Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword or section
Like this
1Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
A Time For Us

A Time For Us

Ratings: (0)|Views: 23|Likes:
Published by Jeza Adanza Buctot
Tagalog Online Pocketbook
Tagalog Online Pocketbook

More info:

Published by: Jeza Adanza Buctot on Nov 14, 2013
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

05/18/2015

pdf

text

original

 
A Time For Us
Chapter 1
Napanganga si Lenneth na tinitingala ang gusali na pinapatayo malapit sa kanilang lugar. Kasalukuyan pa lang silang naglalagay ng mga malalaking bakal para sa sahig at poste ng
pangalawang palapag, at sa tantiya niya’y nasa three thousand
square meters ang luwang ng gusaling iyon.  Tatlong buwan na mula nang umpisahan ang gusaling iyon, ngunit nung nakaraang araw lang nag-umpisang magtrabaho ang kanyang ama doon. Nagkasakit daw ang isa sa mga trabahador
kaya’t naghahanap sila ng ka
palit. Ayaw sana niyang payagan ito dahil kagagaling lang nito sa trangkaso, ngunit malubha kasi ang
sakit ng kanyang ina kaya’t kailangang
-kailangan nila ng pera.
“Lenlen?”
Napalingon si Lenneth sa isang mamang tumawag sa kanyang pangalan.
Palayaw niya iyon nung bata siya kaya’t
sigurado siyang kakilala niya iyon.
“Ay, tito Lambert, kayo pala.”
 Kapitbahay niya iyon at malapit na kaibigan ng kanyang ama. Ito ang nagrekomenda sa kanyang ama na mamasukan doon.
“Babaunan mong papa mo?” tanong ni Lambert sa kanya. “Opo,” sagot niyang lumapit sa mama.
 Nakatayo ito sa harapan ng gate ng binakurang construction site.
“Breaktime na po ba ninyo?” “Hindi pa.
 Maaga lang akong lumabas at may kukunin ako
sa bahay.” “Eh si papa?” “Nasa loob.
 Puntahan mo lang siya doon. Mag-ingat ka
lang at baka mabagsakan ka.”
Ngumiti si Lenneth.
“Opo.”
Hinintay niyang makaalis si Lambert bago siya pumasok sa construction area.
Pagpanhik pa lang niya’y naglingunan na sa
kanya ang mga trabahador. Hindi naman siya nahiya dahil kakilala niya halos lahat ng mga naroon.
“Mang Larry!” sigaw ng lalaking unang nakakita sa kanya.
 Si Johnson iyon, ang kilalang lasinggero sa kanilang barangay, pero mabait naman iyon at hindi nakikipag-away.
“Andito na’ng dalaga mo!”
 
 Mula sa kung saan ay nakita niyang lumabas ang kanyang ama na nasa ikalawang palapag ng gusali. Bumaba ito gamit ang kahoy na hagdan at lumapit sa kanya.
“Ba’t andami yata niyang dala mo?” tanong ng kanyang
ama.
“Sa akin po ‘tong isa.
 Sabay na po tayong kumain. Wala
akong kasama eh.” “Ba’t si mama mo?” “Nakatulog.
 Ayaw raw niyang k
umain.”
Bumuntung-hininga si Larry.
“Talaga yang nanay mo.
 Kaya hindi gumagaling eh.
Antigas ng ulo.” “Mang Larry!” sigaw ng isang lalaki na abalang nagpuputol
ng bakal. Iyon naman si Renato. Kilala rin sa barangay nila iyon dahil sa madalas na mala-armalite na bunganga ng asawa nun.
“Buti ka pa may nagdadala ng pagkain mo.
 Samantalang ako yung
misis ko madjong ang inaatupag.” “Aba, siyempre naman,” pagmamalaki ng kanyang ama.
 
“Palibhasa kasi yung mga anak mo puro mga barako.”
May mga ilang kalalakihang nagtawanan. May mga nakikiususero pala sa kanilang usapan. Nang biglang tumunog ang bell na hudyat ng kanilang lunch break. Nagsitayuan ang mga trabahador at nagsibabaan ang mga nasa itaas. Halos sabay-sabay ang mga itong nagtanggal ng helmet at nagpunas ng pawis, saka nagsipuntahan sa kinaroroonan ng gripo para maghugas.
“Doon ka na muna at maghuhugas
 
din ako,” anang
kanyang ama. Nang makaalis ito ay nagtungo siya sa isang tabi kung saan may isang mahabang bench na yari sa kahoy. Umupo siya doon at naghintay. Mula sa kinaroroonan niya ay nakita niya ang bulletin kung saan nakaguhit doon kung ano ang magiging itsura ng building kapag natapos na. Nagulat siya. Limang palapag pala ang taas ng building. Hindi niya maiwasang matakot na baka mahulog ang kanyang ama kapag umakyat ito sa
itaas, lalo na’t may edad na ito.
 Tinitigan niya ang larawan ng ilang sandali. Mukhang isang malaking kompanya nga talaga ang tatayo doon. Pag-aari iyon ng kilalang milyonaryong si Severino Fajardo. Habang naghihintay ay binasa niya ang mga nakasulat sa design. Naroon ang pangalan ni Severino bilang may-ari. Andun
 
rin ang engineer, ngunit ang nakakuha ng pansin niya ay ang architect nito.
“Architect Darian Fajardo,” pabulong niyang binasa ang
pangalan. Anak siguro iyon ni Severino. Naagaw ang atensyon ni Lenneth ng isang lalaking nakayuko pa rin sa ikalawang palapag at pinapahigpitan ang turnilyo ng mga malalaking bakal.
Nakasuot ito ng helmet kaya’t
hindi niya masyadong makita ang mukha nito. Napakatahimik nito at para bang iisa lang ang focus ng mga mata.
Kaiba sa karaniwang mga karpintero na payat o kaya’y
malaki ang tiyan, maganda ang pangangatawan ng lalaking ito. Kahit naka-t-shirt ay halata ang muscles nito sa mga braso. Parang hindi pa niya ito nakita. Malamang ay taga-ibang lugar.
“Anong tinitignan mo dyan?” “Ay!”
 Nagulat si Lenneth nang napansing nasa tabi na pala niya ang kanyang ama. Nang sundan nito ang kanyang tingin at ngumiti ng makahulugan sa kanya ay batid niyang nabuko nito ang kanyang tinititigan.
“Oy, iho!” sigaw ni Larry sa lalaki.
 
“Tama na yan.
 Kumain
ka na muna.”
Lumingon sa kanilang direksyon ang lalaki, at para bang nagulat si Lenneth nang makita ang mukha nito. Bata pa pala ang lalaki ito at parang kaedad lang niya. Hindi niya sigurado ngunit parang napatingin ito sa kanya at tinitigan siya ng ilang sandali. Maya-
maya’y wala itong imik na ipinagpatuloy ang trabaho na para
bang walang narinig.
“Papa, ba’t di ka niya pinansin?” tanong niya sa ama.
 
“Mukhang masama ang ugali niyan.”
Umupo si Larry sa tabi niya at binuksan ang baunan.
“Hindi naman.
 Bago lang kasi siya dito gaya ko kaya siguro nahihiya pa, pero masipag namang magtrabaho. Masyado nga lang tahimik. Balita ko kasi naulila na raw yan eh. Kailan lang daw namatay nanay niyan. Kaya dinala ni boss Fajardo dito para
tumulong.”
Nakangangang tinitigan ni Lenneth ang lalaki.
“Ay ganun?
 Kawawa naman pala siya. Nalulungkot siguro siya kaya hindi
nagsasalita.”

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->