaman sa matematika. Pang-42 naman sila sa kaalaman sa
syensya.

Ayon sa koalisyon, labag din ang EO 210 sa konstitusyon na nagtatakdang pambansang


wika ang Pilipino at siyang gagamitin sa pagtuturo sa buong sistemang pang-edukasyon.
Taliwas din ang EO 210 sa rekomendasyon ng Congressional Commission on Education
(EDCOM) noong 1991 na gamitin ang Pilipino at ang lokal na wika sa pagtuturo ng
batayang edukasyon. Inatasan ng EDCOM ang Department of Education (DepEd) noong
1991 na magbalangkas ng mga libro at iba pang materyales sa pagtuturo na nasusulat sa
wikang Pilipino. Lahat ng subject sa elementarya at hayskul, maliban sa English at iba

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


pang pinag-aaralang lenggwahe, ay dapat nang ituro sa wikang Pilipino pagsapit ng taong
2000, ayon sa EDCOM.

Ipagkakait din ng EO 210 sa mas maraming mamamayan ang karapatang matuto at


maging bihasa sa pambansang wika. Lalo lamang nitong palalakasin ang neokolonyal na
sistema ng edukasyon sa Pilipinas na nagsisilbi pangunahin sa interes ng mga dayuhan at
nagpapanatiling mahirap at atrasado sa bansa. “Hindi Ingles ang solusyon sa kahirapan sa
bansa. Bagkus, maaaring isa pa nga ito sa mga nagpapalala ng kahirapan ng mga
karaniwang masang Pilipino,” ayon sa mga tumututol sa EO 210.

Sa kabila ng mga syentipikong ebidensyang nagpapakita ng mga pinsalang idudulot ng


bagong kautusan sa mga mag-aaral at sa kabila ng mga batas at aksyon ng Kongreso na
taliwas dito, ipinipilit pa rin ng Malacañang ang EO 210. Dahil ito sa tulak ng isang
bagay na di hamak na mas mahalaga sa rehimen kaysa sa pagkatuto ng mga Pilipinong
mag-aaral: ang milyun-milyong dolyar na kikitain ng bangkaroteng gubyerno mula sa
mga remitans ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa at mga puhunan ng
maraming call center na nagsusulputan ngayon sa Pilipinas. Nadismaya raw si Gloria
Arroyo nang mapag-alaman niyang wala pang 5% ng mga aplikante sa mga call center
ang natatanggap dahil sa kahinaan ng karamihan sa Ingles. Kailangan aniyang tugunan
ang pangangailangan ng mga call center at iba pang mga dayuhang kumpanya ng mga
Pilipino na mahusay magsalita ng Ingles.

Sa katuus-tuusan, tanging ang pambansa-demokratikong patakaran ng sistematikong


pagtataguyod ng pambansang wika at panitikan, kasabay ng pagpapayaman ng iba pang
lokal na lenggwahe at paggamit pangunahin ng sariling wika maging sa pag-aaral ng
syensya at teknolohiya, ang titiyak na natututunan ng mga mag-aaral ang kaalamang
makapagbibigay sa kanila ng kakayahang makapag-ambag sa pagpapaunlad ng
pambansang ekonomya at lipunang Pilipino.

[Ang artikulong ito'y muling ipinost sa aking sayt. Hindi lantad (anonymous) ang awtor
nito.]

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Ang “Iskul Bukol” na Sistema ng Edukasyon
by Samahan ng Demokratikong Kabataan (SDK) Friday, Jun. 10, 2005 at 6:41 AM

http://qc.indymedia.org/news/2005/06/3560.php

“Iskul Bukol” Ganito maisasalarawan ang kalagayan ng edukasyon sa bansa. Kulang na


kulang sa pondo ang mga pampublikong paaralan. Sobra-sobra ang pagtaas ng matrikula
at iba pang mga singil sa pribadong mga paaralan. --- Ang “Iskul Bukol” na Sistema ng
Edukasyon

Tapos na ang bakasyon. At sa buwang ito, milyon-milyong mga estudyante ang papasok
sa mga paaralan na animo’y mga pabrika ng susunod na henerasyon ng manggagawa.

Karamihan sa kanila – at patuloy na itong lumalaki – ay nasa pampublikong mga


paaralan, kolehiyo at unibersidad. Mga institusyong hindi makapagbigay ng dekalidad na
edukasyon dahil sa kakapusan ng pondo ng gobyerno.

Mayroon namang “papalarin” na makapag-aral sa pribadong paaralan. Pero magiging


mailap din sa kanila ang maayos na edukasyong inaasam dahil ang motibo ng mga may-
ari ng iskwelahan ay magbenta ng diploma para palaguin ang kanilang negosyo.

At kung susumahin, may dalawang pangunahing problema sa sistema ng edukasyon sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


bansa. Una, ang pagpapabaya ng gobyerno sa public school system. Ikalawa, ang
pagpapaubaya ng gobyerno sa mga kapitalista-edukador na magtaas ng matrikula sa mga
pribadong paaralan. Sa parehong suliranin, iisa sa salarin: ang gobyernong hindi
binibigyang prayoridad ang mga pangangailangan ng kanyang mamamayan.

Kapos na Badyet sa Pampublikong Edukasyon

Ayon sa 1987 Konstitusyon, ang dapat na may pinakamalaking alokasyon sa pondo ng


gobyerno ay edukasyon. Kinikilala kasi nito ang edukasyon ay isang “karapatan” hindi
pribilehiyo. Sa biglang tingin, tila tinutupad ng Kongreso ang ganitong probisyon ng
Saligang Batas.

Mula 2001 hanggang 2004, tumaas ang badyet sa edukasyon mula P97.5 Bilyon ay
naging P107.5 Bilyon. Pero hindi ito totoo. Ang tunay na halaga nito ay lumiliit dahil sa
bumabagsak na halaga ng piso bunga ng inflation o taun-taong pagtaas ng mga presyo. At
ngayong taon, ang badyet ng edukasyon ay nasa P103.6 Bilyon lamang.

Bukod dito, ang pondo sa edukasyon ay dapat sinusukat sa proporsyon nito sa gross
domestic product o GDP. At kung ito ang gagawin, ang badyet sa edukasyon ay lumiit
mula 2.9% noong 2001 ay naging 2.3% noong 2004. Ngayong 2005, ito ay nasa 3.1% ng
GDP.

Kulang na kulang ito batay sa istandard ng United Nations na nagsasabing ang isang
bansa ay dapat na maglaan ng 6% ng GDP para sa edukasyon. Nangungulelat ang
Pilipinas sa Southeast Asia dahil hindi ito tulad ng Malaysia na nagtutuon ng 7% ng GDP
para sa edukasyon.

Dahil sa kakapusan sa pondo, kalunos-lunos ang kalagayan ng mga public elementary at


high schools bagamat mas nakatuon ang pondo ng Department of Education sa basic
education kumpara sa tertiary o college education.

Sa survey ng Senate Committee on Education, nasa 84% sa mga public school ang
walang tubig. 25% ang walang kisame. 55% ang walang kuryente, 45% at 43% sa mga
guro ang nagsabing nagdadala sila ng sariling mesa at silya sa klase.

Isa sa mga nakakalungkot na larawan ng kalagayan ng edukasyon ay ang Caloocan High


School, ang pinakamalaking haiskul sa naturang siyudad.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Karamihan sa mga estudyante ng Caloocan High School ay mula sa mahihirap na
pamilya, ayon sa kanilang principal na si Erlinda Fornoles. Libre ang tuition o matrikula
pero dahil sa kakulangan sa klasrum at mga guro kinailangan nilang magpatupad ng mga
“shift”.

Kalahati ng mga estudyante ay nasa “early shift”, mula 6:20 ng umaga hanggang 12:40
ng tanghali. Ang iba naman ay pumapasok nang 1:00 ng hapon hanggang 7:20 ng gabi.
Pero sa kabila ng ganitong sistema, mahigit 50 estudyante ang nasa bawat klase.

Ani Fornoles, “Kung susundin naming ang regular na oras ng iskedyul, sa dami ng aming
estudyante, malamang na uuwi ang mga estudyante ng 9:00 ng gabi”. Subalit walang
signipikanteng resulta ang sistemang ito sa mga estudyante. Aniya, “Ganun pa rin – hindi
naman gumaling ang mga bata. Nagbibigay kami ng libro pero pinaghahatian ito ng
dalawang estudyante. Kulang na kulang din kasi sa mga guro”.

Ayon kay Ramon Bacani noong 2003, education undersecretary for operations, may
1,000 dagdag na guro ang kailangan ng Caloocan pero “sa ngayong taon, walang badyet
ang national government para sa dagdag na guro”. Humingi sila ng tulong sa mga lokal
na pamahalaan para sa pagkuha ng dagdag na mga titser. “Pero 300 titser lamang ang
kayang tustusan ng munisipyo ng Caloocan,” ani Bacani.

Dapat dagdagan ang pondo sa edukasyon dahil karamihan sa ating kababayan ay umaasa
sa pampublikong pag-aaral kaysa sa pribadong mga paaralan, kung saan mas mataas ang
matrikula. Ngayong taon, tinatayang nasa 17.36 milyon ang enrollees ng mga public
elementary at public high school. Mahigit 2.23 milyon ang nasa mga pribadong
iskwelahan sa basic education.

Subalit hindi lang ang basic education ang kailangang paglaanan ng pondo ng gobyerno.
Dahil dumadami din ang umaalis sa mga pribadong kolehiyo para mag-aral sa mga State
colleges and university.

Sa ulat ng Commission on Higher Education (CHED), tumaas nang 2.4 milyon ang nag-
aaral sa kolehiyo para sa 2002-2003 mula sa 1.87 milyon noong 1994-1995. Sa bilang na
ito, dumami nang 415,972 ang nag-aaral sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad –
mula sa 399,623 ay naging 815,595.

Noong 1980, 10% lamang ng mga nasa kolehiyo ang nasa State Colleges and Universities
(SCUs). Noong 1994, ito ay naging 21%. Noong 2002, ito ay 34% ng kabuuang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


populasyon ng mga estudyante sa kolehiyo. Habang ngayong taon, 36.95% ng mga nasa
kolehiyo ang nag-aaral sa mga SCU.

Ang pinakasiguradong dahilan ng paglikas ng mga estudyante tungo sa mga


pampublikong kolehiyo’t unibersidad ay ang tuloy-tuloy na pagtaas sa matrikula at iba
pang singil sa mga private school laluna nang isinabatas ang Education Act of 1982 na
nagluwag sa pagtatakda ng tuition fee.

Ganunpaman, kahit pa mas mura ang singil sa mga pampublikong paaralan, hindi rin sila
ligtas sa mga pagtaas sa matrikula na naganap sa nagdaang mga taon.

Noong 2003, ang pinakamataas na tuition fee increase sa mga State colleges and
universities ay naitala sa Philippine Normal University (PNU), kung saan tumaas nang
400 porsyento ang tuition fee. Ang per unit tumaas mula sa P10 ay naging P50.

Sa Central Luzon State University (CLSU), tataas ang tuition at iba pang singil nang
298%. Ang Aklan Polytechnic Institute ay magtataas nang 400% sa kanilang matrikula sa
loob ng apat na taon. Sa University of the Philippines (UP) – ang pangunahing State
university sa bansa, ang matrikula ay tumaas ng P300 kada unit mula sa P11 noong 1989.

Sa ibang mga pampublikong unibersidad, hindi tumaas ang matrikula ngunit lumobo ang
iba pang mga singil (na karaniwang tinatawag na “miscellaneous fees”). Sa Polytechnic
University of the Philippines (PUP), ang tuition ay nananatiling P12 kada unit. Pero ang
singil sa late enrolment ay tumaas, mula P10 ay naging P100. Nagkaroon din ng mga
bagong singil tulad ng shifting form, verification of grades per subject, re-admission fee
at singil sa pagbabago ng subject o iskedyul.

Sa UP, ang laboratory fee sa limang departamento at kolehiyo ay tumaas ng P600 mula
P50. Sa mga graduate school nito, ang tuition ay tumaas noong 2001, mula P300 kada
unit hanggang sa maksimum na P700.

Ang Tumataas na Matrikula sa Pribadong Paaralan

Noong May 16, nag-utos ang Commission on Higher Education (CHED) na ang
karaniwang pagtaas ng tuition fee ay dapat na katumbas ng inflation rate o 8.4%. Ayon
kay Dr. Carlito Puno, acting chairman ng komisyon, “Mula ngayon, gagamitin na ng
CHED ang awtoridad nito para sa regulasyon ng tuition at iba pang singil sa mga

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


institusyon ng higher education.”

Mainam na mainam sana ang balak ng komisyon, kung ito ay totoong totoo. Pero sa
mismong partial report ng komisyon noong Mayo 17 – na inilabas isang araw matapos
ang deklarasyong kokontrolin nila ang matrikula – ang average na pagtaas ng matrikula
para sa academic year 2005 – 2006 ay nasa 11.58%! Kung sa pera, ang halaga ng pagtaas
ay nasa P37.80 kada unit. Sa 18 units na karaniwang kinukuha ng isang estudyante, ang
pagtaas na ito ay nagkakahalagang P680.4.

Sa Metro Manila, ang pinakamalaking pagtaas ay ang Asian Theological Seminary, na


nagtaas ng 150% o P900 kada unit sa matrikula. Kasunod ang STI College Fairview,
kung saan magkakaroon ng 22.76% o P145 kada unit na pagtataas ng tuition fee.

Ang tanong: paano kokontrolin ng CHED ang matrikula kung ang kanilang kautusan ay
inilabas lamang sa buwan ng Mayo, kung kailan natapos na ang proseso ng pagtatakda ng
matrikula? Karaniwang itinatakda ang matrikula sa buwan ng Pebrero hanggang Marso
bago magtapos ang isang academic year.

Simple lamang ang sagot. Dahil ang inilabas ng order ng CHED ay “pakitang-tao”
lamang. Dahil ang patakaran ng gobyerno kaugnay ng matrikula ay deregulasyon. Ibig
sabihin, binibigyang-laya ang mga kapitalistang-edukador na taon-taong itaas ang
kanilang mga singil dahil napakaluwag ng prosesong dadaanan nila bago magpataw ng
tuition fee increase.

At habang pinapabayaan ng gobyerno ang public school system, mas madaling


makapagsamantala ang mga kapitalistang namumuhunan sa mga pribadong paaralan.
Para sa kanila, ang pagtatakda ng tuition ay “sagradong karapatan” bilang negosyanteng
nagbebenta ng “edukasyon”. Kaya’t ang kanilang kadalasang sagot sa mga reklamo sa
matrikula: “Hindi naman namin kayo pinilit na dito mag-enrol. Kung nahihirapan kayo sa
tuition fee, pwede naman kayong lumipat sa public school”.

Ang edukasyon ay isang dambuhalang negosyo. Ayon sa Senate Committee on


Education, siyam na iskwelahan ang kasama sa top 1,000 corporations sa bansa. At ang
kanilang pinagsamang kita ay nagkakahalagang P1.13 Bilyon noong 2003. Kabilang dito,
ang Centro Escolar University, Mapua Institute of Technology, Far Eastern University,
University of the East, PMI Colleges, Technological Institute of the Philippines, AMA
Computer College at STI. At mapapansin na hindi pa kasama dito ang mga ekslusibong
private school na itinuturing na non-profit corporations dahil sa kanilang ugnayan sa mga
relihiyosong institusyon kagaya ng Ateneo University, De la Salle University, Miriam
College, atbp.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


“Iskul Bukol” Ganito maisasalarawan ang kalagayan ng edukasyon sa bansa. Kulang na
kulang sa pondo ang mga pampublikong paaralan. Sobra-sobra ang pagtaas ng matrikula
at iba pang mga singil sa pribadong mga paaralan. Ang resulta: “bagsak” ang grado ng
edukasyon sa bansa dahil hindi ito binibigyang prayoridad ng estado. Ang problema, ang
susunod na henerasyon ng mga Pilipino ang naiwanang bukol-bukol dahil sa kapabayaan
at kainutilan ng gobyerno. #

Ang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas

http://www.bulatlat.com/news/4-6/4-6-edukasyon.html

Ang artikulo na ito ay tungkol sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas – isang


talumpati ng awtor para sa Southern Luzon Education Conference sa Los Baños,
Laguna noong nakaraang Enero 29. Ang kumperensya ay inisponsor ng Anak ng
Bayan party list at ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Southern
Luzon.

NI DR. EDBERTO M. VILLEGAS


Bulatlat.com

Ang sistemang edukasyon ng Pilipinas ay gingagamit lamang bilang instrumento ng estado sa


paghubog ng kamalayan at kakayahan ng mga kabataang Pilipino upang sila ay manilbihan
para sa iilang naghaharing uri sa ating lipunan at palaganapin ang mga kaugalian at pamaraan

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


ng pamumuhay ng mga uring ito. Ang namamayaning uri sa Pilipinas, ang komprador na
burgesya at panginoong may-lupa ay pangunahing tinatangkilik ang interes ng kanilang
padrono, ang imperyalistang Estados Unidos. Sa kontekstong ito natin mauunawan lamang ang
kalikasan ng edukasyon na pinapairal ng gobyerno sa ating lipunan.

Ang Edukasyon ay Instrumento ng Uri na Hawak ang Estado

Dahil ang edukasyon ay isa lamang instrumento ng ating estado na kontrolado ng


imperyalistang EU at dahil ang pinakamahalagang instrumento ng pananatili ng kasalukuyang
sistema ay ang paggamit ng dahas laban sa lumalaking rebelyon sa kanayunan, ang edukasyon
ay binibigyan ng mas maliit na prayoridad sa badyet ng gobyerno kung ikukumpara sa militar.
Ngunit, higit sa lahat, ang nangunguna sa badyet ng gobyerno ay ang pagbayad nito ng utang
panlabas sa mga dahuyang institusyon, kagaya ng IMF-WB at sa mga bangko ng
imperyalismong EU at kanyang mga kapitalistang kaalyado. Habang tumatakbo ang panahon,
bumababa ang paglaan ng badyet sa edukasyon, samantalang ang pagbayad naman sa utang
panlabas at pondo para sa militar ay tumataas.

May batas na ginawa pa noong panahon ni Marcos, ang PD 1177, na naglalaan ng prayoridad
sa pagbayad sa utang panlabas ng Pilipinas na kasalukuyan ay umaabot na ng 58 bilyong dolyar
(may balak pa ang rehimen ni Macapagal Arroyo na umutang ng panibago sa halaga ng $500
milyun ). Halimbawa sa ginawang badyet sa taong 2004, sa kabuuang P861 bilyong, P271.5
bilyon o 31.4% ang nireserba sa pambayad ng utang ng Pilipinas. Taon-taon lumalaki ang
tinatakdang pambayad ng utang panlabas ng Pilipinas; sa taong 2003 ito ay lumubo ng dagdag
pa ng P58 bilyon.

