Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
17Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Propaganda

Propaganda

Ratings:

2.67

(3)
|Views: 4,907 |Likes:
Published by nemii

More info:

Published by: nemii on Jun 20, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/13/2014

pdf

text

original

 
Ang
Himagsikang Pilipino
o
 Himagsikan ng 1896 
(1896—1898) ay isang labanan sa pagitan ngImperyong Kastilaat ng Katipunan.
Prologo
 Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 300 taon nang pinamumunuan ng mga Kastilaang Pilipinas. Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros atsa mga prayle ang kapangyarihan sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talagaang kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang tao. Pinahirapan ng mgaKastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila,
indio
) sa pamamagitan ngsobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (
 polo
). Dahil dito, ilang pag-aalsa naang naganap sa Pilipinas sa mahigit 4 na siglo, lahat di nagtagumpay. Ito'y salamat sa patakaran ng mga Kastila ng
divide et impera
-hatiin at sakupin. Halimbawa,magpapadala ang mga Kastila ng mga sundalo mula sa mga lalawigang Tagalog parasupilin ang isang pag-aalsa sa Ilocos, at isang pag-aalsa sa Kabisayaan ang pinigil ng mgasundalo mula Pampanga. Ito ang nagpatindi ng hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino, hindimagkakaisa hanggang sa ika-19 na siglo.
Sanhi
Kung ano ba ang nagpalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at panloobna mga sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ang pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigangkalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produktogaling sa ibayong dagat, mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan ay dumaan sa Suezat papunta sa Pilipinas-bagay na di lubos na nagustuhan ni ng mga nangangasiwakulunyal o ng praylokrasya. Ang mga taong binago ng mga kaisipang ito ay siya ringnakinabang sa mapagkakakitaang kalakalang ito-ang mga
ilustrado
. Pinadala ng mga
ilustrado
ang kanilang mga anak sa mga pamantasan sa Europa, kung saan sinimulan ngmarami sa kanila (sina Rizal,Lopez-Jaena, atbp) ang nagtatag ng Kilusang Propaganda.Ang panloob na sanhi ay ang walang-katarungang pagbitay saGOMBURZA. Isang paring Pilipino, si Padre Pedro Pelaez ang nagpasimuno ng isang kilusang sikularisasyonnoong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Layon ng kilusang ito na ibigay sa mga paringkatutubo ang mga parokya na hawak pa noon ng mga Kastilang pari. Pagkatapos namamatay si Pelaez sa isang lindol, tinuloy ng tatlong pari-sina Padre Mariano Gomez,Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora.Hindi nagustuhan ng mga prayle ang bagay na ito at sila'y naghanap ng pwedengmaibintang sa tatlong pari. Natupad ito nang isang rebelyon ng mga sundalo sa moog saKabite ang madaling nasupil. Agad na isinisi ng mga prayle ang rebelyon (na pinamunuan ng isang nagngangalang Sarhento LaMadrid) kina Padre Gomez, PadreBurgos, at Padre Zamora (pagbawas sa suweldo ng mga sundalo ang sanhi ng rebelyon).Sa kabila ng kakulangan ng patunay na nagdidiin sa kanila sa rebelyon, hinatulan angtatlo-kinilala pagkatapos bilang Gomburza-na garotihin noong ika-17 ng Pebrero, taong1873. Hindi pinayagan ng arsobispo ng Maynila (na naniniwala sa kawalang-kasalanan
 
ng tatlo) na sila'y alisan ng sutana. Sa halip, inutos nito ang pagpapatunog ng mgakampana bilang tanda ng pagdadalamhati.Marami sa mga kakampi ng Gomburza ang tinapon papalabas o kusang umalis saPilipinas. At marami sa mga Pilipinong piniling manatili ang nanghilakbot sa nangyari.Ilang taong lumipas, isang
ilustradong 
duktor na nagngangalang Jose Rizal angmagpapatunay na ito ang nagbago sa kanyang buhay.
Ang Kilusang Propaganda
Itinatag ng mga ilang mag-aaral sa europa ang kilusang propaganda, gulat sa kaibahan ngEspanya sa kanyang kulunya saTimog-Silangang Asya. Layon ng kilusang ito, nakinabibilangan ninaJose Rizal,Marcelo del Pilar , Graciano Lopez-Jaena,Pedro Paterno, Gregorio Sanciangcoat iba pa, ang pagpapalaganap ng mga reporma sa Pilipinas, tuladng sikularisasyon at gawing lalawigan ngEspanyaang Pilipinas. Ginamit nila ang paraanng pagsusulat upang maipahayag ang reklamo nila. Isinulat ni Gregorio Sanciangco angEl Progreso de Filipinas na tungkol sa mga patakaran ng mga kastila na di-makatarungantungkol din ito sa economical state ng Pilipinas noong panahong iyon. Isa sa mga patakarang ito ay ang pagpataw ng mga Kastila ng mataas na buwis sa mga Tsino,Mestisong Tsino at Pilipino. Hindi na pinagbabayad ng buwis ang mga Kastila atMestisong Kastila. Isinulat naman ni Pedro Paterno ang Ninay. Isang nobelang nagsasaadtungkol sa diwang makabansa. Noli Me Tangere at El Filibusterismo naman ang sinulatni Rizal na tungkol sa masamang pamamalakad ng mga Kastila ng bansa. Ito ay nagdulotng pagmamahal ng mga tao sa bansa. Sa pamamagitan ng tuwinggabihang pahayagan naLa Solidaridad, pati na rin sa mga akda ng ilan sa mga kasapi nito, naihayag nila angkanilang mga saloobin tungkol sa kung ano ba dapat ang baguhin sa Pilipinas.Sa kabila ng lahat ng ito, sa huli, nabigo ang Kilusang Propaganda na tuparin angnakaatas na layon nito. Nahati ang kilusan sa isang maka-del Pilar na paksyon at isangmaka-Rizal na paksyon, bagay na naging dahilan ni Rizal para iwanan ang Espanya-atEuropa. Ang napakalungkot at napakamasalimuot na pagkamatay nina Lopez-Jaena at delPilar ang huling dagok sa kilusan. Sa halip, ang nasimulan ng Kilusang Propaganda angnagbigay-inspirasyon sa dalawang kilusang sumunod nito. May kasunod pa ito...........
La Liga Filipina
Pagkatapos ang pagbalik ni Rizal sa "Perlas ng Silangan" noong 1892, itinatag niya ang
 La Liga Filipina
(Samahang Pilipino) noong taong ding yaon. Layunin ng kilusang ito,na kinabibilangan ng mga tulad nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini, na ituloyang programa ni Rizal na panloob na reporma sa Pilipinas. Hindi nagustuhan ng mgaKastila ang pagtatag sa kilusang ito (ito'y marahil sa isa sa mga nakasaad sa kasulatan ng
 Liga
, na naghihikayat ng "pagtatanggol laban sa karahasan at kawalang-katarungan") atnoong ika-6 ng Hulyo ay dinakip si Rizal at itinapon saDapitansa lalawigan ngZamboanga.
 
