• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
 INTRODUKSYON
ANG KOMPYUTER AT ANG MAGSASAKAPaano magkakasaysay sa kabukiran ang pag-aaral tungkol sa mga kompyuter?Mahirap buuhin sa isip, lalo kung biglaang ipapabuo sa imahinasyon—angimahen ng isang tambak na kompyuter sa gitna ng pilapil, at si Juan na nagtatanim ngmais at naglalaro ng
Counterstrike
(Valve Software, 1999) o
 DOTA
(BlizzardEntertainment, 2003) o kaya'y nakikipag-
YM 
i
 
(Yahoo!, 1998) o nagsusulat sa kanyang
blog
. Anong praktikal na silbi nga ba ang naibibigay ng teknolohiyang ito sa mga sektorna malayo sa galamay ng lungsod?Hindi lang iisang beses kong nakabangga ang tanong/ mga tanong na ito. Samangilanngilang mga forum, lecture, kumperensiya, halos sa lahat ng akademikonginteraksyong nalalahukan ko, sa bawat pagkakataong naibabahagi ko ang aking interes sapag-aaral sa mga usaping may kaugnayan sa teknolohiya ng kompyuter at kulturangpopular, palaging naihahayag ang ganitong saloobin mula sa mga kapwa iskolar sa loobng unibersidad. Pinakauna marahil sa mga karanasang ito ay ang panahongdinedepensahan ko ang salitang
blog
bilang salita ng taon sa
Sawikaan 2005
. Habangibinabahagi ko ang potensyal ng anyong ito sa pagbabahagi ng impormasyon at mga
 
2adbokasiya sa anyong mabilisan at interaktibo, lumitaw ang interogasyon sa konkretongsilbi nito para sa mga rehiyong ni hindi naaabot ng mga linya ng Meralco.Kailangang maging malinaw na hindi ko ito tinatrato bilang isang interogasyongwalang saysay. Dahil totoong hindi masamang adhikain, kahanga-hanga pa ngang tunayang tukuyin ang sitwasyong kinapapalooban ng mga sektor tulad ng mga magsasaka,sektor na madalas ay walang representasyon sa mga popular na materyal na nakalugar salungsod. Siguro'y mas magandang sabihing interesado akong bulatlatin kung saanhinuhugot ang ganitong saloobin, at kung paano ito hinahanay ng mga kapwa iskolar sakanilang sariling mga disiplina ng pag-aaral. Hindi lang iisang beses na hinanapan angepekto ng intelektuwal na diskurso, lalo pa't nasa linya ng Humanidades (AralingKultural, Panitikan, Wika, Malikhaing Pagsulat) ng mga mabilisan at praktikal/ napanghahawakang silbi. Na dapat ay magrerehistro sa kamalayang empirikal (dapatnakikita, naririnig, nahihipo, nalalasahan, at naaamoy) ang epekto ng isang ideolohikal nagawain (at muli, lalabas ang tanong na “gawain” nga ba ang mga proyektong nasa antasng ideolohiya ang paggalaw?). Na, sa araw-araw na pakikipagsapalaran bilang bahagi ngakademya, mistulang bahagi ng bawat maliit na pagsusuri tungkol sa wika, panitikan, atmalikhaing pagsulat ang direktang epekto nito sa mga sektor na tinatatakan bilang“nasasagilid”—na halimbawa'y kayang-kayang pababain sa isang iglap ng pagsusuri sakasaysayan ng mga Manuvu o ng pag-aaral tungkol sa mga dalit at tanaga ang presyo ngmga batayang pangangailangan, na kaya nitong pataasin ang suweldo ng mganagtatrabaho sa pabrika't puksain ang kontraktuwalisasyon sa
SM 
o sa
 Jollibee
, na kaya
 
3nitong bawiin ang mga lupaing inagaw ng ating mga pambansang burgesya at ikalat ito sahanay ng mga manggagawa't pesante.Bilang isang taong minsan ay may pagkapikon, sumusulpot sa aking makulit naimahinasyon ang ilang mga “pambara” sa mga ganitong klaseng tanong. Gusto kongsabihin sa kanila, lagi ninyong pinamumukha na walang silbi ang ideolohiya, angpagsusulat, ang pag-aaral ng popular na teknolohiya't kultura, pero kapag nagigingbayolente ang mga anak-anak ninyo, sinisisi ninyo ang paglalaro nila ng
Counterstrike
(Valve Software, 1999 )
 
o
 Resident Evil
(Sony Playstation, 1996); pag may napapanoodkayong teenager na nanggahasa ng kabarkada, sasabihin ninyong dahil iyon sa mgabinabasa nilang
FHM 
o
Playboy
, o
Chika-chika
o
Playgirl
ii
; kapag may napatay na kungsino, madaling sisisihin ang mga komiks at pelikulang may mga tauhang walangpinagkakaabalahan kundi ang makipagbarilan at magpasabog ng katawan ng tao
iii
.Kapag lumalabas sa mga
survey
na nabobobo na ang mga estudyanteng Pinoy, wala pangisang segundo bago ihayag na dahil iyan sa
 MTV-Internet Age
. PERO, kapag magsasalitaang isang tao tungkol sa mga posibleng benepisyo ng isang popular na anyo—tulad ngang
blogging
—may tendensiyang magsara agad ang mga tenga't mata bago pa umabot angnagsasalita sa pinakaubod ng kanyang pagtalakay. Wala kasing silbi sa mga magsasaka.Kawawang mga magsasaka, biglang naaalala ng milyun-milyong iskolar kapag gustongmambara at ipakitang matalino sila, o kaya’y baka posible ngang tinatalakay pala silapero napagsarhan na agad ng mga “intelektuwal” na panghuhusga. Kaya lang, bilangbahagi rin ng akademya, mas madalas kong napapa-
behave
ang sarili at pinipilit sumagot
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...