• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
ANG SOSYALISMOIsang Mabilis na Sangguniang Patnubay
“Ang Kapitalismo sa bagong milenaryo ay nananatiling isang sistema ngpagsasayang, kadahupan at nakapangingilabot na kawalang seguridad.Nasasaiyong sarili na rin, upang saliksikin ang tungkol sa isang kilusan nananinindigan para sa mapamimilian.”Ang kapitalismo ang siyang sistemang panlipunan na ngayon aynananatili sa lahat ng bansa ng daigdigSa ilalim ng sistemang ito, ang pamamaraan ng produksiyon atdistribusyon. (lupa, pagawaan, opisina, biyahe, media, atbp.) ay sinasarili ngisang menorya o kakaunti, ito ang uring kapitalista. Lahat ng yaman ay tayo anglumikha, ang mas nakararaming uring manggagawa, tayo na ipinagbibili angating mga sariling lakas ng pag-iisip at pangangatawan, doon sa mga kapitalistakapalit ang kabayaran, suweldo, o sahod. Ang layon ng paglikha ng yaman aynagbunga ng mga kagalingan at serbisyo na puwedeng ibenta sa pamilihan parasa pakinabang. Hindi lamang ibinubuhay ng mga kapitalista ang mga kitangkanilang nakamtan mula sa paggamit sa uring manggagawa, bagkus, bilangisang uri, sila ay nagpapatuloy sa pagtitipon ng yaman na piniga mula sa bawathenerasyon ng mga manggagawa.Habang ang Kapitalismo ay nananatili, ang tubo o ganansya ay mas laging unakaysa pangangailanganAng ilang reporma ay tinanggap ng ilang manggagawa, subalit walangreporma na kayang buwagin ang pangunahing tunggalian sa pagitan ngpakinabang at pangangailangan na nakalatag sa kasalukuyang sistema. Kahit pakung ang mga pangako na ang kapitalismo ay itaguyod ang kapakanan ng mgatrabahador o manggagawa ay buong katapatang ginawa, o kaya ay galing samga oportunistang pulitiko, ang mga pangakong ito ay mabibigo, sapagkat angganitong pangako ay parang nagmungkahi na pamahalaan ang isang mataderoo katayan para sa kapakanan ng kakataying baka.Ang kapitalismo sa kanyang walang humpay na kampanya upangpaglingkuran ang pakinabang kaysa pangangailangan, ay nagtatapon ng walangkatapusang agos ng mga problema.Halos lahat ng trabahador sa bansang ito ay nakakaramdam ng walangkaseguruhan ng kanilang hinaharap. Katulad ng pagsukat ng Bureau of Census,sa isang bahayan ng isa sa walong bahay sa Estados Unidos ay nabubuhay saibaba ng linya ng kahirapan sa opisyal na pagtaya ng gobyerno. Ang mgamatatanda nang tao ay naiiwang umaasa na lamang sa mga kalinga ngkabayaran ng Social Security na sa kabuuan naman ay hindi nakasasapat paratugunan ang lumalaking pangangailangan at sila ay napaparusahan kapagnaghanap sila ng ibang paraan para matugunan ang mga ito.Milyun-milyun ang
 
ating mga kapuwa lalake at babae ang namamatay sa matinding gutom – laksa-laksa ang namamatay sa kanila araw-araw. Paulit-ulit ang mga nangongontrata oang kontratista ay “nagtatayo ng sobra” para sa publikong nagbabayad,pagkatapos tayo ay pakikitaan ng isang panoorin ng mga walang tahanangmamamayan, o mga taong namumuhay sa “slums” samantalang maraming mgapabahay at mga “apartments” ay walang laman o walang naninirahan dahil sakawalan ng “epektibong pangangailangan.”Ang mga pagkain ay nasisira, at ang mga magsasaka ay pinopondahanpara huwag nang lumikha ng produkto; subalit milyun-milyung katao ang hindimalusog ang pangangatawan. Ang mga ospital ay nagkakaroon ng nakasisilawna parada ng mga makabagong teknolohiya para sa pangangalagang medikal opagkalinga, subalit marami ang hindi makabayad para sa kanilang kalusugan oseguridad sa panahon ng aksidente o kapahamakan sapagkat ang bayarin sapagpapa-ospital ay pumapailanlang sa kamahalan. Nananatiling hindi“kapakipakinabang”ang pagbibigay ng isang disenteng gamutang pangkalusuganpara sa lahat. Ang isang lipunang nakabase sa produksiyon para sa paggamit aysiyang tatapos sa mga problemang nabanggit sapagkat ang prayoridad opinagpapauna ng lipunang sosyalista ay ang posibleng pagtugon sa mgapangangilangan. Sa isang lipunang sosyalista, lahat ay mabuti, sapat para sapangangailangan ng isang nilalang.Alam ng maraming tao na mayroong mali sa lipunan at nais nila itong mabago. Ang iba ay umaanib sa mga grupong