2
Mabuhay
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
MAY 29 - JUNE 4, 2009
EDITORIAL
Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, JoseGerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose VisitacionQ. Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto RaymundoJr., Dino Balabo
ADVERTISING
Jennifer T. Raymundo
PRODUCTION
Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia,Mark F. Mata, Maricel P. Dayag, Charlett C.Añasco
PHOTOGRAPHY / ART
Eden Uy, Allan Peñaredondo, Joseph Ryan S.Pavia
BUSINESS / ADMINISTRATION
Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez,Peñaflor Crystal, J. Victorina P. Vergara,Cecile S. Pavia, Luis Francisco, Domingo Ungria,Harold T. Raymundo,
CIRCULATION
Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano,Rhoderick T. RaymundoThe
Mabuhay
is published weekly by theMABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES
—
DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 toMarch 6, 2011, Malolos, Bulacan.The
Mabuhay
is entered as Second Class MailMatter at the San Fernando, Pampanga PostOffice on April 30, 1987 under Permit No. 490;and as Third Class Mail Matter at the ManilaCentral Post Office under permit No. 1281-99-NCR dated Nov. 15, 1999. ISSN 1655-3853Principal Office: 626 San Pascual, Obando,Bulacan
294-8122
PPI-KAFCommunityPressAwards
BestEdited Weekly 2003 + 2008Bestin Photojournalism1998 + 2005
A proud member of
PHILIPPINE PRESS INSTITUTE
WEBSITE
http://mabuhaynews.com
Subscription Rates (postage included):
P520 for one year or 52issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising baserate is P100 per column centimeter for legal notices.
Mabuhay
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Jose L. Pavia
Publisher/Editor
Perfecto V. Raymundo
Associate Editor
Anthony L. Pavia
Managing Editore-mail
mabuhaynews25@yahoo.com
TAPOS na ang bakasyon. Pa-sukan na naman sa eskwela. Anokaya ang first lesson?Sabi ng Department of Edu-cation, ituturo nila sa mga es-tudyante ang pag-iingat at kung paano makakaiwas sa Influenza A H1N1. Nakapag-seminar na kaya ang mga guro tungkol dito?
* * *
Ayon kay Dr. Ermingardo An-tonio, ang medical officer ng DepEd sa Bulacan, madali na para sa kanila na ituro sa mga estudyante ang pag-iingat sa In-fluenza A H1N1 kahit hindi pa bahagi iyon ng kurikulum na itinuturo sa mga bata.Sinabi pa niya na may kara-nasan na ang DepEd sa pag-tuturo sa pag-iingat sa mga sakitdahil noong 2003 ay kanilang itinuro kung paano mag-ingat sa Severe Acute Respiratory Syn-drome (SARS).
* * *
Promdi
D
INO
B
ALABO
Pasukan na naman sa eskwela
○○○○○○○○○○○○○○○
EDITORYAL
Ang pamanang talino
BALIKTANAW: Pasukan na naman sa mga paaralan. Tunghayan ang editoryal sa sipi ng
Mabuhay
noong Hunyo 8, 1980 kung kailan noon at magpa- hanggang ngayon ay pareho pa rin ang problemang kinakaharap natintaun-taon. — Patnugot
SIMULA bukas, daragsa na naman ang milyun-milyong kabataan sa mgapaaralan sa buong bansa.Tulad ng nangyayari taun-taon, nahaharap na naman sa malakingproblema ang ating Ministri ng Edukasyon at Kultura, lalong-lalo na sakung paano matatanggap lahat ang mga batang nais na mag-aral.Bukod dito, kasama rin sa problema ang malaking kakulangan saguro at sa mga silid-aralan. Gayunman, ginagawa ng pamahalaan anglahat upang ito ay mabigyan ng lunas.Ngunit ang higit na nagpapasan ng hirap sa pagbubukas ng klaseay ang mga ina at ama ng tahanan.Alam nating lahat na pangarap ng mga magulang na mabigyan ngkarunungan ang kanilang mga anak kahit na mangahulugan ito ngmalaking bawas sa kanilang kakainin o sila man ay magtrabaho ng 16na oras sa isang araw.Sa nakaraang taon, hindi napigilan ang pagtaas ng halaga ng haloslahat ng bagay — pagkain, transportasyon, damit at iba pang bagay nalubhang kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay.Kasabay nito, ay tumaas din ang halaga ng libro at iba pangkagamitan sa paaralan. Bagaman ang mga bagay na ito ay nasa ilalimng tinatawag nating price control, malaki ring kabawasan sa kinikita ngpamilya ang itinaas nitong halaga.Dagdag pa rin sa sakit ng ulo ng mga nagpapaaral ang patuloy napaghingi ng mga paaralan ng dagdag sa kanilang sinisingil na matrikula.Sa kabila ng hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng lahat ng bagay,patuloy pa rin sa dating antas ang ating mga sahod na kung naragdaganman ay hindi sapat para makatugon sa ating mga pangangailangan.Magkaganoon man, hindi pa rin mapigilan ang pagdagsa ng mgakabataan sa mga paaralan, maging ito man ay pribado o gobyerno.Ang pagtuklas ng talino ay likas na sa ating mga Pilipino at matandana nating kasabihan na higit pa sa salapi ang pamanang talino.
