You are on page 1of 11

Part 14: Lord of All (8:22-39)

October 20, 2013

The Story
Inanyayahan si Jesus ng isang Pariseo na kumain sa bahay niya. Pinaunlakan naman ni Jesus ang paanyaya niya. Sa bayang iyon, may isang babaeng kilala sa pagiging makasalanan. Nabalitaan ng babaeng ito na kumakain si Jesus sa bahay ng Pariseo. Kaya pumunta siya roon at nagdala ng pabango. Lumapit siya sa likuran ni Jesus, sa bandang paanan, umiiyak at tumutulo ang luha niya sa paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ito ng kanyang buhok, hinalikan ang kanyang paa at binuhusan ng pabango. Nang makita iyon ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya, "Kung talagang propeta ang taong ito, alam niya sanang masama ang babaeng ito na humihipo sa kanya." Pero alam ni Jesus ang nasa isip niya, kaya sinabi ni Jesus, "Simon, may sasabihin ako sa iyo." Sumagot si Simon, "Ano po iyon, Guro?" Sinabi ni Jesus, "May isang lalaking inutangan ng dalawang tao. Ang isa'y umutang sa kanya ng 300,000 piso. Ang isa naman ay 30,000 piso. Nang kapwa sila hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sa palagay mo, sino sa dalawa ang lalong

magmamahal sa nagpatawad sa kanila?" Sumagot si Simon, "Sa palagay ko po, ang may mas malaking utang." "Tama ang sagot mo," sabi ni Jesus. Pagkatapos ay nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon, "Tingnan mo ang babaeng ito. Nang pumasok ako sa bahay mo, hindi mo ako binigyan ng tubig na ipaghuhugas sa paa ko. Pero ang babaeng ito'y sariling luha ang ipinanghugas sa paa ko at ang buhok pa niya ang ipinunas dito. Hindi mo ako hinalikan bilang pagtanggap, pero siya'y walang tigil sa paghalik sa mga paa ko mula nang dumating ako. Hindi mo pinahiran ng langis ang ulo ko, pero pinahiran niya ng pabango ang mga paa ko. Kaya sinasabi ko sa iyo na ang malaking pagmamahal na ipinakita niya sa akin ay nagpapatunay na malaki din ang tinanggap niyang kapatawaran. Pero ang taong kaunti lang ang tinanggap na kapatawaran ay kaunti rin ang ipinapakitang pagmamahal." Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa babae, "Pinatawad na ang mga kasalanan mo." Ang mga kasama niya sa pagkain ay nagtanong sa kanilang sarili, "Sino kaya ito, pati kasalanan ay pinapatawad?" Sinabi ni Jesus sa babae, "Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa." Pagkatapos, nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon ng Galilea. Nangaral siya ng Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Kasama niya ang 12 apostol at ilang babaeng pinagaling niya sa sakit o pinalaya sa masasamang espiritu. Kabilang dito si Maria na taga-Magdala na pinalaya niya mula sa pitong masamang espiritu, si Juana na asawa ng katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nila Jesus ayon sa kanilang makayanan.

Whos In Control?

Natural sa ating mga tao na gusto natin kontrolado natin ang buhay natin. We want to be in control. That's just an illusion, a dream on our part. Kasi alam naman nating we are not in control. Para marealize natin iyon, kailangan pang mangyari ang mga trahedyang tulad ng 7.2 magnitude na earthquake na tumama sa Bohol at Cebu na nag-iwan ng daan-daang patay, mga sugatan, nawasak na gusali at mga lumang simbahan. Trahedya ang nangyari, a painful tragedy. We cannot explain why. And we must not. Pero dapat nating marealize sa mga