Hambingin naman ang badyet para sa militar na tumaas mula sa P42.5 bilyun noong 2003 tungo
sa P45 bilyun sa 2004 laban sa badyet sa lahat ng state colleges at universities (SCUs) na P15.68
bilyun lamang para sa taong 2004. Para sa PNP naman ang badyet sa taong 2004 ay P33 bilyun.
Kaya daw tinataasan ang badyet sa pagamit ng dahas ay para kalabanin ang mga “terorista” sa
Pilpinas sa sugo ni Uncle Sam. Sa kabuuan, ang porsiyento ng badyet ng Department of Defense
sa 2004 ay 5.21%, kalusugan (1.5%), pabahay (0.3%) at edukasyon (kasama na ang para sa
elementarya at sekundaryang baytang, kung saan mayroon tayong milyun-milyong estudyante )
ay 15.4%. (Mula sa Badyet ng Pamahalaan para sa Taong 2004 at manipesto ng Anak Bayan
Youth Party at iba pa, Dec. 10, 2003)

Ang Kalunos-lunos na Kalagayan ng mga Estudyante at Gurong Pilipino

Dahil sa palagay ng imperyalismo EU sa kanyang direktang pagsusuperbisa sa sistemang


eduskasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng WB na ang mga paaralan ng estado ay mahigpit na
hawak na niya, bale wala dito ang kapakanan ng mga estudyante at mga gurong Pilipino. Ganito
din ang paninindigan ng estado ng Pilipinas hinggil sa katayuan ng mga mag-aaral at guro ng
bayan. Ang interes lamang ng estado sa edukasyon sa Pilipinas ay gumawa ng mga kurikulum
na palalaganapin ang tubo ng mga imperyalistang TNC at kanyang mga kakamping Pilipino.
Kaya, bahala nang maghigpit ng sentoron ang mga guro at magsiksikan ang mga estudyante sa
mga klasrom. Kalunos-lunos ang kalagayan ng mga estudyante at guro sa mga pambublikong
paaralan. Batay mismo sa estadistika ng gobyerno, may kakulangan ng 49, 000 na klasrom at
may 2,381, 943 na mga desks/armchairs sa ating mga paaralan. Ang ratio ng bilang ng libro sa
mga estudyante ay 0.33 sa mga pampublikong paaralang pang-elementarya at 0.6 sa hayskul.
Kaya ang kalidad ng edukasyon ay pababa ng pababa. Halimbawa, sa 1999 Third International
Math and Science Study, ang Pilipinas ay pumuesto ng 36th sa kabuuang 38 na bansang sumali.

Nananatili din ang kababaan ng sahod ng mga 500,000 guro sa elementarya at sekundaryong
paaralang pambuliko mula P4,000 hanggang P6,000 bawat buwan (sa karaniwan) na take-home
pay pagkatapos ng mga deductions at bayad sa utang. (Datos ng Alliance of Concerned

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Teachers) Kaya di kataka-taka libo-libong guro ang nabibiktima ng mga utangang 5-6 at
nagsasyadline bilang mga tindera ng mga kendi, siopao, at iba pa sa kanilang mga paaralan.

Ang Pakikialam ng Imperayalismong EU sa Programa at Kurikulum sa Edukasyon ng


Pilipinas

Mula pa noong panahon ni Marcos, ang WB ay nagdidikta na ng mga programa at kurikulum sa


mga paaralan ng Pilipinas, tulad ng Philippine Commission to Survey Philippine Education
(PCSPE) ni Marcos noong 1972, ang Education Act of 1982, ang Education Commission ni
Cory Aquino, ang Education 2000 ni Ramos at ang Presidential Commission on Education
Reforms (PCER) at Higher Education Modernization Act (HEMA, 1998) ni Estrada at ni
Macapagal-Arroyo. Ang lahat ng mga programang ito ay naglalayun upang lumikha ng mga
estudyanteng Pilipino na may mahusay na kakayahan na kailangan ng negosyo ng imperyalismo
at mahubog ang kamalayan ng mga kabataan upang mahalin ang kultura ng imperyalismo.
Pinagtitipid din ng IMF-WB ang gobyerno ng pondo na sana’y ilalaan para sa edukasyon upang
makabayad ang huli ng kanyang utang panlabas. Nagaalala ang imperyalsimo na sa laki ng
kasalukuyang depisito ng Pilipinas na umaabot na sa P220 bilyun na dulot din ng pagbayad sa
utang panlabas at pangungurakot ng mga opisyal ng pamahalaan na baka mag-default ang
Pilipinas sa pagbayad sa utang panlabas. Kaya sa PCER ni Estrada at Macapagal-Arroyo,
tinutulak ng IMF na bigyan ng fiscal autonomy ang mga paaralan ng pamahalaan upang
humanap ang mga ito ng mga paraang makakalap ng sariling pondo. Pinapairal din ang dahan-
dahang pribatisasyong ng mga SCUs. Ang PCER ay lalong pinapalala ang komersyaslisasyon
ng mga paraalang publiko dahil pinapayagan na ang mga paaralang ito lalo na ang mga SCUs na
magtaas ng tuition at mag-tie-up sa bisnes. Bahagi din ng PCER ang paghintulot sa mga
dayuhan na magtayo ng mga paaralan sa ating bansa.

Ang Estratehiya ng Imperyalismo sa Pribatisasyon ng Edukasyon

Ang pribatsisasyon ng edukasyon sa Pililpinas ay bahagi lamang ng pandaigdiganng estratehiya


ng WTO at WB upang papasukin ang mga TNCs sa Information Technology (mga computer
company) sa larangan ng edukasyon pampubliko. Tinuturing ng WTO, isang institusyong
hawak ng mga kapitalistang korporasyon, na ang larangan ng edukasyon ay isang mayamang
mina na hindi pa nabubungkal para pagtubuan kagaya na ibang larangan sa serbisyo na matagal
nang ginagatasan ng mga TNCs, halimbawa sa pangbabangko at mga restoran at fast food. Sa
pinapairal na General Agreement on Trade and Services (GATS) ng WTO ay kasama ang
serbisyong edukasyon sa mga serbisyo na tinatarget ng mga TNCs. Ang isang nangungunang
lobbyist sa mga pulong ng WTO tungkol sa GATS na inumpisahan noong Pebrero 2000 sa
Geneva ay ang tinatawag na Global Allance for Transnational Education na pinapamunuan ni
Gleen R. Jones, CEO ng virtual university Jones International Inc. Nais ng WTO na gawing
market-based ang education sa kolehiyo at alisin ang mga state-funding. Ang prinsipyong free
universal education na nakasaad sa Article 13 ng UN International Covenant on Economic,
Social and Cultural Rights ay binabangga ng GATS at World Bank.

Ang WB ay nagtatag din ng Alliance for Global Learning na nagiispesialize sa tinatawag na e-


learning na ginagamit ang computer. Ang Alliance na ito ay pinoponduhan ang mga IT rooms,
nagsasanay ng mga guro at umuugnay sa mga gobyerno ng mga bansa upang gumawa ng mga
intervention program. Ang mga isponsor ng mga ganitong programa ay mga malalaking bangko
tulad ng JP Morgan at Goldman Sachs, ang consultancy firm Ernst & Young at mga TNCs sa IT
kagaya ng Sun Microsystem at 3 Com. Nakikita kasi ng mga TNCs lalo na yung mga nasa IT na
ang edukasyon sa daigdig, sa partikular sa kolehiyo at sa adult education, ay isang malaking
bagong industriya na maaaring pasukin. Ang kabuuang gastos sa edukasyon sa daigdig ay 2
trilyon dolyar o 1/20th ng GDP ng mundo. Sabi nga ni Gleen R. Jones: “Education is one of the
fastest-growing of all markets. Private training and the adult education industry are expected to
achieve double-digit growth throughout the next decade.” (Internet) Ngunit, ang pandaigdigan
estratehiya ng imperyalismo, sa partikular ng EU, na sa kasalukuyan ay nababalot sa krisis ng

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


sobrang-produksyon, na pagtubuan pati ang larangan ng edukasyon ay maghigpit na tinutulan
ng mga estudyante at mga guro sa Europa sa pamumuno ng National Union of Students in
Europe (ESIB) at ng mga guro sa kanilang organisasyon, ang European University Association
(EUA).

Ang Millennium Curriculum o Curriculum 2002 ng Departement of Education

Sa paggawa ng kurikulum para sa mga paaralan ng Pilipinas, ang imperyalismo ay aktibong


nanghihimasok, mula pa noong pagpondo ng WB sa panahon ng martial law sa pagsulat ng mga
textbook na tinatangkilik ang pagsisilbi ng mga kabataang Pilipino para sa negosyo ng mga
kapitalista (ang programang EDPITAF) hanggang sa kasalukuyan sa pagpapairal ng tinatawag
ng DepEd na Millennium Curriculum o ang Curriculum 2002 para sa elementarya at
sekondaryang baytang. Sa ilalim ng Millennium Curriculum, inaalis ang mga asignatura na may
kaugnayan sa pagtuturo ng kasaysayan at sibikong kamalayaan at iba pang panlipunang
pagaaral, at pinagsama-sama ang mga ito sa isa lamang asignatura na pinamagatang
PAGSIKAP. Kinolaps ang mga asignatura sa limang “core areas” ang English, Filipino, Math,
Science at Pag-Sikap. Pinahaba ang oras ng pagtuturo ng English at Math at ginawa muli ang
English bilang midyum ng pagtuturo. Ang mga pagbabago na ito sa kurikulum para sa
elementarya at haiskul mula Grade 1 to 10 ay batay sa isang pag-aaral na ginawa ng WB-ADB
na pinamagatang “Philippine Education for the 21st Century: The 1998 Philippine Education
Sector Study” o (PESS). Pinayo ng PESS ang “streamlining” ng Philippine education at
pagkukulaps ng mga asignatura lalo na yung may kaugnayan sa pagbibigay ng panlipunang
kamalayan sa mga estudyante. Ang pakay kasi ng WB at kanyang alalay na ADB ay upang
makatipid ang Pililpinas sa badyet sa edukasyon, at siyempre upang makabayad ng utang
panlabas. Kasabay din nito ang pagbuwag sa mga asignatura na di kailangan ng bisnis ng
imperyalismo at natuturuan pa ang mga kabataan na magkaroon ng kamalayang panlipunan at
kritikal na pagiisip. Sa bagong kurikulum, nanganganib ang kabuhayan ng maraming guro na
matatanggal dahil ang kanilang mga asignatura ay di na kailangan, sa partikular yung mga
nagtuturo ng panlipunang aralin. Ngunit ang papel ng ating mga paaralan bilang mga tagalikha
ng mga gradweyt ng mahusay sa kakayahan na kailangan ng negosyo ng mga malalaking
korporasyon, kagaya ng mga call center, tiga-silbi sa fast food, salesman, mekaniko at iba pa, ay
nagreresulta sa sobrang lakas paggawa sa ating lipunan. Dumarami ang bilang ng mga taong di-
makahanap ng trabaho na mga bagong gradwado taon-taon sapagkat lumalaki ang sobrang
pwersa sa gawa, na nadadagdagan ng mga 750,000 katao bawat taon. Sa kasalukuyan, ang
bilang ng walang trabaho sa ating lipunan ay 13% ng kabuuang lakas paggawa ng bayan (ayun
mismo sa estadistika ng gobyerno), pinakamataas sa buong Asya.

Ayun din sa PESS: “The daunting medium-term challenge for Philippine education, therefore, is
how to preserve the quantitative gains of the past, improve equity and raise quality – and to
achieve all of these objectives during a period of limited or zero growth in the public budgetary
allocation to education as a whole.” (PESS, p. 11, italics dinagdag) Ang ibig sabihin ng WB-
ADB ay paano mapapairal ng gobyerno ng Pilipinas ang mahusay na pagtutupad nito sa
pagalaga sa interes ng imperyalismo sa harap ng pagtitipid sa edukasyon. Ang sagot – ikulaps
ang mga asignatura at tanggalin ang mga guro na di kailangan ng bisnes ng mga TNCs. Batay sa
ganitong layunin ang PESS ay nagsaad:

“Given lower-cost labor in the People’s Republic of China and some other Asian countries, and
rising labor costs at home reinforced by minimum wage regulations, the Philippines’ future
comparative advantage lies not in unskilled-labor production, but rather in low-end ‘high-tech’
areas, such as electronics manufacturing and tourist services, requiring at least a secondary
school education of reasonable quality.”(PESS, p.1)

Ipinapairal ng PESS ang teorya ng mga kapitalista na ang edukasyon ng isang bayan ay iaayun
sa “comparative advantage” nito sa mga kapitalistang bansa sa harap ng kumpitesyon ng ibang
bansa sa Pangatlong Daigdig. Kaya, kailangang gamitin ang Curriculum 2002 upang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


makahubog ng mga manggagawa na semi-skilled at huwag na ng mga unskilled dahil marami
na nito ang ibang bansa kagaya ng Tsina. Ang mga semi-skilled na manggagawa ay kailangan sa
sektor ng serbisyo at marunong ng Inggles.

Ang Revised General Education ng Unibersidad ng Pilipinas (RGEP)

Gusto kong talakayin sa puntong ito ang pagbabago ng kurikulum sa aking paaralan, ang
Unibersidad ng Pilipinas, ang tinatawag na Revised General Education Program (RGEP). Sa
ilalim ng RGEP ay di na kinakilangan kunin ng lahat ng mga estudyante sa UP ang mga
asignatura tulad ng History 1 (History of the Philippines) at Social ScienceII (Social and
Political Thought). Pinapaubaya sa mga estudyante sa partikular sa mga freshmen at sophomore
ang pagpili kung anong asignatura sa GE ang kanilang pag-aaralan. Siyempre, dahil ang mga
estudyante natin ay produkto ng isang sistema sa hayskul at elementarya (kasama dito ang mga
pribadong paaralan), kung saan ang pinapalaganap ay kultura ng kapitalismo, ang idibidualismo
at liberalismo na nakabatay sa pansariling interes, ang malamang kunin ng mga estudyante sa
ilalim ng RGEP ay mga asignaturang pagkakakitaan (kagaya ng mga computer course) o di kaya
madaling ipasa. Ang dating GE program ng UP na kinakailangang kunin ang mga asignatura na
nagpupukaw ng kamalayang nasyonalismo (History I) at nagtatalakay sa iba’t-ibang teoryang
panlipunan ay nahubog sa panahon na umigting ang nasyonalismo sa UP lalo na noong First
Quarter Storm. Ang dating GE na napanalunan ng mga estudyante at guro sa mahabang
pakikibaka upang gawing relebante ang edukasyon sa UP ay binuwag na noong nakaraang taon
(2003). Ang hangad namang ipribatize ang UP sa impluwensa ng WT0 at WB ay nakalahad sa
mga panukulang batas na House Bill 455 at Senate Bill 2587 na nakahain ngayon sa Kongreso
at mahigpit na tinututulan ng mga estudyante at guro ng aking pamantasan. Noong nakaraang
Oktubre, nabugbog ng mga pulis at militar at naaresto ang mga estudyante at guro ng UP na
nag-rali laban sa dalawang panukalang batas na ito sa harap ng Senado.

Sa kasalukuyang kalagayan ng ating sistemang edukasyon na walang kasarinlan at ginagamit


lamang ng pamahalaan upang paunlarin ang interes ng mga nagsasamantalang uri, ang tunay na
emansipasyon ng mga kabataan sa mga ideya at ugali na nilalako ng mga dayuhang
impersyalista ay di kailan mangyayari. Ang mga ideya at kakayahan na binibigyang-diin sa
ating mga paaralan sa loob ng sistemang ito ay lalong pinapaigting ang mala-kolonyal na
katangian ng ating lipunan. Halimbawa, ang mga teoryang nilalako ng mga asignatura sa
economics sa ating mga paaralan tungkol sa supply at demand analysis na nakabatay sa
assumption “that all other things held constant” o ang pananaw ng “ceteris paribus,” na siyang
batayan ng Macroeconomics at Miccroeconomics ng mga neo-classical economists, ay isang
ideyalistang pamaaraan ng pagaanalisa ng ekonomiya na pabor sa interes ng mga mayayaman,
lalo na ng mga TNC. Marami pang ganitong mga maling ideya na ikinakalat ng mga bayarang
teorista ng mga kapitalista sa ating mga paaralan, kagaya ng “relative autonomy of the state,”
kung saan nakuha ni Macapagal-Arroyo ang ideya niyang “strong republic,” ang mga ideya ng
post-modernismo na iniinganyo ang mga tao na asikasuhin na lamang ang kanilang sariling
kalayaan at huwag sumali sa anumang organisasyon, at iba pa pang teorya.. Ang mga ideyang
ito ay pinapalagnap ng mga direktang bayaran ng mga imeperyalista na mga gurong Pilipino,
lalo na sa School of Economics at Political Science Departments ng UP, o ng mga guro na
walang kamuang-muang na ang tinuturo pala nilang teorya ay ang mga pabor sa mayayaman
dahil wala naman silang natutunan sa ating paaralan kundi ang mga teoyrang ito.

Ang Pangangailangan ng Isang Rebolusyong Kultural

Upang tunay na palayain ang kaisipan ng mga Pilipino sa mga maling kamalayan na
pinapalaganap ng mga kapitalista, nararapat pukawin muli ang diwa ng nasyonalismo sa ating
mga kabataan. Kailangan palaganapin ang maka-masa at siyentipikong pamamaraan ng pagaaral
ng ating kasaysayan at lipunan at itakwil ang mga teorya na nagpapanggap na siyentipiko na
kinakalat ng mga kapitalista kagaya ng ideyalistang pananaw na “ceteris paribus” sa economics.
Nararapat labanan din ng mga mulat na kabataan ang mga bahid ng pyudalismo sa ating kultura,

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


ang mga pamahiin at iba pang atrasadong ideya na pinapalaganap ng mga relihiyon kung saan
ang mga lider nito ay kakampi din ng mga nagsasamantalang uri na nais kontrolin ang masang
Pilipino..

Maaring gawan ang isang rebolusyon kultura kung saan ang mga kabataan ay magiging
pangunahin at aktibong lalahok sa loob at labas ng mga paaralan. Nangangaliangang makilahok
ang mga kabataang na sinasandatahan ng magpalayang teorya ng dyalektikal at istorikal
materyalismo sa mga lugar kung saan naroroon ang batayang masa ng Pililpinas, sa mga
pagawaan at kanayunan. Ang katotohanan ng isang ideya ay nalalaman lamang sa praktika, kaya
kailangan lumabas ang mga estudylante sa kanilang mga klasroom at makisalamuha sa mga
organisasyon ng batayang uri, sa mga teach-in, fora, simpo, rali at live-in. Sa loob naman ng
mga kampus, mahalagang hikayatin ang mga ibang estudyante na nagiging biktima ng mga
maling ideya na sumali sa mga organisasyon na naglalayun makamit ang isang lipunang Pilipino
na nakabatay sa adhikain ng nasyonalismo, na may maka-masa at kritikal na pagiisip. Maaari
itong matupad sa mga paaralan sa pamamagitan ng paghawak sa mga dyaryo ng mga
progresibong estudyante o pagkuha sa mga liderato sa konseho ng mga estudyante.

Ang rebolusyong kultural na ito ay maaaring maging bagong sigwa ng dekada na ito sa hanay
ng mga aktibistang kabataan.. Ang rebolusyong kultural ay mabisang kasangkapan upang
mapabilis ang tagumpay ng kilusan ng mga mamayang Pilipino upang makamtan ang isang
may-kasarinlan at makatarugang lipunan. Ang kasalukuyang panahon ng ating bansa, kung
saaan milyun-milyung mga Pilipino ay nawawalan na ng pagaasa sa umiiral na sistema, ay
napakainam sa paglaganap ng rebolusyong kultural na ito na sasabay sa pakikibaka ng masa
upang buwagin ang mala-kolonyal at mala-pyudal na istruktura ng ating lipunan at magtatag ng
bagong sistema. Bulatlat.com

ISANG PAGSILIP SA MISEDUKASYON


http://www.yehey.com/boards/Default.aspx?g=posts&t=45849

Kung ihahanay lamang ang edukasyon sa mga pinakanangangailangan ng


tulong na sektor ng lipunan sa ating bansa, malamang mangunguna ito. Hindi
lang dahil “find your height” ang labanan, kung tutuusin ay halos magsisinliit
lamang ang mga sector kabilang ang kalusugan, pero sa kadahilanang ni hindi
man lamang nito nakuha ang kailangan nitong atensyon.

