• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
BEC Advanced Training: Pagaaral ng isang SalaysayingSinoptiko
Ang Pagpapakain ng Limang-libo kay Markos
Ang pagpapakain ng limang-libo ay makikita sa apat na ebanghelyo. Ang salaysay -- sa mgaebanghelyong sinoptiko -- ay pagpapatibay na si Hesus ay ang Mesiyas na hinihintay. Angsalaysay sa orihinal na ebanghelyo (ni Markos) ay may ganitong balangkas:1. Inabot ng gabi si Hesus at mga alagad sa isang ilang na lugar kasama ang maraming tao(limang libo ang bilang ng mga lalaki)2. Bagama't nais ng mga alagad na paalisin na ang mga tao, hindi pumayag si Hesus. Naisnitong huli na pakainin na rin duon ang mga tao.3. Sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawang isda na ibinigay sa mga tao, nabusog anglahat4. Nakapuno pa sila ng labing-dalawang bakol sa mga tira.Sa ebanghelyo ni Markos, mapapansin ang mga sumusunod na elemento1. Sinabi ni Hesus sa mga alagad na sila ang magpakain ng mga tao, ngunit namroblema angmga alagad dahil mangangailangan sila ng malaking halaga ng salapi para mapakain ang lahat.Nguni't ipinalabas ni Hesus sa kanila ang kanilang baon na limang tinapay at dalawang isda.2. Bago ibinigay ang pagkain, inatasan ni Hesus ang mga alagad na paupuin ang mga tao sadamuhan. Sila'y pinaupong pangkat-pangkat.3. Nang makaayos na ang lahat, nanalangin si Hesus, pinaghati-hati niya ang pagkain at ibinigayniya sa mga alagad upang sila ang magbigay sa mga tao.4. Lahat ay kumain at nabusog; sumobra pa nga ang pagkain. Nakapuno sila ng labin-dalawangkaing. Malinaw sa salaysay na ang limang-libong tao ay pinakain mula sa kakaunting baon ng mgaalagad. Malinaw rin na sa pagaayos ng mga pakakainin, ipinapaalala ang ayos ng mga Israelitanuong sila'y nasa disyerto pa. Ang pagpapakain sa mga tao ay katulad ng pagpapakain ng manasa disyerto. Isa sa mga tanda ng Huling Araw para sa mga Hudyo ay ang pagdating ng Mesiyasat ang pagpapakaing muli ng manna. Nguni't sa salaysay na ito, may idinagdag si Markos nakahulugan. Ang mga ginawa ni Hesus (pananalangin, paghati-hati ng pagkain) ay katulad ngkanyang gagawin sa Huling Hapunan. Sinasabi ni Markos sa salaysaying ito na angpagpapakain sa limang-libo ay mauunawaan lamang sa Huling Hapunan. Na ang pagpapakainay may kaugnayan sa mga Israelita ng disyerto ay makikita sa labindalawang bakol na napunong sumobrang pagkain. Labindalawang bakol para sa labindalawang tribo ng bagong Israel.Ang salaysaying ito ni Markos ay ginamit ni Mateo at Lukas para sa kani-kanilang mgaebanghelyo. Nguni't hindi lamang nila ito kinopya -- ito'y kanilang binigyan ng karagdagangkahulugan.
Ang Salaysay kay Mateo at Lukas
Sa ebanghelyo ni Lukas at Mateo ito ang mapapansin1. Kay Mateo, malinaw na ayaw paalisin ni Hesus ang mga tao at nais niyang ang mga alagadang magpakain sa kanila. Kay Lukas, nililiwanag na hindi lamang kung sino-sinong alagad anginutusan ni Hesus na magpakain. Silang inutusan ay ang Labindalawa.
 
2. Kung kay Markos ang sagot ng mga alagad sa utos ay ang problema ng pera, kay Mateo atLukas binibigyan ng diin ang kawalan ng sapat na pagkain. Ito ay makikita lalo na kay Lukas naidinugtong agad na limang-libo tao ang naroon.3. Sa pagpapaupo sa mga tao, hindi binigyan ng diin ni Mateo ang kaayusan. Kay Lukas, siHesus mismo ang nagsabi kung ano ang ayos (lima-limampu)4. Halos pare-pareho ang pagkakasabi ni Mateo at Lukas sa ginawa ni Hesus na pagtingin salangit at pagpipira-piraso ng mga pagkain. Ngunit sa pagbibigay ng pagkain sa mga tao, siMateo at Lukas ay sumunod kay Markos sa pagsabing ibinigay muna ni Hesus sa mga alagadang pagkain.5. Sa huli, sumunod si Mateo kay Marko sa pagbanggit ng bilang ng mga taong nanduon nangmakaipon na ng sisidlan. Ang pagbanggit ng bilang ng mga tao sa dulo ng salaysay ay parangpang-gulat para sa mga taga-pakinig ng Ebanghelyo. Kay Lukas, dahil nabanggit na niya angbilang ng mga tao, ang kanyang binigyan ng diin ay ang paglabis ng pagkain.
