Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword or section
Like this
364Activity

Table Of Contents

0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Kasaysayan ng Pilipinas

Kasaysayan ng Pilipinas

Ratings:

5.0

(5)
|Views: 171,864 |Likes:

More info:

Categories:Types, Research, History
Published by: nia coline macala mendoza on Jul 12, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/28/2014

pdf

text

original

 
KASAYSAYAN NG PILIPINAS
(Unang Linggo)
The Spaniards gathered 7,000 islands, gave the thing a name, and made themselvesmasters of the place. For 300 years, the natives resisted fiercely, singly at first, thenin larger and larger groups. And lost each time. In typical islander fashion, it wasno big deal. And then the Americans came.
I
yan ang dati at lumang kasaysayan ng Pilipinas, naituro at sa kasawimpalad ayitinuturo pa sa lahat ng Pilipino. Laging English, laging nagsisimula sa pagdating ngmga Espanyol, laging tungkol sa mga dayuhan, laging walang katuturan sa mgakatutubo. Laging laos, simula’t simula pa.
ahit gaanong tapat at taos-puso, hindi mahuhuli sa ibang wika ng
‘Once upon atime’ 
ang kalooban ng Pilipino, ang pag-unawa at pakikipag-isa ng damdamin samga tao ng nakaraan na, sa huling tuusan, ay ang buod at puso ng anumangkasaysayan. Kaya nang mabalita na Tagalog, o Pilipino, o Filipino (
whichever 
) anggagamitin na sa pagtuturo sa mga paaralan, masigla ang naging paghanap ngkasaysayan ng Pilipinas na sulat sa Tagalog, o Pilipino, o Filipino (
alinman
) dahil sa pag-asang mababasa na,
 sa wakas!
ang karanasan ng bayan mula sa paningin ngkatutubo, hindi sa wika (at damdamin) ng dayuhan.
MAHIGIT 7,100 piraso ang Pilipinas, isang libo lamang ang may tao, kalahatiay ni walang pangalan, marami ang lulubog-lilitaw sa urong-sulong ng dagat,46 piraso lamang ang malaki pa sa 100 kilometro cuadrado. Sa dadalawa,Luzon at Mindanao, nakatira ang 7 sa bawat 10 Pilipino. Bawat kasaysayan aykinakailangang magsimula sa umpisa, kaya ang unang paksa sa kasaysayan ngPilipinas ay kailangang iukol sa pinanggalingan ng kinalalagyan ng bayan.Mga Bakas Ng Lumipas (I)
26,000 - 24,000 SN
, may tao na sa Pilipinas.
9,000 - 8,000 SN
, nasa Pilipinas ang mga magdaragat [
 Austronesians
].
3,300 SN
, nagsimulang humiwalay ang iba’t ibang wikang katutubo mula saisang ninunong wika.
2,100 SN
, nagsimulang mabuo ang wikang Tagalog, Visaya at Manobomula sa humiwalay na mga wika.
600
, nagsimula ang kalakal ng makalumang porselana mula China; 300 taon pa bago nagkalakal ng tunay na porselana.
1001
, dumating sa China ang mga sugo [
ambassadors
] mula Butuan.
1200
, nagsimulang maging tangi ang wikang Tausug mula sa wikangButuan.
1380
, unang dating ng mga muslim [Moro ang tawag ng mga Espanyol]upang magturo ng Islam sa Pilipinas, sa pulo ng Simunul, Tawi-Tawi, sakanluran ng Mindanao.
1450
, itinatag sa Sulu ni Abu Bakr ang unang kaharian [
 sultanate
] ngMuslim.
Saan Mula Ang Lupa?
 
