You are on page 1of 1

HUWAG MONG HABULIN ANG PARU-PARO

Sa masukal na gubat ng pag-aalinlangan, batid mo ang patutunguhan subalit kailangan mong maging matibay. Mula sa kung saan, ito ay lumitaw. Maliit at puti, may mga munting pakpak na kay liksi. Isang malikot na nilalang na lumipad palibot-libot, waring naglalayong ito ay iyong mapansin, magustuhan at naising maangkin. Huwag huwag mong habulin ang paru-paro. Huwag kang pabighani sa taglay nitong rikit. Pagkat sa sandaling ito ay sinundan mo, sa kapangyarihan nito ikaw ay mapapasailalim at ang mga hakbang mo ay hindi na iyo. Ang pagtitig mo rito ang magdidikta sa mga paa mo. Lakakad kang pahilis sa landas ng iyong tunguhin bawat hakbang, papalayo sa tama. Maliligaw ka sa lunan na mas masalimuot pa sa karimlan. Makakarating ka sa kalagitanaan ng kawalan, igagapos ng nakalilitong kaligayahan. At ngayong bihag ka na ng kahibangan, saka ka nito iiwan. Huwag huwag mong habulin ang paru-paro. Paglaon, hindi na sapat na itoy napagmamasdan, nais mo na itong hawakan. Sa pangambang ito ay lumayo, hihintayin mo munang ito sa kamay mo ay dumapo. Ngunit gaano katagal ka mang umasa, sa iyo di ito aamo dahilang ikaw ay lalong mananabik na ito ay mahuli. Iyong nalalamang kapag hinawakan mo ito, pakaingatan man ay walang silbi dahil ang mga pakpak nitoy manipis at agad mapupunit. Maiisip na sa garapon na lamang ilagaydi mo man mahawakan, kahit man lang masilayan bastat sa iyoy di mawalay. Hindi rin ito uubra, pagkat sa loob ng salamin na sisidlan, di rin magtatagal ang buhay. Kayat huwag mo nang habulin ang paru-paro. Anong pait mang ang inaasam ay hindi kailan man mapapasaiyo, kailangang tanggapin na ang pagapi ay di likas dito. Kasabay ng pagpapalaya mo sa turan, mapapakawalan mo sa hinagpis ang iyong puso. At kung saan may tunay na kakalinga ikay paroon, humayo. hala takbo! di alintana ang hapo, sa damdamin nagpatalo. hetot nadapa! masakit mapilayan, totoo, pero dapat mo ngayong matanto na hindi nga ikaw ang bulaklak na ninanais ng paruparo. umuwi ka na. ipahinga ang napilay na paa. at sa init ng hilot manalig na kahit pa gaano katagal at kahirap maglakad ng paika-ika, makalalakad ka rin ng matino pagkat naglaho na ang sakit, nalimot na ang paru-paro.

You might also like

  • Senti
    Senti
    Document1 page
    Senti
    iridescentrica
    No ratings yet
  • PUWING
    PUWING
    Document1 page
    PUWING
    iridescentrica
    No ratings yet
  • Iguguhit Kita
    Iguguhit Kita
    Document1 page
    Iguguhit Kita
    iridescentrica
    No ratings yet
  • Manhid
    Manhid
    Document1 page
    Manhid
    iridescentrica
    No ratings yet
  • Ing
    Ing
    Document1 page
    Ing
    iridescentrica
    No ratings yet
  • Uhaw Ba?
    Uhaw Ba?
    Document1 page
    Uhaw Ba?
    iridescentrica
    No ratings yet
  • Bisikleta
    Bisikleta
    Document1 page
    Bisikleta
    iridescentrica
    No ratings yet