Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
1Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
K to 12 Sipat-Kurikulum

K to 12 Sipat-Kurikulum

Ratings: (0)|Views: 327 |Likes:
Pedagohiyang Mapagpalaya sa Konteksto ng K to 12: Sipat-Kurikulum at Mungkahing Implementasyon ng Ilang Aspekto ng
Bagong General Education Curriculum (GEC)
(HASAAN 2013 Paper)
Pedagohiyang Mapagpalaya sa Konteksto ng K to 12: Sipat-Kurikulum at Mungkahing Implementasyon ng Ilang Aspekto ng
Bagong General Education Curriculum (GEC)
(HASAAN 2013 Paper)

More info:

Categories:Types, Presentations
Published by: David Michael San Juan on Oct 17, 2013
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/19/2014

pdf

text

original

 
1
Pedagohiyang Mapagpalaya sa Konteksto ng K to 12: Sipat-Kurikulum at MungkahingImplementasyon ng Ilang Aspekto ngBagong General Education Curriculum (GEC)
1
John Kelvin R. Briones at David Michael M. San Juan
De La Salle University (DLSU)-Manila
“Ang edukasyon ay di pagpupuno ng timba kundi pagsisindi ng siga.” - William Butler Yeats
Sistemang K to 12: Rekado
 
sa Permanenteng Neokolonyalismo sa Pilipinas
 Ang mantrang anti-edukasyong tersyarya ng K to 12 ay malinaw na akma sa pangangailangan ngmga malalaking korporasyong kapitalista sa mga manggagawa at/o propesyunal na edukado ngunithandang tumanggap ng baratilyong pasahod. Rekisito ito sa pagsasalba ng kapitalismo sa pamamagitanng muling pagpapalobo ng tubo ng mga korporasyon mula sa natipid nilang pera sa baratilyong pasahod.Upang matiyak na ang mga Pilipino’y wala nang ibang mapamimilian kundi maging mga alipin ng mgakorporasyon, sagad-sagarin ding isinusulong ng mga imperyalista, kapitalista, at neokolonyalista, angpagpapanatili ng Mining Act of 1995 at ang panukalang Charter Change na lalong magpapalakas sakapangyarihan ng mga dayuhang korporasyon na kontrolin, ariin, at ubusin o simutin ang mga natitirapang likas na yaman ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng pagsimot sa ating likas na yaman, mawawalan nang kakayahan ang mga Pilipino na gawing maunlad at industriyalisado ang Pilipinas. Wala na itongmapamimilian kapag nagkataon, kundi ang maging tagasuplay ng baratilyong lakas-paggawa o
supercheap labor.
Upang tiyakin na hindi na rin magiging
feasible
ang paglinang ng agrikultura sa Pilipinas,isinusulong ng mga imperyalista ang dependensya ng mga magsasakang Pilipino sa mga
fertilizer 
naginawa ng mga korporasyong transnasyunal. Ang mga
fertilizer 
na ito’y sadyang nakapagpapababa sanatural na taba o
fertility 
ng lupa sa pangmatagalan. Kasabay nito, nagsimula na rin ang pagpipilit ng mgakorporasyong transnasyunal na ipagamit sa mga magsasakang Pilipino ang mga
genetically modified 
nabinhi na sa kanila lamang mabibili sapagkat patented. Sa pamamagitan naman ng pagtatambak ng mga
1
Papel na binasa sa Pambansang Komperensiya sa Pagpapaigting ng Kadalubhasaan saWika, Panitikan, at Pananaliksik (HASAAN 4) na may temang “Silip, Sipat, Sikap: Ang Guro saPagharap at Pagtugon sa Mga Hamon ng Pagtuturo at Pananaliksik” na isinagawa sa AMVCollege of Accountancy Multipurpose Hall sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST), Maynilanoong Oktubre 16-18, 2013.
DOWNLOADABLE
SA
 