panahong ito na we are not in control. We cannot predict, we cannot control, we cannot contain, we cannot provide solutions sa earthquakes. Only God - God is the only one in control. Dahil doon, ang natural na dapat nating response ay maniwala sa kanya, magtiwala sa kapangyarihan niya, at sumunod sa mga ipinag-uutos niya sa atin. And we really don't need earthquakes to realize that. Araw-araw, kahit walang lindol, basta naririnig natin ang salita ng Diyos. "For the word of God is alive and powerful..." (Heb. 4:12 NLT). Kung dumadagundong man ang lindol o trahedya, o bumubulong ang salita ng Diyos, we must always respond in faith and obedience. Kaso nga lang, kung bingi naman ang makikinig, kahit anong sigaw ng Diyos balewala din. Pero tayo na mga binuksan na ang tenga, binago na ang puso, tulad ng lupang natamnan ng binhi sa talinghaga ni Jesus sa sermon natin last week, we respond in faith and obedience. Tayo ang mga may tunay na relasyon sa kanya. Sabi niya, "My mother and my brothers are those who hear the word of God and do it" (Luke 8:21). Pero siyempre, aminado tayong may panahong sumusuway tayo sa utos niya. Sa mga panahong iyon, nagkukulang ang tiwala natin sa kanya. Nagkukulang ang tiwala natin sa kanya, kasi we don't know him well enough. We know him. But we don't know him very well. Tulad ng mga disciples sa story natin ngayon, ang tanong natin, "Sino kaya ito?" (v. 25). Yan ang dahilan kung bakit sa bawat sermon natin every Sunday, si Jesus ang laging focus, para lalo natin siyang makilala at sa gayo'y tumibay ang pananampalataya natin, at sumunod tayo sa lahat ng ipinag-uutos niya. Sa lahat. Ngayon, tingnan natin kung paano ito itinuturo sa atin sa kuwento natin ngayon na galing sa Luke 8:22-39.

Pagsunod ng Hangin at Alon

Isang araw, sumakay ng bangka si Jesus kasama ang mga tagasunod niya. Sinabi niya sa kanila, "Tumawid tayo sa kabila ng lawa." At umalis sila.

Sa simula pa lang ng kuwento ipinapakita na sa atin ang magandang larawan ng nais ni Jesus na gawin para sa mga disciples niya. Sila ang mga tagasunod, learners, followers. Si Jesus ang nagtuturo. Si Jesus ang nasusunod. Sinabi niya, simple instruction, "Tumawid tayo sa kabila ng lawa." Response nila? Sige. Pero ang pagsunod ay hindi lang dapat sa mga field trips na katulad nito. Madali pa naman sumama, mamasyal. Pero paano kung delikado na? Kung nakakataranta na? Kung nakakakaba na? Magtitiwala ka pa kaya at susunod sa ipinapagawa niya? Nang naglalayag na sila, nakatulog si Jesus. Maya-maya'y lumakas ang hangin at pinasok ng maraming tubig ang bangka nila, kaya nalagay sila sa panganib. Si Jesus - tunay na Diyos, pero tunay na tao rin. Napapagod, inaantok, kailangang matulog. Nakapasok siya sa mundo natin. Kasama ang maranasan ang mga panganib dito. Katulad natin siya, perong ibang iba din sa atin. Malaking panganib na. Malakas ang hangin. Baka lumubog na ang bangka nila. Tulog pa rin. Hindi dahil pagud na pagod at hindi napansing bumabagyo. Kundi isang larawan ng ganap na pagtitiwala sa Diyos. He can rest and trust in God sa kabila ng malakas na bagyo. Alam niyang anumang panganib, hindi pa siya mamamatay hangga't di natutupad ang misyong ibinigay sa kanya ng Diyos. Hindi maaaring matapos ang misyon niya by drowning -- but by crucifixion. Pero ang mga tagasunod ni Jesus, wala pang ganitong klaseng pagtitiwala sa Diyos, sa kanya. Mangingisda sila. Sanay sila sa kalagayan ng lawa na madalas may ganitong mga bagyo. Pero pambihira ito, kaya natakot sila. Pero ang mainam naman, lumapit sila kay Jesus. Bagamat di pa nila talaga narerealize kung ano ang magagawa ni Jesus sa sitwasyong ito. Nilapitan si Jesus ng mga tagasunod niya at ginising, "Panginoon, Panginoon, mamamatay na tayo!" Mainam na nilapitan si Jesus. Alam nilang wala na silang magagawa. Baka si Jesus meron. Tinawag siyang "Master, master" - kinikilala ang posisyon niya hindi lang basta Guro o

