2
JULY 17 - 23, 2009
EDITORIAL
Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, JoseGerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose VisitacionQ. Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto RaymundoJr., Dino Balabo
ADVERTISING
Jennifer T. Raymundo
PRODUCTION
Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia,Mark F. Mata, Maricel P. Dayag,
PHOTOGRAPHY / ART
Eden Uy, Allan Peñaredondo,Joseph Ryan S. Pavia
BUSINESS / ADMINISTRATION
Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez,Peñaflor Crystal, J. Victorina P. Vergara,Cecile S. Pavia, Luis Francisco, Domingo Ungria,Harold T. Raymundo,
CIRCULATION
Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano,Rhoderick T. RaymundoThe
Mabuhay
is published weekly by theMABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES
—
DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 toMarch 6, 2011, Malolos, Bulacan.The
Mabuhay
is entered as Second Class MailMatter at the San Fernando, Pampanga PostOffice on April 30, 1987 under Permit No. 490;and as Third Class Mail Matter at the ManilaCentral Post Office under permit No. 1281-99-NCR dated Nov. 15, 1999. ISSN 1655-3853Principal Office: 626 San Pascual, Obando,Bulacan
294-8122
PPI-KAFCommunityPressAwards
BestEdited Weekly 2003 + 2008Bestin Photojournalism1998 + 2005
A proud member of
PHILIPPINE PRESS INSTITUTE
WEBSITE
http://mabuhaynews.com
Subscription Rates (postage included):
P520 for one year or 52issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising baserate is P100 per column centimeter for legal notices.
Jose L. Pavia
Publisher/Editor
Perfecto V. Raymundo
Associate Editor
Anthony L. Pavia
Managing Editore-mail
mabuhaynews25@yahoo.com
Kastigo
B
IENVENIDO
A. R
AMOS
Kritikal ang kalagayan ng bansa
NANATILING nasa krisis ang Pilipinas — hanggang ngayong matatapos na ang may 10 taonding panunungkulan bilang pa-ngulo ni Gng. Gloria Macapagal- Arroyo. Batay sa prubisyong anim na taong panunungkulan(ng walang reeleksyon) ng Pu-nong Tagapagpaganap, lumilitawna si Aling Gloria ang may pina-kamahabang panunungkulan bi-lang Pangulo.Pero bakit sa halip na umun-lad at maging payapa ang bansa ay tila nabalaho pang lalo ito sa kahirapan, kaguluhan at nakaka-hiyang kalagayan sa piling ng mga bansa sa mundo?Bakit sa halip na mapulbos(umano) ang Abu Sayyaf Group(ASG) ay tila lalong lumakas ito,patuloy na nangingidnap ng mga dayuhan at mga gurong ang layunin lamang ay tumulong sa mga mamamayan ng Mindanao?Bakit sa halip na madurog ang mga drug lord at illegal drug traf-ficker, na dating nagpupuslitlamang dito ng bawal na droga,ay nagkaroon ng tapang na ditona magtayo ngayon ng labora-toryo at mga tiyangge ng shabu?Nasaan ang ipinagyayabang
Sikreto ng Bulacanlaban sa A H1N1
KATULAD ng isang sunog, mabilis na kumalat at lumaganap sabuong mundo ang influenza A H1N1 virus.Sa kasalukuyan, nakarating na ang “swine flu” sa 134 nabansa. Ang bilang ng mga nahawa sa sakit ay 99,103 mula noongAbril 15 at 476 ang naitalang namatay batay sa ulat ng World HealthOrganization noong Hulyo 6. Kaya sa unang tingin ay nakaka-pangamba ang sitwasyon. Lumalabas na parang walang lugar nahindi kayang abutin ng A H1N1 virus.Ngunit iba ang sitwasyon sa Bulacan na unang nakapagtalang positibong kaso ng “swine flu” noong Hunyo 15. Sa unang linggong pagkakumpirma ng kasong A H1N1 sa lalawigan ay walo angnaitalang positibo, at umakyat ang bilang sa 27. Sa huling tala ngDepartment of Health noong Hulyo 16 ay 35 na ang positibo. Hindinakapangangamba ang bilang na ito kumpara sa 112 kaso na naitalasa Pampanga ilang linggo matapos maitala ang unang walong kasosa Bulacan. Bumagal kung hindi man ay unti-unti nang napigilanang pagkalat ng sakit na A H1N1 sa Bulacan, samantalang sa ibanglugar sa bansa ay lalong tumataas ang bilang.Sa kalagayang ito, maitatanong natin: ano ang ginawa ng Bu-lacan upang mapabagal at unti-unting mapigilan ang pagkalat ngsakit na A H1N1 sa may tatlong milyong Bulakenyo? Ano ang