2
basurang lason
(toxic wastes)
sa Pilipinas ay tinitiyak din ng mga imperyalista na ang katubigan ngbansa, gayundin ang
groundwater supply 
nito ay hindi na gaanong mapakikinabangan ng mga Pilipino.Samakatwid, ang K to 12 ay isa lamang sangkap sa enggrandeng plano ng mga imperyalista nagawing permanente ang pangingibabaw nila sa Pilipinas, kaya hindi maaaring ihiwalay sa kontekstongsosyo-ekonomiko at politikal ng bansa at daigdig ang pagtalakay sa K to 12. Kumpara sa ibang sangkap,napakahalaga ng K to 12 sa mga imperyalista sapagkat ito ang naglalatag ng sikolohikal at ideolohikal nabatayan ng kanilang pangkalahatang pangingibabaw sa Pilipinas. Ang paghubog sa kamalayan atkaisipan ng sambayanan sa pamamagitan ng sistemang pang-edukasyon ang pinakamabisang paraanng hindi direktang pagpapanatili ng imperyalismo at neokolonyalismo sa Pilipinas, batay na rin sa mgakaisipan ni Renato Constantino.Sa kabila ng katuwiran ng panawagang pagbabasura ng K to 12, kailangang harapin ng mgaprogresibong edukador ang katotohanan na naisabatas at ipinatutupad na ang K to 12, kaya kung hindiman ito maibabasura ay dapat tangkaing gawing mapagpalaya ang implementasyon nito, kahit manlamang sa ilang asignatura upang matiyak na hindi magtatagumpay ang mga imperyalista at mga lokalnilang kasabwat sa pagpapanatili ng gahum o pangingibabaw ng mga dayuhan sa ekonomya at politikang Pilipinas.
Pagsipat sa Bagong General Education Curriculum (GEC) sa Kolehiyo
Noong Hunyo 28, inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) ang CHEDMemorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 na hinggil sa “General Education Curriculum: HolisticUnderstandings, Intellectual and Civic Competencies.” Sa panimula ng CMO No. 20 ay paimbabaw nabinalikan ang ilang konstitusyunal na probisyon tungkol sa pagbubuo ng sistemang edukasyon saPilipinas. Halimbawa, sinipi nito ang nilalaman ng Artikulo XIV, Section 2 ng Konstitusyon na nag-aatassa gobyerno na bumuo ng sistemang pang-edukasyon na
“relevant to the needs of the people and society.” 
Sa kabila ng pagbanggit sa nasabing probisyon, ang halos buong CMO ay nasa wikang Ingles,isang wikang banyaga at hindi ginagamit ng nakararaming mamamayan sa pang-araw-araw nakomunikasyon. Sa simula pa lamang ay kitang-kita na ang malawak na agwat ng mga tagabalangkas ngpatakarang pang-edukasyon na Ingles ang wikang gamit, at ng mga mamamayang Pilipino na wikangpambansa at/o mga wikang rehiyunal ang gamit. Alinsunod sa CMO No. 20, ang lumang General Education Curriculum (GEC) na may 51 (para samga kursong saklaw ng Humanities, Social Sciences at Communication o HUSOCOM) o 63 (para sa mgakursong di saklaw ng HUSOCOM) minimum na yunit ay pinawawalang-bisa na at pinapalitan ng bagongGEC na mayroon na lamang minimum na 36 na yunit na akma sa iskemang K to 12 ng gobyerno.Binubuo ng 24 na yunit ng
core courses
, 9 na yunit ng
electives
at 3 yunit sa Buhay at Mga Sinulat niRizal (isang
mandated 
na asignatura alinsunod sa isang batas) ang bagong GEC. Ayon sa CMO No. 20,ang bagong GEC ay may 8
core courses
(
Understanding the Self 
/Pag-unawa sa Sarili;
Readings inPhilippine History 
/Mga Babasahin hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas;
The Contemporary World 
/Ang
 