Ayon kay Antonio, ang mga karaniwang sakit na dumadaposa mga batang mag-aaral ay ang sakit ng ngipin, pagkakaroon ng kuto at lisa, sipon at ubo, at ma-ging mga sakit sa balat.Malaking problema daw ang mga sakit na nabanggit dahilnakakaapekto sa pag-aaral ng mga bata.
* * *
Totoo yan. Mahirap mag-aralkapag sumasakit ang ngipin.Kahit matatanda nahihirapandiyan.Dahil dito, itinuturo nila sa mga bata ang tama at regular na pagsesepilyo ng ngipin. Peromarami pa rin ang mga kendi na itinitinda sa mga kantina ng paaralan at maging sa mga tin-dahan sa labas ng paaralan.
* * *
Mabilis namang kumalat ang kuto at lisa sa mga bata, at kapag nagkahawa-hawa sila, mas na-uuna ang pagkakamot ng mga bata ng ulo kaysa pagsusulat atpag-aaral.Solusyon ng DepEd, mamaha-gi ng mga suyod sa mga paaralan.
* * *
Sa pagtatapos ng bakasyon,nagtatapos rin ang panahon ng mga piyesta na sinamantala ng mga pulitikong naghahangadkumandidato sa susunod na halalan.Kaya naman ang mga tarpau-lin poster at mga streamer nila ng pagbati sa mga kapiyestahanay nagkalat. May mga pagkaka-taon pa na parang mas maramipa ang mga tarpaulin ng mga pulitiko sa gayak para sa piyesta.
* * *
Siyempre, layunin ng mga pulitiko ay maximum exposure.Makita, makilala at matandaansila ng mga botante sa susunodna halalan.
sundan sa pahina 4
Buntot Pagé
P
ERFECTO
V. R
AYMUNDO
Pulitika sa Bulacan
MALAMANG kaysa hindi na sidating Gob. Josie M. Dela Cruzang makakalaban ni Bise Gob. Willy Sy-Alvarado sa pagka-gobernador ng Bulacan sa nala-lapit na halalan sa darating na Mayo ng susunod na taon.Bagamat unang termino pa lamang ni Gob. Joselito “Jon-jon”Mendoza, marami ang nagpapa-lagay na pagbibigyan niya ang kanyang Ate Josie na siyang lumaban sa pagka-gobernador sa darating na halalan.Si. Gob. Jon-jon ay medyollamado kung siya naman ang tatakbong kinatawan ng Ika-2Distrito na binubuo ng mga bayan ng Baliwag, Balagtas,Bocaue, Bustos, Guiguinto, Pla-ridel at Pandi.Malamang na one-on-one ang labanan nina Josie at Willy kung hindi makikihalo si dating Gob.Obet Pagdanganan, na sa palagayng marami ay medyo magpapa-hinga muna sa pagtakbo sa dara-ting na halalan.Pulsuhan naman natin ang mga botante sa bayan-bayan.Sa Ika-1 Distrito na binubuong mga bayan ng Malolos, Hago-noy, Paombong, Calumpit, Pu-lilan at Bulakan, medyo parehasang laban sa nasabing mga ba- yan. Walang itulak-kabigin ika nga sa kanilang dalawa.Sa Ika-2 Distrito ay tiyak na makukuha ni Gob. Josie ang 70porsiyento ng mga botante.Sa Ika-3 Distrito na binubuong mga bayan ng San Miguel, SanIldefonso, San Rafael, Norza-garay, Angat at Doña RemediosTrinidad ay bukam-bibig ang pangalan ni Gob. Josie. At sa Ika-4 Distrito na binu-buo ng mga bayan ng Obando,Meycauayan, Marilao at Sta.Maria, medyo palasak ang pa-ngalan ni Gob. Josie sa mga botante.Suma total, kayo na ang hu-matol.
