bawat yunit ng sistema nang malaya ngunit patuloy na nakikipag-ugnay hinggil samga proyekto at gawain sa antas ng UP Konseho ng Wikang Filipino.
Mga Programa at Proyekto
Aktibong kumilos ang UP SWF upang maipatupad ang Patakarang Pangwika ng UPat malinang at maipalaganap ang Filipino sa buong bansa. Sinuyod nito ang mgakolehiyo ng UP at bumuo ng mga komite sa wika. Nakipag-ugnayan din ang UPSWF sa mga institusyong gaya ng Departamento ng Edukasyon,Commission onHigher Education (CHED), Korte Suprema, atPhilippine Regulatory Commission(PRC)upang maisulong ang paggamit ng Filipino sa edukasyon at pamahalaan.Nakipagpulong din ito sa ilang mambabatas upang maisulong ang mga panukalangbatas sa wika, lalo ang pagtatatag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).Pinangunahan ng UP SWF ang pagbubuo ngSanggunian sa Filipino (SANGFIL), naisang samahan ng mga akademikong institusyon na nagtuturo ng Filipino upangmapabilis ang estandardisasyon ng wika at maipalaganap ito sa akademya.Ilan sa mahahalagang proyekto ng UP SWF ay ang sumusunod:
Saliksikan
—kabilang dito ang pagtatatag ng Saliksikang Filipino, repositoryo ngmga pag-aaral, at pananaliksik pangwika; ang pagpapayaman ng UPDiksiyonaryong Filipino; ang paglalathala ng
Daluyan
, na jornal ng WikangFilipino; ang pagbubunsod ng Subaybay Wika, na nagbabantay ng mganauusong salita sa Filipino; ang pagsuporta sa pagsulat ng Gramatikang Filipino.
Lathalaan
—kabilang dito ang pagpapatuloy ng
Aklatang-Bayan
Pandayan
—kabilang dito ang talakayang pangwika; ang pagtatayo ng SulongWika; ang taunang kongreso ng SANGFIL; at natatanging seminar-palihan sawika.
Salinan
—kabilang dito ang pagsasalin ng mga dokumento mula sa iba't ibangtanggapan sa loob at labas ng UP; at ang pagsasalin ng mga pormularyo sa UP.Gumagawa rin ng paraan ang UP SWF na maisulong ang iba pa nitong proyektogaya ng
Turuan
,
Ugnayan
,
Sulungan
,
Gawaran
, at
Pansamahan
.