You are on page 1of 2

Panimula

Maituturing na bahagi na ng pang-araw-araw na gawain ang pagbasa ,ito ang isa


sa katototohananghindi maitatatwa mula sa pagbasa ng aklat, sulat sa pader, babala sa
kalsada at maging sa reaksyon ng ating kausap. Maituturing na kapangyarihan ng
pagbasa ang pagkakaroon ng karunungan tungkol sa ibat ibang bagay at maging ang
makarating sa ibang sulok ng daigdig. Napapayabong nito ang kakayahan sa paggamit ng
imahinasyonat pagbibigay ng kahulugan sa mga bagay sa paligid. Isa rin sa
kapangyarihan ng pagbasa ang maipadama ang emosyong nakapaloob sa mga akda.
Lumilikha rrin ito ng isang tulay na siyang magsisilbing daan sa pagkakaunawaan ng
mambabasa at may-akda. Ang kakayahan natin sa pagbasa ang instrument upang makita
at matuklasan ang natatagong kaisipan o mensahe ng anumang akda. Ito ang susi sa
daigdig ng kaalaman at kasiyahan ng bawat tao. Maituturing ito na pangunahing element
na batayan o saligan sa hals lahat ng kaisipang pangkarunungan. Mahalaga rin ang
pagbasa upang makasabay sa pagbabago ngnpaligid. Tunutulong ito upang matuklasan,
maintindihan at mapaunlad ang sariling kakayahan, maging ng daigdig. Sinasabing susi
ito sa pagbukas ng pintuan ng kaisipan upang matama at matutunan ang bawat
karunungan binibigay ng mundo.
Kaakibat ng gawaing ito ang pag-unawa, ang kakayahan na mag-interpreta at
magbigay ng kahulugan sa binasa, anumang uri ito ng babasahin. Ang kakayahang
umunawa ng isang indibidwal, ang siyang sukatan kung paano siya nag-iisip at natututo.
Sapagkat ang malalim at maayos na pagkakaunawa sa binasa ang maituturing na
epektibong pagbasa. Sinasabing hindi mabibigyan ng katarungan ang isang babasahin
kung hindi natamo o natuklasan ng mambabasa ang kaisipang nais ibahagi sa kanya ng
mambabasa. Mawawalan ng saysay o silbi ang ginawa ng isang manunulat kung ni hindi
naunawaan ng mambabasa ang mga mensaheng nagpakaloob dito, kaya mahalaga ang
kakayahan ng bawat isa sa komprehensyong sa mga nakaiimbag na babasahin. Dahil dito
nabubuo ang interaksyon sa pagitan ng mambabasa at may-akda kung may pareho silang
kaisipang nauunawaan at naiintindihan. Isa itong masalimuot na gawaing pang kaisipan
na nagpaunlad sa kakayahan at abilidad, na maari lang maganap kung nagging wasto at
maayos ang komprehensyong inilapat o ginagamit sa binasang teksto.

You might also like