Rabbi, kundi commander, kung ano sabihin niya dapat masunod. But at this time they don't need Jesus' instructions kung ano ang gagawin nila. They need a demonstration of his power to rescue them. For their faith. Kaya anong ginawa ni Jesus? Bumangon si Jesus at pinatigil ang malakas na hangin at ang malalaking alon. Tumigil ang mga ito at biglang kumalma ang panahon. Hindi niya sinabi, "Relax lang kayo, maya-maya titigil din iyan." Sabi niya sa hangin at sa alon, "Tumigil kayo ngayon din!" What a demonstration of power. Try to imagine, kung lumindol nang malakas, sabihin ni Jesus, "Tigil" at biglang tumigil. O kaya may babagsak sa iyo na isang gusali at sinabi ni Jesus, "Lumipat ka sa kabila!" Naniniwala ka ba talaga na kayang gawin ito ni Jesus? At kung kaya niyang gawin ang ganitong bagay, meron pa kayang anumang bagay na hindi niya kayang gawin? Hindi pa lubos na kilala ng mga disciples kung sino ang kasama nila sa bangka. Hindi pa natin lubos na narerealize kung sino ang kasama natin sa buhay. Tinanong ni Jesus ang mga tagasunod niya, "Nasaan ang pananampalataya n'yo?" It's about faith. Ito ang gusto ni Jesus na gawin para sa atin. Para patatagin ang pananampalataya natin. At kung matibay ang pagtitiwala natin sa kanya, makikita ito sa klase ng pagsunod natin sa mga utos niya. Iyon bang dali-dali at hindi nag-aalinlangan. Tulad ng ipinakita ng hangin at alon. Dali-dali. Hindi mangyayari iyon, kung hindi natin lubos na nakikilala si Jesus. Tulad ng mga disciples... Namangha sila at natakot, at nag-usap-usap, "Sino kaya ito? Kahit ang hangin at ang alon ay inuutusan niya, at sinusunod siya!" Ang response dapat hindi lang, "Wow! Ang galing!" Hindi lang takot. Hindi iyong para bang nakita natin si Superman. Kundi iyong pagsunod kay Jesus dahil siya ang Panginoon ng lahat napapasunod niya ang kalikasan. Bakit? Dahil siya mismo ang

lumikha nito at nagpapanatili nito. "He upholds the universe by the word of his power" (Heb. 1:4). "In him all things hold together" (Col. 1:17). Siya ang nagsasabi kung kelan babagyo, saan babagyo, gaano kalakas, at kelan titigil. Siya ang nagsasabi kung kelan lilindol, saan lilindol, gaano kalakas, at kelan titigil. Siya ang nagpapasunod sa kalikasan na wala namang buhay. Paano pa kaya tayo na binigyan ng bagong buhay ni Jesus?

Pagsunod ng mga Demonyo

Kalmado na ang dagat. Pero maaaring ang puso at isip nitong mga disciples ni Jesus ay hindi pa kalmado. They still need more lessons on faith and obedience. Hindi na kalikasan ang object lesson niya, kundi tao na, para sabihin sa kanila, "Ito ang ibig sabihin ng pagsunod sa akin." Nagpatuloy sila sa paglalayag hanggang makarating sila sa kabila ng lawa. Pagkababa ni Jesus sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking taga-roon na sinasaniban ng masasamang espiritu. Matagal na itong walang suot na damit at nakatira sa sementeryo. Matagal na siyang sinasaniban nito. At kahit tinatalian siya ng kadena sa kamay at paa at binabantayan, nilalagot niya ang kadena, at pinapapunta siya ng demonyo sa ilang. Ang lalaking sumalubong kay Jesus, wala nang control sa sarili niya. Demonyo ang may kontrol. Walang damit. Walang tirahan. May ibang kapangyarihan. Pinapupunta ng demonyo sa ilang - sino ang may kontrol? Isa itong larawan ng buhay ng isang taong pinaghaharian ni Satanas - na tinatawag na ruler of this world. Pero hindi magtatagal iyon. Kaya dumating si Jesus para palayain tayo sa pagkakaalipin sa pamamahala ni Satanas sa mundong ito. Bagamat hindi tayo inaalihan ng masamang espitiru, pero kung namumuhay tayo sa kasalanan, sumusunod tayo sa yapak ni Satanas na siyang unang nagrebelde sa Diyos. At yan nga ang kalagayan natin bago natin nakilala si Jesus.
And you were dead in the trespasses and sins in which you once walked, following the course of this world, following the prince of the power of the air, the spirit that is now at work in the sons

