2
Mabuhay
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
OKTUBRE 30 - NOBYEMBRE 5, 2009
EDITORIAL
Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, JoseGerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose VisitacionQ. Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto RaymundoJr., Dino Balabo
ADVERTISING
Jennifer T. Raymundo
PRODUCTION
Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia,Mark F. Mata, Maricel P. Dayag,
PHOTOGRAPHY / ART
Eden Uy, Allan Peñaredondo,Joseph Ryan S. Pavia
BUSINESS / ADMINISTRATION
Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez,Peñaflor Crystal, J. Victorina P. Vergara,Cecile S. Pavia, Luis Francisco, Domingo Ungria,Harold T. Raymundo,
CIRCULATION
Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano,Rhoderick T. RaymundoThe
Mabuhay
is published weekly by theMABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES
—
DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 toMarch 6, 2011, Malolos, Bulacan.The
Mabuhay
is entered as Second Class MailMatter at the San Fernando, Pampanga PostOffice on April 30, 1987 under Permit No. 490;and as Third Class Mail Matter at the ManilaCentral Post Office under permit No. 1281-99-NCR dated Nov. 15, 1999. ISSN 1655-3853Principal Office: 626 San Pascual, Obando,Bulacan
294-8122
PPI-KAFCommunityPressAwards
BestEdited Weekly 2003 + 2008Bestin Photojournalism1998 + 2005
A proud member of
PHILIPPINE PRESS INSTITUTE
WEBSITE
http://mabuhaynews.com
Subscription Rates (postage included):
P520 for one year or 52issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising baserate is P100 per column centimeter for legal notices.
Mabuhay
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Jose L. Pavia
Publisher/Editor
Perfecto V. Raymundo
Associate Editor
Anthony L. Pavia
Managing Editore-mail
mabuhaynews25@yahoo.com
EDITORYAL
Pinsala
NAKAKALULA ang pinsalang hatid ng magkasunod nabagyong Ondoy at Pepeng sa buhay, imprastraktura at sa-kahan sa Gitnang Luzon, ang dating dating kinikilalang “ricegranary” ng bansa dahil sa mataas na produksyon ng palay.Batay sa tala ng Office of the Civil Defense (OCD) saGitnang Luzon, umabot sa 881,579 katao sa 562 barangaysa rehiyon ang naapektuhan ng dalawang bagyo kung saanay 56 ang nasawi.Umabot ng P1.833-bilyon ang pinsala sa mgaimprastraktura; P2.413-bilyon sa sakahan kung saan ayumabot sa 236,743 ektarya ng bukirin ang napinsala at83,374 na magsasaka ang nasalanta. Bukod pa rito ang367 bahay na nawasak at 574 pang nasira.Upang makabangon ang mga nasalanta, gumugol ngkabuuang P59.638-M ang mga pamahalaang lokal at nas-yunal sa pamamagitan ng mga ipinamahaging relief goods.Alam natin na hindi ito sapat. Ang tulong ng pa-mahalaan ay isang kolerete lamang sa sugat na sanhi ngkalamidad. Maibabalik nito ang ilang imprastrakturangnasira, maging ang pananim na nasalanta ay maaaringpalitan.Ngunit hindi na maibabalik ang produktibong oras ngmga manggagawa at bawat isa na kasamang naglaho ngkalamidad. Hindi na rin maibabalik ang mga buhay nanasawi maging ang pangarap at pag-asa ng bawat isa.Walang sinuman sa atin, maging ang pinakamauunladna bansa sa mundo ang makakapigil sa katulad nakalamidad ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Ngunit maytsansa tayo na makaiwas sa trahedyang hatid nito, kungdiman ay mapaliit natin ang pinsalang hatid nito sa buhay ngtao, industriya at mga imprastraktura.Sa diwang ito, naniniwala ang bumubuo ng pa-hayagang
Mabuhay
na gaano man kalaki ang halaganggugugulin ng pamahalaan sa rehabilitasyon sa mganapinsala ng kalamidad, dapat bigyan ng mataas napagpapahalaga ang panganib na hatid ng hagupit ngkalikasan.Nararapat ding higit na palawakin ang paghahatid ngimpormasyon sa taumbayan upang sila ay magkaroon ngkakayahan na maging handa sa pagtugon sa mgakalamidad na paparating.Ang tunay na trahedyang naghahatid ng higit na pinsalasa tao ay ang kawalan ng kakayahan sanhi ng kakulanganng pag-unawa sa impormasyon.Huwag nating ipagkait sa kanila ang kakayahan namaging handa sa mga kalamidad. Pagyamanin natin angkanilang kaisipan, ibigay ang tamang impormasyon athuwag itago dahil sa pangambang hindi maibotong muli.
