You are on page 1of 1

Panahon na: Manindigan sa dapat, bomoto ng tapat Hindi ka ba napapagod o di kayay nagsasawa sa mga isyung laging laman ng pahayagan

at telebisyon? Mga isyung walang kamatayan dahil walang kinahihinatnan! Ang dami na ng panahon na nasayang; ang dami na ng buhay na nasira. Tama na, panahon na para mamulat sa katotohanan, wag na tayong magbingi-bingihan, wag na tayong magtulug-tulugan dahil walang patutunguhan itong ating bayan! Pinoy tayo, hindi ba? Panahon na para manindigan sa dapat, bomoto ng tapat! Bawat isa sa atin ay binigyan ng kalayaan na makapag-desisyon para sa bayan. Maaring hindi natin ginusto na maging isang Pilipino (citizen ng Pilipinas), ngunit wala tayong magagawa kundi tanggapin ito at isabuhay . Kalakip ng pagtanggap nito ay ang pagtanggap din sa mga responsibilidad natin sa bansa o ang pagpapaka-Pilipino. Naku, responsibilidad, sounds difficult hindi ba? Marami sa mga Pilipino ang takot sa responsibilidad. Pero huwag kang mag-alala kaibigan, hindi mo naman kailangan mamatay para sa bansa upang masabi na nagpaka-Pilipino ka nga. Sa simpleng pagboto ng dapat at papili ng wastong kandidato tuwing may halalan, isa na iyong pagpapaka-Pilipino. Wala namang mahirap doon, di ba? Napakasimpleng pagpapaka-Pinoy pero kadalasan ay hindi pa nagagampanan ng tama. Bakit? First and foremost e dahil ng pera. Oo, pera! Vote buying ang laging nangyayari dito sa bansa. Maging sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas ang ganitong bagay ay talamak. Hanggang kelan tayo masisilaw sa salapi?! Kapwa ko Pilipino, ang perang bigay nila ay panandalian lamang, bukas o makalawa wala na ito sa ating bulsa; pero ang isa mong matalino at tapat na pagboto ay susi sa pagbabago. The 2010 election is the time to make a change!

You might also like