of disobedience among whom we all once lived in the passions of our flesh, carrying out the desires of the body and the mind, and were by nature children of wrath, like the rest of mankind (Eph. 2:1-3).

Ito ang nananatiling kalagayan ng sinuman sa inyo na hanggang ngayon ay wala kay Jesus. Nang makita niya si Jesus, lumuhod siya kay Jesus. Inutusan ni Jesus ang masamang espiritu na lumabas sa kanya. Sumigaw siya at sinabi niya nang malakas, "Ano ang pakialam mo sa akin, Jesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo, huwag mo akong pahirapan!" Totoong may mga demonyo. Totoong hanggang ngayon ay may mga masasamang espiritu na lumalaban sa Diyos at nagtatangkang ilayo tayo sa Diyos. Pero dapat nating marealize na maging sila ay luluhod kay Jesus. Maging sila ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Jesus. "In the name of Jesus, in the name of Jesus, Satan will have to flee." Darating ang araw ng katapusan nila. Alam nilang malapit na iyon. Kaya maging sila nagmamakaawa kay Jesus. Natatakot. Oo, inuutusan sila ni Jesus. Pero hindi naman dali-dali ang pagsunod ng mga ito. Hindi ayon sa kalooban nila. Sapilitan lang. Dumating si Jesus para gawan ng paraan ang kaawa-awang kalagayan ng tao. Ayaw ni Jesus na demonyo o anumang masamang impluwensiya sa mundong ito ang nagpapasunod sa tao. Gusto niya siya ang masusunod. At para ipakita ito na kaya niyang pasunurin hindi lang isang demonyo, kundi kahit libu-libo... Tinanong siya ni Jesus, "Ano ang pangalan mo?" Sagot niya, "Kawan," dahil maraming masamang espiritu ang pumasok sa kanya. Nagmakaawa ang masasamang espiritu kay Jesus na huwag silang papuntahin sa kailaliman at parusahan doon. This is not just for the sake of interviewing the man. Kundi para i-impress sa mga disciples niya ang laki ng sakop ng kapangyarihan niya. Ang kawan sa literal ay "legion" - o isang

