• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
PambungadHindi karaniwan ang ipinapagawa sa akin sa talumpating ito. Kadalasan, angespiritwalidad ang nauuna, ang siyang pinagbabatayan ng ating pilosopiko atkultural na pananaw sa mga bagay-bagay, sa katalagahan. Subalit, ayon sa tema ngkombensiyong ito, "pagsasabuhay ng tunay na espiritwalidad sa pamilyang Pilipino,"ipinapalagay na meron ngang hindi tunay na espiritwalidad sa pamilyang Pilipino.Marahil, dala ito ng ebolusyon ng pamilyang Pilipino, pagbabago mula sa sinaunangpamilya tungo sa modernong pamilyang Pilipino. At kaya, kasangkot ang kultural naaspeto, "kultural" sa kahulugang ang kultura ay nagbabago at umuunlad. At pumasoksa lahat ng ito ang pilosopiya ng pamilya, ang pagmumuni-muni sa kabuoan atkahulugan ng pamilya.Samakatwid, layunin ng talumpating ito ang mga sumusunod: 1) ang paghahanap ngtunay na espiritwalidad sa pamilyang Pilipino; 2) ang pagtuklas ng mganananatiling halaga sa pamilyang Pilipino sa gitna ng mga pagbabago; at 3) angpagbuo ng pilosopikong batayan mula sa tunay na espiritwalidad at mga halagangnasa pamilyang Pilipino.EspiritwalidadAng espiritwalidad ng tao ay galing sa kanyang pagkatao. Naiiba ang tao sahayop ayon kay Max Scheler dahil meron siyang espiritu na ang kinaroroonan ay angpersona. Tatlo ang katangian ng pagka-espiritu o pagkapersona o pagkatao ng tao:ang kamalayan ng sarili (alam ng tao na alam niya o hindi niya alam samantalangang hayop ay kaya lamang umalam o mag-isip); ang kakayahang kumuha ng mga "ganito"(thusness) mula sa mga "ito" (thisness) o ang kakayahang mag-abstraksyon; at angpagiging ens amans o umiiral na nagmamahal. Para kay Scheler, ang pagmamahal (atpagkapoot) ang pangunahing kilos ng tao bilang tao.Naiiba ang pagmamahal sa pagkapoot, ayon kay Scheler, sa tinutunguhang mgahalaga. Nagsisimula ang pagmamahal sa pagpapahalaga sa isang halaga ngunit sapagkilos nito natutuklasan at pinapahalagahan ang higit na mataas na halaga,patuloy ang pagtubo hanggang sa makarating sa pinakamataas na halaga, ang halagangbanal. Kabaliktaran naman ang pagkapoot: nagsisimula sa isang halaga, ngunitpatugo sa mas mababang halaga.Ang pamilya, ayon naman kay Karl Marx sa interpretasyon ni Jurgen Habermas, aybatay rin sa pagkatao ng tao. Isinilang ang tao mula sa mga primates nang saebolusyon ng paggawa naimbento ang kasangkapan (tools) at nagkaroon ng pamilya angtao. Sa katunayan, walang pamilya ang hayop; nagsimula ang homo sapiens nangnagkaroon ng ugnayan ng mag-asawa, mag-ama, mag-ina, at ang mga katumbas natungkulin.Ano ngayon ang kahulugan ng espiritwalidad ng tao, ng pamilya?Masasagot natin ito sa pagsasalarawan muna sa pinakamataas na halaga, anghalagang banal. Ano ang larawan natin ng Poon? Ang larawan natin ng Poon aynagpapahiwatig ng ating ugnayan sa Kanya. Kung ang larawan natin ng Poon ay isangkaibigan, ganoon din ang ugnayan natin sa Kanya, isang ugnayan ng pagsasamahan,pagbabahagian ng kasayahan at kalungkutan. Kung ang larawan natin ay isangtagahatol, ang ugnayan sa Kanya ay may takot at pangamba, na may magagawa akongmasama at mapaparusahan Niya.At ang ugnayan natin sa Poon ay may pagkakatulad sa ugnayan natin sa kapwa.Kung ang Poon ay kaibigan, ang turing ko sa kapwa ay kaibigan din. Kung ang Poonay tagahatol, mapaghatol naman ako sa kapwa o maingat ako sa pakikitungo ko sa
 
