2
Mabuhay
LINGGUHANGPILIPINOMULAPANOONG1980
JULY 10 - 16, 2009
EDITORIAL
Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, JoseGerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose VisitacionQ. Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto RaymundoJr., Dino Balabo
ADVERTISING
Jennifer T. Raymundo
PRODUCTION
Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia,Mark F. Mata, Maricel P. Dayag,
PHOTOGRAPHY / ART
Eden Uy, Allan Peñaredondo,Joseph Ryan S. Pavia
BUSINESS / ADMINISTRATION
Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez,Peñaflor Crystal, J. Victorina P. Vergara,Cecile S. Pavia, Luis Francisco, Domingo Ungria,Harold T. Raymundo,
CIRCULATION
Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano,Rhoderick T. RaymundoThe
Mabuhay
is published weekly by theMABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES
—
DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 toMarch 6, 2011, Malolos, Bulacan.The
Mabuhay
is entered as Second Class MailMatter at the San Fernando, Pampanga PostOffice on April 30, 1987 under Permit No. 490;and as Third Class Mail Matter at the ManilaCentral Post Office under permit No. 1281-99-NCR dated Nov. 15, 1999. ISSN 1655-3853Principal Office: 626 San Pascual, Obando,Bulacan
294-8122
PPI-KAFCommunityPressAwards
BestEdited Weekly 2003 + 2008Bestin Photojournalism1998 + 2005
A proud member of
PHILIPPINE PRESS INSTITUTE
WEBSITE
http://mabuhaynews.com
Subscription Rates (postage included):
P520 for one year or 52issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising baserate is P100 per column centimeter for legal notices.
Mabuhay
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Jose L. Pavia
Publisher/Editor
Perfecto V. Raymundo
Associate Editor
Anthony L. Pavia
Managing Editore-mail
mabuhaynews25@yahoo.com
Kastigo
B
IENVENIDO
A. R
AMOS
3 makapangyarihang babae
ANG tatlong makapangyarihang babaeng ito ay matatanda na,masasakitin na, pero hindi maita-tanggi na ang bawat isa sa kanila ay may nagawang pagbabago sa takbo ng pulitika sa Pilipinas, atnagkaroon ng malaking implu-wensiya sa mga kahalagahang pangkultura at pangmoral ng mga Pilipino. Dalawa sa kanila ang naging punong tagapag-paganap, ang isa ay maybahay ng itinuturing na strongman o dik-tador.Kung makatarungan ang ka-saysayan (at hindi nababaluktot),makikita ng mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino kung sino sa tatlong babaeng ito ang may angking kadakilaan, at kung sino naman ang nagsadlak sa mga Pilipino sa kahihiyan atsumira sa mga institusyong tinatanggap ng daigdig na siyang pundasyon ng isang payapa atmaunlad na bansa.
* * *
C
ORAZON
C
OJUANGCO
A
QUINO
—Isang simpleng maybahay, mula sa nakaririwasang angkan ng mga hacendero sa Malolos atTarlac. Maitutulad siya kayGabriela Silang na bunga ng pataksil na pagpatay kay DiegoSilang ay siyang nagpatuloy ng pag-aalsang ipinakikipaglaban ng asawang nasawi.Hindi ginusto ni Tita Cory na mapalaot sa maalimpuyong ipu-
M. H. Del Pilar sa kanyangika-100 taong kamatayan
B
ALIKTANAW
:
Narito ang editoryal sa sipi ng
Mabuhay
noong Hulyo 14,1996 hinggil sa paggunita sa ika-100 anibersaryo ng kamatayan ni GatMarcelo H. del Pilar na pumanaw noong Hulyo 4, 1886. — P
ATNUGOT
“HINDI nabubusalan ang katotoha-nan,” ito ang katagang laging bu-kambibig ng mga mamamahayag salalawigan ng Bulakan tuwing ma-babanggit ang pangalan ni GatMarcelo H. del Pilar, na ginugunitaang ika-100 taong kamatayan noongnakaraang Hulyo 4.Maging ang Pangulong Fidel V.Ramos ay nag-ukol ng pagpapa-halagasa sa pagpapakasakit at hirapna dinanas ni Del Pilar, maipamulatlamang sa pamahalaang Kastila ang lisyang pamamalakad noonsa ating bayan.Isinaisang-tabi niya ang karangyaan sa buhay at minatamisna mawalay sa kanyang pamilya sa marubdub niyang pagnanasana mapalaya ang ating bayan sa kamay ng mga banyaga, at samaling pamamalakad nito.Sa paggunita ng kanyang ika-100 taong kamatayan, narito angilang pangungusap mula sa itinuturing na “Ama ng Pamamahayagsa Pilipinas”:“Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyayang bigay ng Diyossa tao; dahil sa kalayaan ay nakaiilag tayo sa masama at nagagawaang inaakala nating magaling.“Linikha ng Diyos ang tao, sinangkapan ang isip at loob atkalankap ng buhay na ipinagkaloob sa kanya ang ganap nakalayaan.”Kung ating lilimiing mabuti, kailangan natin ngayon ngmaraming Del Pilar sa kasalukuyan na hindi mangingiming isiwalatang mga hindi kanais-nais na nangyari sa ating pamahalaan.Ang tilamsik na panitik ni Del Pilar ang naging sandata sapaninikil noon ng mga Kastila, ang talim naman ng tabak ng panulatng mga mamamahayag ngayon ang kanilang gagamitin upangputulin ang walang pakundangang pagyurak sa karapatang pantaong ilan nating mga namiminuno.Huwag sanang maging bulag sa katotohanan ang mga kalahini Del Pilar, sapagkat “hindi nabubusalan ang katotohanan”, ayonna rin sa bayani ng Bulakan.Sana’y maialay natin sa kanyang ika-100 taong kamatayanang katuparan ng kanyang panangarap at pinagbuwisan ng buhay.
