Dekada ‘70
Kung tutuusin, ang isang tunay na magandang pelikula ay higit pa sapagsasama ng iba’t ibang elemento nito.
The whole is greater than the sumof its parts
, wika nga. Maaari natin itong sabihin sa pelikulang
Dekada ‘70
ng
Star Cinema
para sa
2002 Metro Manila Film Festival
. Sa katunayan, ito ayhigit pa sa magara nitong
production design
, sinematograpiya at iba panitong teknikal na aspeto, sa makabagbag-damdaming pag-arte ng mganagsiganap, sa matalino nitong
screenplay
na si Lualhati Bautista mismo angsumulat, at siyempre sa impresibong direksyon ni Chito Roño.Dahil nga sa mainam ang pagkakagawa ng pelikula, nagiging
background
nalamang ang mga makatotohanang props at
setting
, at animo’y nanonood atnakikinig na lamang tayo sa mga masalimuot na pangyayari sa buhay atmadalas ay madrama o nakatutuwang mga usapan ng isangpangkaraniwang pamilya noong dekada sitenta. Nakakalimutan nating siVilma Santos talaga si Amanda Bartolome, si Christopher de Leon talaga angasawa niyang si Julian, at napapaniwala tayong isang mataas na pinuno ng
NPA
talaga si Jules, at hindi ito si Piolo Pascual.Sa ganitong banda, madali para sa isang ordinaryong manonood na mag-
concentrate
sa mga nilalamang mensahe ng istorya. At katulad ngpremyadong nobelang pinagbasihan nito, mayaman ang pelikula sa mgamahahalagang mensaheng ito.Ngunit una sa lahat, kailangan nating banggitin na kung ang
Dekada
ay isalamang pelikula tungkol sa panahon ng
martial law,
maaaring hindi itonaging singganda. Tinatanggap nating ito ay isang melodrama at hindi
socialcommentary
bkung aling nagkataon lamang na naganap ang istorya noongpanahon ng batas militar. Bagama’t naniniwala tayong maganda angpelikula, nauunawaan nating si Roño ay hindi isang Lino Brocka, at masasabinating mas pulitikal pa rin ang nobela kaysa pelikula, kahit pa si Bautista angmismong nagsulat.Maliban sa pagpapaalaala sa ating mahalagang bantayan ang ating kalayaanat gampanan ang ating mga pananagutan dito, naniniwala tayong wala itongtunay mabigat na mensaheng pulitikal. Nguni’t muli, hindi natin sinasabingkakulangan ito. Sa katunayan, nauunawaan nating tama naman na dito ituonang mga pangunahing tema ng pelikula: sa kahalagahan ng pamilya saikabubuti ng isang mas malaking komunidad, katulad ng sarili nating bansa.Sa ganitong paraan, hindi nakakahon at nakakulong lamang sa isang dekadang ating kasaysayan ang mensahe nito.
It transcends its own place and timein history.
Halimbawa, sa una’y hindi nauunawaan ni Amanda kung bakit gayon na
Add a Comment
Jaine Mendozaleft a comment
Lhiely Grace Bancudleft a comment
Karla Daluzleft a comment
carla_castro_46left a comment
Gelly Armeraleft a comment