Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
7Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
7150845 Makabayan Elementary(3)

7150845 Makabayan Elementary(3)

Ratings: (0)|Views: 5,889|Likes:
Published by lomaylay

More info:

Published by: lomaylay on Oct 22, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See More
See less

11/20/2012

pdf

text

original

 
(Philippine Elementary Learning Competencies)
 

MAKABAYAN
 
 
 
1
MAKABAYAN
DESKRIPSYON
Ang Makabayan ay binubuo ng mga sumusunod na asignatura:
Sibika at Kultura; Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (SK;HKS)
Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Edukasyon sa Kagandahang-Asal at Wastong Pag-uugali (EKAWP)Ang Makabayan para sa Una, Ikalawa at Ikatlong Baitang ay binubuo ng Sibika at Kultura na nagsisilbing batayang aralin sapagsasanib ng Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan. Ito ay pag-aaral ng pakikipag-ugnayan ng tao sa lipunan atsa pamahalaan; ang kanyang mga karapatan at bahaging ginagampanan, tungkulin at pananagutan bilang mamamayan. Tumutukoy rinito sa paglinang ng mga pagpapahalagang moral at ispiritwal; pagkakaroon ng kamalayan sa mga pamana ng lahi at malikhaingpagpapahayag ng sariling damdamin sa Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan.Ang
Heograpiya/Kasaysayan/Sibika
para sa Ikaapat na Baitang ay nakatuon sa
Heograpiya
. Naglalayon ito na mabigyan angmga mag-aaral ng pananaw tungkol sa kapaligirang pisikal, panlipunan at pagkabuhayan; ang mga paraan ng pakikibagay/pakikiangkopat ang wastong pangangasiwa nito. Kabilang dito ang mga katangiang pangheograpiya ng bansa tulad ng mga anyong lupa at tubig,klima, halaman, hayop, lokasyon, direksyon, taas ng lugar, populasyon, at ang paggamit, pangangalaga at pagpapabuti sa mga ito.Para sa Ikalimang Baitang, ang pokus na disiplina ay
Kasaysayan
. Naglalahad ito ng kontinuum ng mga suliranin, tagumpay at mgapangyayari na nakaimpluwensya sa kasalukuyan; ang mga pagbabago sa lipunan na naging sanhi ng pagsibol ng bago at maramingpagkakataon at pakinabang para sa paglinang ng kakayahan ng tao at ang mga programa sa kasalukuyang lipunan na naglalayongmakatulong sa pagkamit ng minimithing bukas. Para sa Ikaanim na Baitang, ang pokus ay ang
Sibika.
Tumatalakay ito sa ugnayan ngtao at ng pamahalaan; mga karapatang tinatamasa, bahaging dapat gampanan, tungkulin at pananagutan bilang mamamayan.Ang
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
ay nakatuon sa paglinang sa pagiging responsable at karapat-dapat nakasapi ng tahanan na magiging daan sa pagpapatatag ng pamilya. Ang mga gawain ay nagbibigay-diin sa paglinang ng kanais-nais nasaloobin, batayang kasanayan at mga gawi sa paggawa sa pamamagitan ng mga araling may kaugnayan sa pang-araw-araw na gawainsa tahanan, paaralan at sa pamayanan at ang paglikha ng mga bagay na kapaki-pakinabang.
 
 
2
Ang mga aralin na ituturo sa bawat buwanang pagmamarka ay sumasaklaw sa edukasyong pantahanan, agrikultura, sining pang-industriya, tingiang pangangalakal at impormasyong teknolohiya.Sa pamamagitan nito, mabibigyan ang mga bata ng mga karanasan sa mga kasanayan para sa iba’t ibang hanapbuhay. Isangkatangian ng pagtuturo ng asignaturang ito ang pagiging flexible upang matugunan ang mga pangangailangang lokal at panrehiyon.Gayundin, ang mga paaralan ay binibigyan ng laya sa pagpili ng mga gawaing sadyang angkop sa karanasan ng mga bata.Sa
Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP)
ang mga bata ay nakapagpapahayag ng kanilangdamdamin, ideya, at imahinasyon. Sa pamamagitan ng musika, sining at edukasyong pagpapalakas ng katawan, at iba pang malikhainggawain at proyekto, malilinang ang pagpapahalaga sa mga katutubo at kontemporaring sining. Bibigyan ng pagkakataon ang mga batana magamit ang kanilang natutuhan sa mga gawaing nakaaaliw. Habang papataas ng baitang ang bata, ang kaangkupang pisikal atmga kasanayang panlaro (lead-up games), musika at pagkamalikhain sa disenyo at craft construction ay higit pang lilinangin.Ang
Edukasyon sa Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali (EKAWP)
ay isasanib sa lahat ng antas. Ito ang mga batayangpagpapahalaga na likas sa bawat asignatura.
MGA INAASAHANG BUNGA SA MAKABAYAN
MITHIIN:Nakapagpapakita ng:
 
sapat na kaalaman at kamalayan sa mga pambansang pagkakakilanlan, kapaligiran at pagpapaunlad ng kabuhayan,agham at teknolohiya;
 
mapanuri at malikhaing pag-iisip tungo sa mapanagutang pagpapasya sa mga isyu o usaping kinakaharap;
 
pagpapahalaga sa sining, musika, laro, sayaw at iba pang bahagi ng kultura gayundin sa pagiging Pilipino at sa kanyangmga karapatan at pananagutan bilang mamamayan;
 
positibong saloobin sa paggawa upang makapamuhay nang produktibo sa isang bansang mapayapa; at
 
kakayahang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa mundo

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->