ANG alikabok 
na tinatapakan, nasisinghot at nagpapadumi ng damit ay galing sasahig ng dagat, nalukot paitaas nang mabundol ng sahig ng Pacific Ocean. Mulanaman ang malalaking bahagi ng mga pulo sa bulwak ng mga bulkan sa mga butas atsiwang ng tipak na lupa na lumulutang sa kumukulong bato. Dating akala, kasama ngPilipinas ang Malaysia at Indonesia sa munting tipak na lupa na iniipit ng 3naglalakihang tipak:
1.
Sahig ng
dagat Pacific,
sa silangan;
2.
Tipak ng
Australia
at
India,
sa timog at kanluran; at
3.
Lupa ng
China
at
Japan,
sa hilaga. Ngunit napagtanto nitong 1983 lamang na ang Pilipinas mismo ay 3 o higit pangmagkakadikit na tipak na nagkikiskisan at umuusad sa 3 o higit pangmakakasalungat na tungo.
Bakit umuusad?
Ang sapantaha ng mga nag-agham, batay sa mga katibayang nausisa mula nuong1950s, ang kumukulong bato ang siyang nagpapalutang at nagpapagalaw sa iba'tibang lupain ng daigdig - animo'y takip ng palayok o caserola na itinutulak at pinaiiktad ng sumusubong sinaing. Ang nasukat na pinakamabilis na usad, hindi saPilipinas, ay 15 sentimetro o 6 pulgada sa santaon, ang pinakamabagal ay 2sentimetro o kulang-kulang isang pulgada, santaon; karaniwang usad ay kasing bilisng tubo ng kuko sa daliri, daw.Patuloy ang gitgitan ng mahigit 12 piraso nanatuklasang bumubuo sa balat ng daigdig, pati na sahig ng mga dagat. Maraming lamatat butas dahil sa salyahan, at duon bumubulwak ang kumukulong bato nanakabalot sa buong daigdig sa ilalim ng mgatipak. Ang tipak ng Pacific Ocean angkinikilalang pinakamapanganib sakasalukuyan; tinawag na sinsing na apoy
 
[
ring of fire
] dahil sa dami ng bulkan at lindol sa paligid nito. Kasama ang Pilipinassa sinsing, kasama sa pagsabog ng bulkan, kasama sa lindol.
Maikling Deskpripsyon ng Pilipinas
Sukat
: 300,400
Bilang ng Pulo
: 7,107 islands
Populasyon
: Humigit kumulang sa 87 Milyon (estimate: 2005)
Kapal ng Tao
: 295 katao gada 1 sq. km.
Nakatira sa Kabayanan
: 61% (2003)
Nakatira sa Kabukiran
: 39% (2003)
● Inaasahang mabubuhay ng
: 69.9 taon (2005)
Bilang ng sanggol na namamatay pagkasilang
: 24 sa 1,000 pagsilang
Pursyento ng maypinagaralan
: 96% (2005)
Lahing Pinagmulan
: Malay race
Uri ng Gobyerno
: 6 na taong pamamahala sa ilalim ng isang Presidente
Pambansang Salita
: Filipino, Sinasalita ng karamihan - English
Relihiyon
: Katoliko (83%), Protestante (9%), Islam (5%), Iba pa (3%)
Pangunahing Syudad
: Manila, Baguio, Cebu, Davao
Sistemang pang Edukasyon
: 6 na taon sa elementarya, 4 na taon sahigh school, 4 na taon sa kolehiyo
Semestre :
Unang semestre, simula Enero hanggang OctubreIkalawang semestre, simula Nobyembre hanggang MarsoBakasyon: Simula Abril hanggang Mayo
Ang Mga Naging Pangalan ng Arkipelago:
-
Nuong panahon bago dumating ang mga Kastila, ang mga dayuhangChino ay nakikipagkalakalan na sa Pilipinas. Nuong panahon ngpamumuno sa China ng pamilya Sung at Ming, taong 900 – 1300AD, tinawag na “
Mait
” – (pulo ng ginto) ang ilang pulo ng Pilipinas,partikular na ang Mindoro.
-
Nuong 1521, panahon ng pagdating ni Fernando Magallanes,pinangalanan niya ang mga kapuluan bilang “
Islas de San Lazaro
(Mga Kapuluan ni San Lasaro)
-
Ang pangalang Pilipinas ay nanggaling sa salitang Kastila na
Filipinas
”, na ibinigay ng isang Kastilang manlalayag na si RuyLopez de Villalobos nuong 1543AD sa pagpaparangal sa nuon aybatang prinsipe ng Espana na si Prinsipe Felipe II.
-
Nuong taong 1751, si Padre Juan J. Delgado, isang Hesuitangmanunulat ng kasaysayan, ay tinawag ang Maynila na “Perlas ngSilangan” dahil sa ito ay naging isa sa mga sentro ng kalakalan saAsya kahit nuong bago pa man dumating sa bansa ang mga kastila.Sa kanyang huling liham, nuong 1896, araw bago maisagawa anghatol na kamatayan, tinawag ni Dr. Jose Rizal ang kanyang inangbayan bilang “
Perla del mar de Oriente
” (Mutyang Mahalaga sa
 
