Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
2Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Walang Iwanan Sa Bayan Ni Juan

Walang Iwanan Sa Bayan Ni Juan

Ratings:

4.0

(1)
|Views: 222 |Likes:
Published by Amos Tarana

More info:

Published by: Amos Tarana on Jul 07, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/08/2009

pdf

text

original

 
Walang Iwanan sa Bayan ni Juan
~Yuri Cipriano~
Bago pa man ako nagpasyang mangibang bansa ay binulabog muna ako ngpagdadalawang isip matapos makita sa telebisyon ang kampanya ng ABS-CBN namay islogang ‘Walang Iwanan sa Bayan ni Juan’. Batid ko na hindi naman tahasangsinasabi sa islogan na iwasan na ang pangingibang bansa, ngunit para bangnagmumungkahi ito na ang pangingibang bansa ay ‘pang-iiwan’ sa Inang Bayan na sakasulukuyan ay baon sa utang, kahirapan at pagpapahirap.Malakas pa naman ang talab sa damdamin ng salitang ‘walang iwanan’. Hindinga ba’t ang mga nang-iiwan ay maituturing na traydor, walang pagmamalasakit atwalang pagdamay o pakisama? Ang mga iniwanan ay mistula namang kawawa,malungkot at nag-iisa lang na dumaranas ng hirap at pagpapahirap.Ang ating kalinangan ay nagtuturo rin sa atin ng kahalagahan ng pagsasama-sama. Kaya nga’t makikita sa pang-araw-araw na buhay ng mga pinoy angpananatiling pagsasama-sama ng buong pamilya. Maging sa mga magkakaibigan aybuhay na buhay ang pagpapahalaga sa pagsasama-sama.Ang pagsasama-sama ay masasabing lakas din upang panibaguhin ang lipunan.Masasalamin ito sa pangalan pa lang ng samahang itinayo ni Andres Bonifacio, angKatipunan – nagtitipon o nagsasama-sama para sa isang makabuluhang pambayanglayunin. Pati na sa EDSA 1 at 2 ay masasalamin ang kakayahang magsama-sama ngmga Pilipino upang panibaguhin ang Bayan ni Juan.Nakakapag-isip tuloy na baka nga itong pangingibang bansa ng mga OFW ayisang malinaw na pagsasantabi sa pinapahalagahang kalinangan ng mga Pilipino –ang pagsasama-sama sa hirap at ginhawa. Nabubuo tuloy ang katanungang:
Iniiwan ba talaga ng OFW ang Bayan ni Juan?
Malamang nga na iniiwan ng isang Pilipino ang Bayan ni Juan kung siya aynagpapasasa sa ginhawa sa ibang bansa samantalang ang kanyang iniwang bayannaman ay naghihingalo na dahil sa sobrang paghihirap. Malamang na pang-iiwan ngana matatawag kung ang isang Pilipino na nangibang bansa ay nagpapalit na ngkanyang nasyonalidad at pinili nang manatili sa ibang bansa at doon na mamuhaypanghabang panahon. Pang-iiwan din sigurong maituturing kung ang isang Pilipino nanangibang bansa ay wala nang pakialam sa mga pangyayari sa Pilipinas atsinasabing:
Naku, ang Pilipinas, wala nang pag-asa iyan. Kaya’t magkanya-kanya nalang tayo!
Sa halos isang taon ko nang pananatili sa labas ng Pilipinas, batay sa akingkaranasan at sa karanasan ng aking kapwa OFW, ay nakita kong ang mga OFW ayhindi naman nagpapasasa sa ginhawa, nanatili at taas nuo pa rin ito sa kanyangpagka-Pilipino, laging sumusubaybay at nagmamalasakit sa mga kaganapaan sabansa, naniniwalang makakaahon pa rin ang bansa sa kahirapan at nag-aatubili okaya’y nangangarap na sa huli ay makauwi pa rin sa Pilipinas at sa Bayan ni Juanmanatili hanggang sa huling hininga.

Activity (2)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->