sikretong Bulacan laban sa A H1N1?Simple lang. Walang tigil ang kampanya para sa kalinisan sapangunguna ng pamahalaang panglalawigan. Matulad man sasirang plaka, paulit-ulit nilang ipinayo ang tamang paghuhugas ngkamay, tamang pag-ubo, ang paglilinis sa kapaligiran, ang pag-uulat ng mga kaso at ang paghahatid ng tamang impormasyon.Hindi nag-iisa ang pamahalaang panglalawigan sa kam-panyang ito. Maging ang mga paaralan, pribadong sektor, mganegosyante at pahayagang ito ay nakiisa sa pamamagitan ngpaghahatid ng tamang impormasyon sa sambayanang Bulakenyo.Ang pagkakaisa ng sambayanang Bulakenyo sa paglaban saA H1N1 ay karugtong ng pagkakaunawa ng bawat isa na angkinabukasan ng ating pamayanan ay nakasalalay sa kamay ngbawat isa sa atin.Ito ay nangangahulugan na mayaman man o mahirap, bata omatanda, babae o lalaki, ang bawat isa sa atin ay magkakaugnayat may tungkulin para sa isa’t isat.Ito rin ay nagpapatunay na sa bawat pagsubok lumalabas angtunay na kabutihan ng isa’t isa na handang kumalinga sa kapwa.Nakakataba ng puso ang mga larawang ito. Nawa ayipagpatuloy natin ang pagtutulungan at pagkalinga sa bawat isa.Ito ang sikreto upang makamit natin ang kinabukasang mayhigit na kaunlaran at pag-asa.
EDITORYAL
ng mga matataas na pamunuanng AFP at PNP na bago mataposang termino ng panunungkulanni GMA ay dudurugin ang ASG,New People’s Army (NPA), at ang mga sindikato ng kriminal?Laging ipinagyayabang niGng. Arroyo na mahusay siyang ekonomista, na sa kabila ng mga pandaigdig na krisis sa pana-nalapi, ang ekonomiya ng Pili-pinas ay namalaging matatag.Pero bakit may apat na milyong literal na nagugutom, may 16 na milyon ang walang trabaho opadamput-dampot ng trabaho?Sa kabilang dako, sa mga hu-ling Statement of Assets and Li-abilities (kung hindi dinaya atpinaliit), nabunyag na naging doble ang yaman at ari-arian nina Pangulong Gloria Macapagal-Ar-royo, mga senador, at mga tong-gresista (lalo na ang naging kasabwat at nasuhulan ni GMA para kumampi sa kanya).Samantalang may limang milyong pamilyang Pilipino ang pinagkakasya ang P50 para sa araw-araw na gastos. Maraming bata ang hindi nakapag-aaral,nagsisiksikan sa silid-aralan na tumutulo ang bubong o puma-pasok sa eskuwela ng walang baon o hindi kumakain! At upang patunayan marahilni Aling Gloria na umuunlad nga ang kabuhayang pambansa, pa-tuloy siyang naglilibot sa iba’tibang bansa, karay ang mga kau-tutang-dila’t kasabwat niyang mga tonggresista at asa-asawa omistress ng mga ito. Dahil “nana-nagana” nga ang bansa, kahithindi Pasko ay namumudmod ng milyun-milyong nasa brown en-velope ang Malakanyang sa mga bully boy, lapdog, at maging sa mga obispo (para tumahimik ang mga alagad ng simbahan anoman ang gawing imoral at uncon-stitutional ng Administrasyong Arroyo?).Pero kung ito man ang tunayna kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan, matitiyak na iba ang sasabihin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kan- yang State of the Nation Address.Dahil napasimulan na ang pagsisinungaling, itutuloy na ang pagsisinungaling hanggang wa-kas. Akala kasi ni Aling Gloria ayisang lahi ng mga bobo at utu-utoang mga Pilipino!
Buntot Pagé
P
ERFECTO
V. R
AYMUNDO
Mga nagnanais na maging pangulo
BAGAMA’T mahigit na siyam na buwan pa bago sumapit ang halalang pampanguluhan sa Mayo ng susunod na taon, maymga lantaran nang nagpapa-hayag ng kanilang hangaring maging pangulo ng ating bansa.Sa isang forum na ipinatawag ni dating Pangulong Fidel V.Ramos, nagsidalo sina DefenseSecretary Gilbert Teodoro,MMDA Chairman Bayani Fer-nando, Senador Loren Legarda,Senador Mar Roxas, SenadorDick Gordon at Senador Chiz Es-cudero.Hindi nakasama sa nasabing forum sina Bise Presidente NoliDe Castro at Senador Manny Villar, na tiyak ding magsisitakbopara pangulo.Sa sarili kong palagay, kapag hindi puwedeng tumakbo si dat-ing Pangulong Joseph Estrada,malamang na patakbuhin niya ang kanyang anak na si SenateMinority Floorleader JinggoyEstrada.Kayo, ano sa palagay ninyo?