3
Kasalukuyang Daigdig;
Mathematics in the Modern Worl
/Matematika sa Makabagong Daigdig;
Purposive Communication
/Malayuning Komunikasyon;
 Art Appreciation
/Pagpapahalaga sa Sining;
Science, Technology and Society 
/Agham, Teknolohiya at Lipunan; at
Ethics
/Etika) at 12 halimbawangasignaturang
electives
(
Environmental Science, People and The Earth’s Ecosystems, HumanReproduction
, at
Living in the IT Era
para sa larangan ng
Mathematics, Science and Technology 
;
Religions
,
Religious Experiences and Spirituality, Philippine Indigenous Communities, Gender and Society 
, at
The Entrepreneurial Mind 
para sa
 
larangan ng
Social Sciences and Philosophy 
;
 
at
Great Books, Philippine Popular Culture, Indigenous Creative Crafts
, at
Reading Visual Art 
para
 
sa larangan ng
 Arts and Humanities
).Bunsod ng “pag-iingay” ng mga guro sa Filipino hinggil sa pagbura sa Filipino bilang asignaturasa antas tersiyarya, napilitan ang CHED na payagan ang pagtuturo ng mga asignatura sa bagong GECsa Ingles o sa Filipino, alinsunod sa CMO No. 20. Problematiko na kaagad ang sistematikong pagbura saFilipino bilang asignatura sa antas tersiyarya sa kabila ng pa-
consuelo de bobo
ng pagtataguyod ngCHED sa Filipino bilang wikang panturo. Dapat na igiit pa rin ang pagkakaroon ng bukod na asignaturangFilipino, bukod pa sa
Purposive Communication
na maaaring palitan nga ng Malayuning Komunikasyon(asignaturang Filipino) ngunit tiyak namang daraan sa butas ng karayom sapagkat maggigiit din ang mgaguro ng Ingles (na mas marami) na
Purposive Communication
ang ituro sa antas tersiyarya.Bukod dito, mahalagang suriin ang mga detalyadong deskripsyon ng kurso na naglalantad sakonserbatibo at neoliberal na tunguhin ng bagong GEC. Pansinin halimbawa ang detalye ng CMO No. 20hinggil sa asignaturang
The Contemporary World 
. Kapansin-pansin na ni hindi nito binanggit ang masdirektang negatibong
impact 
ng globalisasyon sa mga mamamayan ng
Third World 
gaya ng pagkawasakng kalikasan at pagpapalayas sa mga katutubong mamamayan bunsod ng mapanirang pagmimina ngmga dayuhang transnasyunal na korporasyon, at pambabarat ng mga malalaking kapitalistang kumpanyasa sweldo ng mga manggagawa sa pamamagitan ng
outsourcing 
,
subcontracting 
at iba pang iskema. Pipiang deskripsyon ng asignatura sa globalisasyong karerang sadsaran
(race-to-the-bottom)
, at masbinigyang-pansin nito ang
safe advocacies
sapagkat di gaanong direktang naglalantad sa kabulukan ngglobalisasyon. Malinaw kung gayon, na kailangang maging mapanuri at malikhain ang mga guro saimplementasyon ng CMO No. 20. Dapat nilang talunin ang tunguhing Kanluranin, konserbatibo atneoliberal ng bagong GEC sa pamamagitan ng pagtiyak na ang bawat asignaturang ituturo sa ilalim nitoay magagamit sa pagpapaunlad ng Pilipinas, at sa paglalantad ng mga di makatwirang patakarangsosyo-ekonomiko na ipinapataw sa bansa at sa buong
Third World 
ng mga bansang mauunlad nahanggang ngayo’y liyamado pa rin sa kabila ng bigwas ng pandaigdigang krisis dulot ng kapitalismo. Samadaling sabi, bagamat malinaw na maka-Kanluran at neoliberal ang K to 12, nararapat pagsikhayan ngmga guro na gamitin ang mga asignatura sa bagong GEC upang malunasan ang tinagurian ni RenatoConstantino na misedukasyon ng mga Pilipino, tungo sa edukasyong progresibo at mapagpalaya na

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->