• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
Nangangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-boso, ngunitwala siyang nahuli. Para sa kanya, isa itong magandangbagay dahil hindi maiiba ang reputasyon sa kanya ng mgatao at indio. Naglaro din sila ng Tresilyo at hindi maiiwasanang pandaraya nila Padre Irene at Sybila para manalo angKapitan Heneral. Nagtalakay sila at nagtalo sa maramingpaksa, tulad ng pagtatag, Akademya ng Wikang Kastila,pangangaso, armas de salon, at iba pa.
Placido Penitente
nangangahulugang kalmante atmapagtiis. Nilalarawan dito ang iba’t ibang klase ng mgamag-aaral noong panahon ng Kastila, simula Ateneohanggang Unibersidad ng Sto. Tomas. Ipinakita kunggaano naging isang mabuting mag-aaral si Placido atgaano ang husay niya sa klase. Noong panahon na iyon,para hindi ka maitalang liban ay kailangan mong maglabasng pera, ngunit hindi iyon ginawa ni Placido dahil matapatsiya at may hustisya.Sa isang klase sa Unibersidad ng Sto. Tomas ay may mgainstrumentong panglaboratoryo na nakalagay para sa mgabisita o dayuhan lamang, pero hindi ito pwedeng hawakan.Ito ay para may masabing maganda tungkol saunibersidad. Hindi rin maiiwasan ang pagkakaroon ng
favoritism
sa mga guro, at kung paano sila magparusa samga estudyante na hindi makasagot sa tanong nila.Naranasan iyon ni Placido, at dahil di niya nakayanan angpasensya niya, nilayasan niya ang klase at pinanindiganang katwiran niya.Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng siMakaraig. Maluwag ang bahay na ito at puro binata angnakatira. Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali. SiMakaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya atpinuno ng kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikangkastila. Ang pangunahing estudyante na sina Isagani,Sandoval, Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni Makaraigupang pag-usapan ang kanilang pakay. Mananalig sinaIsagani at Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalangnag-aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay larawan ng mgakastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino.May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila nasi Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa mgasumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng grupo angpagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang liponng paaralan sa kanilang panig. Dalawang paraan angkanilang naisipupang pumanig sa kanila si Don Custodio,si G. Pasta isang manananggol at si Pepay na isangmananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio.Napagkaisahan ng lahat na piliin ang manananggol upangmaging marangal ang kapamaraanan.
 
Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol.Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari aymamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakalingsumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahilnagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselanang usapan. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangangkumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran niIsagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sakatalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangadmagkaroon ng konsulado ang kanyang bansa aynaghandog ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mgatanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mgaprayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayundin ang kanilang mga suki. Dumating si Simoun at nangsingilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso,sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasanng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kungpapaya gang intsik na itago sa kanilang bodega ang mgaarmas na dumating. Hindi raw dapat mangamba angIntsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat saibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasatat marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mgamapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon siQuiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusaptungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralanang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.Sa pulutongng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulongnagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaanni Mr. Leeds.
Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin atmanonood. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ngmagagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong siPaulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales!Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundongprayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis sabawa’t tumititig kay Paulita. May pinasok na tindahan ng mgatau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra.Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawigdaw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyongPrayle. May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata,gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa atnamimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isanghanggal ang umisip ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb naiyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o prinsang ginagamitsa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isanglalaking nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mgaguwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba . Pinagtawanandin nila ito. May nakitang larawan na kahawig ni Simoun.Hinanap nila ang mag-aalahas. Wala ito. Ayon kay PadreCamorra’y natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sapaglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka natakot namatuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds.Makikita ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang.
 
Magsisimula na ang palabas. Hindi mapakali si Ben Zaybat binusisi ang buong kwarto para makahanap kung maydaya o salamin na magpapakita ng repleksyon ng tao sakahon, ngunit siya’y di pinalad. Tumahimik na lamang siyaat pinanood ang buong palabas. Pagkasabi ni Mr. Leedsang salitang
Deremof 
, lumabas at kinuwento ni Ischys anglahat ng pangyayari noong siya’s nabubuhay pa, at hindiito maiiba sa nangyari kay Ibarra. Nanginig si Padre Salvi,isa sa mga manonod, sa sinabi nito dahil lubhangnatamaan siya at sinabing buhay pa ang bangkay sakahon. Hindi nila alam na bentrilokismo ang nagpapakitasa repleksyon ng taong nagsasalita sa kahon at maybubog ng salamin sa paa ng mesa. Ipinahinto ni DonCustodio ang ganoong palabas dahil ito raw ay imoral.Pinaalis si Mr. Leeds patungong Hong Kong kasama angkanyang lihim.
Umalis sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang datingmapagtimpi. Nais niyang gumawa ng isang libo`t isangpaghihiganti. Nakitang nagdaan ang isang sasakyangkinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyanghabulin ang kura at ihagis sa ilog. Napadaan sa Escolta. Maynaraanang dalawang Agustino sa pinto ng tindahan niQuiroga. Ibig pag-uundayan ng suntok. May naraanangdalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani. Sinagasaniya ito ngunit tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamoksi Placido. Naratnan ni Placido sa bahay na kanyangtinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Kararatingnito mula sa Batangas. Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak. Nagpaalam siPlacido sa ina. Ginala nito ang Sibakong, Tundo, San Nicolas,Sto. Kristo. Mainit pa ang ulo. Nguni`t nakaramdam nggutom. Naisipang umuwi. Inakalang wala na sa bahay ina`tnagtungo na sa kapitbahay upang makipangginggi. Mali siya.Naroon pa ang ina. Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang saprokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sanakagalit na Dominiko. Ayaw ni Placido. Tatalon daw munasiya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli.Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na kumain muna,muling umalis ang binata. Nagtungo sa daungan ng mgabapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman atkalabanin ang mga prayle. Napatungo siya sa perya. Nakitaniya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at anghangad niyang pasa- Hongkong. Nagpatuloy ng paglalakadsina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahayna munti pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ngdating guro sa San Diego. Inatasan si Simoun napakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mgamilitar, gayundin si Kabesang Tales. Nagtanong ang guro sa dipa nila kahandaan. Ani Simoun: sapat na sina KabesangTales, ang mga naging kabinero at isang rehinameyento ngmga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si MariaClara. Tumalima ang dating guro. Dalawang oras na nag-usapsa bahay ni Simoun ang magaalahas at ang binata bagoumuwi sa kaserahan si Placido.
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...