You are on page 1of 3

Francisca Reyes AquinoSi Francisca Reyes-Aquino (ipinanganak noong 09 Marso 1899) ay isang Pilipinong edukador, guro, at nasyonalista, na naging

unang babaeng Pilipina na ginawaran ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw sa Pilipinas. Gumawa siya ng malawak at masusing pag-aaral ng mga katutubong sayaw sa Pilipinas at dahil dito, malaki ang naiambag niya sa pagsulong ng kultura ng Pilipino sa larangan ng pagsayaw. Julio Victuruca Maria guerrero Bilang isang Pilipinong may pagmamahal sa bayan, sumapi si Leon Guerrero sa Kongreso ng Malolos at isa siya sa lumagda sa Konstitusyon ng Malolos noong ilunsad ang Unang Republika ng Pilipinas. Sumulat rin siya ng artikulo sa "La Independencia", isang pahayagan noong panahon ng himagsikan. Siya rin ay naging editor nang "La Republika Filipina". Alice reyes Fernando amorsolo i Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 - Abril 24, 1972) ay isa sa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas.[1] Si Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909 Vicente marasala Carlos Francisco Isinilang si Carlos "Botong" Francisco sa Angono, Rizal noong 4 Nobyembre 1913 at yumao noong 1969. Nagsimulang magtrabaho bilang layout artist at ilustrador sa Philippine Herald at Manila Tribune si Botong. Kabilang siya sa unang hanay ng mga guro sa bagong tatag noong UST School of Architecture and Fine Arts. Si Botong ay isa sa mga modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensiyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang imahen, sagisag, at idyoma sa pagpipinta.

Kasama sina Victorio C. Edades at Galo B. Ocampo, nagpinta siya ng sari-saring mural, gaya sa Bulwagan ng Lungsod Maynila; Capitol Theater; The Golden Gate Exposition, San Francisco; State Theater; at sa mga tahanan ng mga sikat na tao, tulad nina Ernesto at Vicente Rufino at Pang. Manuel L. Quezon. Makalipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Botong ang naging pangunahing pintor ng mural sa Filipinas.

Noong 1952, nagwagi ng komisyon at humamig ng pambihirang paghanga sa iba't ibang bansa ang kaniyang higanteng mural para sa First International Fair na ginanap sa Maynila, at may paksang na pinamagatang 500 Taon sa Kasaysayan ng Filipinas. Victorio edadis Bienvenido N. Santos (19111996) was a Filipino-American fiction, poetry and nonfiction writer. He was born and raised in Tondo, Manila. His family roots are originally from Lubao, Pampanga, Philippines. He lived in the United States for many years where he is widely credited as a pioneering Asian-American writer. Buenvenido santos