Pumili ako ng tatlong pangunahing problema ng edukasyon mula sa


dokyumentaryong “MisEdukasyon” na pinapanood sa amin sa klasrum. Una

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


dito ay ang impluwensyang kolonyal ng Amerika. Matatandaan na una nang
nagpadala ng mga titser na tinawag na Thomasians, dahil sa barkong sinakyan
nila, ang mga Amerikano upang magturo sa mga Pinoy ng Ingles at iba pang
kaalaman tulad ng literatura. Ipinakilala nila ang sistemang
institusyonalisasyon sa pagtuturo, kung saan hindi lamang sila nagtuturo ng
mga siyensya, kundi nagpapahintulot ito upang magbigay ng oriyentasyon sa
kamalayan sa pagiging Amerikanisado. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng
lehitimo ang Amerikano upang maipakilala ang kanilang pagiging mataas
kumpara sa kanilang mga tinuturuan. Malaking problema ito dahil nagiging
laganap ngayon ang tinatawag na Neo-Colonialism, o pagtangkilik sa kaisipang
kolonyal at pagpanatili nito. Tuloy, ang mga laman ng mga lektura sa eskwela
ay pawang nagpapahiwatig sa kanluraning kaisipan at kultura. Hindi man
lamang mapagyaman ang wikang Filipino at ang kulturang dapat sana’y
naipapamana sa mga kabataan, lalo pa’t maraming naniniwala na kapag
marunong magsalita ng Ingles ang isang tao, isa na siyang edukado at
respetado, at binabansagan namang “jologs” o baduy ang mga tumatangkilik sa
gawa dito sa Pinas. Bukod pa dito, dahilan sa mababang pagtingin ng mga
dayuhan sa mga Pilipino at mataas na pagrespeto ng mga kababayan natin sa
kanila kahit pa sabihing edukado ang mga tayo, sinasamantala nila ang
kahinaan ng mga Pinoy. Halimbawa na lang ay ang pagkuha ng mga mauunlad na
bansa ng mga manggagawa mula sa mga Third World na bansa tulad ng
Pilipinas para makamura sa pagpapasweldo.

Ang pangalawang suliranin ng edukasyon sa Pilipinas ay ang pagiging


komersyalisado ng mga paaralan. Kumapara sa ibang bansa na gobyerno ang
mismong nagpapatakbo ng mga eskwela, karamihan sa mga paaralan dito sa
atin ay pribado. Dahilan ito upang mahirapan sa pagpili ng mapapasukan ang
mga nais magkaroon ng magandang kaledad ng edukasyon dahil sa pagkakaroon
ng mga paaralang ito ng kapangyarihan upang magtaas ng matrikula. Tuloy,
ang iba ay napipilitang pumasok sa mga pampublikong paaralan kung saan
kapalit ng maliit na halaga para makapag-aral ay ang mababang kaledad ng
edukasyon. Ang iba naman ay naghahanap na lamang ng trabaho, pero
syempre hindi naman maasahang magandang trabaho ang naghihintay para sa
kanila. Nagpahayag ang pamunuan ng Commission on Higher Education, o
CHED, tungkol sa walang tigil na pagtaas ng matrikula ng mga pribadong
paaralan at sinabi nilang “quality education is expensive.” Ibig sabihin, kung
nais ng isang estudyante ng magandang edukasyon, at sa kalaunan ay
magandang kinabukasan, kinakailangang gumastos muna siya ng malaking

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


halaga ng pera. Ibig din sabihin nito na ipinagdadamot ng pamahalaan ang
kaalaman sa mga mahihirap.

Ang huling suliranin na laganap ngayon sa ating bansa ay ang kaisipang


elitista. Sa katunayan, ito ang isa sa pangunahing problema ng mga
naghahanap ng trabaho. Karamihan kasi sa mga kumpanya ngayon ay
tumatanggap lamang ng mga gradweyt ng malalaki at sikat na unibersidad.
Kabilang sa mga unibersidad na ito ay ang De La Salle University, University
of the Philippines, at Ateneo de Manila University. Kaya naman kung hindi ka
nagtapos sa isa sa mga “reputable schools” na nabanggit ay tiyak na
mahihirapan ka sa paghahanap ng magandang trabaho. Karugtong na rin ng
problemang ito ang pagkakaroon ng maraming aplikante sa limitadong posisyon
lamang.

Sa kabila ng lahat ng mga suliraning nabanggit, may mga hakbang naman


na ginagawa ang gobyerno upang malutas ang mga ito. Tulad na lamang ng
argumento hinggil sa paggamit ng wikang Filipino bilang pangunahing midyum
sa pagtuturo sa halip na Ingles. Bukod dito, ipinasa rin ang Education Act of
1982, kung saan kinokontrol ang sunod-sunod na pagtaas ng tuition fee upang
hindi mabigla ang mga mag-aaral. Meron din tayong Higher Education
Modernization Act, kung saan ang mga unibersidad pang-estado ay
nagbebenta ng properties upang tulong sa pagpapaganda ng kanilang pasilidad.
Nandyan na rin ang nagsulputang parang kabute na mga call centers kung saan
ay malaki ang pasweldo sa mga manggagawa at tumatanggap ang mga
kumpanya kahit na ano man ang kurso na tinapos at kung saan man nagtapos.
Masasabi rin naman pala nating may pakialam nga ang gobyerno.

Kung itatanong mo kung bakit parang wala pa ring pagbabago sa kabila


ng mga binaggit ko sa itaas, narito ang aking opinyon: Naaalala mo ba nang
magkaroon ng mainitang pagtalakay tungkol sa usapin sa kung aling wika ang
dapat gamitin sa pagtuturo sa mga paaralan? Hindi ba’t lalo lamang
nagkawatak-watak ang mga responsable sa usaping ito? Bakit patuloy na
nagkakaroon ng mga kilos protesta tungkol sa pagtaas ng singil sa matrikula?
Kasi naman, sakaling hindi magtaas ng singil sa matrikula ang ilang paaralan,
bumabawi parin ang mga pribadong paaralan sa mga estudyante sa
pamamagitan ng pagpataw ng mataas na presyo sa tinatawag na miscellaneous
fees. Kaya’t kahit na mababa na ang tuition fee, mataas parin ang suma total
ng babayaran ng isang ordinaryong estudyante ng pribadong paaralan dahil sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


iba pang dapat bayaran. Bakit may mga paaralang hindi magamit ang mga
pasilidad, lalo na ang mga laboratoryo, at may mataas na bilang ng estudyante
sa isang silid-aralan na halos umabot na sa isang daang mag-aaral bawat
klasrum at titser? Sana alam ko rin ang sagot sa mga tanong na ito.

Sa aking palagay, magiging magandang simula sa sistema ng ating


edukasyon ang pagpapalaganap ng kaisipan na magsasabing mahalaga ang
wikang Filipino at ang ating kultura. Hindi ko hinihiling na gawing midyum ng
pagtuturo ang salitang Filipino, ngunit gawin itong isang mahalagang bahagi ng
natututunan sa loob ng eskwela at dapat lamang na pagyamanin pa ito.
Magiging malaking tulong din ang pagkakaroon ng mga faculty development
programs o mga seminar para sa pagpapalalim ng pwersa ng mga titser upang
mas maging makabuluhan ng mainam ang mga itinuturo at paraan ng pagtuturo
nila sa kanilang estudyante. Siguro’y sapat muna ang mga ito upang
magsimulang bumangon muli ang sistema ng edukasyon sa ating mahal na
bansa. Hindi man ito mabilisang paraan, naniniwala naman akong epektibo ito
kung maisasagawa ng maayos at tapat.

saan ka man naroon, PILIPINO KA PA RIN.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Sana ay hindi natin malimutan ang kagandahang-asal na likas sa
ating pagiging Pilipino.

• Ang pagka-MakaDiyos

Gumagalang at lubos na nananalig sa iisang


Makapangyarihang Diyos - Ang Mapagmahal na
Tagapaglikha at Ama nating lahat...

• Ang pagka-Makatao

Gumagalang at nanalig sa kapwa bilang isang kapatid na


may pandama, may lakas at ganda ng loob, may karapatan
at hangarin para sa buhay na magana, maayos, mapayapa,
at maginhawa.

• Ang pagka-Makakalikasan

Pinangangalagaan ang kalikasan -- hangin, tubig, lupa,


kagubatan, at karagatan -- likas na yaman ng bansang
tinubuan...

• Ang pagka-Makabansa

Minamahal ang sarili nating bayang Pilipinas sa


pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa limang simulain ng
pambansang tradisyong Pilipino: Ang pagsasarili,
pakikisama, pagkakaisa, pagkabayani, at pakikipagkapwa-
tao.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Simbang Gabi
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing
panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag din itong Misa-de-galyo (mula sa Kastilang Misa de
Gallo, o "misa ng tandang", sapagkat sa pagtilaok ng lalaking manok, magsisibangon na
ang mga mag-anak para makinig ng misa sa pinakamalapit na simbahang pamparokya[1]),
Misa Aginaldo (mula sa Kastilang Misa de Aguinaldo, o "misa ng mga handog, alay o
regalo"), Misa-de-notse, o Misa-de-noche (o "misa ng/sa gabi").[2] Isa itong misang
idinaraos bawat madaling araw sa loob ng siyam na araw bago sumapit ang araw ng
Pasko.[2] Nagsisimula ang pagmimisa tuwing ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng
Disyembre, na kadalasang sinasagawa sa mga Romano Katolikong simbahan[1] sa
Pilipinas tuwing ikaapat hanggang ikalima ng umaga. Ang misa sa madaling araw na ito
isa sa pinakamatagal na at pinakabantog na tradisyong Pilipino.[3] Nagsisilbi rin ang misa
bilang isang nobena para sa Birheng Maria.[3][1] Bukod dito, nagsisilbi ring pagkakataon
ang pagnonobena upang idalangin ang mga kahilingang nakatuon kay Hesukristo,
kaugnay ng paniniwalang matutupad ang hinihingi kapag nakumpleto ang siyam na misa
sa madaling-araw.[4] Sa ibang pagkakataon, isinasagawa ring kasama ng Simbang Gabi
ang panuluyan, partikular na sa pinakahuling misa, ang tunay na Misa Aginaldo[1] o
Misa-de-galyo.[3][1]

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Mga nilalaman
[itago]

• 1 Kasaysayan
o 1.1 Buhat sa Mehiko
o 1.2 Simula sa Pilipinas
• 2 Sa kasalukuyan
• 3 Tingnan din
• 4 Sanggunian

• 5 Kawing panlabas

Kasaysayan [baguhin]

Buhat sa Mehiko [baguhin]

Nagsimula ang kaugaliang ito noong panahong ng kolonyalismong Kastila. Inumpisahan


ito sa Mehiko noong 1587, nang payagan ng Santo Papa ang paring Mehikanong si Diego
de Soria[1], isang prayle mula sa kumbento ng San Agustin Acolman, na magdaos ng mga
misa sa labas ng simbahan upang mapaunlakan ang malaking bilang ng mga
mamamayang ibig makinig ng misang panggabi.[1] Kung sa loob nagmimisa ang pari,
hinahayaang bukas ang mga pinto ng simbahan para sa mga hindi na makapasok sa puno
nang gusali.[1] Noong unang panahon, naging hudyat na pantawag na pangmisa ang
pagpapatunog ng mga batingaw o kampana ng simbahan.[3] Nagsisimula ang
pagkalembang ng mga batingaw tuwing ikatatlo ng madaling araw.[4] Sa ibang pook,
mayroon namang mga bandang lumilibot sa buong bayan na tumutugtog ng mga
tugtuging pamasko. Mayroon ding mga paring kumakatok sa mga pintuan ng bahay para
gisingin ang mga taumbayan para hikayating makilahok sa misang pangmadaling-araw.
Kabilang dito ang mga magbubukid at mga mangingisda, nagsisipakinig sa Mabuting
Balita bago maging abala sa kanilang mga pang-araw-araw na mga tungkulin, at para na
rin makalikom ng biyaya at mabuting ani.[3]

Simula sa Pilipinas [baguhin]

Sa Pilipinas, nagumpisa ang tradisyon noong 1669, nang magsagawa ang mga pari ng
mga pangmadaling araw na misa para sa mga magsasakang nais dumalo ng misa tuwing
pasko ngunit hindi maaaring maiwan ang sakahan.[1] Idinaos ito tuwing Adbiyento bilang
paghahanda sa pagdating ng araw ng pagsisilang kay Hesus.[1] Kadalasan itong
isinasagawa tuwing hatinggabi, kaya't binansagang itong Simbang gabi ng mga Pilipino.
Hanggang ngayon, Ang mga Pilipino ay gumigising tuwing madaling araw para dumalo

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


sa misa upang ipakita ang kanilang malalim na pananampalataya sa Diyos, bilang
paghahanda sa araw ng Pasko, ang araw ng kapanganakan ni Kristo.[3] Mahigit sa anim na
raang taon na itong isinasagawa sa Pilipinas.[1]

Ilan sa mga nakasanayan ng mga Pilipino na may kaugnayan sa Simbang Gabi ang
pagtitinda ng mga nakaugaliang pagkain, tulad ng puto bungbong (kulay ube na gawa sa
malagkit, nilalagyan ng niyog at ng asukal na pula), bibingka (tinatawag ding putong
bibingka), suman sa pasko, suman sa ibos, pandesal, at mga inuming salabat, tsokolate,
tsaa, at kape[4], na itinitinda sa tapat ng simbahan para sa mga dumalo ng misa.[3][1] Sa
kalsada, matutunghayan ang pagsasabit ng mga makukulay na mga ilaw at mga parol sa
mga dungawan, sa mga pintuan, sa mga sanga ng puno, at sa mga kanto ng mga daanan.[1]
Pinatutugtog din ang mga musikang pamasko. Sa kabahayan ng mga pamilya,
nagkakaroon ng pagsasalong Notse Buena (binabaybay din ayon sa Kastilang Noche
Buena o "mabuting gabi") - partikular na sa huling araw ng pagnonobena, kung saan may
handang ring bibingka, puto bungbong, inuming salabat o tsokolate, keso-de-bola (bilog
na keso o bolang keso).[3][1]

Sa kasalukuyan [baguhin]

Sa ngayon, idinaraos sa mga lalawigan at kalunsuran ng Pilipinas ang Simbang Gabi.


Ipinagdiriwang din ito ng mga Romano Katolikong Pilipinong naninirahan sa ibang mga
bansa. Kaugnay ng patuloy na pagsasakatuparan ng kaugaliang ito, bukod sa
pagpapalamuti ng mga makukulay na ilaw at mga parol sa loob at labas ng simbahan,
inilalantad din ang Belen na nagpapakitang nasa isang sabsaban ang batang Hesus na
kasama sina Santa Maria at San Jose na napapaligiran ng mga pastol at mga hayop ng
sakahan, at ng tatlong haring mago may dalang mga regalo. Matutunghayan din sa Belen
ang tala ng Betlehem na gumabay sa tatlong hari para marating ang kinaroroonan ng
Banal na Mag-anak. Inilalagay ang Belen bilang pagpapahayag ng paghahanda para sa
pagsapit ng araw ng pagsilang ni Kristo.[4] Sa mga siyudad, mayroon ding nagsasagawa
ng mga misa tuwing ikawalo hanggang ikasiyam ng gabi, sa halip na sa madaling araw,
upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan ng pamayanang may
iba't ibang oras ng trabaho.[4]

Tingnan din [baguhin]

• Pasko sa Pilipinas
• Awiting Pamasko

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Sanggunian [baguhin]

1. ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 Simbang Gabi, Mass at Dawn, Mass of the
Gifts, SimbanggabiNYC.com
2. ↑ 2.0 2.1 "Simbang gabi". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang
Tagalog-Ingles). (1990).
3. ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 Simbang Gabi/Mass at Dawn, RCam.org
4. ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Del Rosario M.M. Filipino Christmas Tradition - Simbang Gabi 85,
Hubpages.com

Apr 28, '07 10:27 PM


ALTERNATIBONG PULITIKA SA PILIPINAS
for everyone

(kaka ali April 26, 2007)

http://correctme.multiply.com/journal/item/30/ALTERNATIBONG_PULITIKA_SA_PIL
IPINAS

Ang nakaugalian o pinaniniwalaan ng lahat (ma-Pilipino man o


Bangsamoro) na ang pulitika sa Pilipinas ay isang larangan ng
pandaraya, Gaano na ba kalala ang tradisyonal na pulitika sa ating
bansa?

".....Naku po malala na Ting..." ito ang naging tugon ng isang


matandang trisikad driver.

Kaya nato ay gumawa ng pananaliksik at heto ang ating


recomendasyon, Kinakailangan na ang “overhaul” o pagbabago.
Katunayan nga, minsan sa mga bata, kapag may nandaraya, sa
kanilang paglalaro, sasabihin ng isa na walang pulitikahan.

Ano ang mga dapat malaman para maisulong ang alternatibong


pulitika?

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


• Kinakailangan nating maunawaan ang halaga ng
pagtangkilik sa alternatibong pulitika sa pamamagitan ng
paghahambing nito sa tradisyunal na pulitika. Nararapat
ding maging mulat sa mga gawaing pangkultura na
nagpapanatili o nagtataguyod ng mga uri ng pulitika, at
kung papaano nito ginagawang higit na mahirap o madaling
makamit ang pagbabagong panlipunan.

• Dapat sa karamihan ng mga botante malaman nila kung


papaano sila nabibiktima ng maraming uri ng maka-
eletistang pulitika: nepotismo, pagbibigay pansin sa mga
pangangailangan ng mahihirap kung panahon ng halalan
lamang, sistematikong panunuba at pandaraya at
pagkapanalo ng mga pulitko sa halalan sa pamamagitan ng
"kahit anong paraan".

• Dapat na maunawaan mo na madali para sa mga


tradisyunal na pulitikong hikayatin ang ating mga botante
na itulak ang kanilang personal na interes at mga
ambisyong pampulitika.

• Dapat maunawaan ang kahulugan ng tunay na pulitika


narito ang ilan sa mga aspetong dapat alam ng mga
botante at kandidato:

<!--[if !supportLists]-->1. <!--[endif]-->Maaaring makita ang pulitika sa


aspetong personal:

Ang katauhan ng mga pulitiko, tulad ng mga Senador,


Alkalde, Gubernador, Board Member at municipal
councilor; ang mga botante, ang goons ng mga
naturang pulitiko, ang saklaw ng kanyang
impluwensiya.

Narito ang mga makabuluhang tanong na maaaring makapagbigay sa


atin ng ideya kung anong uri ng pulitika ang ating isinasagawa:

1. Sino ang humahawak ng kapangyarihan at


impluwensiya?
2. Sino ang nagpapatakbo ng sistemang pulitikal?
3. Sino ang mga nasasangkot sa buhay-pulitika ng
bansa?

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


2. Maaari ring makita ang pulitika sa aspetong pang-ugnayan:

<!--[if !supportLists]-->• <!--[endif]-->Sa tradisyonal na pulitika


ay tinutukoy nito ang mga sistema't balangkas na
pampulitika tulad ng sistema "padrino", "palakasan",
pluralismo, pagbibigay-kapangyarihan sa tao.

<!--[if !supportLists]-->• <!--[endif]-->Samantala, sa altenatibong


pulitika, narito ang ang mga makabuluhang tanong:

<!--[if !supportLists]-->1. <!--[endif]-->Anong uring sistemang


pulitika ang namamayani sa buhay-pulitika ng mga tao?

<!--[if !supportLists]-->2. <!--[endif]-->Papaano nakikipag-ugnay


ang mga pulitiko sa mga karaniwang tao?

<!--[if !supportLists]-->3. <!--[endif]-->Mayroon bang


pagkakapantay-pantay na umiiral?