 Nahati ang samahan pagkatapos ng pangyayaring ito. Ang makagitnang pangkat ay binuomuli ang sarili nito na
Cuerpo de Compromisarios
(Samahan ng mga Kumprumisaryo) namay layuning magbigay ng pera sa
 La Solidaridad 
. Ang radikal na pangkat, sa pamumuno ni Bonifacio, ay naging
Katipunan
.ANGELO CARANDANG Noong gabi ng ika-7 ng Hulyo, taong 1892, itinatag ninaAndres Bonifacio, kasama ang mga dating kasapi ng
 La Liga Filipina
Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan mga Anak ng Bayan
sa isang bahay sa Calle Azcarraga (ngayo'yAbenida Claro M. Recto). (Sa kabila ng nilalaman ng karamihan, si Bonifacio ang
ikatlong
Pangulo ,at kinalauna'y
Supremo
, ng Katipunan at hindi ang una.) Hangarin ngkilusang ito ang pagpapalaya sa Pilipinas (o "Katagalugan" kung ito'y tawagin nila) mulasa kadenang mapaniil ng mga Kastila sa pamamagitan ng isang madugong himagsikan.Para tuparin ito, kumalap sila ng mga pondo at sandata, sa abot ng kanilang makakaya.Humingi rin sila ng tulong sa isang barkong pandigma ngHapon na nakadaong sa Maynila - at nabigo.Para maikalat ang kanilang panawagan ng isang mapagpalayang himagsikan, inilimbagng Katipunan, sa tulong ng isang palimbagan na binili ng dalawang katipunero na sinaCandido Iban at Franciso del Castillo (na parehong nagtatag ng Katipunan saKabisayaan) mula sa kanilang napanalunan sa lotto, ang pahayagang
 Kalayaan
. Para dimalaman ng mga Kastila ang kinaroroonan ng palimbagan nito, ipinahayag nito siMarcelo H. del Pilar bilang "editor" nito atYokohamabilang lugar ng limbagan nito. Dalawang beses lang inilimbag ang pahayagang ito; inilimbag na palihim ang ikalawangedisyon sa limbagan ng
 Diario de Manila
.Hindi nagtagal at rumami ang mga kasapi ng Katipunan. Mula sa unang lukasyon nito saTondo, nagtatag ang Katipunan ng mga sanggunian nito sa mga bayan ngSan Juan delMonte, Pasig, San Felipe Neri,Pateros,Marikina,Kalookan,Malabon, at di kalauna'y sa ilang mga bayan sa mga lalawigan sa Kabisayaan. Nagkaroon din ng sangay pangkababaihan ang Katipunan; umanib ang kauna-unahang babaeng kasapi nito noongtaong 1893. Sa kabuuan, mula sa mahigit na 300, lumaki ang Katipunan sa mahigit30,000 na mga katipunero.Ang
Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o maskilala bilang
Katipunan
at
KKK 
ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifaciona may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mgamananakop na Espanyol.
 Naitatag ang Katipunan matapos mahuli ang mga pangunahing miyembro ng La LigaFilipina, na itinatag niDr. Jose Rizal, na kung saan miyembro rin si Bonifacio. Ang La Liga na binubuo ng mga
middle class
na intelektual ay nagtataguyod ng mapayapangreporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol sa La Liga ang nagpatunay kayBonifacio na walang saysay ang mapayapang reporma sa ilalim ng pamamahala ngEspanyol.

Activity (17)

You've already reviewed this. Edit your review.
NovelynRacael added this note
thank u so much;;
NovelynRacael liked this
1 thousand reads
1 hundred reads
Drexter Anigan liked this
Judith Cruz liked this
Kenneth Antonio liked this
Cheska Muyco liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->