EDITORYAL
ipo ng pulitika — na humigop sa kamalayang Pilipino — sa unang karanasan ng pagkakadeklara ng martial law noong 1972. Walang nangahas manguna sa mga talunang Pranses nang sakupin ng Inglatera ang Pran-siya, kubkubin ang Orleans,France at si Joan of Arc (1412-31) ang namuno. Tulad ni Joanof Arc, pinangunahan ni Cory Aquino ang oposisyon (matapospataksil na mapatay si Ninoy Aquino). Ang pagbabalik ng demokrasya nang gibain ng Edsa Revolution ang diktadurya aybahagi na ng kasaysayan — na utang kay Cory Aquino.Kinikilala ng daigdig si Cory Aquino — bilang “tagasagip” ng demokrasya.
* * *
I
MELDA
R
OMUALDEZ
M
ARCOS
— Ang kagandahan at ang galing umawit ang naging hagdan niya sa rurok ng kapangyarihan — tila liwanag ng buwang hiniram sa Araw (Marcos). Mapagmahal sa sining at sa karangyaan — pina-sikat niya ang Pilipinas dahil sa kanyang koleksyon ng may 3,000pares ng mamahaling sapatos atmga piling alahas, pintura ng mga kilalang master sa mundo,at iba pang hiyas.Hanggang ngayon ay maramipa siyang panatikong tagahanga at tagasunod — na napaniwala niyang siya ay naghihirap.
* * *
G
LORIA
M
ACAPAGAL
-A
RROYO
—Magiging malupit marahil ang kasaysayan sa kanya — kung ang kasaysayan ay magiging maka-totohanan at makatarungan. Sa panahon ng may 10 taong pa-nunungkulan ni GMA natamo ng Pilipinas ang mga taguring —“pinaka-corrupt na bansa sa Asya”, “pinakamapanganib pani-rahan ang Pilipinas ng mga peryodista at aktibista”, at kaha-nay ng mga “bansang pinakana-nganganib sa hampas ng kala-midad.”Sa panahon din ng panu-nungkulan ni GMA, tinudyo ng iba’t ibang dayuhan ang mga Pilipina na “prostitute”, alila,busabos at iba pang pag-alipusta. Ang tatlong babae ay maitu-turing na mga lider, at wala sa atin ang paghatol sa kanila. Perosisipiin ko ang sinabi ng isang pilosopo at isang siyentipikotungkol sa isang tunay na lider.“Ang isang lider ay dapat mag-taglay ng integridad,” sabi ni MaxDepree. “Kung ang sinasabi moay siya mo ring ginagawa, ikaway may integridad.”Para naman kay Albert Ein-stein, kilalang siyentipiko, “Ang katotohanan ang mahalaga — sa isang lider. Ang nagsisinungaling sa maliliit na bagay ay hindimapagkakatiwalaan sa mala-laking bagay.”
Buntot Pagé
P
ERFECTO
V. R
AYMUNDO
Magbantay sa halalan
DAHIL sa kumalat na hinala na nagkaroon ng hokus-pokusnoong 2004 election sa naging resulta ng halalan, marahil aymarapat lamang na bantayan ang mga commissioner ng Comelecpagdating ng halalan.Nasaan na si Commissioner Virgilio “Garci” Garcillano atbakit hindi siya nakasuhan ga- yong may mga lumitaw na kina-usap siya ni GMA habang nag-bibilangan ng resulta noong 2004.Mabuti siguro ang mga com-missioner ay dito na lamang sa Central Office ng Comelec sa Maynila at hindi kung saan-saanpa pumupunta kapag halalan.Lahat naman ng lalawigan aymay nakatalagang Comelec su-pervisor, bakit kailangang pang puntahan ng commissioner ang isang malayong lugar.Sa Maynila na lamang ang lahat ng commissioner at bahala na ang mga provincial supervisorsa mga lalawigan.