Pulitika sa Meycauayan
SA PAGKAMATAY ni dating Mayor Eddie Alarilla ay muling konsehales. Ang isa pang nais na maging alkalde ng Obando ay si kasa-lukuyang Bise Alkalde Ding Pantanilla ng Barangay Paliwas.May balita na si dating AlkaldeZoy Santiago ang kanyang ma-giging bise alkalde.Si dating Alkalde Nesty Joa-quin ay may balita na nagnanaisna muling magbalik bilang pu-nong bayan. Tila yata si konsehalGaudioso Espinosa ang kanyang bise alkalde.Maganda ang labanan ngayonsa pagka-alkalde sa Obando.Maraming lider ng mga pulitikoang tiyak na magkakapera.Sta. Banana!
Nicolas vs. Villarica
PINASOK na ng mga kababa-ihan ng Bulacan ang kongreso. Sa Ika-1 Distrito ay babae ang kinatawan. Sa Ika-3 Distrito aybabae rin ang kinatawan.Sa darating na halalan aydalawang babae ang maglalabansa pagka-kinatawan ng Ika-4 Dis-trito. Walang iba kundi sa ka-tauhan nina Dimple Nicolas atLinabelle Villarica.Sino kaya ang magwawagi?
Doon po sa amin presinto unoSa halala’y botante’y makikipagbunoSa listahan inalis kanilang pangalanDahil di bumoto sa dalawang sunod na halalan.Di lamang sila ang hindi makabobotoSa halalang di alam kung magkakatotooKahit bumoboto sila mula pagkabataKung walang biometrics ay balewala.O, mga kababayang madiskarteWag pabayaan pagiging botanteMuling magtala, sa biometrics sumalalimBoto mo’y liwanag sa bukas na madilim.
* * *
Doon po sa amin, presinto dosMga botante’y nagpapadausdosNoon pang 2007 sila’y nagpatalaSa pag-asang may mapapala.Nagsisamang poll watcher ni mayor Katulad nila’y mga kolabureytor Maghahalalan na muli’y di pa nababayaranSa pagiging poll watcher na pinaghirapan.
* * *
Doon po sa amin, presinto tresBotante’y nagdadasal ng pares-paresTrapong pulitiko, nawa’y di makabalikBingi at manhid sa taong nagpapagibik.Sa hangad nilang sila ay muling ibotoMagbibigay ng isang libong pisong balatoLangit ay lupa’y handa rin ipangakoSa bulaang pangarap nilang inilalako.Pilit sinusuyo kababayang giliwPangako nila’y di nagmamaliwTatlo o higit pang taon sa posisyonNangangako pa rin hanggang ngayon.
* * *
Doon po sa Kampo OlivasBagong linya ng komunikasyon inilabasI-text mo lang daw, pulis ay kikilosSana naman ay hindi padalos-dalos.Mag-text lamang daw sa 700-7673Huwag lang hihingi ng Christmas treeMga manloloko’y maging alistoMalapit na kayong mabisto.
sundan sa pahina 7
Promdi
D
INO
B
ALABO
Doon po sa presinto namin
naglitawan ang mga nakalabanniya sa pagka-alkalde.Isa na rito si dating MayorTinoy Blanco na sa palagay ng marami ay muling papalaot sa pulitika.Bago namatay si Mayor Eddieay nagawa muna niyang maging alkalde ang kanyang magandang maybahay na si Mayora Joan V. Alarilla. Ayon sa mahihilig sa takbo ng pulitika sa Meycauayan, mahirapdaw talunin si Mayora Joan dahilsa ipinamalas niyang dedikasyonsa kanyang tungkulin, bilang ina ng lungsod ng Meycauayan.
Pulitika sa Obando
NAGLILITAWAN na ang nagna-nais na kumandidatong alkaldesa bayan ng Obando. Una sa kanila ay si kasalukuyang MayorOrencio E. Gabriel o OEG na tiyak na muling tatakbong al-kalde.Maging si Edwin Santos ng Barangay Panghulo ay may ha-ngarin ding tumakbong alkalde. Ayon sa isang taga Paco na aking nakausap ay buo na raw ang tiketni Santos. Bise daw niya si WayoLegaspi at kumpleto na ang mga
Leave a Comment