1---------------------------------------------------------------------------------------------------------------Muli ay ipahintulot ninyo, mga kapatid, na aking talakayin ang mga mahalagang bagay na itosa kalagitnaan ng aking sulatin para sa mabuting kaayusan at kaunawaan. Samantala ay balikan natinat lubusin ang kapaliwanagan ng sitas: "Upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwagmapahamak"... At bakit nga tayo mapapahamak kung ating piliing huwag maniwala sa kaniya? Bakit?"Dahil hinatulan na ng Dios ang lahat ng mga tao ay nangagkasala at hindi umabot sa kaluwalhatianng Dios" (ROMA 3:23).At ang Kabayaran ng kasalanan ay Kamatayan; sapagka't nang utusan ng Dios ang unangtaong si Adam, na pinagmulan nating lahat, na huwag kanin ang bunga ng Punong Kahoy ngPagkakilala ng Mabuti at Masama, ay madiin niyang sinabi na ... "sa araw na ikaw ay kumain niyaonay walang pagsalang mamamatay ka" (GENESIS 2:16-17). Kaya nga't nang di nakinig si Adam satinig ng Panginoon, bagkus dininig ang panghihikayat ng kaniyang asawa, si Eva, na nadaya naman ngAhas o Diablo, ang Unang Kasalanan- ang Pagsuway at Di Pananampalataya ay pumasok saSanglibutan o Tao, at kaalinsunod ang Kabayaran ng Kasalanang ito- ang Kamatayan (kapuwa ngKatawang laman at Kaluluwa) (ROMA 6:23).Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan,at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahatng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala (ROMA 5:12). At ang Apostol Pablo ay nagpatuloy pangang nagsabi, "Ano nga, tayo baga'y lalong mabuti kaysa kanila? Hindi, sa anomang paraan:sapagkat ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat aynangasa ilalim ng kasalanan;" Gaya ng nasusulat, "Walang matuwid, wala, wala kahit isa; Walangnakatatalastas, walang humahanap sa Dios; Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ngkasaysayan; walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa;" (ROMA 3:9-18).At muli, "Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tingnan kungmay sinomang nakakaunawa na humanap sa Dios. Bawa't isa sa kanila ay tumalikod: sila'ymagkakasamang naging mahahalay; Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa" (AWIT 53:2-3).Kung gayon nga, mga mahal na kapatid, tayong lahat ay nasasakdal na sa Kamatayan dahil saKasalanan at Kalikuan, at nakaumang na sa Walang Hanggang Kaparusahan. Ito ang Masama atMalungkot na Balita. Subali't sa Panahong Ukol ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak na si Jesucristosa sanglibutan na dala ang Mabuting Balita, na nagsasabi... "Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sapamamagitan niya." (JUAN 3:17).Datapwa't paano ang kaganapan ng ganitong Kaligtasan? Paano? Sa pamamagitan ngMakapangyarihang paggawa at Dakilang Kalooban ng Dios. Sapagka't dahil sa Dakilang Pag-ibig atAwa ng Dios sa buong Sangkatauhan ay ibinigay niya ang kaniyang Bugtong na Anak, ang kaniyangCristo, upang dumanas ng kamatayan para sa atin, na tanggapin ang Parusa at Kabayaran ng lahat ngmga kasalanan at kalikuan.Sa kaniyang sariling Kalooban, isinugo niya ang kaniyang pinakamamahal na Anak upangmaging Kordero ng Dios, malinis at walang bahid dungis, na ginawang isang Banal na Handog o Alaypara sa Katubusan at Paglilinis ng mga kasalanan ng sanglibutan. Siya ay namatay sa Katayuan natin,ang Walang Sala para sa mga Makasalanan, upang ito'y maging isang Kalugod-lugod na Hain oHandog, upang tayo'y malinis sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Mahalagang Dugo ni Cristo.Gaya ng nasusulat. "At ayon sa Kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nalilinis ngdugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran." (HEBREO 9:22)."Kaya't ang Una mang Tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo. Sapagka't nang salitain niMoises ang bawa't utos sa buong bayan ayon sa Kautusan, ay kumuha siya ng dugo ng mga bulong
Add a Comment