Promdi
D
INO
B
ALABO
Pagbalik sa Bulacan
MAKABULUHAN at masaya ang tatlong araw kong pananatili sa Lungsod ng Cagayan De Oro sa Misamis Oriental kung saan aykabilang ako sa mga kalahok sa pagsasanay ng mga mamama-hayag sa darating na halalan na pinangunahan ng PhilippinePress Institute (PPI) at TheCoca-Cola Export Corporation of the Philippines (TCCECP).Masasalamin sa bawat isang kalahok ang pananabik sa na-sabing pagsasanay. Para kasiitong isang reunion o muling pagkikita... Marami kasi sa aminay nagkita at nagkakilala sa mga nagdaang kumbensyon at work-shop na isinagawang PPI atTCCECP.Kaya naman nang muli ka-ming magkikita-kita bago si-mulan ang unang sesyon ng aming pagsasanay noong Ok-tubre 19 ay kanya-kanyang ba-tian at kuwentuhan.Siyempre, marami ring ba-gong kalahok, kaya’t ang mga ‘beteranong’ tulad ng
Promdi
ayipinakilala. May isang kapansin-pansin sa mga kalahok at ito ayinilarawan sa kanyang talumpatini Isagani Yambot, ang publisherng
Philippine Daily Inquirer
,at kasalukuyang tagapangulo ng PPI.“Mataas ang BQ ngayon,” ani Yambot kung saan ang “BQ” aynangangahulugan ng “beautyquotient”. Mas marami raw ma-gagandang dumalo sa pagsa-sanay. Siyempre, palakpakankami.Ngunit hindi lang “BQ” ang mataas sa mga kalahok. Maging “IQ” o intelligence quotient.Ito ay napatunayan sa palitanng mainit na tanong at sagot sa pagitan ng mga kalahok at mga piling tagapagsalita, partikularna sa hanay ng kinatawan ng Commission on Elections(Comelec) at Smartmatic-TotalInformation Management.Isa pang patunay ay ang ma-habang pila ng mga kalahok sa mikropono. Hindi upang sila aykumanta, sa halip ay upang magtanong sa mga kinatawan ng Comelec at Smartmatic-TIMmatapos ang kanilang presen-tasyon.Tatlo sa kanila ay tunay na mainit ang pagtatanong. Ang isa ay nagbanta pa na idedemanda ang Comelec at Smartmatic-TIM.Gayunpaman, napawi ang init ng pagtatanong dahil na rin sa mahusay na pagpapadaloy ng programa ng seminar director na si Yvonne Chua ng Vera Files,isang grupo ng mga mamama-hayag na nagsasagawa ng inves-tigative journalism.
sundan sa pahina 6
Buntot Pagé
P
ERFECTO
V. R
AYMUNDO
Negatibong ugaling Pinoy
NAGKUKUMAHOG na namanang ating mga kababayan sa pagpaparehistro sa mga tangga-pan ng Commission on Elections(Comelec) para makaboto sa halalan sa Mayo 10, 2010.Nagkakaubusan na ng mga ‘registration forms” sa ilang tanggapan nito, dahilan para gumamit na lang ng “photoco-pies” ang mga nagpaparehistro.Nobyembre pa lamang noong nakaraang taon ay simula na ng pagpaparehistro subalit hang-gang sa ngayon ay mahaba pa rinang pila ng mga nagpaparehistro.Kaya minabuti ng Comelec na habaan pa ang oras ng pagpapa-tala na umaabot ng gabi hang-gang katapusan ng Oktubre.Kailan kaya mawawala sa a-ting mga Pilipino ang ganitong klase ng pag-uugali, na kung kai-lan malapit na ang deadline aysaka magmamadali.Sa Comelec, maliit na kahi-lingan lamang po. Baka po pwe-deng maglagay kayo ng salamin(mirror) malapit sa lugar ng re-histruhan nang sa gayon ay ma-ging kaaya-aya ang kalalabasansa “computer” ng mga taong ku-kunan ninyo ng litrato dahil ma-kapag-aayos sila ng kanilang itsu-ra, kahit makapagsuklay man la-mang ng buhok.Mahirap kasi sa isang mara-lita ang magkaroon ng “valid ID”at ang makatanggap ng “votersID” na magagamit nila pang-habambuhay ay napakalaking bagay na magagamit nila pang-matagalan ay napakalaking ba-gay na sa kanila lalo na’t maayosang itsurang makikita nila rito.
Sa mga sinalanta ni Ondoy
SA kasalakuyan ay may ilan na-ting mga kababayan lalo na sa mga sinalanta ng nagdaang bag- yong Ondoy ang kasalakuyan pa ring nagdurusa dahil sa sinapitnila dulot sa nasabing bagyo.Hanggang sa kasalakuyan aylubog pa rin ang ilang bayan sa lalawigan ng Rizal na nasa tabing Laguna Lake dahil hindi pa rin bumababa ang tubig-baha na dala ng bagyong Ondoy. Walang magawang solusyonang ating pamahalaan maliban sa bigyan sila ng relief goods na ma-aari lamang tumagal ng dala-wang araw.Nais man nilang maghanap-buhay ay hindi nila magawa, da-hil nga sa lubog pa sa tubig ang kanilang lugar.
