You are on page 1of 4

Mga Batas at Kautusan na may Kinalaman sa Wikang Pambansa Artkulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang Batas ng 1935 ang Kongreso

o ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Batas ng Komonwelth Blg. 184 (136) Opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937) Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940) Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa at itinagubilin din ang pagpapaturo ng wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan man o pribado. Batas Komonwelth Blg. 570 (1946) Pinagtibay na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946. Proklamasyon Blg. 12 (1954) Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigaykahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2). Proklamasyon Blg. 186 (1955) Nilagdaan ni Pang. Magsaysay nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto 19). Memorandum Sirkular 21 (1956) Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959 Nilagdaan ni i Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanmat tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962 Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simula sa taongaralan 1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa wikang Filipino. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963 Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967 Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na nag lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino. Memorandum Sirkular Blg. 199 (1969) Nilagdaan g Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa. Memorandum Sirkular Blg. 488 (1972) Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal. Kautusang Pangkagawaran Blg 22, s. 1987 Paggamit ng Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. Artikulo XV, Seksyon 2 at 3, Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hanggat hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas Kautusang Pangministri Blg. 22 (1978)

Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1987 Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino. Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol. Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. Kautusang Blg. 52 (1987) Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan. Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990) Nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin. CHED Memorandum Blg. 59 (1996) Nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsiyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Ibat Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika). Proklamasyon Blg. 1041 (1997) Nilagdaan niPangulong Fidel Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtagubilin sa ibat ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang. 2001 Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001

Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

You might also like