You are on page 1of 21

ISANG PAGSUSURI SA MGA PAMAMARAAN NG PAMAMAHALANG GINAGAMIT SA IBAT IBANG FAST FOOD CHAINS AT ANG EPEKTO SA PAGPAPAUNLAD NG NEGOSYO

Pasalitang Presentasyon ng Pamanahong-papel

BILANG PAGTUPAD SA ISA SA MGA PANGANGAILANGAN NG ASIGNATURANG FI 112PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Nina: Escalante, Melvin A. delos Reyes, Gerome A. Abuso, Mariden B. Co, Marquel Mary V. Quijano, Louise Katrina T. Salazar, Annaliza G.

Marso, 2011

ISANG PAGSUSURI SA MGA PAMAMARAAN NG PAMAMAHALANG GINAGAMIT SA IBAT IBANG FAST FOOD CHAINS AT ANG EPEKTO SA PAGPAPAUNLAD NG NEGOSYO

LAYUNIN NG PAG-AARAL:

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong paghambingin ang paraan ng pangangasiwa sa tatlong magkakaibang fast food chain upang makapagbigay kaalaman o impormasyon sa mga negosyante o indibidwal na nais pumasok sa tulad na larangan at naglalayong matugunan at mabigyang linaw ang mga sumusunod na katanungan:

Papaano pinangangasiwaan ang bawat fast food chain? Ano ang nagiging epekto nito sa negosyo? Nakabubuti ba ito o isang katalunan lamang ang dulot sa pagpapaunlad? Sapat na ba ang pamamaraang ito upang mapaunlad ang negosyo? Bakit kailangang maging epektibo ang pamamahala sa mga fast food chains? Paano mo masasabing naging epektibo nga ang iyong naging pamamahala?

METODOLOHIYA

DISENYO NG PANANALIKSIK:

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik ngunit pinaniniwalaan ng mga mananaliksik na mas nararapat at nababagay sa pag-aaral na isinagawa ang Mga Pasubaybay na Pag-aaral o Follow-up Studies. Ang pamamaraang ito ay mainam upang masubaybayan ng mga susunod pang mananaliksik ang paraan ng pangangasiwa sa mga fast food chains at upang mailahad ang maaring bunga ng mga istratehiyang kanilang ginagamit.

RESPONDENTE:

Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay mga kasalukuyang manedyer ng ilang mga kilalang fast food chains. Pumili lamang ang mga mananaliksik ng tatlong manedyer upang maging respondente: isa mula sa Jollibee, isa mula sa McDonalds at isa rin mula naman sa Greenwich. Sa palagay ng mga mananaliksik ay wala namang pinagkaiba ang pamamaraan ng pangangasiwa sa ibat-ibang sangay o branch ng mga napiling fast food chain kaya sa isang partikular na sangay ng mga nabanggit na fast food chain lamang magpopokus ang pag-aaral.

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente sa kadahilanang sila ang nakakaalam ng mga impormasyon tungkol sa paksa na siyang makakatulong upang matugunan ang mga katanungan at epektibong makapangalap ng mga impormasyon. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pakikipagpanayam o pag-iinterbyu sa mga respondente. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga gabay katanungang naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang pamamaraan ng pamamahala ng mga manedyer ng fast food chains sa kasalukuyan at inihambing ito sa mga datos na nakuha mula sa iba pang respondente.

Nangalap din ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa ibat-ibang hanguan sa aklatan tulad ng mga libro, tisis, proposals, mga artikulo sa dyaryo at journals na may kinalaman sa paksa.

TRITMENT NG DATOS:

Ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang kayat ang mga mananaliksik ay hindi na gumawa ng pagtatangka na suriin ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Kaalaman at pamamaraan lamang ng mga respondenteng tumugon sa bawat katanungan ng mga mananaliksik ang kinailangan. Dahil tatlo lamang ang respondente, hindi naging sobrang mahirap para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng datos tungkol sa paksa ng pag-aaral na isinasagawa.

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang mga pamamaraan at estratehiya sa pamamahala ng mga manedyer sa isang fast food chain at pagkumparahin ang bawat datos na nakuha sa tatlong establisyamento upang malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba sa pamamaraang kanilang ginagamit. Gamit ang disenyong Follow-up Studies hango sa deskriptib na pamamaraan, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu sa tatlong (3) respondante, isang manedyer mula sa McDonalds, isa mula sa Jollibee at isa rin

KONGKLUSYON

Sa bawat fast food chain, ang bawat manedyer ay may ipinapatupad na SOP o Standard Operating System na siyang nagiging batayan ng kanilang pamamahala. Kagaya na lamang ng bilis ng serbisyo. Ipinatupad noon ng McDonalds ang isang polisya, sa loob ng limang (5) minuto ay kailangang nakuha na ng crew ang order ng