3. Mayroon ding aspetong pangkultura ang pulitika:

<!--[if !supportLists]-->• <!--[endif]-->Sa tradisyunal na pulitika,


naging kaugalian ang mga karaniwang pakikipag-
ugnayan ng mga tao sa isa't isa at maaring umugat ito
sa kanilang paraan ng pamumuhay, maaaring sabihin
na nagiging kultura ang nasabing ugnayan. Ang mga
halimbawa nito ay ang personalismo, "utang na loob",
"bayanihan", atbp. Maaaring sabihin, bilang halimbawa,
na namayani na sa ating pampulitikang kultura ang
"guns, goons and gold" o 3G (sapagkat malimit na
ginagamit ang mga paraang ito upang makakuha ng
mga boto sa panahon ng halalan). Mula sa pananaw ng
tradisyunal na pulitika, ang mga pulitiko't partidong
pampulitika lamang ang mga nasasangkot sa buhay-
pulitika. Sila lamang ang humahawak ng kapangyarihan
at sila rin ang maaaring magbahagi nito kung kanino
man nila naisin. Sa ganitong pananaw, mayroong
masasabi ang mga tao ukol sa pulitika sa panahon ng
halalan lamang. Binibigyan sila ng pansin ng mga
pulitiko lalung-lalo na sa panahon ng mga kampanya, at
kapag natapos na ang halalan nanunumbalik sila sa
kanilang nakaugaliang pamumuhay habang naiiwan ang
mga pulitiko sa kanilang mga labanan para sa
kapangyarihan.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


• Mula sa pananaw ng alternatibong pulitika, ang
mga pampulitikang partido kasama ng mga samahang
pantao at mga saligang bahagi ng lipunan ang mga
punong-tagapagpakilos ng buhay-pulitika.
Pinagbabahaginan ng mga tao at mga pampulitikang
pinuno na kanilang hinalal ang gawain ng
pamahalaan. Sapagkat nagbabahaginan ang mga tao
sa gawain ng pamahalaan, lagi silang handa sa
pagbabantay sa mga gawain ng kanilang mga pinuno,
at tinitiyak nila na pinahahalagahan ang mga
pangangailangan ng mahihirap at nakakarami ng mga
batas at mga pamamalakad.

4. Sa aspetong pang-ugnayan:

• Sa tradisyunal na pulitika, lumalakas ang


kapangyarihan dahil sa sistemang dependency,
palakasan, elitismo at mga hindi pantay na pakikipag-
ugnayan. Sa sistemang dependency, umaasa ang mga
tao sa kanilang "padrino" o "ninong" sa mga panahon
ng pangangailangan, at inaasahan naman ng kanilang
mga padrino ang kanilang suporta sa kanilang mga
gawain at sa panahon ng pangangampanya sa
halalan. Humahantong ang kaugaliang nabanggit sa
itaas sa palakasan, sapagkat "sumasakay" ang mga
tao sa kapangyarihan at paghihikayat ng kanilang mga
padrino at kanilang inaasahan din na makatanggap
sila ng mga kaparis na pakinabang at kalamangan.
Pinalalaganap din ng sistemang dependency ang
elitismo, sapagkat pinananatili ang mga tao na umasa
sa iilang humahawak ng kapangyarihan.

• Sinusubok ng alternatibong pulitika ang


pagbabahagi ng kapangyarihan sa nakararami sa
pamamagitan ng pluralismo, pagbibigay-
kapangyarihan sa mga tao at pagkakapantay-pantay.
Itinuturo nito ang sariling sikap at ang pagtayo sa
sariling paa. Sa pamamagitan nito, hindi pinapatagal
ang buhay ng palakasan at ng sistemang dependency.
Maaaring hawakan ng kahit sino ang kapangyarihan at
may pagpapalitan ng mga palagay, ideolohiya at

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


prinsipyo. At sapagkat maaaring hawakan ng kahit
sino ang kapangyarihan, mas malaki ang pagkakataon
para sa pagkakapantay-pantay.

5. Sa kanyang pangkultural na aspeto:

<!--[if !supportLists]-->• <!--[endif]-->May ilang pangkulturang


pagpapahalaga tayo bilang sambayanan na maaaring
gamitin sa Tradisyonal na Pulitika upang magsilbi sa
kapakanan ng iilan.

Ito ang ilang pagpapahalaga:

<!--[if !supportLists]-->1. <!--[endif]-->Utang na Loob-Sa


sistemang padrino, tinutulungan ng pulitiko ang mga tao
sa mga panahon ng pangangailangan upang maramdaman
nila ang kanilang mga pagkakautang sa kaniya at
maaaring hilingin ng padrino bilang kapalit ang kanilang
pagtangkilik sa kanyang mapansariling inaasam, lalung-
lalo na sa panahon ng halalan.

<!--[if !supportLists]-->2. <!--[endif]-->Hiya- Makakaramdam ng


hiya ang isang taong nagkakautang sa padrino na
tanggihan ang kahilingan ng kanyang "ninong". Dito,
ginagamit ng pulitiko ang halaga ng hiya ng Pilipino upang
ibagay sa kanyang sariling inaasam. Sa madaling salita
sinasamantala nilang mga pulitiko ang magandang
kaugalian ng mga Pilipino, na marunogn mahiya, pero sila
hindi marunong mahiya.

<!--[if !supportLists]-->3. <!--[endif]-->Personalismo-Tinutukoy


nito ang pagbibigay ng labis na diin sa kung sino ang
humahawak ng aling posisyon sa halip na sa pananagutan
at responsibilidad ng posisyon na nabanggit. Bilang
halimbawa, sumasapi ang mga pampulitikang partido at
nagpapalit ng mga pinuno at partido batay sa kung ano
ang matatanggap nila sa larangan ng pulitika sa halip na
sa mga prinsipyo, ideolohiya at mga isyu. Hindi masama o
mapanghamak ang nabanggit na mga pangkulturang
pagpapahalaga. Ngunit kapag ginamit ang mga ito sa
pagwawalang-bahala sa pangangailangan ng nakararami,
nagiging mga haligi itong nagtataguyod sa tradisyunal na
pulitika.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


<!--[if !supportLists]-->• <!--[endif]-->Sa kabilang banda,
nagpapakita ang alternatibong pulitika ng mga
sumusunod na paniniwala at pagpapahalaga:

<!--[if !supportLists]-->1. <!--[endif]-->Ang kapangyarihan sa


kamay ng lipunang sibil. Salungat sa sistemang
padrino, inilalagay ang pagtuon sa pagkakapantay-
pantay at pagbabahagi ng kapangyarihan sa ugnayan
ng mga tao at ng kanilang mga pinuno. Sa mga pormal
at di-pormal na balangkas, binibigyan ang mga tao ng
mga pagkakataon at pamamaraan upang magkaroon
sila ng kapangyarihan sa mga pagpapalakad ng
pamahalaan. Halimbawa nito ang mga kinatawan ng
mga saligang sektor sa loob ng lehislatibong sangay ng
pamahalaan, at people's organizations (POs) sa mga
komunidad. Tinatawag ang mga balangkas na ito na
mga alternatibong sentro ng kapangyarihan.

<!--[if !supportLists]-->2. <!--[endif]-->Pananagutan sa mga


pinuno ng mga tao-Tinitingnan ng mga pinuno ang
kapangyarihan bilang pananagutan at responsibilidad sa
mga taong kanilang pinaglilingkuran sa halip na
pribilehiyo. Tinitingnan ng mga tao, sa kabilang banda,
na hindi pabaya ang kanilang mga pinuno sa kanilang
mga gawain at pananagutan. Sa nabanggit na sistema,
namamayani ang tungkulin ng pamamahala sa mga
taong may pinanghahawakang pananagutan at sa mga
taong nakikilahok sa pamamaraan ng pamamahala.

<!--[if !supportLists]-->3. <!--[endif]-->Patuloy na pakikilahok


ng mga tao sa pamamahala-Hindi itinatakda ang
hangganan ng pakikilahok ng tao sa pulitika sa halalan
lamang ngunit lumalawak sa kanilang patuloy na
pakikisangkot sa extra-parliamentary at extra-legal na
pagsisikap tulad ng lobbying para sa pagpasa ng mga
batas na makamahirap, pulitikang makamaliit, atbp.

Para madaling maunawaan ang ating pinag-uusapan, ang


alternatibong pulitika ay yaong hindi lamang sa panahon ng
pangangampaniya, kumukunsulta, nakikipagunagnayan ang kandidato
kundi sa lahat ng panahon lalo na kong siya ay nalukluk na sa kanyang
pwesto. Naririnig ang mamayan ang hinaing ng mamayan sa lahat ng
panahon., Ang mamayan naman ay patuloy na sinusuportahan ang
kanilang kandidato na nanalo sa pamamagitan ng pagsali sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


pagpapalakaad sa kalaakaran ng pamahalaan. Hindi lamang ang
kanilang boto sa araw ng halalan ang binabantayan kundi ang mga
batas na dapat palakarin at isakatupan, at handa sila sa lahat ng
sandali na ituwid ano mang pagkakamali ng mga kinauukulan, handa
ang mamayan at hindi sila natatakot na pangalagaan ang kaban ng
bayan sa mga gahaman at ganid.

Correct me if i’m wrong.

Kabisoteng Edukasyon

October 12, 2008 by plumaatpapel

http://plumaatpapel.wordpress.com/2008/10/12/kabisoteng-edukasyon/

ISANG MALAKING kahangalan, kundi man ganap na katontonhan, ang iginigiit


noon pa mang 2003 ng Kagawaran ng Edukasyon na wikang Ingles ang gawing
pangunahing wikang panturo sa elementarya pa lamang bilang pag-alinsunod sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


balintunang patakaran ng rehimen ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.
Naalaala tuloy namin ang isang kabanata ng Noli Me Tangere ni Rizal (Mga
Suliranin ng Isang Guro). Sa nasabing kabanata, sa wikang Kastila tinuturuan ang
mga bata gayong hindi pa naman sila nakakaintindi ng wikang iyon. Dahil hindi
nila nauunawaan, minimemorya at hindi maipaliwanag ng mga bata ang kanilang
aralin. Ganito rin nga ang karaniwang nangyayari ngayon sa mga estudyante sa
hayskul, kolehiyo at unibersidad sa bansa na dahil sa Ingles nagsipag-aral, at salat
sa kakayahan sa banyagang wikang ito, mabilis na nakakalimutan ang sinaulong
mga leksiyon kaya nagsisipagtapos na kabisote.

Kaugnay nito, isang sulat noong nabubuhay pa si Dr. Nemesio E. Prudente,


nakilalang makabayan, makatao, progresibong intelektuwal at edukador, at naging
Presidente ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ang tinanggap namin mula sa
kanya. Ayon sa kanya, ang iginigiit na wikang Ingles agad ang gamiting wikang
panturo sa elementarya pa lamang ay “sapilitan at pulitikal, hindi nakabatay sa
pananaliksik, sa siyensiya ng pagtuturo, at sa mga prinsipyong sikolohikal.”

Niliwanag at binigyang-diin ni Dr. Prudente ang pagtutol niya sa nabanggit na


patakaran ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng rehimen ni La Gloria. Dahil
wikang Ingles nga ang ginagamit na panturo sa elementarya pa lamang, napakaliit
na porsiyento tuloy ng mga nagsipagtapos sa Grade VI ang pumapasa sa
pambansang pagsusulit para matanggap sa mataas na paaralan. Kinailangan tuloy
ipanukala ng diumano’y henyong mga opisyal ng naturang kagawaran ang
napakakontrobersiyal na “bridge program” na tandisan nang tinututulan hindi
lamang ng mga estudyante kundi maging ng mga guro sa pampublikong mga
paaralan.

Unang-una, sa punto ni Dr. Prudente, ”repleksiyon ng mababang kalidad ng


pamumuhay sa bansa ang sistema ng edukasyon,” gayundin ng “kolonyal na
mentalidad, kainutilan at katiwalian ng mga opisyal ng gobyerno at ng
burukrasya.” Natural, kapos ang badyet para sa edukasyon na niwawaldas pa
nga’t kinukurakot ng mga kinauukulan kaya kulang na kulang din sa mga
paaralan, mga pasilidad, at may sapat na kakayahang mga guro. Bukod dito.
binigyang-diin niya, “isa sa pinakamalaking problema nga ang wikang ginagamit sa
pagtuturo sa elementarya. Pinipilit ng mga may kaisipang kolonyal na matuto ng
pagbasa, matematika at siyensiya ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng Ingles,
isang dayuhang wikang nagsisimula pa lamang nilang pag-aralan.”

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Batay sa mga pagsusuri sa Amerika at Canada, sabi niya, lima hanggang pitong
taong ipinaiilalim sa mga programa sa pag-aaral ng wika ang mga estudyante bago
maabot ang kahusayang pang-akademiko. Tinututulan tuloy ng progresibong mga
edukador doon na ipailalim sa gayong programa sa loob lamang ng tatlong taon ang
migrante o dayuhang mga estudyante bago pahintulutang isabak sa iba’t ibang
asignatura. Dahil tatlong taon nga lamang, at hindi pa ganap na humuhusay sa
banyagang wikang Ingles, sarisari ang nagiging problema ng dayuhang mga
estudyante — pangwika man o pangkultura.

“Isang malaking kabobohan, samakatuwid, ng mga oplsyal ng


edukasyon,” binigyang-diin niya, “na gamitin ang Ingles na wikang panturo agad
sa mga mag-aaral sa elementarya na tinuturuan pa lamang ng Ingles bilang
ikalawang wika o ikatlong wika sa mga rehiyong di-Tagalog.” Sa naturang antas,
dapat na wikang Filipino ang gamitin kaagapay ang katutubong diyalekto
bagaman, ayon nga sa kanya, mulang Grade I hanggang Grade VI, dapat ding
ituro bilang isang asignatura (subject) ang Ingles tulad din ng wikang Filipino.
Kaya, sa nabanggit na mga grado, sa Filipino dapat ituro ang siyensiya at
matematika na maaaring salitan ng katutubong diyalekto sa mga rehiyong di-
Tagalog. Sa hayskul na simulan, sabi niya, ang paggamit sa Ingles bilang wikang
panturo (medium of instruction). Hindi ito nangangahulugang kakaligtaan na ang
Ingles, ayon pa rin sa kanya, kaya nga dapat na isa itong asignatura sa lahat ng
antas ng pag-aaral mulang elementarya hanggang kolehiyo.

Inihalimbawa ni Dr. Prudente ang sistema edukasyonal ng Japan, China at Korea


na sariling wika ang ginagamit na panturo sa lahat ng asignatura — kabilang ang
matematika at siyensiya — at, bunga nito, taun-taon, laging nangunguna sa
Silangan at Timogsilangang Asya sa mga pagsusulit ang kanilang mga estudyante at
nangungulelat ang mga tinuruan agad sa Ingles gaya ng ating mga estudyante.
Katunayan, binigyang-diin niya, sa nasabing mga bansa, lumikha pa sila ng mga
“calculator” at “computer” na nasa sarili nilang wika bagaman ginagamit din sa
kolehiyo ang nasa wikang Ingles.

Hinahamon niya tuloy, noon pa man, ang mga opisyal ng gobyerno at mga
edukador na may kolonyal na mentalidad na magbago ng mga patakaran at
paninindigan at huwag igiit na Ingles ang gamiting wikang panturo agad sa
elementarya, lalo na nga sa siyensiya at matematika. Ayon sa kanya, dapat na
magtayo ang Kagawaran ng Edukasyon sa ilang piling lugar sa bansa ng tinatawag
na “pilot schools” na wikang Filipino — katulong ang katutubong mga diyalekto —
Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com
ang gagamiting panturo sa mga mag-aaral sa elementarya, lalo na’t sa nabanggit na
dalawang araling akademiko. Batay sa kanyang pagsusuri, tinitiyak niyang
magiging mahusay ang resulta nito sa kabuuan.

Habang nasa kani-kanilang sariling wika ang edukasyon ng halos lahat ng bansa sa
mundo — Kastila sa Amerika Latina, Pranses sa Pransiya, Ruso sa Rusya, Nippon-
Go sa Japan, Fookien at Mandarin sa Tsina, Bahasa Indonesia sa Indonesia, Aleman
sa Alemanya, at marami pang halimbawang mababanggit — bukod tangi ngang
nasa banyagang wikang Ingles ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.
Nagkaroon tuloy ng nakasusukang pakahulugan ang mga elitista’t may kolonyal na
kaisipan na “hindi edukado” at “bobo” ang sinumang hindi marunong o mahina sa
Ingles at “nasisiraan na ng ulo.” ayon noon sa isang Max Soliven sa isang kolum
niya sa Manila Times (Pilipino In, English Out: Are We That Nutty?) kapag
niyakap natin ang sariling wika at pinabayaan ang Ingles.

Ano nga ba ang narating ng edukasyon sa bansang ito sa pamamagitan ng wikang


Ingles? Lumilitaw ngang pababa nang pababa ang kalidad ng edukasyon sa
Pilipinas. Nang suriin ang uri ng mga kolehiyo at unibersidad sa Asya, hindi pa
napabilang sa unang 40 ang pangunahing mga pamantasan sa bansa tulad ng
Unibersidad ng Pilipinas, Ateneo University, De La Salle at Unibersidad ng Santo
Tomas. Higit na masama, maliwanag na bangkarote ang kasalukuyang edukasyon
— sapagkat kinopya nang pira-piraso mula sa edukasyong Amerikano – kaya, sa
kabilang banda, hindi naman nito matugunan ang pambansang mga
pangangailangan at problema para pasukin ang daan ng kaunlaran tungo sa
kinakailangang industriyalisasyon.

“Kung susumahin,” ayon kay Dr. Prudente, “ang problema’y nasa sistema at
balangkas: elitista, kolonyal, maka-kapitalista, maka-pribadong mga paaralan.”
Binigyang-diin pa niya na sa dispalinghadong mga patakaran ng gobyerno, “hindi
na katakatakang talagang ayaw nilang paunlarin ang kalidad ng pamumuhay ng
masang sambayanan kabilang na ang pagkakaloob ng de kalidad na edukasyon.
Pinaglalaruan lamang nila ang mga maralita at iliterado, pinaaasa lamang kung
eleksiyon at, pagkatapos, kalilimutan na.” Ayon tuloy sa kanya, “sa ilalim ng
kasalukuyang sistema — at pababa nang pababa pa nga ang kalidad ng edukasyon
— halos wala nang pag-asa ang masang makaahon sa kinalulublubang burak,
nananatiling nagdaralita, habang namamayagpag sa kayamanan at glorya ang
mayayaman.”

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Dahil nga sa makadayuhang mga patakarang pang-edukasyon — bukod sa iba
pang larangan — na idinidikdik ng gobyerno, lumilinaw tuloy ang idinidikta noon
pa man ng IMF-World Bank at ng mga instrumento ng imperyalismong Amerikano
na isapribado ang mga paaralang pampubliko, lalo na ang mga SUC (State
Universities and Colleges) sa bansa ngayon upang mapasok ng salanggapang na
mga kapitalistang nakabalatkayong edukador na matagal nang nagsisipaglaway sa
negosyong edukasyon. Katunayan, napasok na ng kilalang malalaking negosyante
ang larangang ito: kontrolado na ni Lucio Tan ang UE (University of the East), ni
Emilio Sy ang CEU (Centro Escolar University), ni Alfonso Yuchengco ang MIT
(Mapua Institute of Technology), at ni Henry Sy ang Asia-Pacific College.

Bukod sa mga nabanggit, puspusan din ang pagsisikap ng ordeng relihiyoso — lalo
na mula sa kampo ng Simbahan — sa pagtatayo at pagpapalawak ng kani-kanilang
mga paaralang sagad hanggang langit ang matrikula sa lahat ng antas ng
edukasyon. Mulang kindergarten hanggang kolehiyo, sabi nga, walang karapatang
mag-aral doon ang anak ng isang Juanang Basa at Pedrong Tigas (ibig sabihin ang
mga anak-anak ng karaniwang mga manggagawa, magsasaka’t mangingisda o
nabibilang sa hukbo ng mga walang-wala).

