You are on page 1of 3

Pagpapatakbo ng Tipanan

1. Pagpapatala- upang magkaroon ng talaan ng mga kalahok a. Pangalan at Palayaw b. Tirahan c. Petsa ng kasal (Simbahan at Sibil) at mabigyan sila ng name tags at song sheets a. Name tag ng lalaki: Lalaki (Palayaw) Ni Babae (Palayaw) b. Name tag ng babae: Babae (Palayaw) Ni Lalake (Palayaw) Habang nagpapatala, nakikihalubilo sa mga kalahok. 2. Kantahan- upang mapasigla at mapalagay ang kanilang kalooban, ituro sa mga kalahok ang mga sumusunod na awit. Maalaala mo Kaya Gaano ko Ikaw Kamahal Madalas kayong await, kaya bago simulan ang pangalawang awit, ipaalam sa kanila ang alituntunin na kailangang masunod, tuwing kayo ay await. a. Tatayo ang mag-asawa b. Lalaki aakbay sa balikat ng kabiyak c. Babae aakbay sa baywang ng asawa d. Buong pusong umawit e. Handugan ng matamis na halik ang kabiyak pagkatapos Malugod na pagtanggap- upang mapasalamatan at mapahalagahan ang kanilang pagdalo, maipaliwanag ang programa ng parokya. (Gagampanan ito ng kura paroko o kanyang kinatawan) Pambungad na Panalangin- upang mahiling ang kalinga at biyaya ng Panginoon para sa tagumpay ng Tipanan, awitin ang Buksan ang aming Puso bago panalangin. PAGPAPAKILALA- upang magkakilala at maituon ang pansin sa isat isa, lalo na sa katangian ng kabiyak. Layunin at Pamamaraan- upang maipaliwanag kung ano ang Tipanan, ang layunin nito at pamamaraan upang makamit ang layuning ito. (Unang Paksa)- PAG-UNAWA SA SARILI- upang matuklasan ang mga pansariling katangian at kahinaan nang maisaayos ang mga ito. Tingnan ang annex A

3.

4. 5. 6. 7.

8. Break- Habang ang mga kalahok ay nasa maliit na grupo (unang paksa), ipasilibi na ang meryenda. 9. (Pangalawang Paksa)- PAG-UNAWA SA KABIYAK- upang maunawaan, matanggap at mapabigyan ang likas na pagkakakilala ng lalaki at babae. 10. Break- Upang matiyak kung tayo ay nasa oras, kailangang nanananghali na ng mga 12:30. Paalahanan ang mga kalahok na tayo ay magkatipan, kaya magkaakbay tungo sa kainan. Huwag kalimutang manalangin bago at matapos kumain. Ipaubaya ito sa mga kalahok. Bigyan ng mga isang oras na palugit ang tanghalian o mas maiksi pa, kung kinakailangan. 11. Kantahan- Paawitin ng action song ang mga kalahok. Tipanan ang lahat sa buhay Kung kaya may 1. Saya 2. Ngiti 3. Sayaw 4. Halik Problemay dumating Itoy kanyang lutasin Tipanan ang lahat, etc. 12. (Pangatlong Paksa)- TIWALA- Upang maipaliwanag ang mga pangangailangan at kahalagahan ng tiwala sa buhay mag-asawa. Tingnan ang annex K 13. (Pang-apat na paksa)- PAG-UUSAP- upang matagumpay na makapag-usap ang magasawa at maranasan ang bunga nito. Tingnan ang annex D 14. Break- ang lalaki ang magsisilbi sa kanyang kabiyak. 15. (Panlimang Paksa)- MGA PAKSA NG PAG-UUNAWAAN- upang matulungang tingnan sa maka-kristiyanong pananaw ang mga paksang madalas nilang pinaguusapan, Tingnan ang annex E 16. (Pang-anim na Paksa)- SAKRAMENTO NG KASAL- upang maipaliwanag ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng sakramento tungo sa kanilang kabanalan. Pari ang naglalahad ng paksang ito. Kung hindi maibigay angn bukod, maaring Homilya sa Misa. 17. Kumpisal- upang mapabalik ang kanilang kalooban sa Panginoon. Para makatipid sa oras, imungkahi sa Pari na pasulat ang mga kasalanan at isa-isang ipakita sa kanya, Bibigyan ng General Absolution at sa loob ng Misa, sa opertoryo, susunugin ang mga papel. 18. Banal na Misa- upang sama-samang magdiwang sa Piging ng Panginoon. Sa halip na Homilya humingi ng pakikibahagi sa mga 1/3 ng kalahok sa mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang masasabi ko sa maghapong Tipanan natin? 2. Pagkatapos nito, ano ang gagawin ko? 19. Pagpapanibago ng Kasunduan ng Pagmamahalan- upang sariwain ang kanilang sinumpang pangako sa isat isa. Karaniwan itoy ginaganap sa Misa. Alamin sa Pari. Maari din sa katapusan ng Misa. Palabasin ang mga lalaki. Patayuin ang mga babae sa harap ng Altar. Bigyan ng kandila at patayin lahat ng ilaw. Sindihan ang mga kandila. Samantala, ang mga lalaki sa labas, bigyan ng bulaklak na itatago nila sa kanilang kabiyak. Sasabihan sila kung kailan ito ibibigay. Papasok ang mga lalaki habang inaawit ang Gaano ko Ikaw Kamahal at pupunta sa likuran ng kanya-kanyang kabiyak. Sasabayan ng mga babae sa pag-awit ang kanilang asawa. Pagkatapos ng awit at nasa puwesto na ang lahat, paharapin ang mga babae sa lalaki. Maghahawak ng kanilang kanang kamay. Babasahin ng lalaki (team couple) ang parte ang lalaki at susunod ang mga kalalakihan sa sinasabi niya. At ganoon din ang babae (team couple) para sa parte ng kababaihan. Pagkatapos ng bendisyon ng Pari,ipamigay ang mga bulaklak at pagkabigay nito susuklian ito ng matamis na halik. Magaakbay ang mag-asawa at aawitin ang Gaano ko Ikaw Kamahal. Pagkatapos ng awit, isang matamis na halik muli. Pabalikin sa kanilang upuan. 20. Pagtatapos- upang maipamahagi ang kanilang renewal forms at mabati sila sa kanilang pagtatapos, tatawagina ng mag-asawa. Pupunta sila sa harapan at magpapamalas ng matamis na halik bago nila makuha ang kanilang diploma. Kung hindi nangyari iyong bahaginan sa Misa kanina, dito gagawin. 21. Pagtatag ng Pamunuan- upang may mag-alaga at magtaguyod sa grupo. Maghalal o pumili ng mag-asawang a. Unit Coordinator b. Asst. Coordinator c. Secretary d. Treasurer Ipaliwanag ang Balik Tipanan at itakda kung kailan at saan gaganapin ang unang Balik Tipanan. 22. Atbp.

You might also like