Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
18Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Wikang Filipino

Wikang Filipino

Ratings:

5.0

(1)
|Views: 6,190 |Likes:
Published by jajapollard03

More info:

Published by: jajapollard03 on Aug 13, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/13/2013

pdf

text

original

 
Gaano nga ba kahalaga ang lugar ng Baler sa kasaysayan ng ating bansa? At paano natin itomaiuugnay sa Wikang Filipino? Mahirap isipin subalit kung ating susuriin ang libro ngkasaysayan ay malaki ang naitulong nito sa pag-unlad ng Wikang Filipino.Ang Baler ay isang maliit na lugar sa Tayabas na siyang sinilangan ng Ama ng WikangPambansa sa katauhan ni Manuel Luis Quezon. Mula sa lugar na ito ay nagsimula ang pagsisikapng mga Pilipino na makamtan ang tunay na kapayapaan ng bawat isa.Sa murang edad ay naranasan niya ang kalupitang dulot ng karahasan matapos tambangan at patayin ang kanyang ama at kapatid ng armadong kalalakihan dahil sa kanilang katapatan saPamahalaang Espanyol. Ang karahasan ay hindi naging hadlang upang maipagpatuloy nito angkanyang pag-aaral. Sa pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano ay ipinakita nito ang pagmamahal sa bayan matapos umanib sa kilusang rebolusyonaryo na pinamumunuan ni EmilioAguinaldo.Sa pagtatapos ng Digmaan ay pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral hanggang makatapos ngabogasya at maglingkod sa gobyerno hanggang sya ang maging piscal ng Mindoro at dikalauna’y naging piscal ng Tayabas. Dito ay wala syang inuurungan maging ang pinakaimpluwensiyal na abogado at manlilimbag. Noong panahon na yun ay nasampahan nya ito ng 25kaso ng estafa hanggang sya ay tuluyang magbitiw sa kanyang tungkulin.Matapos ang kanyang pagbibitiw ay nanatili pa rin ang paglilingkod nya sa kanyangnasasakupan matapos iyong mahalal bilang Konsehal at kalaunan ay bilang Gobernador ngTayabas. Dito nagsimula ang pagkikipaglaban nya sa kapakanan ng mga Filipino hanggangmaiuwi nya ang Batas Jones na siyang kumikilala sa kasarinlan ng Pilipinas.Pumaimbulog pa ang pangalan ni Quezon sa larangan ng pulitika sa bansa, siya ay nahalal bilangSenador at naging Pangulo ng Senado, kinalaban ang mga malalaking tao at ipinaglaban angkatauhan ng mga Filipino hanggang siya ay maging Pangulo ng Bansa. At dito ay dineklara nyaang Wikang Tagalog ang magiging Pambansang Wika ng mga Pilipino.Ang Baler ay maituturing nating isang tuldok sa mata ng bawat isa subalit ito ang nagbigay saatin ng kalayaan, kapayapaan at pagkakaisa upang makamit natin ang tagumpay na siyangnaghatid sa atin upang maunawaan kung ano ba ang kahulugan ng isang buhay. BUHAYFILIPINO.
 