Dahil sa ganitong kalakaran, batay sa obserbasyon noon ni Dr. Prudente, hindi nga
malayong magsara at isapribado sa malapit na hinaharap ang maraming paaralang
pinatatakbo ng gobyerno sa kapinsalaan, higit sa lahat, ng maralitang mga
mamamayang walang kakayahang pag-aralin sa mandurugas na pribadong mga
paaralang pag-aari ng mga santo-santito at diyus-diyosan sa lipunan.
Sapagkat balintuna’t makadayuhan pa nga ang mga patakaran ng gobyerno hindi
lamang sa larangan ng edukasyon, kundi maging sa iba pang larangan, “lubhang
napapanahong sama-samang kumilos,” sabi ni Dr. Prudente, “ang lahat ng
makabayan, progresibo at demokratikong mga puwersang nagmamalasakit sa
pampublikong edukasyon para sa kapakanan ng masang sambayanan.” Sa punto
niya, “kinakailangang pagtuunan ng pansin at malalim na suriin ang kasalukuyan
at hinaharap pang mga problema ng pambayang edukasyon. Maaaring gawing
makabuluhang gabay ang nakaraang kasaysayan nito na hitik ng kapabayaan dahil
na rin sa mga elitista at may diwang kolonyal na lantarang kumukontrol sa
sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ng bansa.”

Sa kabuuan, at sa alinmang punto tingnan at suriin, lubhang napapanahon na


ngang baligtarin naman ang sistema — ang wikang Filipino naman ang gawing
wikang panturo sa halos lahat ng asignatura tulad nang ginawa, at patuloy na
Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com
ginagawa, ng mauunlad na nga bansang nagmamahal sa sarili nilang wika at
kultura. Maliwanag, patuloy lamang ibinubulid ng umiiral na elitista at kolonyal
na edukasyon ang bansa sa kumunoy ng kamangmangan at kaatrasaduhan.
Panahon na ngang buwagin ito at igiit ang isang edukasyong makabayan, makatao,
mapagpalaya at siyentipiko. #

(Kolum)

Krisis at Rebolusyong Pilipino


http://digitalpadepa.com/krp4.htm
Jose Ma. Sison
Serye ng mga Lektyur sa Asian Center, University of the Philippines; 1986

Ikaapat na Lektyur:
KRISIS NG KULTURANG PlLIPINO

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Ang kultura ay repleksyon ng ekonomya't pulitika. Ang nangingibabaw na mga pwersa at
bagong lumilitaw na mga pwersa sa ekonomya't pulitika ang nangingibabaw na mga
pwersa at bagong lumilitaw na mga pwersa rin sa kultura. Ang nagsasalungatang mga
pwersang ito at ang kanilang mga esensyal na kontradiksyon ay nagkakaroon ng mga
pang-ideolohiyang porma at depinidong makinarya sa larangan ng kultura.

Sinasaklaw ng kultura ang paraan ng pag-iral at tunguhin ng


kaisipan sa pilosopiya, pulitika, ekonomya, syensyang
pangkalikasan at panlipunan, sining at literatura, kaalaman sa
batas at moralidad. Kabilang sa mga makinarya ng kultura ang
mga institusyon, iba't ibang tipo ng organisasyon at tauhan na
nakakonsentra o nag-iispesyalisa sa gawaing pangkultura.

Gayunman, ang kultura ay hindi lamang pang-ideolohiyang


repleksyon ng mga kasalukuyang pwersa at kontradiksyon sa
ekonomya at pulitika. Ito rin ay akumulasyon ng mga ideya,
kostumbre, kaugalian at katulad nito, mula pa noong bago
nasulat ang kasaysayan, at nananatili sa kasalukuyang kalagayan
hanggat may mga nagdadala at hanggat bahagi ng sikolohiyang
panlipunan ng mamamayan.

Ang pangunahing pagtutuunan ng diskusyong ito ay ang


paglalahad ng krisis ng kulturang Pilipino kaugnay ng krisis ng
malakolonyal at malapyudal na lipunan. Magpopokus tayo sa
nangingibabaw na mga pwersa sa kultura hindi lamang sa
pagsasalamin kundi pati sa reaksyon ng mga ito sa mga realidad
at tunguhing pulitiko-ekonomiko, at sa proseso, sa pagkontra ng
mga ito sa bagong lumilitaw na mga pwersa sa kultura at
pagganap ng mga ito sa kanilang reaksyunaryong papel sa krisis
ng kultura at lipunang Pilipino.

Magpokus tayo sa nangingibabaw na mga pwersa habang


ginagampanan nila ang kanilang anti-nasyunal, anti-syentipiko at
anti-mamamayang papel laban sa bagong lumilitaw na mga
pwersa ng pambansa, syentipiko at pangmasang kultura.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Ang Nangingibabaw na mga Pwersa sa Kultura

Ang imperyalismong US at Simbahang Katoliko Romano ang


dalawang nangingibabaw na pwersa sa kultura ng Pilipinas. Ang
imperyalismong US ang mas nangingibabaw na pwersa. Sa
malakolonyal at malapyudal na kultura ng Pilipinas, ang mga
pwersang ito ang nagdadala ng nangingibabaw na mga ideya at
kumokontrol sa nangingibabaw na makinarya sa kultura.

Sa paggapi sa lumang demokratikong rebolusyon at pagpapataw


ng kapangyarihan sa mamamayang Pilipino, hindi lamang ginamit
ng US ang nakakalamang na kakayahang militar at kahandaan
nitong itaguyod ang pangingibabaw ng lokal o Pilipinong
burgesyang kumprador kundi ginamit din ang ideolohiyang
maka-imperyalistang demokrasyang liberal para akitin dito ang
rebolusyonaryong nasyunalismo at progresibong demokrasyang
liberal ng lumang demokratikong rebolusyon.

Itinayo at pinalawak ng US ang pampublikong sistema sa


edukasyon at itinatag ang University of the Philippines para
maipropaganda ang modernong imperyalismo (ipinahayag sa
mga termino ng konserbatibong demokrasyang liberal) at
makalikha ng mga manggagawang litereyt at mas maraming
katutubong propesyunal at teknisyan kaysa mabibigyang trabaho
ng sistemang kolonyal at pyudal.

Para mapalitaw ang pinakamahuhusay na Pilipinong nakapag-aral


sa US, isinagawa ng US ang sistemang pensyonado noong
panahon ng kolonyal na paghahari nito. Noong panahong
malakolonyal, itinayo ng US ang pagkakaloob ng iskolarsyip sa
pamumuno ng mga upisyal na ahensya at pribadong pundasyon
ng US para magkaroon ng mga bagong akademisyan, teknokrat
ng gubyerno at pribadong manedyer na maka-US. Sistematikong
nagtreyn ito ng mga Pilipinong upisyal militar sa mga kuta ng US.

Sa bawat antas ng sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas, ang


mga maka-imperyalistang konsepto at paraan ay nanaig sa
pamamagitan ng mga edukador na sinanay ng US at maka-US na
mga programa sa pag-aaral at materyales sa pag-aaral. Ang mga
ito ang bumubuo sa pinakabagong mentalidad na kolonyal ng

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


mga nakapag-aral na Pilipino na karamiha'y nagmula sa
petiburgesya ng lunsod at bihirang-bihirang nagmula sa masang
anakpawis at naging mga mataas na burukrata, propesyunal sa
pribadong hanapbuhay, tagapangasiwa sa negosyo at upisyal
militar.

Ang masmidya ang isa pang larangan ng kultura na


pinangingibabawan ng imperyalismong US at mga ahente nito sa
kultura. Ang dyaryo at pelikula-radyo-telebisyon ay naging mga
behikulo ng maka-imperyalista at reaksyunaryong propaganda at
taga-anunsyo ng mga produkto ng US at tagatimpla ng panlasa
ng Pilipinong konsyumer. Ang mga pelikula at programa sa TV na
gawa sa US at mga programa sa radyong maka-US ang mga
pinakaepektibong tagapagdala ng maka-imperyalistang mga
konsepto at estilo, kasama ang pinakabulgar at
pinakadekadenteng mga ideya.

Ang Simbahang Katoliko ay umangkop sa dominasyon ng US


pagkasimula nito noong umpisa ng siglo. Noong panahon ng
kolonyal na paghahari ng Espanya, ang Simbahan ay may
malalaking ahensyang kumprador, at nakapagbenta ng mga
lupain ng prayle para palawakin ang interes ng malaking
kumprador sa pagbabangko at bagong kumpanyang
pangkomersyo.

Mula noon, namantini ng Simbahan ang sa esensya'y


ideolohiyang pyudal nito kasama ang nag-uumpisang
mangibabaw na ideolohiya ng modernong imperyalismo, at
atubiling tinanggap ang prinsipyong magkahiwalay ang simbahan
at estado. Sinalamin sa malapyudal na ekonomya at pulitika ang
pangingibabaw ng modernong ideolohiyang imperyalista sa
ideolohiyang pyudal.

Bilang institusyon, ang Simbahan ang malakas na pang-


ideolohiyang tagapagtanggol at tagabasbas ng malaking
burgesyang kumprador at uring panginoong maylupa. Ang
pangkulturang impluwensya ng Simbahan ay malaganap sa
hanay ng mamamayan sa pamamagitan ng gawaing
pangkatekismo, ritwal, sermon, panalangin, publikasyon at
katutubong kaugaliang ginawang kristyano o ang tinatawag na
katutubong kristyanidad.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Hindi na ganoon kaprestihiyoso ang pontipikal na University of
Sto. Tomas tulad noong nasa rurok ng sistemang pang-
edukasyon sa panahon ng kolonyal na paghahari ng Espanya.
Pero napaunlad ng simbahan ang sariling masaklaw na sistema
sa edukasyon. Sa simbahan ang karamihan sa mga pribadong
eskwelahan sa bawat antas, kinakaribal ang pampublikong
sistema sa edukasyon sa antas ng primarya at elementarya, at
sa simbahan din ang pinakamarami sa antas ng hayskul at
kolehiyo.

Ang "pinakamahuhusay" na eskwelahang Katoliko ay kilalang-


kilala na mga eskwelahan para sa mga anak ng mga
nagsasamantalang uri. At kahit tinutuligsa ng mga ensiklikal ng
Papa ang kapitalismo at liberalismo sa isang banda, at
sosyalismo at Marxismo sa kabilang banda, para mapatibay ang
ispiritwal na misyon ng Simbahan at kaugaliang pyudal na
nangibabaw sa mga uri sa lipunan, ang totoo, ang mga
Katolikong unibersidad at kolehiyo ay mabisang
tagapagpalaganap ng burges na mga teorya sa ekonomya,
paraan ng pamamahala ng negosyo, at pinakapanatikong mga
ideyang anti-komunista, anti-mamamayan at kontra-
rebolusyonaryo.

Tumutulong ang tradisyunal na mga pasilidad na Katoliko, ang


mga eskwelahan, masmidya at modernong mga pasilidad sa
mayor na di sektaryong mga pasilidad sa pagpapalaganap ng
maka-imperyalista at reaksyunaryong mga ideya at pagpapalitaw
ng mga lalaki't babaeng may magugulong pagpapahalaga na
ideyalismong pyudal at suhetibismong burges.

Ang Anti-nasyunal na Papel

Sa paglalatag ng pundasyon ng malakolonyalismo sa


pamamagitan ng di pantay na mga kasunduang pang-ekonomya
at militar noong ikalawang hati ng dekada '40, ginamit ng US ang
cold war para ang anti-imperyalismo ay itumbas sa komunismo
bilang panlilito sa salita at pagmumura. Sa tusong paraan, ang
abstraktong liberal na konsepto ng mga indibidwal na karapatan
ay ikinontra ng US at mga Pilipinong kinatawan nito sa kultura sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


konsepto ng pambansang soberanya at sa konsepto ng Pilipinas
bilang nagsasariling bansa-estado.

Ginagampanan ng US ang pinakamabigat na papel sa


pagsalungat sa pambansang soberanya at kasarinlan ng
mamamayang Pilipino. Para sa mga makabayang Pilipino, ang
manindigan para sa pambansang soberanya at kasarinlan ay
naharap sa pagwawalambahala o pangungutya ng mga
intelektwal na maka-US. Mawawalan sila ng pagkakataon sa
sistemang pangkultura at pang-edukasyon, kung Hindi man
maihanay sa kinatatakutang klasipikasyong "subersibo".

Ang institusyunal na Simbahang Katoliko ay isang epektibong


tauhan ng imperyalismong US sa pagbubunsod ng kolonyal na
mentalidad at paninira sa anti-imperyalistang kilusan bilang
komunistang pakana. Ginampanan nito ang espesyal na papel na
kontrahin ang mga sentimyentong panrelihiyon sa anti-
imperyalistang kilusan tulad ng ginawa nito noong panahon ng
kolonyal na paghahari ng Espanya laban sa anti-kolonyalistang
kilusan.

Noong dekada '50, maingay na sinalungat ng Simbahan ang


sunud-sunod na rebolusyonaryong kilusang anti-imperyalista,
ang pagpapalaganap ng akdang liberal na pambansang pamana
na tulad ng Noli at Fili, ang makabayang krusada ni Recto, ang
progresibong mga akdang liberal sa University of the Philippines
at ang patakarang "Pilipino Muna" ni Presidente Garcia. Bilang
mga intelektwal na kumando ng Simbahan, ang mga Heswitang
Amerikano at kanilang mga disipulong Pilipino ay tumampok sa
pagsupil sa anti-imperyalista at anti-kolonyalistang mga ideya at
pagpapatibay ng Batas Anti-Subersyon.

Gayunman, noong dekada '60, ang anti-imperyalistang inisyatiba


ng mga rebolusyonaryong proletaryo at kanilang
pakikipagkaisang prente sa mga progresibong liberal ay
kumontra sa mga maka-imperyalista at tagapagtaguyod ng cold
war at nakapagtamo ng malalaking tagumpay para sa anti-
imperyalistang kilusan sa larangan ng pulitika at kultura. Sa
kabila ng patuloy na agresyong pangkultura ng US sa
pamamagitan ng foundations na Amerikano, lumitaw ang bagong
demokratikong kultura na may malakas na anti-imperyalistang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


nilalaman. Nangunguna ang Marxismo-Leninismo sa malaking
kilusang intelektwal at pangkultura.

Lalong ipinagmalaki ng mga Pilipinong intelektwal ang kanilang


sariling pambansang lenggwahe at ginamit ito sa pagsuway sa
matagal nang pangingibabaw ng Ingles sa mga klasrum, upisyal
na komunikasyon at para sa mataas na antas ng literatura.
Malaki din ang pagpapahalaga sa rebolusyonaryong tradisyon at
mga tagumpay ng bayan sa pambansang pamanang pangkultura.

Noong 1970-72, sumiklab at yumabong ang bagong


demokratikong rebolusyon sa kultura. Ang malaking bilang ng
nakapag-aral ay nag-umpisang magtanong, pumuna at tumanggi
sa mga imperyalistang katangian ng kultura at edukasyong
Amerikano. Napukaw sila ng krisis ng naghaharing sistema at
nabigyan ng inspirasyon ng lumalaking kilusang masa. Dapat
banggitin laluna ang Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. Ang mga
nakapag-aral ay nagalit sa gerang agresyon ng US sa Byetnam,
at nahikayat ng halimbawa ng papalaking bilang ng mga
intelektwal na Amerikano na tumatanggi sa realidad at pang-
ideolohiyang pagpapalagay ng imperyalismong US.

Ang pagpapataw ng pasistang diktadura noong 1972 ang


desperadong pagtugon ng US at mga lokal na reaksyunaryo sa
tumitinding kilusang anti-imperyalista. Tulad ng lahat ng iba pang
rebolusyonaryong pwersa, ang mga pwersa ng rebolusyong
pangkultura ay patuloy na dumami sa kilusang lihim sa
kalunsuran at sa sonang gerilya.

Isinagawa ng pasistang diktadura ang rekomendasyong idinikta


ng US sa PCSPE (Presidential Committee to Study Philippine
Education) na ayusin daw ang pang-edukasyong sistema ng
Pilipinas sa diumano'y layuning magkaroon ng mga gradweyt na
may higit na kasanayang teknikal para sa mga dayuhang
kumpanyang multinasyunal. Pero ang mapapasukang trabaho ay
Hindi kailanman makabuluhang dinagdagan ng mga dayuhang
monopolyo sa papabagsak nang ekonomya.

Isinagawa rin ng rehimeng pasista ang patakarang idinikta ng US


na gumawa ng mas maraming teksbuk na popondohan ng
pautang ng World Bank. Ang mga teksbuk ay naging mga

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


behikulo ng maka-imperyalista at pasistang propaganda na
pandagdag sa pang-araw-araw na propagandang inilalabas ng
kontroladong masmidya.

Naubusan ng pondong gubyerno ang edukasyong publiko. At


pinagkaitan ng sapat na sweldo ang mga titser; gayundin, ang
mga estudyante ay nahirapan sa mas mataas na gastos para
mabuhay at makapag-aral.

Itinaguyod o pinalampas ng mga lider ng Simbahang Katoliko


ang gawain ng pasistang diktadura ng pangkating US-Marcos
dahil ipinakita nito ang sarili bilang pwersang anti-komunista.
Pero sa halos buong dekada '70 at pagkaraan nito, parami nang
parami ang progresibong mga lider na panrelihiyon at taong-
simbahan na pumanig sa mamamayan sa pagtatanggol ng
kanilang mga karapatang pantao sa harap ng napakatinding
kabangisan at pang-aabuso ng mga pasistang sinulsulan ng US,
gayundin sa pagtatanggol ng kanilang mga pambansang
karapatan sa harap ng imperyalistang pandarambong sa
pamamagitan ng multinasyunal na kumpanya at bangko, at
paglabag sa pambansang soberanya at panteritoryong integridad
sa pamamagitan ng mga base militar ng US.

Manipestasyon ng krisis sa sistemang pangkultura na maka-


imperyalista at reaksyunaryo ang pagtalikod ng mga nakapag-
aral sa anti-nasyunal na pangkulturang kontrol at impluwensya
ng imperyalismong US, gayundin, sa loob ng Simbahang
Katoliko, ang pagdami ng mga progrcsibong relihiyoso na may
makabayang paninindigan.

Ang malalaking bitak sa nangingibabaw na pwersang pangkultura


ay tiyak na lalawak at sasamantalahin ng mga pwersa ng bagong
demokratikong rebolusyon sa kultura.

Ang Anti-syentipikong Papel

Madaling makapagpahanga ang mga syentipiko at teknolohikal


na pagsulong ng US at mapaniwala na makakatulong ang US sa
syentipiko at teknolohikal na pagsulong ng Pilipinas.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Gayunman, kung isasaalang-alang natin na sinasalungat ng US
ang pambansang industriyalisasyon ng Pilipinas, at gustong
mapanatiling agraryo ang ating bayan at maghangad ng Hindi
hihigit sa ilang empresang ginagamitan ng maraming lakas-
paggawa, Hindi maasahan ang US na maging balon ng
syentipiko't teknolohikal na pagsulong para sa bayan habang
nananatiling malakolonyal at malapyudal ang katangian nito.

Ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas ay sadyang walang


anumang programa sa pagtataguyod ng mga pag-aaral sa
saligang syensyang panlipunan. Gayunman, sobra-sobra ang
gumagradweyt na inhinyero at teknolodyist kung ikukumpara sa
mapapasukang trabaho sa ekonomyang pre-industriyal. Kaya
nagtatrabaho sila bilang mga tagabenta ng mga kumpanyang
multinasyunal. At nangingibang bayan ang mga walang makitang
trabaho sa sariling bayan.

Ang sobrang inhinyero at teknolodyist ay resulta ng mabilis na


lumalawak na sistemang pang-edukasyon noong dekada '50 at
'60 at mabagal na paglawak ng sistemang pang-edukasyon na
bumuntot sa pagdami ng bata at kabataang pwede nang mag-
aaral sa halos buong dekada '70. Ang pangkalahatang
pagkabulok ng sistema sa edukasyon na naging kapansin-pansin
noong dekada '80 ay makakapagpaunti ng mga inhinyero at
teknolodyist kahit para sa pangingibang bayan.

