• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
 
Ang Kanyang Nilalang 
Wagas. Daglit. Malalim. Mababaw.Engrande. Payak. Masarap. Masaklap.Naupo si Juan sa isang tabi. Madilim. Tigib ng kalungkutan ang paligid. Natakot siya. Nagtaka.Nagimbal sa kung ano mang simuno ng kanyang kaduwagan. Nang sa pagmalabis ng takot niyang ito,sa pag-abot nito sa kanyang kaluluwa, biglang lumiwanag. Nagbuga ng nakabubulag na liwanag angkanyang puso. Mabilis, kumakaripas, dumadagundong. Tila ba’y may kung ano na gusto kumawala sakaibuturan ng kanyang puso. Nagpupumiglas, nagsusumigaw, poot na poot sa pagkakapiit nito. Mulinglumiwanag, nagniningning. Sa sobrang pagkasilaw ay ipinikit ni Juan ang kanyang mga mata. Iniangatniya nang marahan ang kanyang mga talukap at inihanda ang sarili sa bagong mundong nagbabadyanggumulantang sa kanya.Mula sa pagkakaupo, marahang itinukod ni Juan ang kanyang mga binti. Inilibot ang mata atmasusing sinuri ang kanyang kapaligiran. Tumakbo. Tumakas papalayo sa kadiliman kinasasadlakan.Tumakas patungo sa lagusang taglay ang liwanag na hangad ng kanyang budhi. Lumabas siya. Unti-unting inihakbang ang mga paa sa damuhang nilukuban ng liwanag. Sa pagtama ng nakasusulasok naliwanag sa kapatagan ng kanyang mukha, naaninag niya ang imahe ng sarili. Pinagmasdan niya itonang panandalian at dali-daling iniwas ang paningin mula sa halimaw na nakatitig sa kanya. Hindi niyakailanman naibigan ang kanyang hitsura. Sa tuwing tatangkain niyang titigan ito at hanapan ng kahitkakaunting pagsungaw ng dalisay, binibigo niya lamang ang kanyang sarili. Kahit ang mga kababataniya, maging ang kanyang sariling ina ay kinukutya ang kakulangan niya sa panlabas na kaanyuan.Lumaki siya na akay-akay ang paniniwalang walang sinuman ang makauunawa sa kanya. Na nilikhasiya ng Diyos mula sa latak na masa ng luwad. Pilit binuo at hinubog nang walang tiyak na hugis upangmapunan lamang ang espasyong kanyang kinaroroonan. Hindi upang maging kaaya-aya sa malapitankundi upang magmukhang kakaiba sa malayuan.Nagalit si Juan. Nagpuyos at nagngitngit ang galit sa Maykapal. Nagbato siya ng mga nag-aapoyna katanungan. Mga katanungan batid niyang siya lamang ang nakaaalam ng mga kasagutan. At saadyang pagnagana ng galit niyang ito, muling nagdilim ang kanyang mundo.Makasarili. Mapagkunwari.Mapanlilang. Nakakalalasong kasalanan.Upang maiwasang masaktan at masira ang katinuan ng sarili, napilitan siyang tabingan angmukha ng maskara. Isang uri ng kasinungalingang magkukubli ng lahat ng pinakaiingatan niyanglihim. Isang mukha sa ihaharap niya sa madla at hahangaan nila nang lubos. Hindi aalipustahin at hindihahamakin.Hindi pa man niya naisasakatuparan ang mga ilusyon, agad itong pinabulaanan ng katotohanan.Mula sa kalaliman ng dilim, lumiwanag ang kanyang puso. Inihayag ang kaaya-ayang liwanagat nagmantsa ng kislap sa bawat sulok ng lugar. Malayo ang narating ng mga sinag nito. Lumawak nanglumawak hanggang sa matunton nito ang isang nilalang. Isang nilalang na kahit sa dilim aykababanaagan ng kariktan. Nagalak si Juan at dumaloy nang magmuli ang dugo sa kanyang mga ugat.
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...