Wika ng Karunungang Filipino
Tuwing ipagmamalaki ni Senador Blas F. Ople ang kahalagahan ng wikangpambansa, malimit niyang banggitin ang naging pangangailangan sa isangShakespeare upang kilalanin ang Ingles, sa isang Dante upang maging wikang buong Italya ang wika ng kanyang Commedia, o sa isang AlexanderPushkin upang igalang ang wikang Ruso sa kaniyang bansa. Tagapagdiin siyang paniwala na napakalaki ng tungkulin ng dakilang mga akda tunggo sapaggalang at pagtanggap sa isang wikang katutubo upang piliing wika ngisang bansa mula sa hanay ng kalipunan ng iba pang wikang katutubo. Itohalimbawa ang saloobin ng kaniyang pahayag na Chaucer ng Tagalog siBalagtas.Kung sa bagay, panitikan ang pinakasukdulang patotoo ng pag-unlad ngisang wika. At tiyak na masasabing inihatid ni Francisco Balagtas ang wikangTagalog sa isang karurukan, sa pamamagitan ng 'Florante at Laura.'Ginampanan niya sa wikang Tagalog ang paglilingkod ni Chaucer sa wikangIngles. Katulad ni Chaucer, ang mahusay na pagkasulat ni Balagtas saFlorante at Laura ay makatatawid sa lahat ng balakid at mga suliranin ngwikang Tagalog.Gayunman, alam natin mula sa kasaysayan ng mga wikang pambansa sabuong mundo na may iba pang mga kondisyon at pangangailangan upanglubusang tanggapin at lumaganap ang isang wikang pambansa. Isa dito angpagiging wika sa makapangyarihang mga larang ng lipunan. Totoo na kahitpagkatapos ni Balagtas ay maraming sumunod pang mga dakilangmanunulat, mula kina Bonifacio, Jacinto hanggang kina Lope K. Santos, JoseCorazon de Jesus, Hermogenes Ilagan, Julian Cruz Balmaseda, Iñigo Ed.Regalado, at napakahabang listahan na luminang sa Tagalog bilangmakabuluhan at mabisang wika ng panitikan. Ngunit hindi sila binabasa ngmga mayayamang negosyante at makapangyarihang mga politiko.Nagdedebate sa Ingles ang mga mambabatas sa Kongreso at nililitis satulong ng Ingles ang mga kaso mula sa pinakamababa hanggang sa kataas-taasang hukuman ng Filipinas. Hanggang ngayon, Ingles ang namamayaningwika ng karunungan. Maliban sa mga aklat sa pagtuturo ng Filipino ataraling panlipunan, nakasulat at pinag-aaralan sa Ingles ang mga textbuk samataas na antas ng edukasyong Filipino.Ito ang realidad na laging inuukilkil ni Dr. Bonifacio Sibayan upang lagingibimbin ang kaniyang propesiya sa totohanang pagkilala sa Filipino bilangwikang pambansa. At ito rin ang pangunahing sandata ng mga Ingleseroupang ipagmalaking mahirap mapantayan man lamang ng wikang Filipino
 
ang tungkulin ng Ingles sa lipunang Filipino. Hanggang di nagbabago angsitwasyon, alinsunod sa analisis ni Dr. Sibayan, hindi dapat madaliin angpagsasa-Filipino ng pagtuturo. Sa halip, dapat pang hintayin ang mahabangpanahon upang matupad ang kanyang hula na magtatagumpay ang Filipinopagkatapos ng isang siglo na kung sisimulan sa 2000 ay nangangahuluganng katuparan sa 2100.Para sa mga tulad ni Dr. Sibayan, dapat nang matuwa ang mga makawikangFilipino sapagkat sandaang taon na lamang ang dapat ipaghintay bago silamagtagumpay.Ngunit may ipokrisya sa likod ng naturang propesiya. Ipokrisya itong tahimiksa hanay ng mga politiko at edukadong nagkukunwaring hindi kaaway.Ipokrisya itong talamak sa hanay ng mga politiko at edukadongnagkukunwang hindi kaaway ng wikang pambansa. O kung tutuusin, ito angipokrisya ng buong burukrasya at mataas na lipunang nais lumitaw na hindisumasalungat sa tadhanang pangwika ng Konstitusyong 1936 hanggangKonstitusyong 1987 bagaman higit na makiling sa pananatili ngkasalukuyang kalagayan dahil sa higit na makikinabang sa patututuloy napananaig ng Ingles. At mga edukadong ito ang patuloy na nagsasabing hindisapat ang kahandaan ng sambayanan para sa Filipino samantalangibinabandila ang pakinabang sa Ingles.Kaya't maitatanong: Ano ba ang kanilang ginawa upang malunasan angsinasabi nilang limitasyon ng wikang Filipino? Ano bang programa angitinaguyod ng tulad ni Dr. Sibayan upang mapabilis ang hinuhulaan niyangpanahon ng transisyon mula sa status quo tungo sa malawakang paggamitng wikang Filipino? Ano bang dagdag na badyet ang idinulot ng mga politikobilang wika ng akademya?Umunlad ang Filipino at patuloy na lumaganap, ngunit sa kabila ngkawalang-malasakit ng mga opisyal ng pamahalaan at pagwawalang-bahalang mga mayaman, makapangyarihan at nakapag-aral sa Filipinas. Kungnaging dibdiban ang pagplaplanong pangwika sa likod ng Surian ng WikangPambansa (o ng Komisyon sa Wikang Filipino ngayon) at kung nagkainteresman lamang ang mga opisyal ng DECS at CHED upang linangin ang wikabialng wika ng akademya, marahil higit na malayo na ang pagsulong attagumpay ng wikang pambansa.
Filipino sa U.P.
May mga progresibong palantandaan sa Unibersidad ng Pilipinas. Ditolamang may maipagmamalaking Patakarang Pangwika na tumatangkilik sawikang Filipino at inaprobahan ng Board of Regents nito noong 1989.

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->