You are on page 1of 6

Ang Buwan ng Wika ay isang selebrasyon na

ipinagdiriwang taun-taon. Ang selebrasyong ito ay isang


paraan ng pagbibigay-pugay sa Wikang Filipino bilang
Wikang Pambansa.

Binigyan ito ng tuon sa pamamagitan ng pagdaraos


ng programa na nilalahukan ng mga guro't estudyante.
Dito naipapakita ang iba't ibang patimpalak na
naglalayong maipapakita ang mga talentong taglay ng mga
mag-aaral.

Ang temang "Maraming Wika, Matatag na Bansa,"


ang siyang nagbigay kahulugan sa pagdiriwang.

Ang unang bahagi ng programa ay sinimulan ng isang


doxolohiya na sinundan ng pagkanta ng Lupang Hinirang
at Sagay Hymn na pinangunahan ni Paulyn Barrientos.

Nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita si


Gng. Bella Balandra, puno ng Department ng Filipino.
Nagbigay rin ng isang mensaheng puno ng inspirasyon si
Gng. Ma. Theresa Q. Bingcang, punong guro. Sinundan ito
ng isang nakakabighaning sayaw mula sa Balangaw Dance
Troupe. Matapos ang sayaw ay nagsimula ang ikalawang
bahagi.

Sa ikalawang bahagi ng programa masaksihan ang


iba't ibang patimpalak. Bago ito sinimulan ay binasa muna
ni Gng. Jonnah Gargarena ang mga batayan sa iba't ibang
kategorya na sinundan ng pagpapakilala ni G. John Bernal
sa mga inampalan.

Nauna ang paligsahan sa pag-awit. Sinundan ito ng


Doble Kara at ng paligsahan sa makabagong sayaw.
Meron isang kinatawan ang bawat taon. Naipamalas dito
ang galling ng mga mag-aaral sa larangan ng pag-awit,
pagsayaw at pagpapatawa.

Nagwakas ang programa sa pagpapahayag ng mga nanalo sa


bawat kategorya na isinagawa ni Gng. Bella Balandra.

Sa pamamagitan ng programang ito ay naipapamalas ang


pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa mga talentong bigay ng ating
Panginoon. Natututunan din dito ang tamang pag-uugali na dapat
taglayin ng mga nanalo at natalo sa patimpalak at higit sa lahat
nabaliktanaw na naman nating muli ang mga kulturang taglay
nating mga Pilipino lalo ang pagpapahalaga ng ating sariling wika
ang Wikang Filipino.

Taun-taon ay ipinagdiriwang ng paaralan ang pagkakaroon ng


sariling wika at ang katatagan ng Filipino bilang isang pambansang
wika. Nagbabalik-tanaw tayo sa mga panahong nagpaunlad at
nagpatibay sa ating wika. At isa sa mga programang nakatuon sa
pagpapaunlad nito ay ang Tagisan ng Talino sa Wika at Panitikan.

Alinsunod sa DepEd Memorandum Blg. 265, nagkakaroon ng


Tagisan ng talino sa Wika at Panitikan. Ang Departamento ng Filipino
ang siyang nangunguna sa pagsasangkatuparan ng paligsahang ito.

Ang tema ng pagdiriwang ay "Maraming Wika, Matatag na Bansa".


Mayroong tatlong kategorya ang isinagawang tagisan: ang tagisan ng
talino, talumpatiang di-handa at malikhaing pagsulat. Ang mga nanalo
sa bawat kategorya ay ang magiging kalahok ng paaralan sa Rehiyunal
na Tagisan sa wika at panitikan.

Mula sa iba't ibang taon ang mga kalahok sa paligsahan. Sa tagisan


ng talino, nagkaroon ng tatlong uri ng katanungang mayroong
kaukulang puntos: madali (1 puntos), katamtaman (2 puntos), at
mahirap (3 puntos). Nanguna sa kalagayang ito si Venice Marie
Hulleza mula sa ikaapat na taon.

Sumunod naman ang malikhaing pagsulat kung saan binigyan ng 20


minuto ang mga kalahok upang sumulat ng isang sanaysay. Nanguna si
Rostelyn Joy Quiambao sa kategoryang ito. Huli ay ang talumpati ang
di-handa kung saan binigyan ng 7 minuto ang bawat kalahok para sa
paghahanda at 3 minuto para sa talumpati. Muling nanguna si Venice
Marie Hulleza rito.

Hindi lamang kompetisyon ang nakita sa paligsahan. Marami ring


natutunan ang mga kalahok mula rito. Sa pamamagitan ng Tagisan ng
Talino sa Wika at Panitikan ay mas lalong napabuti ang kakayahan ng
mga mag-aaral upang kanilang mapaunlad ang wikang kinagisnan- ang
wikang Filipino.

You might also like