You are on page 1of 6

LEPTOSPIROSIS ANO ANG LEPTOSPIROSIS?

Ito ay isang uri ng sakit na dahilan ng infection na bunga ng baktiryang SPIROCHAETE na kilala sa tawag na LEPTOSPIRA BACTERIA. Ito ay klase ng sakit na kung saan ang isang taong nakakuha o na - infect ng baktiryang ito ay nagkakaroon o makakaranas ng pagdurugo, sakit sa atay o paglaki ng atay na sanhi ng paninilaw (jaundice), at kidney failure o sakit sa bato.

SAAN ITO MADALAS NAKIKITA AT NAKUKUHA? Ang baktiryang LEPTOSPIRA ay isang baktiryang pangkaraniwang nakikita sa parting ihian ( kidneys, ureters, bladder) ng mga infected na daga. Ang mga dagang infected ng leptospira ay nagsisilbing mga CARRIERS lamang at walang epekto ang baktiryang ito sa mga daga. Ang mga baktiryang ito ay lumalabas sa mula sa kanilang katawan sa pamamagitan ng pag ihi.

MODE OF TRANSMISSION: Ito ay ang paraan kung paano nagkakaroon o pumapasok sa katawan ng tao. DIRECT CONTACT Sa pamamagitan ng pagpasok ng baktirya mula sa bukas o sariwang sugat ,mata o kahit saang OPEN o bukas na parte ng katawan ng tao sa pagkain o paginom ng ng pagkain o tubig na naihian ng mga infected na mga daga o hayop

MADALAS NA MGA NAGKAKAROON AT NAKUKUHA ITO: EDAD <15 anyos pababa LALAKI TUWING PANAHON NG TAGULAN MGA MADUDUMING LUGAR

MGA DAGANG MAY BAKTIRYANG LEPTOSPIRA MA NANINIRAHAN SA KANAL, ESTERO, IMBURNAL, PALENGKE, TAMBAKAN NG BASURA ETC.

LUGAR NA KUNG SAAN DITO SILA NAMUMUHAY: KUMAKAIN, DUMUDUMI, UMIIHI.

PANAHON NG TAGULAN ( MADALAS NA PAGBUHOS NG ULAN NA SANHI NG PAGBAHA).

MGA DUM AT IHI NG MGA DAGANG MAY BAKTIRYA HAHALO SA TUBIG BAHA.

TAONG MAY SUGAT O OPEN WOUNDS

1. NAGLAKAD / LUMUSONG / NALIGO SA BAHANG MAY MAY IHI NG DAGANG MAY LEPTOSPIRA 2. KUMAIN NG HINDI NAGHUGAS NG KAMAY NA NAKAHAWAK NG TUBIG BAHA. 3. NAKAKAIN NG PAGKAING NABASA O NAIHIAN NG INFECTED NA DAGA.

LEPTOSPIROSIS

INCUBATION PERIOD: Mula sa pagkakaroon at pagpasok ng baktirya sa katawan hanggang sa paglitaw ng mga simtomas. CARRIER Tumatagal ng 6-15 days hanggang 8 weeks

MAY 3 STAGES: 1. 1ST STAGE : SEPTICEMIC /LEPTOSPIREMIC PHASE 4th 7th DAY Mataas na lagnat, Panginginig Sakit ng ulo, kasukasuan at katawan Sakit ng tyan at pagsusuka. Ubo, hirap sa paghinga, duga sa dura. 2. 2nd STAGE: IMMUNE/ TOXIC PHASE 7TH TO 30TH DAY 1. ANICTERIC OR w/o JAUNDICE Biglang pagbaba ng lagnat Paglitaw ng mga RASHES Sakit ng ulo CONFUSION, CONVULSION 2. ICTERIC OR w/ JAUNDICE Mga simtomas ng mga pagkasira ng ATAY at BATO Paglaki ng atay (HEPATOMEGALY; Cirrhosis) Mga simtomas ng mga pagkasira ng BATO (KIDNEY FAILURE)

3. 3rd STAGE : CONVALESCENCE STAGE Mula sa paglala ng impeksyion hanggang sa paghina

Pwede bumalik o umulit sa stage 1 (RECURRENCE) sa ika 4 hanggang sa ika-5 linggo. Pwedeng ikamatay sa ika 9 na araw hanggang sa ika 16 na araw (2nd stage). DIAGNOSIS: TREATMENT: ANTIBIOTICS AGARANG PAGPAPAKONSULTA SA DOKTOR LABORATORY WORK UPS BLOOD AND URINE SPECIMEN WITH (+) LEPTOSPIRA BACTERIA

MGA DAPAT GAWIN: Umiwas sa ulan at paglusong sa baha Kung ito ay hindi maaiwasan, magsuot ng rubber boots bago lumusong at magdala ng payong. Kung nabasa man sa ulan, maligo (magsabon at magbanalaw ng maayos) pagkadating sa bahay. Panatilihing malinis ang kapaligiran o maglinis Iwasan magtapon ng mga basura sa hindi tamang lalagyan o basurahan Sugpuin ang mga daga, ipis, lamok (PESTE) Panatalihing nakasecure ng takip ang mga pagkain o ipasok sa refrigerator ang mga pagkain nasa mesa kung tapus na kumain. Ugaliin maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain. Panatilihing malakas ang katawan tuwing tagulan.

You might also like