• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
Mga teoryang Pampanitikan
Ang
teoryang pampanitikan
ay ang sistematikong pagaaral ngpanitikanat angmga paraan sa pagaaral ng panitikanin. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral naito.Narito ang mga halimbawa ng teoryag pampanitikan.
Teoryang Klasismo/Klasisismo
v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaibang estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Ang teoryang klasisismo ay tumutukoy sa mga klasik at makalumang mga bagay.Angklasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan ay nagmula sa Gresya, sinasabi ritona kaisipan muna kaysa sa damdamin. Mas higit na pinapahalagahan ang kaisipian kays sadamdamin. Ito ay kasalungat ng teoryang romantisismo. Ipinahahayag ng klasismo na angisang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang dako ay nangyayari o nagaganap parinsa kasalukuyan. Nakasaad rin dito na nakatuon ang panitikan sa pinakamataas patungo sapinakamabababang uri. Ibig sabihin, sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan atkagandahan. Aristrokratiko ang pananaw na umiiral dito.
Hal.
Teoryang Humanismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyangtuonang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
 
Ang pokus ng teoryanghumanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ngbagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ngsaloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao angsentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyangkapalaran."Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyangmaiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala saisang di maikukubling kasaysayan.
Hal.
"Ako si Magiting" by Consolacion P. Conde, Teoryang Humanismo.
Teoryang Imahismo
v Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mgadamdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higitna madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoongkaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
Ang teoryang
imahismo
ay nagpapahayag ngkalinawan sa mga imaheng biswal. Nagbibigay ito ng eksaktong paglalarawan. Angpagbibigay anyo sa mga ideya ay makikita rin
Hal.
Teoryang Realismo
 
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sakanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindituwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibong kanyang sinulat.
 
Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ngbuhay.Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitongpinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian,kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno.Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mgapangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
Hal.
 
“Mabangis na Lungsod” Ni Efren R. Abueg“Mga ibong Mangdaragit”
Amado V. Hernandez“Iba Pa Rin Ang Aming Bayan”“Maganda Pa Ang Daigdig” Lazaro Francisco
Pba Pa Rin Ang Aming Bayan”
Teoryang Feminismo
v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae atiangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ayipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.Hal.
Teoryang Formalismo/Formalistiko
v Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit angkanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sakanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis atwalang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.Hal.
Teoryang Eksistensyalismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (
humanexistence
).
 
Sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito [dahil] utak ang nagpapagana satao. Tao ang pangunahing nilikha sa mundo; siya lamang ang may kakayahang mag-isip at magdesisyon,hindi gaya ng hayop at ibang nilalang. Pesimismo ang pangunahing kakambal ng teoryang ito sapagkatsa napakalaking responsabilidad ng tao, iniisip niyang hindi niya ito magagampanan at maisasaayos.Kinakailangang paganahin ang utak sa pagkatha ng anumang uri ng panitikan, at kinakailangan din angutak upang maunawaan, masuri, at mabasa ang anumang magiging kayarian o kahihinatnan ng isangakda.
Hal.
Teoryang Romantisismo
v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisagsatao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
 
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upangmaipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.Hal.
Teoryang Markismo/Marxismo
v Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sarilingkakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan atsuliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukansa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
 
Ang
Teoryang Markismo
ay inuuwaang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mganaglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag atmatapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida.May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, dipadadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas.
Hal.
Teoryang Sosyolohikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan nglipunangkinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugposa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa samagpuksa sa mga katulad na suliranin.Hal.
Teoryang Moralistiko
v Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidadng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad aynapagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.Hal.
Teoryang Bayograpikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng mayakda.Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng mayakdana siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga“pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan samundo.Hal.
Teoryang Queer
v Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga
homosexual 
. Kung ang mga babae ay may
feminismo
ang mga homosexual naman ay
queer
.Hal.
Teoryang Historikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyangmasasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakitana ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.Hal.
Teoryang Kultural
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...