Kaganapan ng Pandiwa
Ang kaganapan ng pandiwa ay tumutukoy sa bahagi ng pangunahingnagpapahayag ng ganap na kahulugan sa pandiwa.
Mga Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
1.
Kaganapang Tagaganap
– bahagi ito ng panaguri na gumaganapsa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na pagdiriwang ngkalayaan ng bansa.
2.
Kaganapang Layon
– bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagayna tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag-aaral, sapangdating ng mga panauhin.
3.
Kaganapang Tagatanggap
– bahagi ng panaguri nanagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos na isinasaad ngpandiwa.
Halimbawa:
Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mgabiktima ng sunog.
4.
Kaganapang Ganapan
– bahagi ng panaguri na nagsasaad nglugar na siyang pinaggaganapan ng kilos na ipinahayag ng pandiwa.