Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
2Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
ISANG MILYONG HAPUNAN

ISANG MILYONG HAPUNAN

Ratings: (0)|Views: 202|Likes:
Published by glenda
Tula ng Katotohanan Para sa Lahat ng Pilipino
Tula ng Katotohanan Para sa Lahat ng Pilipino

More info:

Published by: glenda on Oct 03, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

04/09/2014

pdf

text

original

 
ISANG MILYONG HAPUNANNi Bb. Glenda C. Pon-anSeptember 14, 2009
Ang tulang ito ay naisulat upang imulat ang taong-bayan sa isang talamhakat bulgar na katiwaliang umiiral sa ating lipunan…..
Sa bawat subo, sa bawat lunok ,magkano kaya ang halaga,Sa isang marangyang kainan sa bansang Amerika?Isang milyung hapunan o sadyang napakamahal yataHabang kaydaming mamamayang gutom wala nang hininga.Nang napanood ko sa Telebisyon ang ganitong balita,Naaantig ang puso ko, pinupukaw ng gunita,Bumalik ang katotohanang sinaksihan ng aking diwa,Nang mapadpad ako sa isang paaralang binalutan ng pagkadukhaBaryong malayo, magsasaka’t katutubo aking nakasalamuha,Mga batang gutom, nag-aaral kahit walang laman ang sikmura.Kayo, tulungan nyo akong masagot mga tanong ng aking puso.Paano bang matututo kung karamiha’y tuyo’t kanin lang angsinusubo?Paano bang maging matalino kung hanggang kamote’t saginglang ang kayang iluto?Paano bang papasa sa NAT kung sustansya ng pagkainhanggang sa bibig lang ng guro?At paano bang, ah ang daming paano? Huwag na lang, bakakayo mapasubo.Balik na lang tayo sa kasalukuyan,Lakbayin ang syudad at saksihan ang katotohanan.Pero ganoon din naman ang dami kong nababalingan,Pinipilit kong maging bulag sa bulong ng kamalayan,Ngunit budhi ng aking puso’y dinidilat nang masilayanIba’t ibang anyo na aking natunghayan. Yong pulubing palagi kong nadadaanan, sa may labas ngCentral High School,Ang mga tinakasan ng katinuan , sa Mental Hospitalnakadungaw may binubulong,Nag-aagawan at namimilit ang mga Bajao sa paghingi ngtulong,Nagsusumikap naman ang mga batang lansangan makakuhang pantawid gutom.
 
At napansin nyo ba? Ang bangketa’y ginagawa na rin ngayongmansyon?Marami pa sila, napakarami pa, at maaring dadami pa sadarating na mga taon.Ah, ang dami kong nakikita, kung sinu-sino pang nasalansangan,Nasa labas ng karinderya, pagkaing tira’y inaabangan,May naghuhukay rin ng basura, Wow Jollibee ! baka ngamayroon pang laman.Minsan , mabuti ‘t nasikmura ko pang makakain habangaking napagmasdan,Sa harap, sa labas ng fastfood, aninag ko sa salaminpulubing kabataan.Ang dami kong katanungan, tulad nyo rin kung ano bangdahilan?Bakit ba, bakit ba sila nagkaganyan?Pero wala akong karapatang sila ay husgahan.Maaring ito nga ang larawan ng kahirapan,Bunga ng mga sikmurang naghahanap ng lamanAt maghintay na rin sa bunga ng panawaganNg mahal nating pinuno ng bayan?“ Magtiis at magtipid nang ekonomiya’y yumaman,Darating ang araw, walang nang magugutom sabawat tahananKung kumain man kami, ng isang milyong hapunan,Katumbas naman nito’y mga negosyantengdayuhan,May mauutangang puhunan, sa pag-unlad ng atingbayan.”Ha,ha,ha……sige, maghintay tayo nang maghintay ,Huwag lang tayong magpakabusog sa kasakiman,Huwag lang tayong kumain ng nakaw,Huwag lang tayong umasang mabuhay sa dipinaghirapan,Huwag lang tayong umabuso sa posisyong hinawakan,At huwag tayong mamamatay na maraming masisiyahan.

Activity (2)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->