Umunti rin ang pangangailangan ng US at iba pang bayan sa


mga propesyunal sa kalusugan, inhinyero't teknolodyist at
manggagawang may kasanayan.

Samantalang gustong bolahin ng ilang tao ang sarili na ang pag-


eeksport ng mga propesyunal at manggagawang may kasanayan
ay manipestasyon ng maunlad na kalagayan ng Pilipinas, sa
katunaya'y manipestasyon ito ng di pag-unlad at krisis -- ang
kawalan ng kakayahan ng pambansang ekonomya na mabigyan
ng trabaho ang mga taong kailangang ieksport sa mababang
presyo sa kabila ng malaking gastos sa edukasyon na kailangang
balikatin ng lipunang Pilipino. May isa ring penomenon na
nakakaligtaan. Samantalang pinili ng ilang propesyunal na
maghanap ng mga trabaho sa ibang bayan, ang iba pa'y sumama
sa rebolusyonaryong kilusan. Ito'y isang penomenon na

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


nagpapakita ng grabeng krisis sa sistema. Sa katunayan, parami
nang paraming estudyante at gradweyt ng kolehiyo ang
sumasama sa rebolusyonaryong kilusan. Ang buong petiburgesya
ng lunsod ay bumabaling sa panig ng masang anakpawis sa
iisang pakikibaka sa pang-aapi at pagsasamantala.

Ang pilosopiya, syensyang panlipunan, sining at literatura, batas,


edukasyon, ekonomiks at mga kurso sa bisnes ay mga larangan
ng lantaran at pinahabang pagteteorya at pagpopropaganda ng
mga ahente ng imperyalismong US at Simbahang Katoliko sa
kultura at edukasyon.

Nasa mga larangang ito ang higit na nakakaraming mayorya ng


mga estudyante at gradweyt sa kolehiyo. Sa mga panahong di
gaanong kritikal, sila ang mga tagapagdala ng ganap na di
Syentipiko, mapanlito, maka-imperyalista at reaksyunaryong
mga ideya. Pero sa panahong mas kritikal, ginugulo sila ng mga
saligang problema ng lipunan na di maipaliwanag ng kanilang
pormal na edukasyon, at naaakit sila sa syentipikong teorya at
praktikal na pakikibaka ng mga rebolusyonaryong proletaryo at
malawak na pambansa-demokratikong kilusan.

Pwedeng tanggihan ng ilan ang suhetibismong burges ng


ideolohiyang imperyalista at metapisikang midyebal ng
pinakamarami sa simbahan at mahahawan ang kanilang daan sa
rebolusyonaryong teorya at praktikang proletaryo. Natutuhan
naman ng iba pa na panatilihin ang syentipiko at kapaki-
pakinabang sa kanilang pormal na edukasyon at kahit sa
kanilang paniniwalang panrelihiyon, at gayundin, maintindihan at
matanggap ang pangkalahatang programa ng bagong
demokratikong rebolusyon.

Ang kapansin-pansing pagbaling ng mga estudyance at gradweyt


sa kolehiyo sa pambansa-demokratikong kilusan ay
manipestasyon ng krisis sa kultura at lipunang Pilipino.
Nananawagan sila para sa naaangkop na edukasyon at radikal na
transpormasyon ng lipunan.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Ang Anti-Mamamayang Papel

Nalikha ng imperyalismong US at Simbahang Katoliko ang


malakolonyal at malapyudal na kultura na naaangkop sa
malaking burgesyang kumprador at uring panginoong maylupa
bilang mga naghaharing uri.

Ang kulturang ito'y nagsisilbi para mabigyang katwiran,


mabasbasan, gawing lehitimo at mapaganda ang sistema ng
pang-aapi at pagsasamantala. Hangad nitong mapahina at
mapaamo ang mga inaapi at pinagsasamantalahanag
mamamayan sa paraang mental, emosyonal at moral at
ipatanggap sa kanila ang kanilang kalagayan.

Sa pinakamataas na antas ng sistemang pangkultura, nananaig


ang mga naghaharing uri bilang mga tagagawa ng patakaran,
may-ari at tagakontrol ng pangunahing institusyong pangkultura,
sistemang pang-edukasyon, masmidya at lahat ng iba pang
pangunahing paraan ng pag-impluwensya sa pag-iisip, pandama
at moralidad ng mamamayan.

Ang intelihensya ang mapagrereklutahan ng pinakamahusay na


personel sa kultura ng naghaharing uri. Pero ang higit na
nakakaraming mayorya ng intelihensya ay hindi makakaangat sa
lipunan mula sa antas ng swelduhan tungo sa pagiging
naghaharing uri. Sa panahon ng krisis, ang intelihensya ay may
tendensyang umugnay sa masang anakpawis na mga
manggagawa't magsasaka at lalo pang pumuna at tumuligsa" sa
sistema ng pang-aapi at pagsasamantala.

Sa lantaran at tusong mga paraan, hindi lamang pinagpipilitan ng


malakolonyal at malapyudal na kultura ang mga pribilehiyo ng
mga malaking kumprador at panginoong maylupa kundi
pinagkakaitan din ng pagkakataong makapag-aral ang milyun-
milyong bata at nililimitahan sa antas ng Ikaapat na Grado ang
karamihan ng batang mag-aaral, isang antas na di
makakapaggarantya ng literasi. Naglalabas pa itong lalo ng
bulgar at nakakaabang kalagayan sa kultura na nakakagulo sa
sariling makauring interes at makauring pakikibaka ng masang
anakpawis na mga manggagawa't magsasaka.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Pero ang krisis sa sistemang pang-ekonomya ay nagiging krisis
sa sistemang pampulitika. Ang panlipunang pagkaligalig at
kawalan ng kakayahan ng mga naghaharing uri na makapanaig
sa dating paraan ay nagiging dahilan ng pinakamatinding pang-
ekonomya at pampulitikang paglalabanan sa hanay ng
naghaharing uri at sa pagitan ng mga naghahari at
pinaghahariang uri. Umaabot sa larangan ng kultura ang
tunggalian ng mga uri.

Sa paghahangad na makuha ang kapangyarihang pampulitika,


ang pinakaabanteng pwersa sa produksyon at pulitika -- ang
uring manggagawa -- ay kinatawan ng kanilang partido na may
teorya at praktikal na programa na hindi lamang sumasaklaw sa
mga layunin sa ekonomya at pulitika kundi pati sa layunin sa
kultura -- ang bagong demokratikong kultura na pupukaw at
magbubuklod sa saligang alyansa ng uring manggagawa at uring
magsasaka bilang pangunahing pwersa, at kakabig sa
panggitnang saray ng lipunan sa isang pambansang
nagkakaisang prente.

Ang bagong demokratikong kulturang ito ay nagsisilbi sa


mamamayan at lumalaban sa anti-mamamayang kultura ng
malakolonyal at malapyudal na lipunan.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Sentrong Pangkultura ng Pilipinas [Cultural Center of the Philippines/CCP]
ang pangunahing institusyon para sa kultura at sining sa bansa. Taglay nito
ang pinakamataas na pamantayan ng kahusayan at may mga serbisyong
tumutugon sa Filipino at sa daigdig.
Nililinang at itinataguyod ng CCP ang artistikong kahusayan, estetikong
Filipino at kaakuhan, at positibong halagahang pangkultura tungo sa
makataong lipunang pandaigdig.

Kasaysayan
Pinasinayaan ang CCP noong 1969 at nagsilbing tahanan ng mga sining sa
Filipinas. Nilikha ang CCP sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 30
na may layong itampok at panatilihin ang mga Filipinong sining at kultura.
Pormal itong binuksan noong 8 Setyembre 1969. Mula nang itatag ang
nasabing institusyon, sinikap na nitong isabuhay ang logo nitong
sumasagisag sa “katotohanan, kagandahan, at kabutihan” ang tatlo “K” na
gumagagad wari sa Katipunan nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.
Nasa ilalim ng Opisina ng Pangulo ang CCP, at saklaw ng Pambansang
Komisyon para sa Kultura at mga Sining, alinsunod sa isinasaad ng
Kautusang Tagapagpaganap Bilang 80.
Itinatanghal ng CCP ang mga tagumpay sa sining ng Filipino; hinihikayat ang
paglikha ng orihinal na obrang inspirado ng tema at tradisyong Filipino; at
tumutulong na mailapit ang sining sa lahat ng sektor ng lipunan. Itinataguyod
din nito ang pagtatatag ng mga sentrong panrehiyon sa pakikipagtulungan sa
mga samahang lokal, at inililibot ang mga residenteng artista at iba pang
alagad ng sining mula sa mga rehiyon sa pamamagitan ng CCP Outreach
Program.
Ilang kompanya na kumakatawan sa iba't ibang sining ang nasa loob ng CCP.
Kabilang dito ang apat na residenteng kompanya sa sayaw: Ballet
Philippines, Philippine Ballet Theater, Bayanihan Philippine Folkloric Group, at
Ramon Obusan Folkloric Group. Samantala, ang Tanghalang Pilipino ang
residenteng kompanya sa teatro. Ang mga residenteng kompanya naman sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


musika ay kinabibilangan ng Philippine Philharmonic Orchestra, UST
Symphony Orchestra, Philippine Madrigal Singers, at Music Competitions for
Young Artists Foundation (NAMCYA).
Saklaw ng CCP ang pelikula at sining brodkast, gayundin ang panitikan at
sining biswal; at hinihikayat ang paglago ng mga bagong artista sa naturang
larang sa pamamagitan ng mga palihan, seminar, antolohiya, eksibit,
simposiya, timpalak, at gawad.
Itinataguyod ng CCP ang pagpapalago ng mga konseho ng sining sa buong
bansa sa pamamagitan Cultural Exchange Program (Palitang Pangkultura na
Programa). Ipinatutupad iyon sa pagbubunsod ng mga palihan at seminar.
Nakikipag-ugnayan din ang CCP sa mga internasyonal na samahan upang
makita ng mga Filipino ang rikit at lawak ng mga kultura sa buong daigdig.
Layon ng CCP na maging tahanan ng mga sining na nakatuon sa madla, na
nagtataglay ng artitikong kahusayan, nagtatampok ng estetikong Filipino, at
naglilinang ng pangkulturang halagahan, panlipunang pananagutan, at
pambansang kaakuhan.

Sanggunian
 Opisyal na website ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, na matatagpuan
sa CCP .
 Cultural Center of the Philippines Brochure, 2007

Moms, Isang Mahusay na


Palabas ng QTV 11
Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com
Matagal na ring itinatanghal ang palabas na Moms sa QTV 11 mula nang 
pamahalaan ng GMA 7 ang istasyon. Ang mga hosts ng programa ay sina Lani 
Mercado, Sherilyn Reyes and Manilyn Reynes. Naging guest co­hosts naman sina 
Christine 'Tin Tin' Bersola at Gladys Reyes. 

Iba't ibang mga topics ang pokus ng programa pero ang audience nila ay mga ilaw 
at haligi ng tahanan. Ang titulo naman ng palabas ay "Moms" dahil sinasalamin ng 
mga hosts ng programa ang makabagong ina. Bukod sa pagiging mapag­alaga, 
ipinapakita rin ng Moms na ang mga ina ay matalino, malaya at tunay na ilaw ng 
kanilang mga pamilya. 

Sa pamamagitan ng mga celebrity guests, tinatalakay ng palabas ang mga topics na 
gaya ng sex education para sa mga bata, kung paanong ang modern parenting, at 
iba pang mga problema na kinakaharap ng mga ina sa pagpapalaki sa kanilang 
mga anak. Hanggang ngayon ay women empowerment at pagbibigay pa rin ng 
makabuluhang impormasyon ang pakay ng Moms bilang isang programa, para sa 
modernong ina. 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Sahal ng mga Muslim, Pang-
Porma Na Rin!

Ayon sa Koran, ang banal na aklat ng mga muslim, lahat ng babae at lalake ay 
kinakailangang manamit ng karapat­dapat sa publiko. Dahil dito, ang mga lalake 
ay tinatakpan ang kanilang katawan mula tiyan hanggang tuhod, samantalang ang 
mga babae naman ay tinatakpan ang buong katawan pwera mukha, kamay at paa. 
Isa sa mga tradisyunal na telang ginagamit ng mga kababaihang muslim na 
pantakip ng ulo ay ang Sahal.

Ngayon, mapa­Muslim man o hindi, gumagamit na ang mga pinoy ng Sahal kahit 
saan. Madalas makikita ang mga kababaihang suot ito na parang bandana kapag 
pumupunta ng mga concert o gigs. Sa mga lalaki naman, nilalagay sa kanilang 
mga leeg na parang “scarf” ang dating. Kaya’t pinapakita mo man ang iyong 
pananampalataya sa pagiging muslim o di kaya’y gustong pumorma sa tag­ginaw 
man o tag­init, ang sahal ang bagong bandanang nababagay kahit san man. 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Ang Pagbabalik ng mga Jelly
Shoes

1980s noong unang sumikat ang mga Jelly shoes. Ngayon ay muli itong makikita 
sa mga pangunahing malls at maging sa mga bangketa. 

Gawa ang jelly shoes sa mga jelly rubber na isang uri ng gomang PVC. Mala­jelly 
ang halos kita nitong materyales at unang lumabas matapos ang World War II ng 
magkaroon ng kakulangan sa balat sa Europa. 

Ano nga ba ang panghatak ng jelly shoes at tinatangkilik ito uli? 

Mura at nakakatuwa ang mga makukulay na disenyo nito kaya’t tamang­tama para 
sa mga bata. Ngunit marami na ring mga babae, dalaga man o may asawa ang 
naengganyong magsuot nito dahil sa presyo, pagiging kumportableng suotin at 
fashionable na disenyo. 

Kadalasang flat ang mga jelly shoes ngunit may ibang modelong may makapal 
ngunit mababang takong. Tulad ng mga sandals at flip flops na uso rin ngayon, 
bagay ito sa mga kaswal na kasuotan o yung mga pang­araw­araw na bihis. 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Pizza – Nasa Cones Na!

Para sa mga taong on­the­go palagi, tiyak na dadayuhin ninyo ang Amazing 
Cones. Hindi lamang ice cream ang pambato ng bagong tindahan na ito kundi pati 
iba’t­ibang klase ng mga pizza.

Sa Italya nagmula ang mga unang pizza na isine­serve sa cone. Isa itong 
makabagong paraan na pumatok sa maraming Europeo dahil na rin sa madali itong 
kainin kahit pa nga naglalakad ka. Hindi ito nakaligtas sa Pinoy entrepreneur na si 
Dondi Onate habang namamasyal sa Europe. Ito ang nag­motiba sa kanyang 
buksan ang unang Amazing Cones sa Pilipinas.

Bukod sa madaling hawakan at kainin ay sulit na sulit ang isang pizza sa Amazing 
Cones. Mas mabigat at malaman ito kaysa sa ordinaryong pan pizza. Marami ring 
flavors ito na pagpipilian kayat tiyak na hindi magsasawa ang mga tatangkilik dito. 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Abangan din ang ibang mga pagkain bukod sa pizza na ihahanda sa loob ng mga 
ispesyal na cones ng Amazing Cones. 

Charice Pempengco, Ang


Batang DIva

Dahil sa kahusayan sa pagkanta, kakaibang swerte at sa YouTube, naabot ni 
Charice Pempengco ang pangarap ng karamihan sa Pilipinong mang­aawit ­ ang 
mag­perform sa international audience. 

Disyembre nang nakaraang taon nang lumabas si Charice Pempengco sa 
programang Ellen. Pinakita ni Charice ang kanyang angking galing nang kanyang 
kinanta sa harap ng mga nagpapalakpakang Amerikano ang awiting "And I Am 
Telling You I´m Not Going" at "I Will Always Love You."

Unang nasilayan ang boses ni Charice sa singiing contest ng ABS­CBN na "Little 
Big Sta" na kung saan nakamit niya ang Third Place. Isang Youtuber naman ang 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


nakakita sa pagkanta ni Charice sa nasabing patimpalak at siyang inupload ang 
pagkanta ni Charice sa YouTube. 

Nakita naman ng Ten Songs Production, isang recording company na naka­base sa 
Sweden, ang YouTube video na ito at siyang inimbitahan si Charice upang 
pumunta sa Sweden upang magrecord ng album.

Samantala, nakita naman ng isang broadcasting System sa Seoul, South Korea ang 
pag­kanta ni Charice ng "And I Am Telling You I´m Not Going" sa YouTube rin 
kaya't inimbitahan nito si Charice sa sikat na programa sa Korea na Star King. 
Marami ulit ang napabilib ni Charice sa kanyang boses kaya't nilagay ng mga 
nakapanood ang episode na ito sa YouTube Ang programang ito ang nakita ni 
Ellen DeGeneres at siyang nagtulak sa Amerikanang host/komedyante na gawing 
panauhin si Charice sa kanyang programa. 

Dahil dito, regular na ring nakikita si Charice sa mga lokal na programa at 
iniimbitahan na rin siya ng mga lokal na mang­aawit tulad ni Martin Nievera para 
maging panauhin sa kanyang concert. Ngayon, hindi lang sa ibang bansa sikat sa 
Charice Pempengco, sikat na rin siya sa kanyang sariling bansang Pilipinas. 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Queso: Ang Bagong
Henerasyon ng Pinoy Rak en’
Rol

Nabuo noong 1994 at nakilala sa pangalang “Cheese”, ang Queso ang pinakasikat 
at pinakamaingay na bandang Pinoy ngayon. Binubuo ng pitong myembro, ang 
Queso ay napagdaan na ang bawat pagsubok ng paggawa ng musikang hindi man 
matanggap ng masa nung una, ay ngayo’y isa sa mga hinahangaan at inaabangan.

Mula nang nilabas ang unang self­titled album na “Cheese” sa ilalim ng Warner 
Music Philippines noong 1998, nasundan ito ng “Pilipinas” album nang 2001 at 
ang independent album na “Queso” noong 2006. Sa gitna ng pagtugtog ng Queso 
sa Luzon, Visayas at Mindanao, naimbitahan rin sila tumugtog sa 2000 Pusan 
Rock Festival sa Korea at nanalo bilang representative ng Pilipinas para sa “World 
Battle of the Bands (WBOB)” sa Hong Kong. Hindi man sila nanalo sa WBOB, 
nanatili pa ring matunog ang pangalan ng Queso hindi lang sa sarili nilang bansa, 
pati na rin sa buong mundo.

Ang Queso ay binubuo ni Tuts Calinawan(bass), 8 Toleran (guitars), Enzo 
Ruidera(guitars), Bboy Garcia (turntables), Robert Dela Cruz (drums), CJ 
Olaguera (percussions) at Ian Tayao (vocals). Naging parte rin ng Queso si RT de 
Ano (turntables) Paolo Rosal (drums) sa Queso at nananataling mabuting kaibigan 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


ng banda.

Sa ngayon, lingo­lingo pa rin tumutugtog ang Queso sa iba’t ibang bar sa Manila at 
probinsiya. Mabibili ang mga CDs, t­shirts at ang “Buhay Queso” DVD sa mga 
record stores at sa banda mismo. 

Para sa “mga daga”, ang tawag sa fans ng banda, mananatiling isang inspirasyon 
ang Queso sa paggawa ng kakaibang Pinoy na tunog na pwedeng ipagmalaki sa 
buong mundo. Sa mga nagaabang na susunod na album ng Queso, wag magalala 
dahil kasalukuyang gumagawa ng bagong musika ang grupo at mananatili sa 
eksena ng musikang lokal at internasyonal. 

Musika ng Sugarfree – Tamang


Timpla

Ang bandang Sugarfree ay maihahalintulad sa musika nila – simple pero may 
ibubuga. Sabay sa ritmong masarap pakinggan ay ang malalim na liriko. Tamang 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


timpla talaga.