pang-reporma sa pag-asang angkapitalismo ay maisasaayos pa, subalit ang mga ganitong pagsisikap ay walangkuwenta sapagkat hindi mo kayang pangasiwaan ang isang sistema ngpanggagamit sa mga uri para na rin sa kapakanan ng mga ginagamit na masnakararami. Ang mga tao na nangangamba sa kinabukasan sa kadahilanangang kapitalismo ang pinanghahawakan sa ating planeta ay makasusumpong ngkasagutan sa pagsasara ng IMF at ng World Bank, subalit habang ang mganasyon at estado ay nananatili, nangangahulugan na ang pagpapangagawan saekonomiya ay maglalagay sa bukas na palagiang panganib. Hindi mabilang angmga masidhing kampanya at mabubuting hangarin na kinasuungan ng mga tapatna tao, ngunit iisa lamang ang solusyon sa mga problema ng kapitalismo, at iyanay alisin ito at itatag ang sosyalismo.Bago natin magawa ito, kailangan natin ang mga sosyalista; angmahikayat natin ang mga manggagawa sa ganitong layunin ay nangangailanganng kaalaman, mga prinsipyo, at sigla para sa pagbabago. Puwedeng paunlarinng sinuman ang mga ganitong katangian – at ito ay pinakamahalaga sasinumang nagpapakatotoo upang baguhin ang lipunan.Ang pag-aasal ng tao ay hindi naitakda kundi pinagpapasiyahan ng uri nglipunan na nakatadhanang pinaninirahan ng mga tao.Ang makapal na gubat ng Kapitalismo ay lumilikha ng tiwali,makumpetensiyang pamamaraan ng pag-iisip at pagganap. Subalit tayo bilang
 
tao ay kayang umakma sa ating mga pag-uugali, at walang dahilan na ang atingmakatuwirang pagnanasa ng kaginhawahan at makataong kagalingan ay hinditayo pahintulutang makipagtulungan. Kahit sa ilalim ng Kapitalismo, nakakamtanng tao ang kasiyahan sa paggawa ng kabutihan sa kapuwa; kaunting tao lamangang nagsasaya sa pakikilahok sa “sibilisadong” digmaan ng pang-araw-araw namala-dagang karerang paligsahan. Isipin na lamang kung gaanong kagandakung ang lipunan ay nakabatay sa pagtutulungan o kooperasyon.Ang industriyang napasailalim sa isang nasyonalisasyon sa simplingipakahulugan ay mga manggagawang nagawang manipulahin ng estado, nakumikilos para sa mga kapitalista ng isang bansa, kaysa ng isang indibiduwal nakapitalista o kumpanya.Ang mga trabahador ng nasyonalisahing korporasyon ng Chrysler ay hindimaipagkakailang mga alipin ng pakinabang katulad ng kanilang kalagayan sangayon. Ang pagpapatakbo ng isang serbisyo ng pampasaherong tren na inilipatsa isang korporasyong Federal (Amtrak) upang pangasiwaan ang maayos nitongpagkawala, ay hindi na pagmamay-ari ng “publiko” na gaya ng nauna nang ibat-ibang pribadong mga kumpanya ng riles ang nagsusuporta dito. At kung anumanang mga merito ng pambansang paseguruhan ng kalusugan, ang ganung planoay hindi maglalagay ng tunay na kapangyarihang magdesisyon sa mga kamayng mas nakararaming manggagawa. Ang nasyonalisasyon ay kapitalismongpang-estado.Ang mga bansang nagpanggap na tawaging “sosyalista” ang kanilang mga sariliay hindi kailanman naging ganoon kundi sila ay mga sistema ng kapitalismo ngestadoDoon sa dating Soviet Union at ang kaniyang imperyo, sa Albania at angdating Yugoslavia, ang kapangyarihan ng lipunan ay sinarili ng mga maypribilehiyong namiminuno ng Partido; sa Tsina at Cuba at iba pang mga bansatinatawag ang kanilang mga sarili na sosyalista, ay nagpapatuloy na sinasarili ngganun ding pamunuang burokrasya. Ang mga kaanyuan ng kapitalismo nanailahad sa unahan ay nananatiling naruruon. Ang pagsusuri ng kalakalangpang-internasyunal ay naglalahad na ang huwad na mga estadong sosyalista aykabahagi ng pandaigdig na kapitalistang pamilihan at hindi nila maihiwalay angkanilang mga sarili sa mga rikisitos ng pakinabang.Ang Sosyalismo ay hindi pa lumilitawKung ang sosyalismo ay maitatatag, ito ay dapat na pang buong-mundobilang isang alternatibo o pamalit sa lipas sa panahong sistema ng pandaigdigna kapitalismo. Sa sosyalistang lipunan, magkakaroon ng isang pag-aaringpanlahat at isang pangmadlang kontrol sa daigdig ng kanyang mga naninirahandoon. Walang grupo ng minorya ang puwedeng magdikta sa mas nakararami naang produksiyon ay patungo sa kita o tubo.
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...