Guillermo tolentino Si Guillermo Tolentino ay isang batikang iskultor ng Pilipinas at guro. Kaibigan siya ng pintor na si Fernando Amorsolo Ipinanganak si Tolentino noong Hulyo 24, 1890 sa Malolos, Bulakan kay Isidro Tolentino at Balbina Estrella. Siya ay mag-aaral ni Gng. H. A. Bordner na siyang unang nagturo sa kanya ng pagguguhit sa Paaralang Intermedyaryo ng Malolos. Nagtapos siya ng mataas na paraalan sa Mataas na Paaralan ng Maynila. Dahil sa kanyang sariling pagsisikap, nakapagtapos siya ng kurso ng pinong sining sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1915. Lumakbay papuntang Mga Nagkakaisang Estado noong 1919 at pinagkalooban siya ng iskolarsyip ni Bernard Baruch, isang Amerikanong milyonaryo sa Paaralan ng Sining Beaux, Lungsod ng Bagong York at tinapos niya na may mga gawad noong 1921. Sa taong din iyon, lumakbay siya sa Europa, pumupunta sa mga tanyag na museo at galerya sa Londres at Paris. Noong 1922, siya ay pumasok sa Regge Istituto di Belle Arti, nakapagtapos ng pag-aaral nang bahagya sa pamamagitan ng lingap ng kolonyang Italyanong sa Maynila. Sa Roma, gumanap ang kanyang unang pang-isahang eksibisyon kung saan kabilang ang Saluto Romano (Saludong Romano). Sa paligsahang pang-iskultura na ginanap sa Lungsod ng Walang Hanggan, ang kanyang Apat na Mangangabayong Apokalipsis na napanalunan niya ng ikalawang gantimpala. Umuwi sa Pilipinas noong 1924 at nagsarili sa loob ng isang taon. Noong 1926, siya ay inatasan bilang guro sa Paaralan ng Pinong Sining ng Pamantasan ng Pilipinas at kinalaunang naging propesor, kalihim, at sa huli tagapamahala. Namuno siya ang Paaralan mula sa 1953 hanggang sa kanyang pagreretiro bilang Emeritong Propesor noong 1955. Noong 1932, siya'y lumagay sa tahimik kay Paz Raymundo at nagkaroon ng pitong anak. Mga likha Nakilala si Tolentino sa buong bansa nang dahil sa Monumento ni Bonifacio na may maraming pigurang kasinlaki ng tao na dinisenyo noong 1930 at inilantad noong 1933. Nakapaglikha din siya ng iba pang mga tanyag na bantayog tulad ng mga Oblasyon ng Pamantasan ng Pilipinas, ang bantayog ni Pangulong Ramon Magsaysay sa bulwagang pasukan ng GSIS, at ang Lualhati ngPamantasan ng Silangan.

Nakapaggawa rin siya ng mga maraming rebulto ni Lapulapu, Antonio Luna, Gregorio del Pilar, Jose Rizal, Manuel Quezon, Epifanio de los Santos, A.V.H Hartendorp, Fernando Amorsolo, Carlos P. Romulo, Jose Cojuangco, Manuel Roxas, Jaime at Sofia de Veyra.

Kinumpleto niya ang ugnay-ugnay ng anim na pansilangang mananayaw, kabilang ang mananayaw na pambibliya na si Salome, Maria Clara, Persyana, Havanesa, at mga mananayaw Tsino. Nakagawa siya ng pigurang alegorika tulad ng mga Pilipina, tinatawag din Alipin, isang pigura ng babaeng hubad na nakagapos ng mga guyuran. Nakagawa rin siya ng mga imaheng panrelihiyon, tulad ng Imakuladang Konsepsyon at ang Madona at ang Bata. Dinisenyo niya ang Gawad Maria Clara para sa pelikula, at iba pang mga tropeo at medalya. Ang pagkilala[baguhin]

Oblasyon ng UP.

Isang produkto ng pampaaralang pinamulihanang naayon sa nakapamihasnan, Si Tolentino ay isang kampeon ng klasisismo.

Mula Hulyo hanggang Oktubre 1948 sa Magasing Sunday Times at sumunod sa This Week, kinasundo niya si Victorio Edades sa isang pagtatalo sa pagsusulat sa klasikal at makabagong aestetika, tumutuligsa

sa 'pagpalipit' at muling pagsasandata ng halaga ng sining na naayon sa nakapamihasnan. Bagama't ang pagsasanay ni Tolentino ay klasikal, ang kanyang mga likha ay lumalagos ng palaibig na kakayahang makadama na namamayani ang Kanluraning daigdig mula sa unang ika-19 na siglo hanggang sa dekadang 20. Kaya, ang kanyang mga likha ay nakatuon na may damdamin, lalung-lalo na may pagkamakabansa mula't sapul na siya'y marubdob na Rizalista.

Isa rin siyang gitarista, espiritista, at tagapagsaling-wika. Nakapagsulat siya ng lumang baybaying Tagalog at gumagawa ng libreto para sa opera ng Noli Me Tangere ni Felipe Padilla de Leon. Amado Hernandez

You might also like