Isang matingkad na kulay ng ibong may mahiya, ang Nori, angnakarinig sa pataksil na pakana ng pinsan ng reyna at ng mangingibig.Lumipad ang Nori sa may bintana ng reyna, iwinasiwas ang kanyang mgapakpak at nagsabi: “Pakinggan ninyo ako, mahal na reyna. May nais akongsabihin sa inyo.”“Magsalita ka,” sagot ng reyna.“Dapat po ninyong malaman na may balak ang isa ninyongmangingibig na patayin ang lahat niyang karibal at ang inyong mgaguwardya. Binabalak din po niyang agawin kayo nang sapilitan at pakasalankayo. Ngunit hindi iyan ang lahat. Nais ng inyong pinsan ang inyong koronaat hindi siya titigil hangga’t hindi niya kayo napapatay at nakakamit ang pag-ibig ng inyong asawa.”Matapos makapagsalita ay lumipad nang papalayo ang ibong maymahiya. Lubhang nabahala ang reyna.“Aba,” hinagpis niya, “sinikap kong pamunuan ang aking kahariannang buong husay at katalinuhan. Sinikap kong mabigyang-kasiyahan angaking mga tauhan sa lubos ng aking makakaya. Ngunit ang sarili kongpinsan pala ang magtatraydor sa akin”.Natigib ng kalungkutan ang kanyang puso. Buong pait siyangnanangis na parang madudurog ang kanyang puso, ngunit hindi niyaipinakita ang kanyang pighati kaninuman.Nang sumapit ang gabi, inutusan niya ang lahat ng nasa palasyo – mgakatulong, mensahero, at mga guwardya – na lumabas sa bakod ng palasyo.Nag-alinlangan ang mga tao kung bakit gumawa ng ganoong pakiusap angreyna, subalit naisip nilang may mainam na dahilan ang reyna sapagkat walapa siyang nagagawang anumang bagay na hindi makatarungan.Nang makalabas na ang lahat, kinulong ng reyna ang sarili sa kanyangsilid at sinilaban niya ang silid. Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pangmga silid. Nakita ng mga tao ang apoy at tinangka nilang apulahin ito.Ngunit isinusi ng reyna maging ang mga pinto ng palasyo kayat natupok siyakasama ng buong palasyo.Ipinagluksa ng mga tao ang pagkamatay ng kanilang reyna. Nagtayosila ng magarang bakod sa palibot ng kanyang mga abo. “Nararapat natinsiyang dakilain sapagkat minahal nila tayo ng lubos,” wika nila.Isang umaga, hindi pa natatagalan pagkaraan noon, isangmahiwagang halaman ang lumitaw sa bunton ng mga abo. Malalakingpahaba ang berde nitong mga dahon na nakakapit sa isang tuwid na puttingsanga. Walang tinik sa katawan ng puno at iwinasiwas sa hangin ang mgadahon nito.Nakilala ang halaman bilang saging. “Ito ay ang ating reyna,” sabi ngmga tao sa isa’t isa. “Nabuhay siyang muli.” Tumubo ang halamang saging at hindi nagtagal, isang hugis-pusongbulaklak ang lumitaw mula sa ubod nito. Hubog-daliring mga bunga anglumitaw mula sa mga bulaklak nito. Nang mahinog ang bunga, tinikman itong mga tao at nagsabi: “Napakasarap! Handog ito ng ating reyna sa atin.”