Dagat Silangan).
-
Ang pangalang Filipinas ay unang lumitaw sa isang mapa nanalimbag sa Venice nuong 1554 sa pangunguna ni Battista Ramusio,isang Italyanong heograpiko. Ang Kastilang salita na Filipinas aynuong lumaon ay napalitan ng pangalang “
Philippine Islands
” sapanahon ng pamamalakad ng Kolonyang Amerika noong 1898.
-
Napalitan ito ng pangalang “
Republika ng Pilipinas
nuong kinilalaang kanyang kalayaan nuong 1946.
Isang pangarap na palitan ang pangalan ng Pilipinas:
-
Si Artemio Ricarte, isang Katipunang heneral, ay ninais palitan angpangalan ng Pilipinas ng
Rizaline Republic
.
-
Si Ferdinand Marcos ay nagmungkahi na gawing
Maharlika
(pangalan ng kanyang grupo na kumalaban sa mga hapon nuongIkalawang Digmaang Pangdaigdig) ang pangalan ng Pilipinas.
Linguahe at Dialekto sa Pilipinas:
Ayon sa pagsasaliksik ng isang Americanong linguistiko na si RichardPitman, tinatayang nasa 55 uri ng katutubong linguahe at 142 dialekto angmatatagpuan sa Pilipinas. Lahat ng katutubong salita ay base sa Malay atPolinisyang salita. Ang pursyento ng mga pangunahing linguahe sa Pilipinasay:
1.
Cebuanos
– Cebu, Western Leyte, Bohol, at Eastern Negros,Zamboanga at iba pa. (24.39%) region 7, 9, 10 at ilan sa 11
2.
Tagalog
– Central at Southern Tagalog Region (23.82%)
3.
Ilocanos
– Ilocos at La Union (11.14%) karamihan ay sa region 1
4.
Ilonggos or Hiligaynon
– Western Negros, Southern Mindoro, atPanay Island (9.99%) region 6 at ilan sa 11
5.
Bicolanos
– Bicol Region <Albay, Camarines Norte, Camarines Sur,Catanduanes, Masbate, at Sorsogon> (6.96%) region 5
6.
Waray-waray
– Samar and Eastern Leyte (4.62%) region 8
7.
Ibanags (Cagayanos)
– Cagayan (3.80%)
8.
Pampanguenos (Kapampangans)
– Pampanga (3.43%)
9.
Zambals
– Zambales (2.70%)
10.
Pangasinenses
– Panggasinan (2.26%)11.Iba pa – (6.89%)Ang Ingles ang isa sa pinaka gamit na salita sa Pilipinas lalo na sa laranganng politika, edukasyon at komersyo. Sa katunayan, ang Pilipinas ang isa samga bansang hindi Ingles ang pananalita subalit isa sa pinaka gumagamit ngIngles bilang salita.
 