Pulitika sa Meycauayan
WALA nang isang taon at halalanna sa darating na Mayo ng su-sunod na taon. Sa lungsod ng Meycauayan ay nagsisilutang na ang may hangaring tumakbo sa darating na halalan.Kapansin-pansin ang mga larawan at pangalan ni dating Mayor Tinoy Blanco na naka-paskil sa mga gilid ng kalsada atmaging sa mga bintana ng ta-hanan ay may nakasabit. Sa palagay ng marami ay nais na muling pumalaot ni Blanco.Si kasalukuyang Mayor Joan Alarilla ay tiyak daw na muling tatakbo sa pagka-alkalde ayon sa ilang mapanuri sa takbo ng pulitika sa nasabing lungsod.Isa pa na may balak na tumak-bong mayor ng Meycauayan ay siBise Alkalde Bogs Violago. Ang hindi ko lang masiguro ay kung magkalaban sila ni Mayor Joan.Hindi ko din malaman kung pagka-mayor ang nais na pun-tiryahin ni dating Bise AlkaldeDennis Carlos.Marami ang nagpapalagay na muling mahahalal si Mayor Joan Alarilla sa darating na halalan. Abangan!
Pagbati
NAGDIWANG ng kanyang ika-67 taong kaarawan ang aking maybahay na si Lydia noong ika-4 ng Hulyo, 2009. Hangad kopara sa kanya ay magandang kalusugan at marami pang ka-arawan na ating pagdiriwang na mag-anak. Ly, happy birthday!
* * *
PAGBATI rin kina Jenny Ray-mundo (Hulyo 11) , Bong Valdez(Hulyo 12), Mameng Alcantara-Raymundo (Hulyo16), sa aking kapatid na si Erning Raymundo(Hulyo 19) at kay dating kasa-mang Getulio Galang (SLN) atmaging kay dating Bulacan Gob.at PITC President Obet Pag-dangan, maligayang kaarawan sa inyong lahat.
B
ALIKTANAW
: Tunghayan ang artiku-long sinulat ni Fort Nicolas Jr. hing- gil sa alala ng trahedya ng paglubogng pagoda sa Ilog Wawa noong Hulyo 2, 1993. Ang lathalaing ito ay unanginilimbag ng
Mabuhay
noong Hulyo6-13, 2003, 10 taon matapos ang ma-lagim na trahedya. — Patnugot
IKA-2 ng Hulyo, taong 1993.Pagkagat ng dilim ay pinatulog na ni Tereseta “Tess” Andres si Jaymar, ang apat-na-buwang gulang na bunso nila ng asawang si Mario, 33.Sa isang tabi ng kanilang simpleng tahanan sa BarangayCaingin, Bocaue, ay tahimik na naglalaro si Jerome, 2.Bahagyang nagulat pa si Tessnang makita ang bayaw na siPepe na humahangos, bandang alas-8:30 ng gabi.“Sumasakay ba sa pagoda siMario at Marife?” tanong nitokay Tess.“Oo,” sagot ng huli. Dapat nga ay kasama siya ng asawa atpitong-taong gulang na panga-
Isang alaala ng trahedya
nay, kaya lamang ay walang mag-aalaga sa dalawang bata.“Kasi lumubog ang pagoda,”pagbabalita ni Pepe.“Ano ka ba naman, Diko, nag-bibiro ka na ng ’di maganda,”sagot ni Tess. Bakit naman lu-lubog ’yon, naisip niya. Kahitkailan ay hindi nangyari ’yan.Taunang piyesta ng mahal na Poon ng Wawa sa Bocaue noon atginaganap ang prusisyon ng mga bangka sa ilog ng Wawa. Ang pa-goda, na ikinakarga sa ilang bangka at dinedekorasyunanpara sa espesyal na okasyon, ang pinakamalaking atraksyon ng kasayahan. Maraming debotoang sumasakay sa pagoda.Pagkaalis ni Pepe ay pumasoksi Tess sa bahay, ayaw pani-walaan ang balitang hatid ng bayaw. Kakatalikod pa lamang niya nang marinig ang tunog ng ambulansya at ingay sa labas ng kanilang bahay.Lumabas siya at nagulat sa nakita. Nagkakagulo at nagta-takbuhan ang mga tao. Sumi-sigaw ang mga ito ng “Lumubog ang pagoda! Lumubog ang pa-goda!”Hindi niya alam kung bakitpero nakitakbo siya kasama ang mga ito. Nakita niya ang pinsang si Nok-Nok, na noo’y hinahanapsiya upang sunduin.“Nasa gitna ng ilog sina Marioat Marife!” ’ika ni Nok-Nok, na nakasakay na sa pagoda ng lumu-bog at swerteng agad nakalangoysa pampang.Humangos sila sa lugar na pinangyarihan. Pagdating doonay hindi sila nakatuloy sa tabi ng ilog. Pinagbawalan sila ng mga barangay tanod, na noo’y rume-responde at nagbabantay sa lugarna iyon na noo’y marami nang taong nagkakagulo.“Pumunta na lang kayo sa ospital,” sabi sa kanila.Pumunta sila sa malalapit na ospital, ngunit hindi nila natag-puan sina Mario at Marife. Wa-lang kamalay-malay si Tess na ang kanyang panganay ay naiuwi
sundan sa pahina 5
Gat Marcelo H. Del Pilar
Leave a Comment