batalyon ng libu-libong sundalong Romano. Ibig sabihin marami. Sa di kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. Nagmakaawa ang masasamang espiritu kay Jesus na payagan silang pumasok sa mga baboy, at pinayagan naman sila ni Jesus. Kaya lumabas ang masasamang espiritu sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang mga baboy pababa ng burol, nagtuluy-tuloy sa lawa at nalunod. May mga baboy, ibig sabihin, Gentile territory ito dahil bawal sa mga Judio ang baboy. Nagpapakita na nagsisimula na si Jesus na mag-reachout sa mga di-Judio at para ituro sa mga disciples niya na iyon din ang magiging misyon ng church. Pansamantala, pumayag si Jesus sa request ng mga demonyo. Pinagbigyan? Hindi dahil mabait siya sa kanila. Kundi para ipakita pa rin na siya ang masusunod at malulunod sila sa bagsik ng parusa ng Diyos. Pero teka, bakit sa libu-libong baboy pumasok? Kawawa naman ang mga baboy, nalunod at inanod. Malulugi ang mayari. Ilang litson din ang maibebenta niya. Sayang naman? Kung ikaw ang may-ari, anong reaksiyon mo? Mas nanghihinayang pa tayo kung malulugi ang negosyo natin kaysa sa isang tao na mapapahamak ang kaluluwa sa impierno. Pero pinakita ito ni Jesus para sabihing napakalaki ng awa niya sa atin na alipin ng kasalanan. Ang buhay ng isang tao ay higit na mahalaga sa libu-libong baboy. Kahit binababoy ng ibang tao ang sarili nila at buhay ng ibang tao, mahal iyan ni Jesus. Sa katunayan, maging sariling buhay ni Jesus ay inialay niya para sa buhay ng bawat isa sa atin. Si Jesus ang Panginoon ng lahat. Hindi lang ng buong kalikasang nakikita natin. Kundi maging ng mundo ng mga demonyong di natin nakikita. Napapasunod ni Jesus ang mga demonyo na wala namang tunay na kalayaan. Paano pa kaya tayong mga tao na pinalaya na niya mula sa pagkakaalipin ng kasalanan? Anong klaseng pagsunod ang makikita natin sa lalaking pinalaya ni Jesus?

Pagsunod ng Tao

Nang makita iyon ng mga tagapag-alaga ng mga baboy, tumakbo sila patungo sa bayan at sa mga karatig nayon at ipinamalita ang nangyari. Kaya pumunta roon ang mga tao para tingnan ang nangyari. Pagdating nila kay Jesus, nakita nila ang taong sinaniban dati ng masasamang espiritu na nakaupo na sa paanan ni Jesus, nakadamit at matino na ang pag-iisip. Heto naman ang mga taong nakakita sa nangyari. Hindi naman sila talaga tagasunod ni Jesus. Pero dahil kakaiba ang nakita nila, ibinalita nila sa iba. Tsismisan lang. Heto namang mga pumunta, pumunta para makiusyoso lang. Wala naman sila talagang interes na kilalanin at magpasakop kay Jesus. Hindi man lang nila marealize ang laki ng pagbabagong nangyari sa tao. Nakaupo na sa paanan ni Jesus - dating nakaupo sa mga nitso, nakadamit na - dating nakahubad, matino na ang pagiisip, dating luku-luko ang isip dahil sa mga demonyo. Only Jesus can do that. Only an encounter with Jesus can cause true transformation. Pero ang mga taong ito hindi naman sila aminado sa sarili nila na kailangan nila si Jesus. Anong response nila? At natakot ang mga tao. Ikinuwento sa kanila ng mga nakakita kung paano gumaling ang lalaking sinaniban ng masasamang espiritu. Nakiusap ang mga tao roon kay Jesus na umalis sa kanilang bayan dahil takot na takot sila. Natakot. Hindi naman hanggang dito lang ang gusto ni Jesus. Kundi iyong takot na kumikilala sa kanya. At dahil doon, lalapit at susunod sa kanya. Takot na takot sila. Pero sa halip na lumapit kay Jesus, pinalayas pa siya. Kasi ayaw makita ang tunay na kalagayan nila. Ayaw amining masahol pa ang kalagayan nila sa lalaking sinaniban ng masamang espiritu. Na siya namang nagpakita ng pagnanais na lubusang sumunod kay Jesus. Kaya muling sumakay si Jesus sa bangka upang bumalik sa pinanggalingan niya. Nakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na payagan siyang sumama sa kanya.

