You are on page 1of 1

Magandang gabi/hapon/umaga pos a inyong lahat, ako po si Ate Angelita Riva ng PREX Batch 44 at ganito kop o sinagot ang

katanungang Sino ang pinaka mahalagang Katoliko sa buhay mo? Bakit?

- Namatay ang aking ina sa kanyang kaarawan noong March 22, 1952. Isang taon at sampung buwan pa lamang ako noon. Sa aming limang mag kakapatid na puro babae ako ang bunso. Kaya ang lola ko ang nag alaga sa akin hanggang sa sumapit ako sa gulang na 21. Hinubog nya ako sa pagmamahal sa kapwa, may takot sa Diyos, pagdarasal at pagsisimba upang maging tunay na Katoliko. Tinuruan din niya akong maging tunay na Kristyano sa pamamagitan ng 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. Pag respeto sa nakakaktanda Pag mamano sa kamay Pag sasalita ng po at opo Pagdarasal bago at pagkatapos kumain Magdasal bago umalis at pagdating sa bahay Huwag makihabilo pag may bisita Magdasal bago matulog at pagkagising sa umaga Higit sa lahat, magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang binibigay sa atin sa araw-araw.

Ang aking lola ang naging ina ko sa aking buhay ang pinaka mahalagang katoliko sa buhay ko. Siya ay si Mauricia Mendoza ang dakilang ina, ng aking inang yumao. Siya po ay namatay sa gulang na 98 bago ako mag graduate sa kolehiyo, January 17, 1972. Iyan po ang pagpapala ng panginoon sa aking buhay, upang maging katoliko ako. mabuhay po tayo sa pagka katoliko.

Maraming salamat pos a pakikinig ninyo sa akin

You might also like