Sa pagsapit ng Pasko
DAMANG-DAMA na ang nala-lapit na araw ng Kapaskuhan. Ang pag-ihip ng hanging amihanang naghuhudyat na malapit na ang Pasko.Sana sa pagsapit ng Araw ng Pagsilang ng Ating Dakilang Ma-nunubos ay maisa-puso ng ating mga pinuno ang kapakanan ng nakararami nating kababayan.Kahit ngayon man lamang Kapaskuhan ay mabigyan nila ng kaligayahan ang ating naghihi-kahos na mga mamamayan.Isaisip nila sa sabsaban isini-lang ang Dakilang Manunubos na siyang tumubos sa ating mga orihinal na kasalanan.Tigilan na nila ang pagwaldassa kabang yaman ng ating bansa.
Kastigo
B
IENVENIDO
A. R
AMOS
Liwanag laban sa kadiliman
SA pagsusuri ko, ang isyu nga- yon, maging sa halalan, ay Ka-liwanagan kontra Kadiliman,Kabutihan laban sa Kasamaan. Ang Liwanag ay ang katoto-hanan, ang paghahari ng tunayna katarungan, ang katapatan, atpagpapairal ng batas sa ilalim ng demokrasya, na ayon kay Lincolnay, “pamahalaan ng taumbayan,pinagagalaw ng taumbayan, atpara sa kapakanan ng taum-bayan.” Ang Kadiliman ay ang pagha-hari ng kasamaan, kasakiman sa yaman at kapangyarihan, pagsi-sinungaling, pagbaluktot sa mga batas at sa Konstitusyon, pag-aabuso o pagkukulang sa sinum-paang tungkulin, pagpapairal ng nepotismo at paboritismo, attuwiran at di-tuwirang ‘pagta-taksil’ sa bayan at sa pang-esta-dong soberanya.Ito ay inihahayag ng sinabi ng naging Presidente ng Senado Jose Avelino: “What are we inpower for?”Ito ay sinambit ni RomuloNeri: “Moderate your greed.”Sinabi ni Mayor Arsenio Lac-son: “Too young yet too corrupt.”
Mga maskara ng panlilinlang
SA kasalukuyang panahon, wala yatang pulitikong di nagsabing ang ginagawa niya ay “para sa bayan, para sa mahihirap.”Ginagaya si Robin Hood, na ninanakawan ang mayayaman—para ipamigay ang ninakaw sa mahihirap?Ito ang mabisang pambitag ng ilang pulitiko, na agad namang sinasagpang ng masa ng ma-mamayan, lalo na sa panahong ito ng matinding paghihirap,kagutuman, at kalamidad na likas at gawang-tao na bumu-bugbog sa kawawang bansa.Kung hindi mga tanga aymadaling makalimot ang mga Pilipino, madaling magpata-wad—lalo’t hindi naman sila obiktima ng kabuktutan, tiwaling gawa ng umano’y mga lider. At sa karaniwang mahihirap,sapat na sa kanila ang nakara-raos araw-araw, hindi apektadong baha o ng
leptospirosis
o
den- gue fever
, at basta artista, iniidolonila, kahit nahatulan na sa salang pandarambong, ay iboboto pa rinnila? Hindi mahalaga kung ang “kinatawan” ng kanilang distritoay kasama sa tumanggap ng mga suhol mula kay GMA (kabilang ang mula sa P728-milyon Fertil-izer Fund Scam). Basta nakapag-pagawa ng waiting shed, ng kalsada, okey na sa kanila.Sa ibang salita, kung walang
delicadeza
ang nakararaming pulitiko ngayon, wala na ring
delicadeza
ang taumbayan.Kaya hindi na nakapagtataka na mahalal ang isang drug lord,isang mamamatay-tao, nahatu-lang rapist, o kilalang sugarol, ba-baero, lasenggo—basta “maka-mahirap, nagtagumpay mula sa kahirapan—pero galante, ma-galing mambola, at may gina-gastang limpak (na mula sa ilegal), ay malamang na manalosa halalan.Kaya hindi na totoo ngayonang dictum, na
“vox populi, vox Dei”
o ang “tinig ng bayan aytinig ng Diyos.”Dahil nadadaya na ngayonang halalan, nabibili na ang Comelec, ang mga huwes; nama-manipula na kahit ang computer.Kung hindi magiging ma-talino, matatag at matapang ang mamamayan sa wastong pag-gamit ng kanilang karapatang bumoto ng lalong karapat-dapatmamuno sa bansa, hindi na nakapagtatakang mamayani na naman ang Kadiliman sa da-rating na halalan.Huwag na tayong magpilit na humarap ng “gloria” sa lupa.
Leave a Comment