Ang Pagtakas (The Escape)
Takbo! Tumakbo siya nang tumakbo tungo sa kawalan. Pinakiramdaman niyaang paligid. Alam niyang may sumusunod sa kanya. Alam niyang may nagmamatyagsa kanya. Tumanggi lamang na lumantad. Upang ano? Takutin siya? O turuan siya ngleksyon? Mahina ang kanyang loob ngunit matalas ang tilamsik ng kanyang isipan.Alam niyang dala lamang iyon ng kanyang malikot na guni-guni.Dali-dali siyang pumasok sa isang silid. Sumungaw ang liwanag na tila ba’ysumilay ang araw sa kalagitnaan ng gabi. Ngunit mali. Mali ang kanyang hinalasapagkat artipisyal lamang ang liwanag na iyon. Nagmumula sa tubong kapag iyongtinitigan nang matagal ay magngingitngit ang mga ugat sa iyong mga mata. Di na niyaalintana ang mga bagay na ito. Inihakbang niyang magmuli ang kanyang mga paa.Kaliwa sa harap ng kanan. Ang kanan sa harap ng kaliwa. Patungo sa isa na namangnapakadilim na bahagi ng mundo. Di niya mawari kung bakit ganoon na lamang angpagnanais niyang makita ang liwanag. Ang sabuyan ng liwanag ang paligid atmatunghayan ang namumuhay na kung ano sa dilim. Idiniin niya ang kanyanghintuturo sa rektanggulong buton at sa isang kisapmata’y lumiwanag ang lahat.Bahagya siyang napaatras sa pag-aakalang may biglang lilitaw mula sa madilim nalugar patungo sa kanyang kinatatayuan, gugulat sa kanya at tatapos lahat ng kanyangpangamba. Ngunit nabigo siya nang wala siyang natagpuang kakaiba. Tanging angmga sira-sira at gulagulanit na kasangkapan lamang na kababanaagan ng paglipas ngmahabang panahon, tahimik na nahihimlay sa pulu-pulutong ng kahoy na masusingnakalatag upang magsilbing lakaran. Sa pag-aakalang ligtas na siya sa anumangpanganib, inilakad niyang muli ang kanyang mga paa. Ngunit hindi tulad ng dati namabilis at matuling gaya ng hangin. Sinikap niyang tumingkayad gamit angnamamagang hinlalaki sa parehong paa at naglakad na marahang-marahan.Nang matunton na niya ang nais niyang kalagyan, huminto siya, nakiramdam,dahan-dahang huminga ng masangsang na hangin at unti-unting inilapag ang hubadna talampakan sa kahoy na sahig. Di pa man siya lubusang nakalalapit ay maytumadyak na sa kanya.TADYAK! Tadyak! Sabay banggit nito ng mga masasakit na salitang lumason sakanyang isipan.TADYAK! Tadyak! Hanggang sa manghina nang tuluyan ang bubot niyangkatawan.TADYAK! Tadyak!Ito lamang ang sinapit niya matapos niyang lagpasan ang iniilagang dilim,matapos niyang ipatay-bukas ang artipisyal na liwanang, matapos niyang sikapingtumingkayad upang huwag magising ang mga bagay na nagtatago sa dilim.Tanggap na niya ang kanyang kapalaran. Na sa kahit ano pa mangpagpapaliwanag sa sarili ang kanyang gawin ay wala na itong magagawa upang
Leave a Comment