You are on page 1of 2

PAGSULAT NG LATHALAIN

Tips para sa magandang introduksiyon: 1. Tiyaking kapani-paniwala ang tauhang inyong inilagay sa istorya. Ibig sabihin, dapat na buhay at gumagalaw ang tauhan sa inyong lathalain. Huwag MAG-IMBENTO para hindi masakripisyo ang inyong integridad bilang mamamahayag/manunulat. 2. Gumawa ng magandang setting para sa inyong istorya. Likhain ang napakainam na atmosphere o kaligiran sa inyong istorya. Ilarawan nang mabuti ang umpisa ng mga pangyayari o ang pinag-ugatan ng inyong salaysay. 3. Maging malikhain sa pagsusulat ng inyong introduksiyon sa pamamagitan ng paggamit ng pananalitang angkup na angkop sa inyong introduksiyon.

Katawan: Sa katawan tinatalakay ang buong saysay ng kuwentong inyong isinusulat. Dapat manatili itong tapat sa introduksiyon. Ibig sabihin, dapat masagot nito ang mga tanong o matalakay nang husto ang paksang inyong isinusulat. Upang maging mabisa ang pagsulat ninyo ng pinakakatawan ng inyong lathalain, dapat tandaan ang ss. na mga bagay:

1. 2. 3. 4.

Gumamit ng makukulay subalit hindi naman napakatatayog na mga salita (highfalutin words). Manatiling nakapokus sa paksa. Siguruhin ang coherence o ang wastong pagkakabit-kabit ng mga ideya. Tiyaking hindi naman siksik na siksik ang mga impormasyon para hindi magsawa ang mga mambabasa. Sa pagtalakay, mahalagang ilagay lamang ang pinakanakauugnay (relevant) o pinakamahalagang impormasyon.

Kongklusyon: Sa kongklusyon nilalagom ang buong istorya at dapat itong magbigay ng napakalakas na impresyon para hindi malimutan ng mambabasa ang isinulat mo.

Tips para sa mas mabisang pagsusulat ng lathalain: Magpokus sa human interest; mahalaga ang papel ng emosyon sa inyong isinusulat Maging malinaw kung bakit ninyo isinusulat ang lathalain Magsulat sa active voice. Hanggat maari, gumamit ng mga pandiwa o verb na nasa active voice o pangkasalukuyan. Mahalaga ang accuracy o kawastuan ng mga datos o impormasyong ilalagay sa sulatin.

Laging isaalang-alang ang inyong mambabasa habang isinusulat ninyo ang akda. Ano ba ang dapat nilang malaman at maramdaman? Nauunawaan ba nila ang wikang ginamit ko? Iwasan ang clichs o yaong gasgas na mga linya. Makipagpanayam (interview) nang personal. Iwasan ang email o kaya naman ay phone interviews. Sa harapang pag-uusap kasi, mas madedetalye mo ang damdamin at kulay ng iyong paksa. Gumamit ng mga quotation at anecdotes. Iwasang mag-opinyon sa inyong istorya. Taliwas sa sinasabi ng ibang opinionated ang lathalain, hindi ganoon sa lahat ng pagkakataon. Dapat na magsalita mismo ang datos o ang taong pinapaksa ng inyong sulatin.

Gumamit ng multi-sources sa inyong akda para sa kredibilidad ng inyong isusulat. Subalit, takdaan ang sarili: ilagay lamang ang DAPAT ilagay. Laging tiyaking tama ang inyong bantas (punctuations), baybay (spelling) at konstruksiyon ng inyong mga pangungusap. Manatili sa tense o panahunan ng inyong istorya. Iwasan ang mahahaba at makakapal na pangungusap.

You might also like