LA CONSOLACION COLLEGEGraduate SchoolMARY JANE A. MANGLAR GNG. EDNA D. FREGILTaga – ulat Propesor FILIPINO 201ANG LITERATURA SA KASALUKUYAN A.Kaligirang Pangkasaysayan :Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na Nawala rin ng may labing-apat na taon.Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 Nito ay namayani ang tinatawag na “People’s Power” o “Lakas ng Bayan.”Lumabas ang ganda ng pag-uugaling Pilipino. Muling nasilayan ang pag-Tutulungan,pagmamalasakitan,pagkakaisa,pagbibigayan,pagkamatiisin,pagigingMakaibigan,pananalig sa Panginoon,pagmamahal sa bayan,pagsunod sa batas, pag-unawa sa kapwa, at marami pang iba na iisa ang tibok ng mga puso,iisa angpulso,walang rehiyon,walang relihiyon,marunong man o mangmang,mayamanman o mahirap.Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring Pilipino…. Ang mga Pilipi-Nong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sari-Ling bansa hindi lamang sa salita kundi sa tunay na gawa.B.Ang Literatura ng Panahon ng EDSA :Bagama’t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Repu-blikang Pilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At angmga pagbabagong ito ay madarama na sa mga ilang mga tula,awiting Pilipino,samga pahayagan,sa mga sanaysay at talumpati,at maging sa mga programa sa tele-bisyon.C.Panulaan, Maikling Kuwento, Dula at Dulaan :Ang mga tula na naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ngTunay na damdamin ng mga makata,ang tuwirang pagpuri sa mgananunungkulang nakagagawa ng kabutihan sa bayan at panunuligsa naman sa mgatiwali ang gawa.Ilang halimbawa ng mga tula :1.Giting ng Bayan - ni Francisco Soc. Rodrigo2.Himala ni Bathala - ni Francisco Soc. RodrigoMga Tula mula sa isang mamamahayag :1.Lumaya ang Media - hango sa Taliba,Abril 16,1986
Add a Comment