kapwa dahil maaari akong mapaghatulan.Ang espiritwalidad kung gayon ay walang iba kundi ang pagsasabuhay natin salarawan ng Poon, ang pagganap natin sa ating buhay ng larawan ng Poon. Hindinangangahulugan ang espiritwalidad ng pagsimba, pagrorosaryo, o pagnonobena lamangbagaman bahagi ito ng buhay-espiritwal. Ang tunay na espiritwalidad ay angpagtugon natin sa tawag ng Poon sa ating buhay, at ito'y hindi hiwalay sa ugnayannatin sa ating kapwa.Ano ngayon ang larawan ng Poon ng pamilyang Pilipino? Dalawa ang larawan ng Poon sa pamilyang Pilipino: ang Nazareno at ang SantoNino. Ano ang isinasagisag ng mga larawang ito?Ang Nazareno ay si Jesus na nagdurusa sa krus dahil sa kasalanan ng tao upangmailigtas tayo, dahil mahal Niya tayo. Ang Poon ay tagapagligtas, nagdurusa dahilsa pagmamahal Niya sa atin. Pansinin ang pagbigay-diin ng ating kultura sa Jesusna nagmamalasakit kaysa sa Jesus na nabubuhay muli. Ang espiritwalidad ng atingpamilyang Pilipino ay ang pagasasabuhay ng nagmamalasakit na Poon sa pamamagitanng pagdadalamhati ng kahirapan ng bawat miyembro ng pamilya. Sa pamilya tayotumatakbo sa panahon ng kahirapan at kagipitan. Sa pamilya tayo nakakatagpo ngpag-uunawan at pagtanggap sa isa't isa.Kasabay naman sa Nazareno ay ang Santo Nino. Kaiba-iba sa Nazareno ang SantoNino, ang batang Jesus na kadalasan dala ang bilog na mundo, at iba't iba angkasuotan. Ang Sto. Nino ay regalo ng mga Kastila kay Haring Humabon, at mula noonnaging bahagi ng ating kultura. Pansinin na kahit sa pamilyang Pilipino na nag-iibang bayan ay dala-dala ang imahen ng Sto. Nino. Ano ang Poon sa imahen ng Sto.Nino? Hindi kaya sagisag ito ng katangian ng Diyos--na katangian din ng bata--nabukas sa lahat, bukas sa tao, kahit sino ka man? Hindi ba ganoon din angespiritwalidad ng pamilyang Pilipino: ang pagiging bukas-palad, ang pagigingmagiliw sa panauhin?(Kung babalikan natin ang tradisyon na pinanggalingan ng Kristiyanismo saLumang Tipan, hindi ba itinuturing ng mga Hudyo na malaking kasalanan sa Diyos angpagtanggi sa isang estranghero sa tahanan?)Subalit, saan nanggagaling ang ganitong espiritwalidad ng pamilyang Pilipino?Totoo nga ba na iba na ngayon ang pamilyang Pilipino, na ito'y humihina na angespiritwalidad?Ang mga Halaga sa Pamilyang PilipinoMaraming pangyayari ang nagpabago sa pamilyang Pilipino mula sa tradisyonaltungo sa moderno: politiko, ekonomiko at media. Sa larangan ng politika, nandiyanang mahabang kasaysayan ng kolonyalismo at ang dalawang dekada ng diktadura. Saekonomiya, naririyan ang pag-usbong ng industriyalisasyon, ang unti-untingpagreporma ng sistemang pagsasaka, at higit sa lahat ang malaking agwat sa pagitanng mayayaman at mahihirap. At sa media, ang pagkalat ng radyo, telebisyon ,pelikula, pahayagan. Lahat ito at iba pa ay may epekto sa pamilyang Pilipino.Mangangailangan tayo ng mahaba at malalim na pananaliksik sa pampolitiko,pang-ekonomiko, at pangkomunikasyong impluwensiya sa pamilyang Pilipino. Sapat nasiguro sa talumpati na ito na isalarawan ko ang kaibahan ng tradisyonal atmodernong pamilyang Pilipino. Makikita pa rin natin ito sa kaibahan ng kanayunanat kalunsuran, dahil sa bayan natin tila naiiwanan sa pag-unlad ang nayon salunsod.