Ang Konteksto ng Salaysay
Ang mga pagkakatulad na ito ng salaysay ng pagpapakain ng limang-libo ay lalo pangkumikinang kung titingnan sa kontekstong kinalalagyan ng mga ito. Kay Markos, ang kontekstoay ang pagbalik ng mga alagad mula sa kanilang misyon. Ang mga alagad na pinili ni Hesusupang maging mangingisda ng tao ay nagdala ng kanilang mga huli sa Panginoon. Ito namanghuli ay nagturo sa kanila at nagpakain. Samakatwid, ang pagpapakain ng limang-libo kay Markosay naganap sa konteksto ng misyon ng Labindalawa. At dahil ang misyon ng labindalawa ay maykaugnayan sa Kaligtasan, ang pagpapakain ay sinundan ng paglalakad ni Hesus sa dagat. Itonghuli ay hindi naunawaan ng mga alagad, ayon kay Markos. Ito'y dahil hindi rin nila naunawaanang kahulugan ng pagpapakain.Sa ebanghelyo ni Lukas, ang pagpapakain ng limanglibo ay sumunod din sa pagdating mula samisyon ng Labindalawa. Ngunit dito may pangalan ang lugar na kanilang pinuntahan, Betsaida.Dito si Hesus ay nagturo tungkol sa Paghahari ng Diyos at siya'y nagpagaling ng maysakit.Mahalagang mapansin ito sapagka't para kay Lukas ang pagpapakain ng limang-libo ay maykaugnayan sa Paghahari ng Diyos. Sa Kaharian ng Diyos walang magugutom. (Mapapansin dinna para kay Lukas, ang Iglesya na siyang lugar sa mundo na kung saan ang Diyos ay naghahariay walang kasapi na nagdarahop. [Acts 4:34]) Mapapansin din na pagkatapos ng pagpapakainng limang-libo isinalaysay ni Lukas ang pagpapahayag ni Pedro tungkol kay Hesus bilang angPinahiran ng Diyos (Ang Kristo).Sa ebanghelyo ni Mateo naman, ang pagpapakain ay sumusunod sa pagdadalamhati ni Hesusdahil sa pagkamatay ni Juan Bautista. Malungkot man siya ay hindi naman siya nagmaramot samga taong pumunta sa kanya upang magpagaling. Ang tema ng Aliping Nagsusumakit (SufferingServant) ay ipinagpapatuloy dito (tingnan Mt. 8:17).Si Hesus ay nagpapagaling ng mga maysakit nang abutan sila ng dilim at siya ay magpakain.Malinaw sa konteksto na ang limang-libong katao na pumunta kay Hesus ay mga may-sakit atyaong mga kasama nito. Hindi ito makikita kay Markos. Ang diin ni Mateo dito ay ito: ang Diyosna nagpakain ng mga Israelita sa ilang at tinawag ang sariling "Manggagamot ng Israel" (Ex.15:26; Hos. 11:4) ay nakikita kay Hesus. Ito ay bibigyan ng tingkad sa sumusunod na eksena:ang paglalakad ni Hesus sa tubig na kung saan si Pedro ang bida.
Konklusyon
1. May pagkakatulad ang tatlong ebanghelyong sinoptiko dahil nga ang orihinal na ebanghelyo(ni Markos) ay nabasa't ginamit din ni Mateo at Lukas2. Magkakatulad man ang mga salaysayin ay mayroon din itong mga pagkakaibang dala ngteolohiya ng mga may-akda at ng nais nilang maunawaan ng kanilang mga tagapakinig.3. Para kay Markos, ang pagpapakain ng limang-libo ay hindi agad naunawaan ng mga alagad.Ito ay mauunawaan lamang nila sa Huling Hapunan. Para kay Lukas, ang pagpapakain ay
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...