Edwin Santos sa Obando
DAHIL sa mga tulong na gina-gawa ni Edwin Santos sa mga mamamayan ng Obando ay na-giging bukam-bibig na ang kan- yang pangalan.Sino ba namang pribadong taoang makagagawa ng kanyang ginawang pamimigay ng multi-cab sa lahat ng barangay ng Obando.Dahil sa nadarama niya ang kalagayan ng maraming kaba-taan na hikahos sa pamumuhay,marami siyang tinulungang para maipagpatuloy ang pag-aaral. At nitong kapistahan sa bayanng Obando ay iba’t ibang tulong ang ipinagkaloob niya sa ika-sasaya ng kapistahan. Ang pagtulong kapag bukal sa puso, may kapalit na biyaya sa hinaharap.Kayo ano sa palagay ninyo?
Tapat na security guard
ISANG security guard sa SM CityBaliwag ang pinagkalooban ng P10,000 cash incentive at inalokdin ni Gob. Jon-jon Mendoza ng posisyon sa Provincial Securityand Jail Managament Officedahil sa katapatang kanyang ipinamalas.Isinauli ni Trinidad Quintana ang mahigit sa P2.4 milyon na cash at tseke na napulot niya sa loob ng SM City Baliwag kamaka-ilan. Ayon kay Beverly Cruz, pub-lic relations officer ng SM CityBaliwag, si Quintana ay emple- yado ng Roger Jerson Cosme
sundan sa pahina 4
Kastigo
B
IENVENIDO
A. R
AMOS
Pagsasanib ng uwak at buwitre
NANG mabasa ko sa pahayaganang pormal na pagsasanib/ koa-lisyon/pagbubuklod ng KAMPIat Lakas-CMD ay hindi naiwa-san ng malikot kong imahinas- yon ang humanap ng mapag-hahambingan. Ang una kong naisip ay itulad ang pagsasanibng KAMPI-Lakas-CMD sa pag-sasama ng mga pating at buwa- ya, o sa pagsasanib ng mga lawinat agila. Pero ang mga nabanggitna hayop at ibon, bagama’t mga
predator
, ay maseselan — buhayna hayop o tao ang inaatake nila at sinisila. May delikadesa, kung baga.Higit na angkop, sa palagayko, na ihahambing ang pagsa-sanib ng KAMPI-Lakas-CMD sa pagsasanib ng mga uwak atbuwitre — ang dalawang masisi-bang ibon na walang selan,walang delikadesa, kumakain ng mga patay, ng mga bulok.
Nagpasasa sa bulok na rehimen
SA metikulosong pagsubaybay atpagsusuri ko sa paparuming pulitika sa bansa — mula nang makamit ng Pilipinas mula sa Estados Unidos ang kalayaang pampulitika ang noong 1946 —napatunayan kong totoo ang Kasabihang,
“Power corrupts.”
Sa bawat eleksiyon, natatan-daan ko, ang graft and corruptionsa pamahalaan ang lagi nang pangunahing issue. At ang graftand corruption ay kakambal ding isyu ang nepotismo (pagkalinga sa kaanak) at paboritismo (pag-kalinga sa malalapit na kapar-tido, kumpare, kabarkada, ka-eskuwela, ka-fraternity, atbp.)Pero ang isyu ng katiwaliansa gobyerno ay nagsimulang nakaalarma hindi lamang sa mga Pilipino kundi maging sa mga ahensiyang dayuhan nang ideklara ni Marcos ang martiallaw. Noon din nagsimulang ma-sa-pulitika ang pulisya, konsta-bularya at Sandatahang Lakasng Pilipinas. At ang pagkakasa-pulitika sa Sandatahang Lakasng Pilipinas (kasama ang pinag-sanib na PC-INP) ay naging simula rin ng pagkalat ng virusng graft and corruption sa mi-litar.Para maipatupad nang epek-tibo ang martial law, kailanganni Marcos na suhulan, kunsin-tihin maging ang pag-aabuso ng military — hindi lamang ang pagkakamal ng yaman, kundimaging ang pagpatay at iba pang paglabag sa mga karapatang-pantao.
Ginaya ni GMA si Marcos
KAKAMPI ngayon ni Pangulong Macapagal Arroyo ang LAKASna nalabi sa rehimeng Marcos,at diyan ay kabilang sina naging Pangulong Fidel Ramos, Pangulong Senado Juan Ponce Enrile, Jose De Venecia, Luis Villafuerteat ilan pa. Sa panig ng militar niMarcos, mababanggit ang ma-raming nagtapos sa PMA, ka-bilang sina Sen. Ping Lacson,Sen. Honasan, Berroya at ma-raming iba pa.Hindi man pormal na idine-deklara ni GMA ang martial law,nagawa niyang suhulan ang militar — upang huwag sumu-porta ang PNP at AFP sa nami-mintong pagsiklab ng isang people power revolt.
sundan sa pahina 4
Leave a Comment