Ang Pambansang Salita ng Pilipinas:
Ipinahag at ipinatupad ni PresidenteManuel Quezon ang Tagalog nuong 1935 bilang pambansang salita ngPilipinas sa pagaakalang ang pagiisa ng salita ay mahalagang aspeto sapagunlad sa politika at ekonomiya.
(Ikalawang Linggo)Ang Mapa ng Pilipinas:
a.Ang mga Rehiyon (17 Rehiyon)b.Ang mga Probinsya (81 Probinsya)
Ang Edukasyon sa Pilipinas:
Ang mga Pilipino ay matindi angpagmamahal sa edukasyon. Ang mga magulang sa Pilipinas ay talaganamang nagtatrabaho ng husay mapagaral lang ang kanilang mga anak. SaPilipinas, halos humigit kumulang sa 50 colegio, pribado man o pam-publiko.Ang colegio na may pinakamatandang kasaysayan sa Pilipinas ay ang SantoTomas (UST) na itinatag nuong 1611, mas matanda pa sa Harvard Universityna itinatag nuong (1636) na sinasabing pinakamatandang eskwelahan sakasaysayan ng Estados Unidos. Dahil sa mga eskwelahang itinatag saPilipinas, wala sa 10% sa kasalukuyang panahon ang bilang ng walangpinagaralan sa Pilipinas.Para sa Madaling pagpapatakbo ng bansang Pilipinas, hinati ito sa 16 narehiyon at 79 na probinsya. Bawat probinsya ay pinamumunuan nggobernador na inihahalal ng taong bayan para mamuno sa loob ng tatlongtaon. Ang mga Rehiyon ay ang National Capital Region (NCR), na binubuong buong kamaynilaan; ang Cordillera Administrative Region (CAR), isangsemiautonomous na rehiyon ng mga tribo sa kabundukan ng hilagang Luzon;at ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), na binubuo ngapat na probinsya sa Mindanao. Ang ARMM ay isang quasi self-governingregion na binuo nuong 1989. Meron itong inihalal na legislative assembly atpinamumunuan ng gobernador na may kapangyarihang magpairal ng batas
Ang Unang TaoANG lawin
, matapos awayin ang panginoon ngdagat, ay lumapag sa isang pulo upangmagpahinga. Namataan niya ang isang malaki atmatayog na punong kawayan. Pinagtutuka, atnabiyak ang kawayan. Lumabas mula sa biyas si
Maganda
at si
Malakas
, ang unang tao saPilipinas.Ang mga tao na unang nagka-katawan upang mabuhay nang nakatayo maghapon,araw-araw at habang-buhay, ay tinawag na mga
unang taong nakatindig
[
homoerectus
], natuklasan sa 2 bahagi ng Asia at tinawag na
taong Java
[
 Java Man
] at
taong Peking
[
 Peking Man
].Unang natuklasan ang bungo ng
taong Java
nuong 1861 malapit sa Trinil, sa Java,Indonesia, ni
Eugene Dubois
atinakalang 700,000 taon ang tanda.Pagkaraan ng 100 taon, nuong 1969,natuklasan ang isa pang bungo ng
taongJava
sa Sangiran naman, sa Java rin, at natantong 1.7 milyon taon ang tanda. Ang
taong Peking
ay inakalang kulang-kulang kalahating milyong taon ang tandamatapos natuklasan ang bungo sa China, malapit sa Beijing, ngunit hindi matiyak sapagkat nadurog ang bungo sa bombahan nuong nakaraang digmaan. [
 Nasabing babae daw ang bungo na natagpuan, kaya ang dapat daw itawag ay
Peking Woman
 ,hindi po biro.
]May natuklasang butu-buto ng 3 tao sa kuweba sa
Tabon
[
Tabon cave
], sa Palawan, na nabuhay 24,000 taon SN.Sabi ng mga
nag-agham sa ninuno
[
anthropologists
] nasila ay
taong kasalukuyan
[
homo sapiens
] at hindi mgaunang tao. Maaari daw na kauri sila ng mga
unangkatutubo
o
aborigines
ng Australia, ang
Koori
na dumayomula Asia 60,000 taon nakaraan, at ng Japan, ang
Ainu
nadumating duon 3 o 4 na libong taon [may nagsasabing10,000 taon] SN. Ang katunayan ay may tao na sa Pilipinas 24,000 taon SN, kunghindi man higit na maaga pa. Ang katotohanan ay walang nakaaalam kung ano sila,maliban sa
hindi sila Negrito
.
Hindi ba Negrito ang unang tao sa Pilipinas?
Malamang. Baka naman hindi, maaaring mayibang nauna. Ang pinakamatandang katibayan ayang
tao sa Tabon
, kaya masasabing
'katunayan'
na hindi Negrito ang unang tao sa Pilipinas. Ngunit hindi pa matiyak kung kailan dumatingang mga Negrito, kaya hindi pa masasabing
'katotohanan'
ito. Ang mga gamit na bato nanatuklasan sa Cagayan Valley ay maaaring ilangdaan libong taon ang tanda. Negrito ba o hindiang may gawa?

Activity (364)

You've already reviewed this. Edit your review.
aeysz reviewed this
Rated 5/5
it really interesting to read this
Neilsan Lavodnas added this note
bkit ang liit wala aqu mabasa ñ
Mary Jhoy Perez liked this
Arlyne Zaulda liked this
marwinjaydee liked this
Jigs Villegas liked this
fuellemil liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->