Bawat estratehiya ay may kaakibat na kabutihan at katalunan, maaring epektibo ito sa iba samantalang hindi naman sa iyo. Nakadepende ang magiging resulta sa mga salik na nakakaapekto dito. Nakasalalay ang pag-unlad ng negosyo sa pamamahala ng manedyer, ang pagkakaroon ng epektibong pamamaraan sa pamamahala ay isang mahalagang susi tungo dito. Kahit gaano kaganda ang sistemang pinapairal sa

Hindi dapat makuntento sa kasalukuyang antas ng kaunlaran sapagkat sa ganitong uri ng negosyo kung saan ang innovations at ang pakikipagkumpetensya sa iba ay hindi maiiwasan. Maaring magsagawa ng pananaliksik at pag-aaral tungkol sa kakumpetensya at gamitin ang anumang impormasyong makakalap sa pagpapaunlad at pagpapabuti ng inyong

Ang pagkakaroon ng kooperasyon mula sa mga crew o empleyado ay mahalaga upang mapadali ang pamamahala at mananatili ang kaayusan sa loob ng workplace. Maaring magorganisa ng team building activities, seminar para sa pagpapatibay at pagbuo ng teamwork o di kaya ay magtanghal ng taunang out of town bonding kasama ang mga empleyado, ang aktibidad na ito ay hindi masyadong

REKOMENDASYON

Para sa mga manedyer, magiging mahigpit sa pagpapatupad ng mga polisiya at estratehiya sa mga pinamamahalaan upang maging epektibo ang pamamahala at mapanatili ang sistema. Kagaya ng lamang ng mga Standard Operating Procedures sa bilis ng pagsisilbi, pagpapanatili ng kaayusan at paraan ng pakikitungo sa mga kustomer. Para sa mga crew o empleyado, makipagtulungan sa manedyer, sundin ang polisiya at iganap ang mga estratehiyang pinapatupad upang maging epektibo ang mga ito. Dagdag pa, hikayatin ang mga kustomer na kayo ang tangkilikin sa pamamagitan ng magandang pakikisalamuha sa kanila.

Para sa Research and Development Department, magsagawa ng higit pang pananaliksik hinggil sa iba pang estratehiyang maaaring mapatupad upang lalong mapagbuti ang pamamahala ng fast food chain. Para sa Marketing Department, tumuklas ng makabagong produkto na maaring tangkilikin ng mga kustomer o kaya ay bumuo ng isang promosyong makapanghihikayat ng kustomer. Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o lalo pang palawakin ang pag-aaral na ito upang makatuklas ng iba pang kongklusyon o solusyon at makapagbigay ng bagong pamamaraan sa pamamahala ng mga fast food chain.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Isang Pagsusuri sa mga Pamamaraan ng Pamamahalang Ginagamit sa Ibat-ibang Fast Food Chains at ang Epekto sa Pagpapaunlad ng Negosyo ay naglalayong malaman at maipagkumpara ang pamamaraan ng pangangasiwa sa mga Fast Food Chains at kung mayroon man itong pagkakaiba ay mailahad ang mga ito. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptib na disenyo ng pananaliksik. Kaugnay nito ay nagsagawa ng interbyu ang mga mananaliksik upang makapangalap ng mga datos na kailangan sa pag-aaral. Ang pag-aaral ay isinagawa ng pangkat sa tulong ng tatlong (3) manedyer ng magkakaibang Fast Food Chains bilang respondente. Sa kanilang pakikipagpanaya, inilahad ng mga respondente ang kanilang mga kaalaman kaugnay sa paksang tinatalakay. Ang resulta ng naging pag-aaral ay nagpapakitang halos walang pinagkaiba ang batayang ginagamit sa pamamahala ang mga sangkot na fast food chains. Ang maigting na kumpetensya ng bawat isa ang lumalabas na pinakadahilan sa naging resulta ng pag-aaral na ito. Kaya dahil na rin sa kadahilanang ito hindi kailanman naging sapat ang mga estratehiyang kanilang ipinapatupad. Dahil dito, nagbigay ng ilang panukala o kaya namay ilang rekomendasyon ang mga mananaliksik upang makapagbigay ng dagdag kaalaman na siyang makakatulong sa pagpapaunlad at pagpapabuti ng kasalukuyang mga pamamaraan, kagaya na lamang ng mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya at istratehiya, kooperasyon ng mga empleyado, patuloy na pananaliksik ng mga makabagong kaalaman upang makatulong sa pagpapaunlad ng negosyo. Inirerekomenda din ng mga mananaliksik ang mas malawak pang pag-aaral at pananaliksik kaugnay sa paksang tinalakay para sa anumang ikagaganda nito.

You might also like