 
Ang tradisyunal na pamilyang Pilipino ay nakaugat sa trabaho ng tatay,kadalasan sa pagsasaka kundi man sa negosyo. Ang ginagawang hanapbuhay ng ama ayipanapasa sa mga anak, kung kaya't nagkahalo-halo ang ugnayang personal atpungsyonal. Itinuturing na "amo" ang ama, kaya't mahalaga rito ang pagigingmasunurin sa lahat ng kagustuhan ng ama, pati na rin ang mapangasawa ng anak, namadalas isinaalang-alang ang kayamanan ng mapangasawa. Inaayon na rin ang uri atnibel ng edukasyon sa pangkabuhayan ng pamilya.Ano ang papel na ginagampanan ng ina sa tradisyunal na pamilyang Pilipino?Siya ang maybahay: siya ang nagluluto, naglilinis, nag-aalaga ng sanggol--gawaingpambahay, mahalaga ngunit suporta lamang sa hanapbuhay ng lalaki.Nakaugat sa isang lugar ang tradisyunal na pamilyang Pilipino, sa lugar namismong pinagtatrabahuan o malapit dito, kaya't may pagkapermanente angtinitirahan. Sa gabi, nagkakasama-sama ang lahat sa hapunan at pagrorosaryo opagdarasal ng angelus.Sa modernong pamilyang Pilipino nahihiwalay ang trabaho sa pamilya.Namamasukan ngayon ang ama sa isang pabrika o kompanua na maaring may kalayuan satahanan. Ang mga anak ay hindi kailangang sumunod sa trabaho o propesyon ngmagulang. Ang trabaho ay nagiging pungsyonal, hindi hinahaluan ng personal, atnaiwan ang personal sa ugnayan ng pamilya. Subalit, madalas wala sa tahanan angmga miyembro ng pamilya dahil sa kani-kanilang mga pinapasukan na trabaho namalayo sa tinitirhan.Ang edukasyon ng mga anak ay hindi kailangang iayon sa hanapbuhay ng mgamagulang. Maaring pumili ng sariling karera ang mga anak ayon sa hilig at talinonila upang makapagsarili sila at makabuo na rin ng pamilya.Ang maybahay naman ay hindi rin kailangan maiwan sa bahay dahil may katulong oyaya na makakagawa ng trabaho rito. Ang ina ngayon ay maari na ring maghanap ngkanyang trabaho, pandagdag ng kita o di kaya'y dahil sa interesado siya sa kanyangpropesyon.Makikita natin ang modernong pamilya ng Pilipino sa lungsod ng Maynila o Cebu,dahil nasa lungsod ang mga oportunidad ng trabaho, ang pag-unlad sa propesyon, atang iba't-ibang libangan. At dito pumapasok sa pamilyang Pilipino ang diwangkompetisyon, pagnanasa sa mga materyal na bagay at aliw ng katawan.Nawawasak na nga ba ang pagkakakaisa ng pamilyang Pilipino sa modernongpanahon? Nawawala na nga ba ang paggalang at pagiging masunurin na anak samagulang? Nasisira na nga ba ang pagkarelihiyoso ng pamilyang Pilipino?Sa ganang akin, hindi. May nananatiling mga halaga sa pamilyang Pilipino sagitna ng mga pagbabago, bagaman naiiba ngayon ang kanilang pagsasakatawan. Apatang nakikita kong mga halaga sa pamilyang Pilipino: ang pagkakaisa at harmoniya,paggalang sa nakakatanda, utang-na-loob, at relihiyon.Ang pagkakaisa at harmoniya sa pamilyang Pilipino ay nakikita sa pagtutulunganng mga miyembro ng pamilya, sa pagbibigayan ng suporta sa isa't-isa, materyal ohigit pa sa materyal na bagay. Sa pagtutulungan at pagbibigayang ito natatagpuanng Pilipino ang kanyang seguridad. Sa pamilya siya't tinatanggap sa kanyangpagkatao. Kung may away o di-pagkakaunawaan man, ito'y inaayos sa mahinahongparaan, sa pakikiramdaman. Sa kasalukuyang panahon, maaring madalang ang samahanng pamilya dahil sa abala sa kanya-kanyang gawain. Subalit, ang kakulangan ngpanahon ay natutumbasan sa kalidad ng mga ritwal sa Linggo, sa mga pagdiriwang ngkaarawan, binyag, kasal, atbp.
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...