I.BUOD
Tipikal na istorya ng isang Pilipinang may ambisyon para sa pamilya angpapel ni Sarah. Dahil sa hangarin niyang matulungan ang asawang si Teddy(John Estrada) ay nag-aral siya ng kursong
caregiving
at naging isa sa 150,000OFWs na nagtatrabaho sa United Kingdom. Magkasama nilang iniwan saPilipinas ang anak na si Paulo (John Manalo) na binilhan niya ng
winter coat
kalakip ang pangakong pag-iipunan niya ang pamasahe nito upang makasamanila sa London.Hindi ang oportunidad na makapagtrabaho lamang sa ibang bansa angnaging katuparan ng mga pangarap ni Sarah. Bumigat ang pagtitimbang samaraming bagay. Kaalinsunod nito ang mga pagbabago sa kanyang pagkatao,manapa'y ang pagkakatuklas tungkol sa kanyang sarili. Magmula sa isangpagiging masunurin at maamong maybahay kay Teddy, at bilang katuwang sapagsisinop ng kanilang pamilya hanggang sa pagkakaroon ng kapangyarihan,dignidad at pagpapahalaga sa kanyang sarili bilang isang babae, at bilang isangtaong may silbi sa kanyang mundong ginagalawan.Makalipas ang sigla at kasabikan na makatapak sa London, nagsimulangmatikman ni Sarah ang lahat ng uri ng paghamon na siya ring pinagdaanan nglahat ng OFWs sa kanilang araw-araw na pamumuhay sa ibang bansa: angkakaibang lamig ng klima, ang hirap nang pakikitungo sa samut saring ugali ngmga nakakasalamuhang tao at ang kalbaryo ng sukdulang pagtitiis sa pag-aalaga sa isang maysakit. Kinalaunan ay namuo ang mga tensyon - sabanyagang lugar na kanyang kinasadlakan, sa relasyon nila bilang mag-asawa niTeddy, at sa kanyang ginagampananang tungkulin. Ngunit sa gitna nang unos aypinanatili ni Sarah ang pagiging matatag at may nag-uumapaw na pang-unawa,higit sa lahat, ang dedikasyon at determinasyong mapagtagumpayan ang pinilinglarangan.
Leave a Comment
malaking tulong. salamat God bless!
tnx a loT!!!!
astig thank you po.. makakapasa ako sa project ko..nato..
like it thanks..
thanks .. sakto mga hinahanap ko
:)
walang cinematography
Cinematography? Please. :(