May bago na siyang buhay. Si Jesus ang gumawa noon. Nandoon na ang pagkilala niya kay Jesus. Gusto niyang makasama. Siya na ang hindi lang Tagapagligtas kundi Panginoong susundin niya sa buong buhay. Iyon ang ibig sabihin ng discipleship. Gustong sumama. Gustong makasama si Jesus. It's not about his life or his life change but about Jesus, the Life-Changer. Pero siyempre, hindi tayo ang masusunod. Si Jesus ang Commander. Kaya... Pero hindi pumayag si Jesus. Sinabi niya, "Umuwi ka na sa mga kapamilya at kaibigan mo at sabihin mo sa kanila ang ginawa sa iyo ng Diyos." Kaya umuwi ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Jesus. Si Jesus ang masusunod. May misyon si Jesus sa kanya. Hindi lang para sa kanya. Kundi para sa lahat ng nagkaroon ng bagong buhay, lahat ng pinalaya ni Jesus. Simpleng pagsunod ang ipinakita ng lalaking ito. Kung ano ang sinabi ni Jesus, iyon ang dali-dali niyang ginawa. Pinauwi sa bahay. Sabi niya, "Sige." Wala nang excuses. Wala nang delay. Si Jesus ay kinikilalang Diyos - Panginoon ng lahat. Pansinin n'yo - utos ni Jesus ikuwento ang "ginawa sa iyo ng Diyos." Anong ginawa niya? Ikinuwento ang "ginawa sa kanya ni Jesus." Si Jesus ang Panginoong may kapangyarihan sa lahat - napasunod niya ang kalikasang wala namang buhay, napasunod niya ang mga demonyong wala namang kalayaan, tayo pa kayang mga pinalaya niya at binigyan ng bagong buhay. Paano ngayon tayo susunod? Una, kilalanin mo muna kung gaano kalaki ang kapangyarihan ni Jesus at kung gaano kalaki ang ginawa niya para sa iyo. Kung meron man sa inyo ngayon na hindi pa siya lubos na nakikilala, lapit lang kayo sa amin at ituturo namin sa inyo ang "The Story of God." Ikalawa, ikuwento mo sa kapamilya mo at kaibigan mo kung sino si Jesus, ano ang ginawa niya, at paano siya kumilos sa buhay mo. Dapat sana natural natin itong ginagawa. Pero dahil sa likas pa rin na pagkamakasarili ng puso natin, dapat magsanay tayo sa pagsunod. Kaya tayo may mga trainings kung paano ikuwento ang Story of God sa iba.

Ikatlo, turuan din natin itong mga kinuwentuhan natin kung paano namang sila ang magkukuwento nito sa iba. Ganito ang ginagawa natin. Kaya, pakinggan n'yo kung paano kumilos ang Diyos kapag tayong mga pinalaya na niya ay masaya namang sumusunod sa utos niyang ikuwento sa iba ang ginawa niya para sa atin.

A vision for the whole city

Isipin n'yong mabuti, try to imagine, kung ano ang mangyayari kung lahat tayo ay sanay nang ikuwento sa iba ang Story of God, at sabik na ikuwento sa iba kung ano ang ginawa ni Jesus para sa atin. Ang lalaki sa kuwento, natural doon muna niya sa bahay (kapamilya, kamag-anak) ikukuwento ang nangyari. Pero nakarating ito sa buong bayan. Hindi lang naman siya ang nagkuwento malamang, kundi iyong mga kinuwentuhan niya hanggang makarating sa lahat ang ginawa ni Jesus. Ang ipinapagawa lang naman sa atin ay ikuwento nang ikuwento sa iba. Last Wednesday, nang mainvite akong magbigay ng devotional message sa TSPI (isang NGO), nalaman kong ginagamit pala nila ang "The Story of Jesus" para sa discipleship ng staff nila at ng 185 branches nila nationwide. Kung magtitiyaga lang naman tayo na ibahagi ang salita ng Diyos sa iba - ishare sa Facebook, iplay ang audio ng story at ng sermon sa bahay, ikuwento sa iba ang ginawa ng Diyos sa buhay n'yo. Maghasik nang maghasik. Ang Diyos ang bahalang magpatubo. Basta tayo sumunod sa nais niya. Hindi na natin dapat problemahin kung sila ay susunod kay Jesus o hindi. Hindi na natin hawak iyon. Ang una muna nating tanong sa sarili natin, "Susunod ba ako kay Jesus na siyang Panginoon ng lahat?" O baka daig ka pa ng hangin at alon at mga demonyo?

You might also like