• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
MARAMING SALAMAT MULI
Ni Alfonso Sujeco
Paglabas ni Victor sa opisina pagsapit ng alas-singko ng hapon, nagulat pa siyanang makita ang kaibigan.“Lino, long time no see!” bati niyang may pananabik. “Kumusta ano ba’ng lagay?”“Eto, gaya rin ng dati,”iginanti ni linoMagkasabay silang humakbang, patungo sa tigilan ng bus. Araw ay ditto nag-aabang si Victor sa Bus Liner 303 na kanyang sinasakyan, pauwi sa kanilang bahay saValenzuela, Bulacan. Kaya alam na alam ng asawang si Elisa ang oras ng kanyangpagdating na tumatagal ng may isang oras na biyahe.“napasyal ka, may sadya ka ba?” mapalagay na tanong ni Victor.“Matagal na tayong hindi nakikita, kaya inisip kong sorpresahin ka at baka akalainmong nakalilimot na ‘ako,” ani Lino, pagaw ang boses. Sa tingin ni Victor, ang kaibiganay parang tumanda, pumayat sa rati, buhat nang muling magkita sila dalawang taon naang nakalilipas. Tumigil sila sa paghakbang.“Maaga pa naman, bakit hindi kita magkape muna sa kantinang ‘yanmagkabidahan sandali,” alaok ni Lino at ang malapit na C
offee Shop.
Saglit na sinangguni ni Victor ang orasang pambisig at nakatawang tumango.“Bakit hindi, tena kung gayon,” at magkasabay silang pumasok sa kapihan. Baka nganauuhaw ang kanyang kaibigan.Pag-upo nila sa mesang malapit sa pinto, natanaw ni Victor ang Bus Liner No. 303na dahan-dahang tumigil, nagsakay ng mga pasahero at muling tumakbo. Sa susunod nabiyahe na siya masasakay, na kalahating oras ang pagitan.Sa pagitan ng paghigop ng kape at paghitit ngg sigarilyo, ang nakaraan sa kanilang kaibigan ay muling nabuhay. Hindi makalimutan ni Lino na siya ay tinulungan niVictor nang matanggal sa pinapasukan, at maipasok sa isang opisinang may mabuti-buting puwesto. Kung paanong si Victor ang umako sa pambayad sa ospital nang siludiing na asawa ni Lino ay managing ang bushy sa pagsisilang.“Hindi ko makakalimutan ang lahat ng kagandahang loob na itinulong mo sa ‘min,Vic”, pagwawakas ni Lino sa kanilang pagg-uusap. “Maraming salamat uli sa iyo.Hinangad kong Makita ka. . . . masabi man lamang na hindi ako nakalilimot sa ‘kingkaibigan.”
 
Nakatawang tumayo si Victor, matapos bayaran ang kanilang nakain. “Angnaitulong ko’y maliit na bagay lamang, ang mahalaga sa ‘kin ay an gatingpagkakaibigan,” masayang turing niya habang palabas sila sa kapihan.Sa bangketa, sa tigilan ng bus, humantong ang kanilang paghakbang. Sa tantiya niVictor ayaon sa kanyang orasan, ang bus na kanyang masasakyan ay malapitt nangdumating.“E, saan ang tungo mo ngayong paghihiwalay natin?”tanong niya. “Ba’t hindi kamuna pumasyal sa bahay?”“Babalik na uli sa probinsiya,” iginanti ni Lino na may mapanglaw na ngiti sa labi.Naalaala ni Victor ang tungkol sa sakit nito nang matanaw na dumating na angsasakyang bus. Kinamayan niya ang kaibigan. “Ikumusta mo lang ako kay Luding at samga bata” aniya, “Malamig ang kamay mo, may dinaramdam ka ba?”Wala. . . . ganyan lang ako kung nakararamdam ng konting pagkahapon,” Iginantini Lino.”Kamusta rin kina Elisa at sa mga bata.”“Mag-ingat ka ikaw nga ‘yang galing sa pagkakaramdam,” habol ni Victor atsumabit na sa tumigil na bus. Malayu-layo na ang bus nang makalingon siya, ngunit walana si Lino sa pinag-iwanan niya. May kilabot siyang naramdamang gumapang sa likodnang parang nakaamoy siya ng usok ng kandila. Baka guniguni lang niya iyon.Habang daan, ang alaala ng kaibigan ay naglalaro pa sa isip ni Victor. Pambihirangkaibigan, bulong sa sarili. Pero gumiit na bigla sa kanyangg isip ang isang katanungan;pa’nong nalaman ni Victor ang kanyang pinapasukan gayong hindi ko nabanggit sakanya ang
address
rito? Nagdaan kaya sa bahay at itinanong kay elisa? At saka, angkaramdaman nito’y maselan, bakit pinabayaang maglakbay nang malayo.Naputol ang kanyang pagninilaynilay nang biglang magpreno ang bus. Pagtaaasng ulo, natanaw niya ang nagkakagulong tao sa gitna ng kalsada. Aksidente! Kung kaliansiaya malapit na sa kanila ay saka pa sila napahinto. Kailangang maglakad na lamangsiya.Pag-ibis niya, sinalubong siya ng putlang-putla at humihingal na asawa: “Salamatsa Diyos, akala ko’y sa Bus 303 ka nakasakay!” anito at napapulas nang malakas napaghinga. “Napatakbo ako rito nang matanggap ko’ng balitang naaksidente ang bus nalagi mong sinasakyan sa pag-uwi. Ilan lang daw ang nakaligtas sa mga pasahero at mgapatawirin pa. Nakakikilabot!”Nang ilibot ni Victor ang mata, nakita niya ang Bus 303 ayy wasak angtagiliran,nakahulog ang kalahati sa malalim na kanal dahil sa pagkakabundol ngmalaking trak na panghakot ng buhangin. May Takip na papel ang mga nangamatay, ataang malulubhang sugatan ay isinakay sa ambulansiya. Kung say’s ditto nakasakaykangina, baka isa siya sa sinamampalad na nasaktan o nasawi.
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...