Unang nakilala ang Sugarfree sa mga awiting Telepono at Mariposa mula sa debut 
album nilang “Sa Wakas”ngunit higit silang natandaan sa mga awiting “Hari ng 
Sablay” at “Makita Kang Muli” na ginamit sa teleseryeng “Panday.”

Kinabibilangan nina Ebe Dancel, Jal Taguibao at Kaka Quisumbing, ang trio ng 
Sugarfree ay walong taon ng aktibo sa industriya ng musika at nakagawa ng 
tatlong tagumpay na album. Nagkamit na rin sila ng iba’t­ibang karangalan mula 
sa NU Rock Awards at Awit Awards. 

Sa kabila ng kabi­kabilang prediksyon na hindi na panahon ng mga banda sa 
Pilipinas ay nagawa ng Sugarfree na patuloy na mamayagpag. Noong nakaraang 
taon lamang ay itinanghal ng banda ang una nilang major concert kung saan 
panauhin nila ang tanyag na Manila Symphony Orchestra. 

Vigan, Isang World Heritage City

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Mapa­Pilipino o banyaga, kahit sinong tumapak sa Vigan City ay namamangha.

Klasipikado bilang isang World Heritage City, ang Vigan ay matatagpuan sa Ilocos 
Sur. Karamihan ng bumibisita dito ay namamangha sa matandang arkitektura nito 
at old­world na ambiance ng lugar. Ang pagtapak sa Vigan City ay maihahambing 
sa isang pag­atras sa panahon, sa mga taon na ang Pilipinas ay nasa ilalim pa ng 
bansang Espanya.

Ayon sa isang 2000 census, ang Vigan ay may populasyon na 45,143 people sa 
9,193 na mga kabahayan. Si Elpidio Quirino, ang pang­anim na presidente ng 
Pilipinas, ay nanirahan din sa Vigan.

Ang mga cobblestoned na kalsada at mga calesa na nakapalibot sa plaza ay 
pandagdag sa ganda ng kakaibang lugar na ito. Maaari ding mag­tour sa palibot ng 
Vigan upang makita ang mga lumang bahay at mga simbahan, bukod sa iba't ibang 
mga museum na hitik na hitik sa kasaysayan ng nakaraan. 

Tara na sa Pugad Baboy

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Ito ang komik strip na sumasalamin sa eksenang politikal at kultura ng mga 
Pilipino. Sa dalawang dekada ng Pugad Baboy, patuloy ang pagtawa at pagkilala 
ng mga Pinoy sa mga sarili.

Nagsimulang ilathala ang Pugad Baboy noong 1988 sa pahayagang Inquirer. 
Konsepto ito ng arkitektong si Pol Medina Jr. tungkol sa isang komunidad na 
tinitirhan ng mga matatabang tao. Iba’t­ibang pamilya ang nakatira dito ngunit ang 
pinakapopular na karakter ay hindi tao kundi ang asong si Polgas.

Sa mahigit dalawampung kumpilasyon ng seryeng Pugad Baboy ay nasaksihan ng 
mga mambabasa ang maraming karakter na ginampanan ni Polgas. Naging deep 
penetration agent ito, nag mala­Undertaker, Sigmund Freud, Wolverine at iba pa. 
Ito rin ang sinasabing higit na nagkakarakterisa sa may­akdang si Medina. 

Sa kasikatan ng seryeng ito ay ginawa rin itong programa sa telebisyon at 
nagkaroon ng mga damit at laruang hango sa mga karakter dito. 

Habang patuloy si Medina sa paggawa ng Pugad Baboy ay asahan ang 
katatawanang may kabuluhan na mas masarap basahin dahil inilalarawan nito ang 
mga Pilipino sa kasalukuyang panahon. 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Ang Bayanihan

Ang ibig sabihin ng Bayanihan ay ang sama­samang pagkakaisa sa ilalim ng isang 
layunin. Galing ang salitang ito sa isang tradisyon ng mga Pilipino na kung saan 
sama­samang tutulong ang mga tao upang buhatin ang buong bahay ng isang 
pamilya at tulungan ito lumipat papunta sa isang lugar.

Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng paglagay ng mga "bamboo poles" sa ilalim ng 
bahay kubo upang makagawa ng matatag na balangkas upang madaling mabuhat 
ang buong bahay. Ang mga kalalakihan naman ay naka­pwesto sa magkabilang 
dulo ng mga "bamboo poles."

Ang tradisyon na Bayanihan ay sinusundan ng isang maliit na pyesta na 
pinamumunuan ng pamilyang tinulungan ng mga tao. Ito ay ginagawa ng pamilya 
bilang pasasalamat. 

Nilarawan ng National Artist na si Carlos "Botong" Francisco ang tradisyong ito. 
Lumikha rin si Joselito E. Barcelona ng larawan na pinapakita ang Bayanihan na 
nakagawian na ng mga Pilipino. 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Lisa Macuja: Pinay na Ballerina,
Mahusay na Artist

Napakalaki na ng naging kontribusyon ni Lisa Macuja­Elizalde sa mundo ng arte 
at kultura dito sa Pilipinas.

Dating nabansagang "Ballerina of the People", kilala si Lisa Macuja­Elizalde 
bilang isang tanyag na Prima Ballerina dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kasama 
sa mga patimpalak na ginawad sa kanya sa kanyang mahabang karera bilang 
ballerina at artist ang Order of International Friendship (na ginawad ni Russian 
President Vladimir Putin noong 2001), Ten Outstanding Young Persons of the 
World (1997), at ang Special Prize for Artistry by the House of Diaghilev (1992).

Siya rin ang kauna­unahang Pilipina na ballerina na nag­uwi ng laureate prize at 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


nakakuha ng silver medal mula sa 1987 Asia­Pacific Ballet Competition na 
ginanap sa Tokyo. Noong 1992 ay nakilahok siya sa 1992 International Diaghilev 
Ballet Competition na ginanap sa Moscow, Russia ­ kung saan siya ay nanalo ng 
fifth place.

Kahanga­hanga ang naging karera ni Lisa dahil na din sa mga tanyag na guro at 
paaralan ng sayaw kung saan siya ay nag­aral. Naging scholar siya ng USSR 
Ministry of Culture at nakapasok ng Vaganova Choreographic Institute (na ngayon 
ay tinatawag nang Academy of Russian Ballet) sa Saint Petersburg noong 1982, at 
doon ay nahasa siya sa pagsayaw at natuto mula sa dating former Kirov ballerina 
na si Tatiana A. Udalenkova.

Matapos niyang magtapos bilang pinakamagaling sa kanyang klase ay naging 
kauna­unahan siyang foreigner na naimbitahan upang sumali sa Kirov Ballet ­ 
isang kilala at batikan na 260­taong gulang na institusyon ng sayaw. Mula dito'y 
sunod­sunod na ang mga naging tagumpay niya.

Dahil na rin sa pagmamahal niya sa pagsayaw at sa kanyang bansa, naging aktibo 
si Lisa Macuja­Elizalde sa mga lokal na pang­kulturang mga proyeko. Sa 
kasalukuyan, siya ang tumatayong Artistic Director ng Ballet Manila. Siya rin ang 
kasalukuyang Vice Chairperson ng Philippine UNESCO National Commission. 

Father Suarez Magpapatayo ng


Mega-Shrine

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Marami ang namamangha sa biyayang makapagpagaling ng Pilipinong pari na si 
Fernando Suarez. At kahit na nakabase siya sa Canada ay hindi ito naging hadlang 
upang maalala ni Father Suarez ang mga kababayan. 

Plano ng popular na pari na magpatayo ng isang marangyang shrine alay sa 
Birheng Maria sa Montemaria sa Batangas, ang probinsyang kinalakhan niya. 
Tinatayang matatapos ang proyekto sa limang hektaryang lupain na ito sa loob ng 
limang taon. 

Una ng naitatag dito ang puting stage kung saan nagmisa si Father Suarez noong 
2006. Noong Enero 2007 naman isang mataas na estatwa ng Birheng Maria ang 
inilagak . Bukod sa estatwa ay nasa plano rin ang pagkakaroon ng mga kapilya, 
rosary garden, kolumbaryo, retreat at lodging houses at ang kawangis ng Tahanan 
ng Birheng Maria. 

Ang multi­milyong shrine na ito ay pinuntahan na ng daan­daang mga deboto lalo 
pa at aprubado ng Simbahang Katoliko ang panggagamot ni Father Suarez. 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Tunay nga ba ang Kulam at
Mangkukulam?

Ang “Kulam” ay ang Pinoy Black magic, samantalang ang “mangkukulam” 
naman ay ang katumbas ng mga witch sa ibang bansa at ang “mambabarang” ay 
warlocks. Gumagana nga ba ang mga sumpa ng mangkukulam?

Gaya ng mga witch, ang mangkukulam ay gumagawa ng mga potion, nagbibigkas 
ng mga sumpa at gumagamit ng manika para gantihan o bigyan ng masamang 
tadhana o sakit ang isang tao. Sa panahon ngayon, maraming nababalitang mga 
mangkukulam ang nagpapabayad para gumawa ng sumpa. 

Kapag nabiktima ng mangkukulam ang isang tao sa pamamagitan ng manika, 
lahat ng gawin ng mangkukulam sa manikang ito ay mangyayari rin sa taong iyon. 
Minsan nga’y ito pa ang nagiging dahilan ng kanilang pagkamatay. Dahil dito, 
maraming tao, lalo na sa mga probinsya, ang humihingi ng tulong sa mga 
mangkukulam para makaganti sa isang tao. 

Magisa man gumawa ang mga mangkukulam ng kanilang “voodoo”, kadalasan 
daw ay nabibilang sila sa isang kulto. Ang pagiging mangkukulam daw ay 
pinapasa ng mga magulang at mga naunang henerasyon. Kapag malapit na daw 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


mamatay ang isang mangkukulam ay pinapasa nito ang kanyang kapangyarihan sa 
anak o kamag­anak.

Madami man nagsasabing hindi totoo ang kulam, napakadaming pangyayari at 
kuwentong nagkalat tungkol sa mga hindi maipaliwanag na nangyayari sa isang 
taong pinagdududahang kinukulam. Dahil dito, naniniwala ka man sa kulam o 
hindi, mabuti nang maging mabait ka sa kapwa para walang magtangkang 
magpakulam sa ‘yo. 

Meditasyon: Kapangyarihan ng
Katawan at Pag-iisip

Ang meditasyon ay kakaibang antas ng pag­iisip kung saan ang isang tao ay 
matindi ang konsentrasyon sa isang bagay o layunin. Ito ay pinaniniwalaan ng 
marami na nakakabuti sa ating pangkalahatang kalusugan. 

Sa panahon ng mental o pisikal na istres, maraming mga tao ang umaasa sa 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


meditasyon para maibalik sa mabuti ang kanilang kondisyon. Pinaniniwalaan na 
mayroong matinding koneksyon ang kaisipan ng tao sa kanyang katawan. Sa 
pamamagitan ng meditasyon, maaring maabot ang “state of balance” ng isip at 
katawan. 

Maraming pag­aaral ang nagpapakita ng mabuting epekto ng meditasyon sa 
kalusugan ng isang indibidwal, at hindi lamang ito sa pisikal na aspeto. Bukod sa 
pagtanggal ng istres, ginagamit din ang meditasyon para makarekober sa 
depresyon at lungkot. Naghahatid din ito ng mabuting pakiramdam, mga ideya sa 
paglikha at masayang disposisyon. Sa patuloy na praktis sa meditasyon, maramng 
nagsasabing pati ang ispiritwal na aspeto ng kanilang buhay ay gumanda. Kasama 
dito ang positibong tingin sa lahat ng aspeto ng buhay at ang pagiging handa at 
matibay sa mga pagsubok na haharapin.

Ang Animismo

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Ang animismo ay ang paniniwala sa pagkakaroon ng lahat ng bagay ng kaluluwa. 
Dahil dito, masasabing ang animismo ay matatagpuan sa karamihan sa relihiyon sa 
buong mundo. 

Ang paniniwala sa animismo ay paniniwala na ang mga hayop, bagay, gulay at tao 
ay may kaluluwa. Madalas na makikita ang paniniwala sa animismo sa mga 
kulturang "hunter­gatherer." Karaniwan ay itinuturing ang tao bilang kapantay ng 
mga hayop, halaman at iba pang puwersa ng kalikasan kaya't mahalaga na ang 
lahat ng ito ay ituring ng may respeto at pag­galang. 

Sa animismo, ang tao ay bahagi ng kalikasan at hindi mas mataas, superyor o 
hiwalay dito. 

Ngayon, ang ilan sa mga naniniwala sa animismo ay matatagpuan sa mga bansang 
Congo, Zambia, Bangladesh, Indonesia, Laos, Hapon, Canada at Pilipinas. 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Ang Kultura ng Pilipino ay
Makikita sa Suot Nito

Ang konseptong ito ay makikita at masusing ipinaliwanag ni Barge Ramos ­ isang 
fashion designer na kilala sa kanyang gawang mga Barong Tagalog ­ sa kanyang 
libro, Pinoy Dressing: Weaving Culture into Fashion.

Ayon kay Ramos, posibleng sumunod sa makabago at pinaka­uso na kasuotan 
ngunit maging Pinoy na Pinoy pa rin ang dating nito. Naniniwala si Ramos na ang 
mga damit ng Pilipino ay kailangang ipinagmamalaki ang kasaysayan at kultura. 
Sinulat niya ang paniniwala niyang ito sa isang kolum sa pahayagang Malaya mula 

1990­1995.

Ang ilan sa mga sinulat nya sa kolum na iyon ay siyang pinagsama­sama sa "coffee 
table book" na eto na siyang dumedetalye kung paano nahugis ng kasaysayan ang 
paraan ng pananamit, paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino.

Ang halimbawa ni Ramos ay ang Barong Tagalog na siyang pinilit na pinapasuot 
sa mga Pilipinong ilustrado noong panahon ng mga Kastila. Ang dahilan nito ay 
upang malaman ng mga Kastila kung may tinatagong armas o sandata ang mga 
Pilipino noon na siyang madaling makita dahil sa nipis ng tela ng Barong Tagalog. 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


LABIS ang kasiyahan ko matapos basahin ang keynote address ni
Ricardo Ma. Nolasco, chairman ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
sa 2007 Nakem conference na isinagawa sa Mariano Marcos State
University noong Mayo 23, 2007. It made my day, ika nga.

Una, dahil kinilala rin sa wakas ng pamahalaang nasyunal ang pagiging


multilinggwal at multikultural ng mga Pilipino. Sa talumpati ni Dr.
Nolasco -- ang pinakamalinaw na policy statement ng gobyerno, sa
aking palagay, ukol sa paglinang ng ating mga wika -- binigyang diin
na hindi kahinaan, kundi lakas, ng bansa ang mahigit nitong 170ng
wika. Pangsampu tayo sa buong daigdig na may pinakamaraming
wika, aniya.

Ang ikalawang dahilan ay maaaring ma-misinterpret ng iba nating


kababayan, gaya ng walang kwentang away sa pagitan ng ilang
tinatawag na A-list Pinoy bloggers, na umani ng maanghang na
reaksyon ni Gibbs Cadiz; sana naman ay hindi. Pero natutuwa akong
nangyayari ang pagbabagong ito sa pananaw ng Komisyon sa
pangunguna ng isang Bikolano, na tulad ni Gibbs ay tubong-Sorsogon.

At pangatlo, salig sa pagkilala ng ating pagka multilinggwal at


multikultural, ang bagong bisyon at misyon ng KWF ay nagbibigay-
sigla sa mga kagaya ko na nais ding payabungin at pagyamanin ang
sarili naming wika -- ang Bikol na ayon kay Irvin Sto. Tomas "ay may
2.5 milyong neytiv ispiker (1990 sensus) ... at sinasalita sa malaking
bahagi ng Camarines Sur at Albay, bahagi ng Camarines Norte,
Catanduanes at Sorsogon at Burias Island ng Masbate."

Isa sa mga natutunan ko nang bumalik ako sa paaralan noong 2004 ay


ang konsepto ng "paradigm shift." Inimbento ni Thomas Kuhn, isang
Amerikanong intelektwal, ang ideyang ito upang ipaliwanag ang mga
mga pagbabagong nagaganap ("scientific revolutions") sa larangan ng
siyensya.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Halimbawa, nuong unang panahon, naniniwala ang mga tao na ang
daigdig ang sentro ng uniberso; kilala ito bilang ang geocentric model
ni Ptolemy. Kahit ang Simbahang Katoliko ay nanghawakan dito
hanggang sa Middle Ages, anupat napilitan ang sikat na astronomong
si Galileo na talikuran ang kanyang unang paninindigan na umiikot ang
daigdig sa araw, kasuwato ng heliocentric model ni Copernicus.

Subalit naglaon, napatunayang mali si Ptolemy at tama si Copernicus,


anupat si Pope John Paul II mismo ay nagsabi noong 1992 na tama
pala si Galileo at nagkamali ang simbahan, although in good faith.
Isang paradigm shift ang binuong modelo ni Copernicus, at
malawakang binago nito ang pananaw ng tao ukol sa uniberso.

Maituturing din na isang paradigm shift ang bagong bisyon at misyon


ng KWF sa pangunguna ni Nolasco. Sa mga puristang makikitid ang
utak, isang erehe lang ang makapagsasabing, "Gusto naming isipin na
lipas na ang panahon na ang mga gawain ng komisyon -- sa
katotohanan o sa karaniwang pagkakaalam -- ay eksklusibong
nakatuon sa wikang pambansa, sa kapabayaan ng mahigit na 170ng
wika ng ating bansa at nang walang makatotohanang pagsasaalang-
alang sa isa pang opisyal na wika ng bansa, ang Ingles, o sa mas
eksaktong pormulasyon, ang Philippine English."

Pero ayon sa Pranses na si Victor Hugo, "There is nothing more


powerful than an idea whose time has come." Naniniwala akong tama
at napapanahon ang landas na tinatahak ng mga erehe sa KWF. Ito rin
ang landas na tinatahak ng mga Bikolanong manunulat, kabilang na
ang tumutula, umaawit, nagkukwento, nagsasadula at
nakikipagtalakayan sa wikang Bikol, na naniniwalang tapos na ang
panahon ng mga tawong lipod sa literaturang Bikolnon.

An sabi ngani kaiyan ni Frank Peñones: "Sa panahon na ini 'dai na


maninigo an metapora kan mga taong lipod sa mga parasurat na
Bikolano huli ta igwa nang pag-uswag, pagdakol kan mga parasurat
asin pagdugang man kan saindang produksyon.'" Sa saiyang rebyu
kan libro ni Peñones, si Kristian Cordero nagsumpay: "An koleksyon
na ini sarong dakulang dugang sa nagtatambo tang literatura na haloy
bago nakabutas sa imahe kan mga tawong lipod na ngonyan luhay-
luhay nang namamansayan, namamatian kadungan kan naglalawig na
terasa kan literaturang Bikol."

Bilang tugon sa layunin ng Komisyon, pinagtibay kahapon sa planning


workshop ng pamahalaang panlungsod ng Naga ang pagbuo ng isang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


lokal na institute bago matapos ang taon; ito ang mangunguna sa
pag-stardardize ng Bicol-Naga, sa tulong ng isang modernong Bicol-
English dictionary.

Hindi ba mas mainam na makita ang bawat Pilipino na mahusay sa


tatlong wikang kailangan para sa matatag na kinabukasan ng bansa --
ang wikang kinamulatan, ang wikang Filipino at ang Ingles -- upang
ang Buwan ng Wika bawat Agosto ay maging pagdiriwang ng kanyang
kakayahang harapin ang matinding hamon ng bukas?

TATAK NG ATING PAGKA-PILIPINO


Session Guide Blg. 1

I. MGA LAYUNIN

1. Natutukoy ang mga kaugaliang Pilipino


2. Naipaliliwanag kung bakit ang mga nabanggit na katangian at
kaugalian ng Pilipino ay nakatutulong sa ating pag-unlad

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


3. Nasusunod ang mga paraan sa paggawa ng isang mabuting desisyon
4. Nakapagmamalaki sa iba bilang isang Pilipino
5. Naipakikita ang sariling pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay

II. PAKSA

A. Aralin 1 : Ang Katangian at Kaugaliang Pilipino na Nakatutulong sa


Pag-unlad
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay

B. Kagamitan : Radio casette at tape

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral

• Ipaalaala sa mag-aaral ang ilang kaugaliang Pilipino na napag-


aralan tulad ng:
- pagtanaw ng utang na loob
- pakikisama
- hiya
- lakas ng loob o katapangan
- pagbibigay ng pabor o espesyal na pagtatrato
- pagtanggap ng lagay
• Kunin ang kanilang reaksiyon tungkol sa mga kaugaliang ito

2. Pagganyak

• Iparinig ang isang awitin


• Talakayin ang tungkol sa mensahe ng awit
• Ipatukoy ang mga katangian at ugali na nabanggit sa awit
• Ipahambing sa talaan na ginagawa bilang karagdagang gawain
noong huling sesyon
• Ipapili sa talaan ang kanais-nais at hindi kanais-nais

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

• Buksan ang Basahin Natin Ito sa pahina 2-6.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


• Ipabasa ang diyalogo at talakayin ang pinag-usapan ng Nanay
at si Dane.
• Pasagutan ang Magbalik-Aral Tayo sa pahina 6.
• Ipahambing ang mga sagot sa Batayan ng Pagwawasto sa
pahina 28.
• Pumili ng magkapareha o partner

2. Pagtatalakayan

• Pabuksan ang Modyul sa pahina 4 at 5 at ipabasa ng may


damdamin ng magkapareha ang dayalogo. Pumili pa ng isa na
makakasama upang gumanap na announcer sa radio.
• Ipaalaala ang mga panuntunan sa pakikinig at panonood.
• Ipasagot sa mag-aaral ang mga tanong na nakasulat sa papel
sa pitong grupo na may kanya-kanyang lider, kalihim at taga-
ulat. (Tingnan ang tanong sa pahina 6 at 7).
• Hayaang magkaroon ng talakayan ang bawat grupo.
• Matapos ang talakayan bigyan ng panahon na magbigay ng ulat
ang bawat grupo.

3. Paglalahat

• Ipakita at talakayin ang mga larawan sa Subukan Natin Ito,


pahina 9 upang maunawaan ang mga katangian, kaugalian ng
Pilipino.
• Bilang isang Pilipino pagsalaysayin sila ng reaksiyon nila
tungkol sa katangian at kaugaliang ito.
• Ipasagot din ang Subukan natin Ito na nasa pahina 13. Bigyang
panahon na bigyan ng pagpapatunay ang kanilang sagot.

4. Paglalapat

• Upang matukoy ang katangian o kaugaliang ipinakikita sa bawat


bilang.
• Buksan ang pahina 13 ng Modyul.
• Pasagutan ang mga tanong sa Subukan Natin Ito, pahina 13.
• Ihambing ang mga sagot sa Batayan ng Pagwawasto sa pahina
30.

5. Pagpapahalaga

• Buksan ang pahina 12 ng Modyul

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


• Ipasubok ang Moral Grid at ipasagot ang mga tanong dito.
• Ipasuri sa kanila ang kahulugan ng awiting ito sa mga Pilipino.
• Ipaawit ang “Ako Ay Pilipino” ng may damdamin.

IV. PAGTATAYA

Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tama o mali ang


patlang.

_______ 1. Masayahin tayong mga Pilipino sa kabila ng kahirapan.


_______ 2. Mangutang ka upang makapaghanda tuwing pista.
_______ 3. Kailangang gumastos ng malaki at magkaroon ng marangyang
handaan tuwing pista.
_______ 4. Maaaring maging masaya kahit kakaunti lamang ang handaan
sa pista.
_______ 5. Nagiging malapit ang pagtuturingan ng mag-aaral kung palaging
nagtitipun-tipon.
_______ 6. Ang pagmamano ay isang magandang kaugaliang Pilipino.
_______ 7. Ang pananampalataya sa Diyos ay mahalaga.
_______ 8. Ipinagmamalaki ko na ako ay Pilipino noong manalo si
Pacquiao.
_______ 9. Ang pag-aabuloy ay isang kaugaliang dapat ipagpatuloy.
_______10. Ang pagtulong sa mahihirap at sa mga katutubo ay nararapat
lamang.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

• Gumawa ng talaan ng mga Katangiang Pilipino na nagiging


sagabal sa ating pag-unlad. Sabihin kung bakit ito ay sagabal.
• Talakayin ito sa susunod na sesyon.

TATAK NG ATING PAGKA-PILIPINO


Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


1. Natutukoy ang mga katangian at kaugaliang nakasasagabal sa ating
pag-unlad kaya nararapat na baguhin
2. Nasasabi ang dahilan at katwiran kung bakit kailangang baguhin ang
mga ito
3. Naisasagawa ang pangunguna sa pagtulong at pagpapalaganap ng
pagbabagong kinakailangan upang umunlad
4. Naipapamalas ang pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay

II. PAKSA

A. Aralin 2 : Mga Kaugalian at Katangiang Pilipino na Mabubuting


Baguhin

Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay : Pansariling


kamalayan, kasanayang magdesisyon

B. Kagamitan : Comic Strip, Tula : Bahala Na


Radio Cassette : Tape-Instrumental Praise Music

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral

• Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:

1. Anu-ano ang mga katangian o kaugaliang ipinakikita ng mga


Pilipino.

2. Ano ang mga kaugaliang maganda subalit kailangan nang


baguhin?

2. Pagganyak

Tula : Bahala Na!

Bahala na, ang sabi ng karamihan


Bahala na, ngayon at kailanman
Bahala na palaging kawikaan
Ano man ang mangyari, Bahala na

• Talakayin ang Tula

- Anong kaugalian ng Pilipino ang nabanggit sa tula?

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


- Ano ang mensahe ng tulang “Bahala Na”?
- Papaano ito magagawang positibo sa ating buhay?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

• Ipabasa ang Kuwento sa pahina 16.


• Ipaalaala ang panuntunan sa wastong pakikinig.
• Paharapin sa katabing mag-aaral sa gawing kanan.
• Talakayin ang tungkol sa kuwento.
• Pasagutan ang mga tanong na nasa Magbalik-Aral Tayo
sa pahina 17.
• Itanong: Kung kayo si Mang Bert, ano ang dapat na
ginawa mo? Pagtibayin ang desisyong ito.

2. Pagtatalakayan

a. Ibigay ang sumusunod na mga kasabihan na nakasulat sa


kartolina sa dalawang pangkat.

“ Huwag mo nang ipagpabukas ang


Pangkat I magagawa mo ngayon. Baka ang bukas
ay hindi na dumating at maging huli na
ang lahat”.

Pangkat II “ Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang


gawa”

Itanong:
• Anong kaugaliang Pilipino ang nakikita dito.
Kailangan bang baguhin ito? Ipaliwanag.

• Ipaliwanag ang ibig sabihin ng:

- “Mañana habit”
- Bahala na ang Diyos

b. Ipasuri ang mga larawan sa pahina 18 ng Modyul –


sa dalawang pangkat

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


• Ipasagot ang mga sumusunod na tanong:

- Ano ang nakikita mo sa larawan?


- Anong kaugalian ang ipinakikita nito?
- Saan inihahalintulad ang damo sa larawan?
- Ano ang mga makikita sa ugaling “Ningas
Kugon”
- Ipaulat ang mga sagot

c. Ipabasa ang komik strip sa pahina 19.

• Ipasagot ang mga tanong sa pahina 20.


• Kunin ang mga kuro-kuro ng mag-aaral.
Ipasabi kung ito ay mabuting kaugalian.
• Bigyan ng paliwanang kung bakit?

3. Paglalahat

• Ipabasa ang Aralin Natin sa pahina 22 at Basahin


Natin pahina 23.
• Pabayaang ang mag-aaral ang sumulat ng napag-
aralan nilang katangiang Pilipino na maipagmamalaki.
• Pagbigayin din ng mga kaugaliang dapat na baguhin
upang makatulong sa pag-unlad.

Gamitin ang Tsart sa pagsagot dito:

Mga Katangiang Dapat Mga Katangian Dapat


Panatilihin/Palaguin Baguhin

4. Paglalapat

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


• Ipasaloob sa mga mag-aaral ang mga dapat gawin batay sa
mga napag-aralang mga kaugaliang nakatutulong at
nakasasagabal sa pag-unlad. Himukin ang mag-aaral na
magpahayag ng mg katangian na dapat mabago.

- Ipasulat ang mga natalakay sa kanilang journal.

5. Pagpapahalaga

Lagyan ng tsek () ang patlang kung ang pahayag ay iniisip at


ginagawa mo at ekis (x) naman kung hindi.

_______ 1. Iniisip kong kasalanan ng mahihirap kung manatili


silang dukha.
_______ 2. Sinisikap kong unawain ang kahinaan ng iba.
_______ 3. Nahihirapan akong makibagay sa kasamang mahina
ang ulo.
_______ 4. Pantay-pantay ang pagtingin at pakikitungo ko sa
mga kasamahan.
_______ 5. Kung may di-pagkakaunawaan, pinakikinggan ko
ang lahat ng panig.
_______ 6. Pakiramdam ko mas mabuti akong tao kaysa sa iba.
_______ 7. Tutol ako sa “padrino system”. Hindi ko ito gagawin.
_______ 8. Kahit hindi bagay sa akin basta susunod ako sa
uso.
_______ 9. Masipag lamang ako sa simula
_______ 10. Nagsisikap ako na tapusin ang gawain. Hindi ko na
ito ipinagpapabukas pa.

IV. PAGTATAYA

Isulat ang P kung ang katangian at kaugalian ay dapat pagyamanin


at B kung nararapat baguhin.

_______ 1. Pagmamahal sa pamilya

_______ 2. Masipag at matiisin

_______ 3. “Mañana habit”

_______ 4. “Amor Propio”

_______ 5. Gaya-gaya

_______ 6. Pagiging masayahin

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


_______ 7. Ningas – Kogon

_______ 8. “Padrino system”

_______ 9. Tayo-tayo o kanya-kanya

_______ 10. Filipino time

V. KARAGDAGANG GAWAIN

A. Isagawa ang mga katangian na nais mong pagyamanin/baguhin

B. Magsaliksik ng mga kaugalian ng ibang lugar na naiiba sa mga napag-


aralan sa araling ito

www.rockczar.com

MANUNURI NG PELIKULANG PILIPINO

MIGUEL Q. RAPATAN
Tagapangulo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino 2005-2006.
Propesor sa Departamento ng Komunikasyon sa De La Salle
University. Sa pamamagitan ng Fulbright Grants, tinapos niya
ang kanyang M.A. Communication (Documentary Film) sa
Stanford University at Doctorate sa Communication, Computing
and Technology in Education sa Teacher’s College ng Columbia
University (New York). Si Dr. Mike ang naging editor,
manunulat, at director ng di iilang mga documentary at pang-

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


edukasyon na video at programa, tulad ng Sinaunang Habi,
Trails to an Answer para sa UNICEF Manila, at The Shahani
Perspective. Kasalukuyang Director ng Center for Educational
Multimedia (CREM) sa De La Salle University - Manila.

GRACE JAVIER ALFONSO


Tagapangulo, MPP, 2002-2003. BFA major in Painting, M.A.
Art History in Humanities, Ph.D. Communication at Post-
Doctoral courses in Media Studies, New School for Social
Research, New York. Propesor at Founding Chairperson,
Department of Film and Audio-Visual Communication, College of
Mass Communication, University of the Philippines. Kinatawan
para sa Women’s International Film Festival in Seoul, Korea
2003 at International Film Festival, Mannheim, Germany, 1987,
1988, 1989. Kasapi ng Film Committee, National Commission
on Culture and the Arts 1989-91, at konseho, Founding
President, Film School Board of the Philippines. Tagapangulo, UP
Film and Video Festival 1998-hanggang ngayon. Chancellor, UP
Open University. Kolumnista, Daily Tribune.

BUTCH FRANCISCO
Tagapangulo, MPP, 1989-91. Nagtapos ng Creative Writing
(screenwriting) sa Harvard University noong 1998.
Kasalukuyang miyembro ng Cinema Evaluation Board at host ng
Star Talk ng GMA. Nagrebyu ng mga pelikula tuwing Biyernes sa
Butch Review, isang segment ng Cristy per Minute ng ABS-CBN.
Naging host ng Showbiz Lingo sa ABS-CBN tuwing Linggo.
Nagkolum sa People’s Journal at Times Journal. Nagsulat ng
mga rebyu at panayam sa Philippine Daily Inquirer. Kolumnista
sa The Philippine Star. Dating managing editor ng TV Times,
Parade Magazine at We Forum at kolumnista at editor sa
Malaya. Naging media director ng Film Academy of the
Philippines. Nakapaglathala ng mga rebyu at artikulo sa
Panorama at Sunday Magazine. Nagtapos ng Journalism sa
Unibersidad ng Sto. Tomas. Hurado sa Gawad Telebisyon ng
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ( CCP ), 1987 at 1989, sa
Metro Manila Film Festival mula 1990 hanggang 1993, sa
Catholic Mass Media Awards 1990-91, CCP Short Film and Video

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Festival 1991, Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP)
Award, 1990-91.

MARIO A. HERNANDO
Tagapangulo ng MPP noong 2001-2002, 1985-86 at 1992-
94. Editor ng Weekend Malaya. Dating Managing Editor ng
pahayagang Malaya at Sunday Magazine ng Malaya. Kasapi sa
Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) .
Special lecturer sa film sa Faculty of Arts and Letters sa UST.
Nagrebyu ng mga pelikula sa Movie Magazine, isang programa
sa television na naging Channel S, sa loob ng pitong taon.
Naging co-host ng Stars and Spies (naging S.S.S.), isang
primetime talk show ng IBC 13, Hollywood Manila sa PTV4,
Pamana ni Brocka sa PTV4, Tele-Vi sa PTV4, Editor ng isang
aklat ang Lino Brocka: The Artist and His Times (nilimbag ng
CCP, 1993). Kinatawan ang Pilipinas sa International Film
Festival of Tashkent sa USSR noong 1988, International Film
Festival of India sa Calcutta noong Enero 1990, Telluride at New
York Film Festival sa Amerika noong 1991, ASEAN Film Week sa
Singapore noong 1994, Focus on Asia 1996, Fukuoka
International Film Festival, at 1999 Chicago International
Festival. Kinatawan din ang Pilipinas sa International Visitor
Program ng United States Information Service sa pitong lungsod
sa Estados Unidos noong 1991. Hinirang na hurado ng FAMAS
noong 1974, Catholic Mass Media Awards mula 1976-1980,
Short Film Festival ng Experimental Cinema of the Philippines,
Film and Video Festival ng CCP, Gawad CCP para sa Telebisyon,
at Metro Manila Film Festival. May akda ng lathalaing nilimbag
sa apat na libro sa pelikula at mass media.

BIENVENIDOLUMBERA
Tagapangulo ng MPP, 1977-78, 1980-81. Ginawaran ng
Ramon Magsaysay Award noong 1993, ng Gawad CCP para sa
Sining (cultural research) noong 1991, at CCP Centennial Honor
for Arts noong 1999. Dating director ng UP Film Center,
propesor ng Panitikang Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas, at
dating editor ng Sagisag at Diliman Review. Nagtapos ng M.A.
at Ph. D sa Comparative Literature sa Indiana University.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Naging exchange professor sa Osaka University of Foreign
Studies noong 1985-1988. Professor Emeritus sa College of Arts
and Letters, UP. Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
2006.

DR. NICANOR G. TIONGSON


Propesor sa UP Film Institute. Dating dekano ng Kolehiyo ng
Pangmadlang Komunikasyon, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Naging Chairman ng Movie and Television Review and
Classification Board (MTRCB). Noong 1998, isa siya sa
isandaang manggagawang pangkultura na tumanggap ng CCP
Parangal sa Sining at Kultura. Nagsilbi siya bilang artistic
director at bise presidente ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
(1986-1994) at visiting professor sa Osaka University of Foreign
Studies, Japan (1994-1998). Siya ay kasaping tagapagtatag at
dating pangulo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Bilang
iskolar, nakapagpalimbag na siya ng ngayo’y kinikilalang pag-
aaral sa senakulo, komedya at sarsuwela, at pati na rin ng
maraming artikulo sa dula, pelikula, panitikan, kasuotan, at
kulturang Pilipino sa mga dyornal na lokal at internasyonal. Siya
ang editor ng 10-bolyum na CCP Encyclopedia of Philippine Art
at ng Tuklas Sining ng CCP, ang 28 video at monograph tungkol
sa Sining na Pilipino.Inedit din niya ang dalawang antolohiya ng
mga sanaysay ng Manunuri, ang The Urian Anthology 1970-
1979, at The Urian Anthology 1980-1989. Nakapagsulat na rin
siya sa ng mga libretto para sa sayaw, tulad ng Siete Dolores,
Adarna at Realizing Rama at ng iskrip para sa mga video
documentary tungkol sa mga dula, kasuotan at tradisyong
Pilipino. Siya at ang kanyang mga akda ay tumanggap ng mga
gawad mula sa Manila Critics Circle, Surian ng Wikang
Pambansa, UP Alumni Association, at National Research Council
of the Philippines.

ROLANDO B. TOLENTINO
Associate Professor sa Departamento ng Pelikula at
Awdyobiswal na Komunikasyon, Kolehiyo ng Pangmadlang
Komunikasyon, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Acting
Director ng U.P. Film Institute. Nagkamit ng Ph. D. sa Film,

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com


Literature and Culture sa School of Cinema-Television,
University of Southern California sa tulong ng Fulbright Grant.
Sumulat ng mga artikulo hinggil sa kultura at pelikula sa iba’t
ibang babasahin at aklat tulad ng Screen, Social Text, Film
Appreciation Journal, Amerasia Journal, Asian Cinema,
Refiguring Spain, Filipiniana Reader, Ani, Diliman Review,
Foreign Relations Journal, Philippines Studies at Philippine Japan
Relations Towards the 21st Century, Transnational Asia Pacific.
Awtor ng Richard Gomez at ang Mito ng Pagkalalaki, Sharon
Cuneta at ang Perpetwal na Birhen, at ibang pang sanaysay
ukol sa bida sa pelikula bilang cultural na teksto (Anvil),
National/Transnational: Subject-Formation, Media and Cultural
Politics in and on the Philippines (Ateneo de Manila University
Press), at Geopolitics of the Vissible: Essays on Philippine Film
Cultures (Ateneo de Manila University Press).

LITO B. ZULUETA
Pinuno, Literary Arts Committee, National Commission for
Culture & the Arts. Miyembro, Technical Panel on the
Humanities, Commission on Higher Education. Tagapangulo,
MPP, 2004-2005. Peryodista at editor. Nagtapos ng A.B.
Journalism sa Faculty of Arts and Letters ng Unibersidad ng Sto.
Tomas. Naging Associate Editor ng Manila Chronicle kung saan
siya nagwagi ng Best Editorial noong 1993 sa Journalism
Awards ng Manila Rotary Club. Ang kanyang mga review at
kritisismo ay regular na lumalabas sa Philippine Daily Inquirer
(PDI) at Metro Magazine. Sumulat ng mga dokumentaryong
pangtelebisyon tulad ng Revolucion, ang natatanging
dokumentaryo ng ABS-CBN para sa sentenaryo ng kalataan ng
Pilipinas noong 1998. Siya ang katulong ng director ng UST
Creative Writing Center. Tagapayo ng The Varsitarian, opisyal na
pahayagan ng mga Tomasino at Special Lecturer. Sa PDI, siya’y
isang patnugot at editorial writer.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com

You might also like